HinovelDownload the book in the application

Chapter 8

NINA CHIARA

Lumipas ang isang linggo at natuloy ang meet up na sinasabi nila. Nagkita lang kami dito sa may mall at nagkaroon kami ng oras para mas makilala ko sila at makilala ko silang fans ko. Nakakatuwa kasi hindi ko akalain na magiging ganito ang lahat.

Tapos ang meet up sa isang masayang pamamaalam sa kanila. Mga estudyante rin silang kagaya at mas nagustuhan daw nila ako kaysa kay Jana na sobrang arte na ka love team ni Ethan.

Napatingin ako sa wrist watch ko at alas sais na pala ng gabi , nagugutom na ako kaya pumunta na lang ako dito sa isang restaurant at umorder ng pagkain. Habang naghihintay ay tinext ko si Ate Charen na hindi na ako makakasabay sa kanyang kumain dahil dito na ako sa mall kakain.

Pagkarating ng inorder ko at nanalangin muna ako sandali para magpasalamat sa Diyos para sa panibagong pagpapala at pagkatapos ay nagsimula na akong kumain. Hindi pa ako halos nakakakalahati sa kinakain ko ng biglang may tumawag sakin. Tumingala naman ako para matingnan sya at napatakip ako ng bibig sa nakita ko.

Teka, si Reecee Joshua Ford 'to ah. Anong ginagawa nya dito ? At bat nya ako tinawag ?

"Pwedeng makiupo?" tumango naman ako. Hindi ako makapaniwala, artista itong kashare ko ng table . Grabe !

Nakadisguise sya pero kung titingnan mo sa malapitan ay malalaman mong sya si Reecee ung singer at artista.

"Ikaw si Chiara ,diba? Ung secret girlfriend ni Ethan" natatawa nya pang sabi habang nakatingin sa iphone nya.

Marahil, naiinis sya kay Ethan dahil may gusto si Jana kay Ethan samantalang sya ay hindi man lang magustuhan ni Jana. Sabi sa balita matagal na daw nanliligaw itong si Reecee kay Jana pero hanggang ngayon paulit ulit lang syang binabasted ng dalaga dahil si Ethan ang gusto nya. Pero ayaw naman sa kanya ni Ethan.

"Hindi ah. Hindi nya ako secret girlfriend, sa katunayan hindi naman talaga kami eh" tugon ko habang nilalaro ang straw sa ice tea.

Nakita ko naman ang amusement sa mga mata nya pati sa labi nya dahil napangiti nya.

"Perfect!" biglang bulalas nya dahilan para mapatingin ako sa kanya. Napakunot naman ako noo. Ano bang sinasabi nito?

"Ano bang sinasab-"

"Here's your order sir. Sorry for the wait" at nilapag naman ung mga inorder ni Reecee dito sa table at pagkatapos ay iniwan na kami nung waiter.

"Anong bang sinasabi mo?" tinuloy ko na ang sinasabi ko kanina nung bigla akong inenterrupt nung waiter.

"You fit for the job" nakangiting sabi nya habang kinukuha ung spoon at fork.

"Anong-trabaho?" nakataas ang boses ko .Aba! Ano bang sinasabi nito? Trabaho ? hello, student pa lang ako .

"No. That's not what I meant. Ang ibig sabihin ko ay I will hire you." Nakangiti nya pang sabi. Anong I will hire you? Hindi naman ako naghahanap ng trabaho ha.

"Hire? Ano namang trabaho?"

"Be Ethan's girlfriend. Sorry, be his make-believe boyfriend. Easy enough!" nakangiti nya pang sabi pagkatapos nyang uminom ng coke .

Napasimangot naman ako sa sinabi nya. Ung ginawa ko nga 2 years ago , sakit na nga sa ulo tapos gagawin ko na naman? Ayoko ng mapahiya noh!

"No! It's not easy. Ayoko ng mapahiya noh. Ayoko and there's no thing in this universe that will you make me do it" determinado akong sagot. Anong akala nya? Di ha ! Hindi ako papayad. Hinding hindi.

"You know what" he paused and with that sad look on his face. "It's been 2 years simula nung ligawan ko si Jana and everytime na liligawan ko sya, palagi nya akong pinapahiya. Hindi lang basta pahiya yun dahil lagi nya akong pinapahiya in public kung saan maraming fans nya ang nakatingin. At kung gagawin mo ang bagay na 'to matutulungan mo ako dahil malalaman ng tao na may girlfriend si Ethan at malalaman din 'yon ni Jana kaya lalayuan na nya si Ethan" bakit pakiramdam ko bang sama sama kong tao ?

Pakiramdam ko isa na akong kontrabida sa love story nila kung hindi ako papayag sa sinasabi ni Reecee at isa pa, naaalala ko lang si Ate Charen at si Kuya Jan. Gusto ko kasi masaya ang mga taong nakapaligid sakin kaya sige . Sige, for the sake of love papayag ako.

Nanatili parin syang nakatungo. At parang anytime ay babagsak na ang mga luha nyang nangingilid.

"Kung papayag man ako sa sinasabi mong 'to. Hanggang kelan ako magpapanggap?" nakataas kilay kong sabi, Syempre, para kapanipaniwala. Artista kaya 'tong kaharap ko.

"Hanggang sa sagutin ako ni Jana" nag-angat na sya ng tingin sakin with that hope in his eyes.

"ANO? Kelan naman yun? Diba matatagal pa 'yon?"

"Hindi ah. Kapag sinabi mo ng ikaw ang girlfriend lalayo na si Jana at sasagutin na nya ako"

Grabe! Hopeless romantic din pala 'tong kaharap ko.

Teka, wait lang. Papayag ba talaga ako? Hindi kaya ako magsisisi dito sa gagawin ko? Pero malungkot sya at mahal na mahal nya si Jana.

Napatampal ako sa noo ko.

"Sige na. Payag na ako" nakita ko naman syang ngumiti at nagawa pa nga nyang tumayo at nilapitan ako at niyakap ng mahigpit.

"Thank you"

At pagkatapos non ay pinag-usapan na namin ung tungkol dun sa sweldo , etc . Sabi nya panindigan ko daw ang pagiging girlfriend ni Ethan at kapag pinagtutulakan daw ako mas lalo ko daw lapitan.

Ano 'to ? Natutuwa ako pagpinagtulakan? Hindi ako manhid noh! Tapos all in all bibigyan nya daw ako ng schedule ni Ethan . Ung 24/7 schedule nya. Para daw kahit saan kasama ko sya.

Like hello! Nag-aaral kaya ako.

"Hoy, estudyante ako!" mataas na tono na ng boses ang ginamit ko. Naiinis na ako sa lalaking 'to. Naglalakad na pala kami ni Reecee papuntang parking lot. Sabi nya sya na daw ang maghahatid sakin .Aba! Dapat lang, ako ang pahihirapan mo sa pinagagawa mo sakin pero okay na siguro dahil trabaho na 'tong binigay nya sakin. Pera na 'to chong! Haha.

"Bakit kami ba hindi?" ngiting asong tugon nya. Mukha syang pitbull .Haha.

"Ewan . Malay mo sa kulungan ka ng aso?" at nagtatawa ko pang sabi. Nakatingin lang sya sakin ng masama at pagkatapos ay nakitawa na rin. Nakakatuwa naman pala 'tong kasama , magkakasundo kami nito.

"Kidding aside. Edi lumipat ka sa school namin" sabi nya habang kinukuha ang susi mula sa bulsa nya. Nandito na kasi kami sa tapat ng sasakyan nya.

"Parang madali lang 'yon. 4th year high school na kaya ako, remember?"

"Kami ba hindi?" nang-aasar ba ang isang 'to?

"Basta" pagmamaktol ko dito. Nakakainis naman kasi.

"Kung iniisip mong wala kang kaibigan. Edi palipatin mo rin ung kaibigan mo, ung lagi mong kasama sa picture. Ung photobomber" natatawa pa nyang sabi. Napangiti ako. Mukhang tagasubaybay ko rin 'to ah.

"Ayiie. Follower ba kita? Bakit alam mong may kaibigan akong photobomber?" nakangiti kong sabi. Hindi ko lang matagal sa mukha ko ung ngiti. Pasensya na.

"Simple. I always stalk your profile. Dahil bagay talaga kayo ni Ethan"

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free