HinovelDownload the book in the application

KABANATA 5

“Aly…kasi hmmphhhh” Ito na eh! Ito na yun eh! Pa epal talaga ‘tong lalaking ‘to.

“Ethanmphhhhf” kasalukuyang tinatakpan ni Ethan ang bibig ng kaniyang kapatid. Hindi ko alam kung maaawa ba ko na sunod sunuran siya sa kuya niya o ano eh. Dahil pakiramdam ko, magkasabwat sila!

“Shhhh. Go to your class now.” tumango naman si Coleen sa kaniyang kapatid at nag peace sign lang sa akin bago umalis. Napa irap na lang ako sa hangin. Grabe!!! Panira ka Ethan Salazar! Kahit kalian talaga. Agad ko siyang tinalikuran nang mawala sa paningin ko si Coleen. Dahil ano pa bang mapapala ko dito? Anong gagawin namin? Magtititigan?

“Hey wait.” Hindi ako tumigil, hindi ako lumingon. Bahala ka sa buhay mo. Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit nang binilisan ko pa lalo, bigla naman akong pinagtaksilan ng mga paa ko. Ngayon pa!

“Okay ka lang?” seryoso niyang tanong nang maabutan ako. Nadapa ako. Oo, nadapa ako. Sa lahat ng pagkakataon, sa lahat ng oras, ngayon pa ako nadapa. Sa harap pa ng lalaking kinaiinisan ko.

Napayuko lang ako. Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit. Yung pisikal kong nararamdaman na dumudugo yung tuhod ko, o yung pakiramdam na mapahiya sa harap ng taong kinaiinisan mo.

“Come on.” akma niya sana akong bubuhatin nang tinapik ko yung braso niya.

“Don’t touch me.” sabi ko nang maramdaman kong humihikbi na pala ko. Inangat ko ang ulo. At nakumpirma ko nang hawakan ko ang sarili kong mukha. May luha. Bakit ako umiiyak? Ganoon ba kasakit ‘tong sugat na to?! Argh!

“Don’t be stubborn, Aly.” Marahas ko siyang nilingon sa narinig. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Kitang kita ko ang makinis niyang mukha at mapupulang labi. Hindi siya kaputian, kabaligtaran ng kapatid niya na sobrang puti. Ngunit magkatulad naman ang buhok nilang kulot na mas lalong nakapagpatikas sa itsura niya. Tinitigan ko siya, unang beses niya akong tinawag muli sa palayaw ko. Unang beses pagkatapos ng ilang taong pag-iwas niya.

Dahil sa sobrang abala ko sa pagtitig sa perpekto niyang mukha, hindi ko namalayang nabuhat na pala niya ako. Kasi naman, hindi rin niya ko tinantanan. Nakipagtitigan rin naman siya sakin. Masyadong palaban, akala mo naman.

“How’s is it?” napanguso ako nang marinig ang pakikipag usap niya sa school nurse.

“It’s okay. Nothing serious. We already treated the wound. It should be fine after a couple of days.”

“Alright, thanks.” Rinig ko ang kaswal nilang usapan noong Nurse. Ang ganda ng boses niya. Buong buo. Masyadong ma-awtoridad. Yung tipong kahit mas matanda ka sa kaniya ay ikaw pa rin yung susunod. Kaya nga wala akong nagagawa kapag ako na yung mimamanduhan niya diba? Kasi, hindi ka talaga makakatanggi.

“Kamusta? Masakit pa ba?” Tinignan ko siya. Papalapit siya sa akin. Napaka kisig niya, hindi ko alam na uso na pala ang workout sa ganiyang edad. Ngayong nakikita ko ang kabuuan niya, mas malinaw na sa akin kung bakit niya ako tinanggihan noong nakaraang taon. Naalala ko yung ginawa niya sa akin last year. Naalala ko kung paano ako napahiya sa harap ng maraming tao.

Kung iniisip niyong may gusto ako sa kaniya, WALA. Gusto ko lang magpapansin sa kaniya. Pero, hindi niya ko pinansin noon. Kaya ngayon, nagtataka ako kung bakit? Bakit parang may nagbago?

“Bakit?” wala sa sarili kong tanong.

“Ha?” nagtataka niyang sagot na tanong din.

“Bakit mo ako iniwasan simula noong graduation ko?” bahagya siyang nagulat at sandaling natiligilan. Oo, nahalata kong nagulat siya dahil kilala ko siya. Pero alam kong ayaw niyang ipahalata kaya hindi siya lumihis ng tingin.

“What are you talking about?” Excuses.

“Nevermind. Next question…” huminga ako ng malalim at nag ayos ng upo.

“…bakit kayo nag away ni Liam. Tell me the truth or else—”

“Or else what?” putol niya sa akin. Nahimigan ko ang panghahamon sa kanyang boses. Ako naman yung nagulat. Teka, ako nga yung mananakot eh bakit parang biglang nag back fired?

“Or else… I’ll kiss you.” matapang kong saad. Malakas ang loob ko. Yup, alam kong hindi niya ako gusto kaya matatakot siya. Ngumisi ako nang di siya agad nakasagot. Nakaupo siya sa may dulo ng kamang kanina’y hinihigaan ko. Linapitan ko siya pero di siya nagpatinag. Ni hindi siya gumalaw. Walang senyales ng pagkabahala.

“Do it.” hamon niya. Sandali akong natigilan at kumunot ang noo ko. What? Is he threatening me, or does he actually want me to do it? Napalunok ako nang mapansin ang maliit na distansya namin sa isa’t isa. Ang malalalim niyang tingin na nakapako sa akin.

“Ehem. Nevermind. Next quest—” Mulat na mulat ang mata ko sa gulat nang hapitin niya ang beywang ko. Hawak ng isang kamay niya ang batok ko at kasalukuyang nakadampi ang labi niya sa labi ko. I sat frozen. Hindi ko alam ang gagawin ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko gusto ng kumawala nito sa katawan ko!

Hindi ako gumalaw. At hindi ako gagalaw kaya naman, itutulak ko na sana yung dibdib niyang sobrang lapit sa akin nang maramdaman kong lalo niya pang pinisil ang labi ko gamit ang labi niya at saka siya gumalaw.

That’s when it finally hit me.

Ethan Adrian Salazar is kissing me.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free