Lumipas pa ang ilang mga araw at dumating na rin ang araw ng prom namin. Nakakatuwa at pinayagan ako ni Direk na absent muna ako sa set dahil sa prom night namin, tapos ang balita ko ay sabay pa daw ang araw na 'to sa prom night din ng school nila Ethan.
A-attend kaya sya sa prom night nila? Malamang a-attend sya tapos may ka-date syang isang napakagandang babae. Isang napakagandang babae, ano bang panama ko sa babaeng 'yon ?
"Let me guess, insecure ka dahil baka may ibang ka-date si Ethan,right?" tanong sakin ni Allison habang inaayos ang buhok ko. Nandito nga pala kami sa bahay at dito na rin kami nagbihis para sa prom ngayong gabi.
"Wala namang masama,diba?"
"Ano? Ano ba yan? Diba ang sabi mo nun na payag na si Ethan na maging boyfriend mo sya,diba" Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo at pwesto malapit sa may bintana samantalang si Allison naman ay sinundan lang ako.
"Payag sya dahil pinilit sya ni Kuya EJ pero he never treat me like his girlfriend. Halos everyday sa set, sa likod ng camera para lang akong hangin para sa kanya. Let's just face it, He don't like me" maungkot kong saad dahilan para lumungkot din ang mukha ni Allison.
Pumunta kami ni Allison ng prom ng walang ka-date, okay lang naman. Malay mo diba, may magkamaling magyaya saking sumayaw.
Buong panahon ay nakaupo lang ako dito samantalang si Allison ay lahat ng lalaking mag-aaya sa kanyang magsayaw ay pumapayag sya, sabi pa nga nya sayang daw at wala si Reecee .
Halos maghahating gabi na ng may isang lalaki muling nag-aya saking magsayaw. Pero kagaya nung mga nauna ay balak ko rin syang i-reject dahil ayokong nagsayaw, siguro nandito ako para maging masaya at makita si Allison na masaya. Hindi parin kasi nawawala sa isipan ko ung sinabi ni Ethan nun na mas pipiliin nya pa ang mg kaibigan nyang makasama kaysa sakin.
Maaaring iniisip ko kaninang may makaka-date sya sa prom nila pero mas nananaig ang lungkot ko tungkol sa sinabi nya.
"May I da--" hindi nya pa natatapos ang sentence nya ung sinabi kong hindi pwede. Akala ko ay aalis na sya pero nagkamali ako dahil tinanong nya muli ako dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kanya at halos naging madiin ang kapit ko sa bangkuang inuupan ko ngayon.
"Da-darren?" halos nabubulol kong bigkas ng pangalan nya.
"A-anong--" tanong ko na sumabat naman sya.
"I'm here to say sorry. Sana kalimutan mo na lang ung mga sinabi ko nun. I like you so much na ayoko ng ganito na hindi tayo nagpapansinan kaya kung mamarapatin mo, can we be friends again?" nakita ko ang sinseridad sa mga mata nya.
Tumayo na ako at niyakap sya ng mahigpit as a sign na payag na ako muling maging friend nya na nasira dahil lang sa issue na 'yon. Bumawi rin sya ng yakap at pagkatapos ng ilang segundo at kumalas na ako ng yakap. Kitang kita ko ang tuwa sa kanyang mukha.
"Pwede na ba tayong sumayaw?" at nilahad nya ang kanyang kamay. Napangiti naman ako at tinanggap yon. Pumunta na kami sa may gitna at nagsimula ng sumayaw.
Akala ko hindi magiging masaya ang araw na 'to pero nagkamali ako. Magiging masaya rin pala 'to.
NICHOLAS ETHAN'S POV
Nanunuod lang ako ng tv habang kumakain. Ngayon ang araw ng prom at wala ako sa school. Ayoko lang makakita ng mga magboyfriend-girlfriend na masaya.
"Wala ka bang balak na pumunta sa prom?" sandali ko namang nilingon si EJ na nakapasok na pala dito sa condo ko ng di ko napapansin. Marahil dahil na rin sa sobrang lakas ng volume ng tv.
"Para saan pa?" at pagkatapos din ng ilang segundo ay binalik ko na sa tv ang atensyon ko. Nagsimula na rin akong magbrowse ng mga channel.
Hindi ba nagsasawa ang mg news achor sa kababalita tungkol samin ng babaeng 'yon? Nakakainis na a! Halos sa araw araw na lang ay suki na ata kami ng babaeng 'yon sa balita sa tv.
Kesyo marami daw fans ang masaya dahil sa natupad na daw ang pangarap nila . Hindi ba naisip ni Chiara na sa ginawa nya ay inagawan nya ng trabaho si Jana?
"Para maging escort ni Chiara" halos naibuga ko na sa tv ung soft drink na iniinom ko dahil sa sinabi nya. Nilagay ko sa may tv ung soft drink at saka tumayo.
"Are you dead serious?"
Ang akala ko'y magagalit sya ay nag-iba. Imbis na magalit sya o tingnan ako ng masama ay natawa pa sya sa sinabi ko at pinat ang balikat ko.
"Believe me, brother kailangan ka ni Chiara. And don't ever waste time dahil hindi mo na maibabalik ang nasayang na oras. Malay mo, kapag di ka nag-ingat mapunta pa sya sa iba" at pagkatapos nun at iniwan na ako ni EJ.
Ano bang sinasabi ng lalaking 'yon ?
NINA CHIARA'S POV
"You know what, Ethan so lucky he have you" nakangiting sabi ni Darren dahilab para malungkot ako.
"I'll you the truth, Darren dahil kaibigan ka ni Ethan." I paused at unti unting inangat ko ang tingin ko, just to face Darren."Ethan and I are--" hindi ko natapos ang sinasabi ko ng may magsalita.
"Lovers." parehas kaming napalingon dun sa nagsalita.
"Ethan" sabay naming bigkas ng pangalan nya pero hindi na lang yon pinansin ni Ethan at basta na lang nya inagaw ang kamay ko kay Darren dahilan para kami na ang magkasayaw.
Nakatingin lang ako sa kanya. Grabe! Gusto ko syang tanungin kung bakit nandito sya pero bakit di ko magawa pakiramdam ko nauurong ang dila ko.
Napapaiwas naman ako ng tingin kapag nagkakatinginan kami. Ugh ! Awkward.
"Chiara .." bigkas nya sa pangalan ko.
Sobra akong na-consious nung tinawag nya ako dahilan para medyo maging malakas ang tono ng pananalita ko.
"Sorry" napapahiya kong sabi. Napatungon naman ako. Nakakahiya kaya.
"Sorry sa lahat ng sinabi ko sayo. Gusto ko sanang magstart tayo ... as friends." para akong nabingi. Tama ba ang narinig ko ?