HinovelDownload the book in the application

Chapter 2

"What about him?" tanong ko sa kanya habang may kinukuha ako sa bulsa ng bag ko.

"Don't you get it? Hindi naman talaga kayo pero sinasabi mong kayo at 2 years na kayong mag on? Ano ka, secret girlfriend? Oh please!" hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya at pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko. Baka malate pa ako, mahirap na.

"Chiara, ano ba!" tumigil ako sa paglalakad nung tinawag nya ako.

"What?" medyo iratado kong tanong sa kanya. I get it okay, hindi tama ang ginagawa ko.

Pinuntahan nya muna ako bago sya muling magsalita. "Chiara, it's been 2 years since you're doing that. Hindi ba mas maganda kung ititigil mo na yan at start living a life, hindi naman si Ethan ang araw at ikaw ang solar system. Clearly, the solar system don't rotate on him" napatungo naman ako sa sinabi nya. Maybe, she's right and I'm wrong. Hindi ko naisip ung sinabi nya, until now.

"Pag-isipan mo ung sinabi ko. I'm only saying this para mapabuti ka" pinat nya muna ang balikat ko at pagkatapos ay umalis na sya.

Umupo muna ako sa pinakamalapit na bench at nagpost ng another update sa Instagram. I took a selfie and add a caption:

Totally missing my Ethan baby. If only they would understand #MissingYou

At pagkatapos ay pinindot ko rin ung link para mapost din sa other social media ko. Pagkatapos kong gawin 'yon ay tinago ko na lang ang phone ko sa bulsa ko at naglabas ng isang buntong hininga.

Siguro nga, mas mabuti kung itigil ko na tong ginagawa ko. Muli kong kinuha ang phone ko sa bulsa at muling inopen ang Instagram account ko. At pinagmasdan kung ilan karami ang followers ko. 2 years ago, hindi naman ganito karami ang followers ko pero simula nung inannouce ko sa mundo na kami ni Ethan, my Instagram followers keeping growing every single day.

Nakakahinayang naman. Sa dalawang taon na 'yon, naging masaya ako.Nagpo-post ako ng mga stolen pictures nya at ine-edit ko sa photoshop para ipakitang magkasama kami tapos lalagyan ko ng caption na Loving him and loving life #Forever. Kahit hindi naman talaga kami.

Naging isang stalker ako para lang ipakita sa tao na mahal na mahal namin ang isa't isa kahit hindi naman talaga. Kaya siguro, ito na talaga ang tamang panahon para itigilan na ang kalokohan kong 'to at mabuhay na lang kagaya ng mga normal na tao.

Tumayo na ako at muling tinago na ang phone ko sa bulsa ko at pumasok na ako sa class room. Pagkatapos ng ilang subjects ay lunch time na kaya pumunta na kami ni Allison sa canteen pero mukhang napansin nyang malungkot ako.

"O, anong nangyari, bakit malungkot ka?" nagpout na lang ako at pabagsak akong umupo dito sa may upuan. Mukha namang nabigla si Allison sa ginawa ko pero pinagwalang bahala na lang nya 'yon at nilapitan nya ako sa upuan.

"Allison, mukhang hindi ko pa kaya" parang bata kong tugon. At pagkatapos ay tumungo ako dito sa may table.

"Anong hindi mo kaya?" nakakunot noo naman nyang tanong.

"Hindi ko kayang makipagbreak sa kanya. 2 years ding naging kami, masakit para saking makipaghiwalay. Ayoko syang iwan dahil alam kong masasaktan sya" mukha namang nainis si Allison sa sinabi ko kaya agad nya akong hinila dahilan para matingnan ko sya.

"Ano bang sinasabi mo?Makikipagbreak? Masasaktan sya? Oh C'mon ! Earth to Chiara, parang nakalimutan mo ng make-believe lang ang lahat. Hindi mo sya tunay na boyfriend, walang kayo. As in wala." at pinamukha nya pa sakin ang salitang wala. Kaya mas lalo akong nasasaktan. Tumungo na lang ako dahil nangingilid na ang mga luha ko, mahirap na.

"Oh, ano na naman 'to? Iiyak ka? Parang sa pag-iyak mo, mapapansin ka nya? Hindi noh! Wala syang paki sayo. Isipin mo na lang ha--" hindi ko na lang pinansin ang mga pinasasabi nya dahil panigurado masasktan lang ako.

Masama bang magmahal ka ng isang tao na wala naman talagang pag-ibig sayo? Masama bang gawin mo syang make-believe boyfriend mo?

Kaya nanatili na lang akong nakatungo ng maramdaman kong biglang nag-vibrate ang phone ko dahilan para kunin ko 'yon sa may bulsa ko. May isang notification kaya inopen ko 'yon at nung pagkaopen ko. Literal akong napanganga dahilan para kumunot ang noo ni Allison at tumigil sya sa panenermon at lapitan ako.

"Ano naman 'yan?" nagsalita ako pero walang boses ang lumalabas sa bibig ko. Sobra kong saya, biruin mo nag-email lang naman sakin ang isang network ung pwede daw ba akong mag-guesting sa kanila.

"Ano?" nakakunot noong tanong nito. Pasensyahan nyo na si Allison sadyang masungit lang talaga yan.

"T-tingnan mo na lang kaya" at pinakita ko sa kanya ung message. Inagaw naman nya sakin ung phone ko at binasa ung nakasulat dun at pagkatapos ay nagtitili sya.

Sa sobrang lakas ng pagkakatili nya ay pinagtinginan kami dito sa may canteen. Kaya syempre para makaiwas sa gulo ay sinabi ko na lang wala lang 'yon. Nakakahiya kaya. Kung makatili naman si Allison, masyadong wagas.

"O.M.G. Totoo ba ang nakikita ng mga mata ko ngayon? Hindi ba ito nagbibiro o sadyang niloloko lang ako ng mga mata ko?" napakunot naman ako ng noo sa sinabi nya. At basta na lang inagaw ung phone ko dahil baka any minute ay mabitawan nya, mahirap pa naman kapag masaya yan, hindi na kayang pigilan ang sarili. Sa sobrang hindi na nya napipigilan ang sarili, nakakahiya mang ikwento minsan ay nagwawala na yan sa sobrang kasiyahan.

"Kung nagloloko o nagbibiro ako edi sana hindi ako napanganga kanina" napakamot pa ako ng batok. Hindi ko na lang sya pinansin at pumunta na ako dun sa may counter para umorder ng makakain, kanina pa kami dito pero hindi pa kami kumakain. Ano ng silbi ng canteen kung hindi naman kakain ang pupunta dito, diba?

"Chiara, naman eh! Gusto ko lang naman malaman kung totoo or sadyang scam, alam mo naman ang panahon ngayon diba? Marami ng scams" sabi nyang nung sumunod sya sakin at umorder na rin ng pagkain nya.

Nung naka-order na kami ay umupo na kami dun sa table namin kanina. Mabuti na lang talaga at kakaunti lang ang mga tao ngayon, I wonder kung nagpapapayat kaya ung iba or sadyang tinatamad lang pumunta ng canteen. Well.. meh! Hindi ko naman problema yun kaya hindi ko kailangang problemahin.

Nagsimula na kaming kumain ni Allison. Pero dahil nga sa hindi ko mawarian kung ano ba o sadyang excited lang si Allison tungkol dun sa email ay buong panahong kumakain kami ay panay tanong sya ng tanong. Syempre ako naman puro hindi ko alam ang sagot ko. Aba! Malay ko diba, ngayon lang naman yan nag-email sakin.

"Chiara, naman kasi. Sabihin mo na ang totoo" pangungulit nya. Halos paubos na ang pagkain ko pero sya konti pa lang ang nababawas dahil sa kakulitan nya.

"Ano ba? Alin ba sa sinasabi ko ang hindi totoo? Sinabi ko naman sayo na hindi ko alam. Ngayon lang sila nagemail saki-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng biglang nagvibrate ang phone ko. Hindi ko na sana papansinin 'yon dahil akala ko nung una ay simpleng text message lang pero nagkamali ako. Isa itong call at from unregistered number. Nakatitig lang ako sa screen ng phone ko kung sasagutin ko ba ung tawag o hindi.

Baka kasi, kung ano diba? Baka manloloko o sadyang mga malalakas lang ang trip.

"Oh, bat di mo sinasagot?" napalingon naman ako dito sa babaeng makulit na 'to. Kanina lang masungit 'to tapos ngayon makulit na. Hays, walang pinagkaiba sa awtor, parehas weird.

Sabi nya 'yon habang ngumunguya. Kakaiba talaga!

"Chiara, sagutin mo na. Baka yan na yung network" nagpalipat lipat ang tingin ko sa screen ng phone ko at sa pagmumukha ni Allison, sasagutin ko ba o hindi ?

Baka kasi manloloko lang at pagtripan ako. Baka isa lang 'tong prank caller o ano. Ano ba! Sasagutin ko ba 'to o hindi ?

"Oh, for crying out loud ..." at sa hindi ko inaasahan ay biglang hinambot sakin ni Allison ang phone ko at agad nyang sinagot ang tawag.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free