Nilibot ko ang aking paningin. Totoo ba 'tong mga nakikita ng mga mata ko ngayon? Nasa isang napakagandang hardin ako ngayon na punong puno ng mga bulaklak na masasabi kong hindi mo dito sa pilipinas matatagpuan.
Naglakad na rin ako at inilandas ang kamay ko sa bawat bulaklak dito sa paligid ko. Napaganda. Parang isang napakagandang panaginip ang lahat. Isang panaginip na kahit kailan ay ayoko ng muling magising.
"Mahal .." hinahanap ko ung pinanggalingan ng boses. Umikot ako para makita kung sino ung nagsalita pero hindi ko sya makita at parang sa isang iglap nakatayo na sya sa may unahan.
Hindi ko makita ang mukha nya dahil nakatalikod sya. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit agad akong tumakbo at nung nasa tapat ko na sya at niyakap ko sya ng mahigpit. Isang mahigpit na yakap na nagsasabing 'Maraming salamat at nandito ka'
Naramdaman kong bumawi rin sya ng yakap dahilan para may mga ngiting gumihit dito sa 'king mga labi.
"Mahal .." nag-angat ako ng tingin sa kanya. Pero ang nakakabigla ay hindi ko maaninag ang mukha nya. Anong meron at hindi ko makita ang mukha nya? Bakit blurry ang mukha nya pero ang katawan nya malinaw pa sa sikat ng araw.
Sino sya ?
"Sino k—" hindi ko pa natatapos ang pangungusap na sasabihin ko ng basta na lang nya nilapat ang labi nya sa labi ko. Napapikit sya para maramdaman ng maigi ang pagkakalapat ng mga labi namin sa isa't isa pero ako nanatiling nakamulat ang aking mga mata.
Hihiwalay na sana ako ng halik na 'yon ng bigla nya akong hinila papalapit sa kanya dahilan para mas lalong lumalim ang halik. Wala rin sa sariling napapikit ako.
Tell me ... sino ba talaga 'tong lalaking kahalikan ko?
At bakit nya ... kinuha ang first kiss ko?
"Wake up, already!" agad akong napamulat ng mga mata ng may narinig akong malakas na sigaw. Nilibot ko ang aking paningin at isang panaginip lang pala ang lahat. Hindi totoo ang lahat dahil hanggang ngayon ay nandito parin pala ako sa kotse ng lalaking 'to na nuon ay minamahal ko pero ngayon kinaiinisan ko na. Aish!
Sinimangutan ko lang sya. Naalala ko na naman kung bakit ako nandito sa kotse nya. Nag-cross arms pa ako para mas lalong bumagay.
"Ibalik mo ako ng school" utos ko sa kanya dahil napansin kong wala na kami sa school at nasa open ground na kami. Ano ba 'tong lugar na 'to?
Saan ba ako dinala ng lalaking 'to?
"Ayoko" madiin nyang saad dahilan para uminit ang ulo ko. Aba't talaga 'tong lalaking 'to. Ginigigil ba ako nito?
"At bakit?" pagmamaldita ko. Tinaasan ko pa sya ng tingin habang nakacross arms pa ako at pagkatapos ay inirapan ko pa sya. Nakakainis ang lalaking 'to.
"E, sa ayaw ko ,e" hindi ko alam kung nagpapatawa ba ang isang 'to o ano dahil lalo lang akong naiinis sa kanya at hindi ako natutuwa.
"Kung ayaw mo, edi bababa na ako" pagkatapos kong sabihin ay pilit ko ng binubuksan ang bintana nitong kotse nitong lalaking 'to. Pero, mukhang inaasar talaga ako nito dahil nakalock.
"Ugh! Nakakainis ka!" i shouted at the top of my lungs that cause him to laugh. Anong nakakatawa ?
"Ginusto mo 'to kaya panindigan mo" madiin nyang sabi. Nilingon ko naman sya at sinamaan ko sya ng tingin. Malapit na sa boiling point ang pagkakakulo ng dugo ko.
"For someone's sake, hindi ko ninais na maging ganito ang lahat. Back then I was just some hopeless romantic na umaasang magiging boyfriend ko ang isang artista na kagaya ng isang Nicholas Ethan Evans ..." nanatili lang syang nakatingin skain at nakikinig. Hindi ko alam kung anong nararamdaman nya ngayon dahil blanko ang ekspresyon nya.
"I'm so proud of my fantasy that I even broadcast it to the whole world for them to know that I am yours and you are mine. Everyone believed in that lie .. even myself. For 2 years , I declared and claimed that I am your girlfriend .." hindi ko alam sa sarili ko kung bakit sinasabi ko itong lahat sa lalaking kinaiinisan ko. Marahil siguro sa awa ko sa sarili ko?
"But fate slapped me hard on the face. The truth hurts even you know it. You're right that time. You don't know me. You don't even see me in your life. Because who am I anyway? I'm just a fan which you turned into a hater of you. I loved you before ..." at nagsimula ng bumagsak ang mga luha ko. Napatawa pa ako ng mapakla. Hopeless na hopeless romantic ang dating ko ngayon.
"But now ... I don't really know anymore –" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng biglang nilapat ni Ethan ang labi nya sa labi ko. Napapikit ako ng dinama ang labi nya sa labi ko. We stayed that for about 5 seconds hanggang sa naramdaman ko na lang na gumalaw ang labi ni Ethan which cause me to respond to his every move.
Hindi ko alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko pero .. kakaiba e. I felt this feeling before. I felt this feeling before nung make-believe boyfriend ko pa sya. Nung mga panahong palihim akong pumunta ng school nila para lang makita sya. Ganito ang feeling na 'to pero nakakapagtaka kung bakit nararamdaman ko 'to ngayon?
Nung kumalas sya ay parang may milyong milyong mga kabayo dito sa may dibdib ko ang ayaw tumigil sa pagtakbo. Nahihiya ako sa kanya kaya nag-iwas ako ng tingin.
Nakatingin lang ako dito sa may side ng maramdaman kong nagsimula ng umandar ang sasakyan. Gusto ko syang lingunin pero hindi ko magawa. Nahihiya ako. Baka makitang namumula ang mukha ko.
Hindi ko na lang pinansin ang thought na 'yon at nanatili na lang sa ganitong posisyon na nakatingin dito sa may side . Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko at napangiti ako. First. First kiss ko 'yon.
Kinuha nya ang first kiss ko pero bakit masaya pa ako?
Kinuha ng lalaking mahal ko ang first kiss ko. Hindi ko alam kung dahil na rin ba sa halik na pinagsaluhan namin ang naging dahilan kung bakit parang biglang nalusaw ang galit at inis na nararamdaman ko para sa kanya.
Tuluyan na ba talaga akong nahulog sa charm nya?
DUMATING ang araw na pinakahihintay ni Reecee. Ang araw natutulungan ko sya. Tinanong namin sya ni Allison kung bakit bigla na lang syang nawala at hindi na muling nagpakita nung araw na pumunta kami ng school nila pero hindi kami sinagot ni Reecee bagkus ay ngumiti sya pero alam naming may hidden story sa ngiti nyang 'yan dahil kahit nakangiti sya ay alam mong deep inside ay malungkot yan.
Hindi ko rin sinabi sa kanilang dalawa ang nangyari nung nakakaraan. Ung halik na 'yon. Ayokong sabihin dahil ayokong sabihan nila akong nag-a-assume lang ako.
Marahil tama nga sila sa sinasabi nila. Dahil pagkatapos nun ay parang bumalik na si Ethan sa dati. Basta na lang nya akong iniwan sa daan nung araw na 'yon. Akala ko pa naman magiging mabait na sya dahil hinalikan nya ako pero nagkamali ako. Hindi parin pala sya nagbabago.
Siguro ay wala lang talaga para sa kanya ng kiss na 'yon. Artista sya kaya siguro sanay na sya na maraming babaeng mahalikan.
"Pupunta ka sa school mamaya at pupuntahan mo si Ethan sa class room .." pagpapaliwanag ni Reecee. Habang si Allison naman ay tangu lang ng tangu habang kumakain ng egg tarts.
"Siguraduhin mong maganda ka mamaya dahil ipapakita mong ikaw talaga ang may karapatan kay Ethan. Gumawa ka ng eksena para lang magdate kayo dahilan in that way pinapakita nyong kayo talaga" sabat naman ni Allison habang patuloy parin sa pagkain ng egg tarts. Pasimple namang kumuha si Reecee ng egg tarts mula sa paper bag nito at dalawang tumango.
Napatigil naman ako sa paghigop sa iniinom kong caramel sundae. Kaya ko ba ang sinasabi nila? Nung nakakaraan ngang hinalikan nya ako hindi ako nakapagsalita ngayon pa kayang gagawa daw ako ng eksena para makapagdate kami ni Ethan.
"At girl, siguraduhin mong ipapakita mo kay Jana mahadera para magselos ang loka at sagutin na si best Reecee" sabi naman ni Allison nakangiti pa talaga sya.
Nandito kasi kami sa coffee shop ni Ate Charen. Half day ang pasok namin ni Allison dahil may biglaang teachers' meeting samantalang ito namang si Reecee ay may guesting na pinuntahan dahilan para hindi sya makapasok kaninang umaga.
"Ibig sabihin, magpapakitang tao ako?" tumango tango na lang si Allison habang kumukuha ng egg tart sa paper bag nito samantalang si Reecee naman ay umiinom ng inorder nyang Latte kanina.
NANGINGINIG akong nakatayo dito sa may tapat ng room nila Ethan. Sabi kasi ni Reecee ay dito daw ang class room nila Ethan at kaklase daw nito si Jana. Hindi ko alam kung kakatok ba ako o ano. Kinakabahan talaga ako. Ano na lang sasabihin nya sakin?
Natatakot ako.
Napapansin ko ring kanina pa ako pinagtitinginan ng mga estudyante dito. Mga artista din sila pero hindi ko halos makilala ung iba dahil mula sa iba't ibang tv stations sila galing. Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin nila sakin at nanatili lang ako ditong nakatayo.
Alam ko ring pinag-uusapan na ako ng mga babae dito. Isa na dito si Ricka Mica Buena, isang teen idol at kahit magka-edad lang kami ay marami na syang album na halos hindi mabilang kung ilang tao na ang bumili sa sobrang dami kasi ng fans nya. Hindi ko alam na dark side din pala ang isang 'to.
Hindi ko na lang sila pinansin at naglabas na lang ako ng isang buntong hininga. Kanina pa ako natayo rin at hanggang ngayon ay hindi ko parin nagagawang kumatok sa may pinto. Muli akong nalabas ng buong hininga at sinabi sa sarili.
"Bahala na" pagkatapos kong sabihin 'yon ay may nagbukas ng pinto. Natigilan ako dahil ang daming matang nakatingin sakin. Sa sobrang paka- star struck ko hindi ko na napansin yung sinabi ng teacher na sya pa lang nagbukas ng pinto.
"Yes? May kailangan ka, miss?" tanong nung teacher dahilan para magbalik ako sa planet earth. Muntikan na kasi akong maluhod sa milky way galaxy dahil sa naparaming stars ang nandito.
"Pu-pwde po bang ..." nanginginig ang mga tuhod ko. Kinakabahan ako. Nakatingin kasi sakin ng seryoso ang teacher na 'tong nasa harapan ko pati na rin ang mga estudyanteng nakaupo sa kani-kanilang mga upuan. Mukhang naka-istorbo pala ako ng nagka-klase. Nakakahiya.
"Ano?" masungit na tanong nung teacher. Nagsisis ako na pumayag ako sa sinabi ni Reecee. Madali lang pala sa salita, mahirap sa gawa.
"A, ano po. Pw-pwede ko po bang makausap si Nicholas Ethan Evans?" pinilit kong huwag manginig pero hindi ko kaya dahil mismong katawan ko ang tumatraydor sakin.
Nakita ko namang nagtaas ng kilay ang ibang kababaihan at ung iba naman ay nagbulong bulungan , well kung bulong bulungan mo pang maitatawag 'yon dahil rinig na rinig ko. Ang lakas ng boses ng pagbubulungan nila.
Iginala ko na rin ang paningin ko. Umaasang tama nga ako at nandito si Ethan . Tama nga ako at nandito rin ung mga lalaking sabi ni Darren ay kaibigan daw sila ni Ethan at syempre kagaya ng inaasahan ay nandito rin si Jana na ngayon ay nakairap sakin. Ang ganda nya a, take note of the sarcasm.
"Anong pag-uusapan nyo?" mataray na tanong sakin ng teacher nilang babae. Napakamot naman ako ng ulo. Sasabihin ko pa dito sa teacher nila?
Pero sige, tinatanong nya e, at dahil sa mabait akong bata sasabihin ko. Binuka ko na ang bibig ko at magsasalita na sana ng may biglang nagsalita mula sa galaxy of stars.
"Ma'am, mawalang galang na po at mukhang kailangan ng girlfriend ni Ethan na makausap ang boyfriend nya." Napalingon ako dun sa nagsalita. Teka, si Darren un a.
Sinabi naman ng teacher na lumabas na daw kami ni Ethan para daw makapag-usap pero alam ko nanggigigil ung teacher nila sakin dahil sa ginawa kong pang-iistorbo ko sa klase nila. Napatampal na lang ako ng noo.
"O, bakit ka nandito?" walang ganang tanong nito?