HinovelDownload the book in the application

Chapter 13

DARREN THOMAS

Nagpaalam na sila samin at sa hindi ko malamang kadahilan ay natagpuan ko na lang ang sarili kong nakangiti habang pinapanuod ko silang papalayo. Hindi naman siguro masama kung ligawan ko sya, diba? Dahil nung nakakaraang buwan sinabi ni Ethan na wala naman silang relasyon at hindi nya kilala si Chiara.

"Crush mo?" nakangiting asong tanong sakin ni Cloude. Hindi ko na lang sya pinansin at nilagpasan ko na lang sya. Nakita ko namang nakatingin sakin si Jess with that wierd smile in his face.

"Just admit it. Kung hindi mo inamin kay Thower well siguro maaamin mo sakin. And by doing that you finally admit to yourself na mas valuable ako kaysa dyan sa kakambal ko" tiningnan ko lang si Jess na walang emosyon and plain. Wala namang mangyayari sakin kung sasali pa ako sa issues nilang kambal.

Nilagpasan ko na lang sila at nilapitan ko na lang si Zian na abala parin sa pagbabasa ng kasing kapal ng encyclopedia na binabasa nyang libro. Napansin naman ako ni Zian at mukhang naintindihan nyang niyayaya ko na syang sabay sabay na kaming umuwi.

Napansin din ito ng kambal at nagsimula na rin kaming maglakad.

"Hindi ka ba maaawa sa sarili mo? You're such a desperate guy" at sinampal pa nung babae nung lalaki. Hindi na lang namin pinansin ang nangyayaring 'yon at pinagpatuloy na lang namin ang aming paglalakad.

NINA CHIARA

Kanina pa kami tumitingin sa wrist watch namin ni Allison at hanggang ngayon ay wala parin si Reecee. Aba't nalaman na nami't lahat na wala naman pala ngayon sa school si Ethan tapos hanggang ngayon wala parin itong si Reecee.

Pagkaalis kasi namin kanina sa may main gate ng school ay dumiretso na kami dito sa may parking lot, umaasang makikita namin dito si Reecee pero hindi, wala sya dito. Nakakasama lang ng loob.

"Matagal pa ba?" parang batang saad ni Allison pagkatapos nyang isubo ang pinakahuling potato chip. Tingnan ko na lang sya at kinuha ko na ang iphone ko sa bulsa, matawagan na lang kaya si Reecee para kahit papaano ay malaman namin kung nasaan sya at kung matatagalan sya.

Malay mo ,dito bukas pa sya uuwi at sadyang pinarking nya lang ang sasakyan nya dito sa school ng hindi sinasabi samin,diba. Dinaial ko na ang number ni Reecee at hinintay kong sagutin nya ang tawag.

Nakailang ring ito pero hindi nya sinasagot. Inulit ko ang tawag pero ganun parin. Ano kayang nangyari sa isang 'yon.

"Oh, wala pa ba?" tanong ni Allison. Napalingon naman ako sa kanya at umiling iling na lang.

REECEE JOSHUA

"Hindi ka ba maaawa sa sarili mo? You're such a desperate guy" at pinagsasampal lang ako ni Jana. Hindi ko sya pinigilan, mahal ko sya kaya kahit sinasaktan nya ako kakayanin ko. Gagawin ko lahat para lang mahalin at magustuhan nya rin ako. Kung ang pagsampal nya sakin ang maging dahilan para magustuhan nya ako, papayag ako ng buong buo kahit masaktan ako ok lang basta mahalin nya lang ako.

"I don't care, diba ganun naman pag nagmamahal ka" tugon ko sa kanya. Tumigil naman sya sa pananampal sakin at mapakla akong tinawanan.

"For crying out loud Reecee! Will you just grow up? Ilang taon na bang paulit ulit ang ganitong eksena? Hindi ka na ba nagsasawa? Hindi ba marerehistro dyan sa utak mong hinding hindi kita magugustuhan at tanging si Ethan lang ang nakatadhana sakin." Natigilan ako sa sinabi nya.

Masakit parin palang marinig ang mga salitang 'yon dun sa taong mahal mo. Gusto kong umiyak pero hindi ko gagawin dahil kung isa lang 'tong pagsubok ni Jana ay tatanggapin ko ng buong buo. Kahit physically at emotionally nya akong saktan okay lang. Mahal ko sya at kaya kong tanggapin ang lahat ng sakit masuklian nya lang ang pag-ibig ko sa kanya.

"Oh, diba? Masakit ang katotoohan? Kaya por pabor lang iwasan mo na ako" at pagkatapos nun ay basta na lang nya akong iniwan. Narinig ko pa syang tumatawa habang papalayo sya at narinig ko rin syang bumulong ng 'Pathetic'

Hindi ko na lang pinansin 'yon at walang buhay na lang akong naglakad sa may kung saan. Parang hindi ko pa kasi kayang umuwi, pakiramdam ko lalo lang akong masasaktan dahil pag-uwi ko lalo kong mare-realize na sinaktan na naman ako ng babaeng mahal na mahal ko.

Naramdaman ko na ring maka-ilang beses nagvibrate ang iphone ko sa may bulsa ko pero hindi ko pinansin 'yon. Masyadong akong nasaktan para pansinin pa ang mga bagay na wala naman talagang halaga.

NINA CHIARA

Nakailang tawag ako kay Reecee pero hindi nya sinasagot kaya napagdesisyunan na lang namin ni Allison na magcommute na lang pauwi. Nagugutom na rin kasi kami.

Nagtaxi na lang kami at diretso na lang akong nagpahatid dun sa village namin at ganun din ang ginawa ni Allison.

Pagkababa ko ng taxi ay nagpaalam ako kay Allison at pagkatapos nun ay pumasok na ako ng bahay. Nakita ko naman ang nakangiting mukha ni Ate Charen habang may kausap sya sa iphone nya.

Mukha namang napansin nya ako kaya sandaling may sinabi sya sakin.

"Thank you" sabi nya. Napangiti na lang ako. Nung araw kasing sinabi ko kay Ate Charen na kilala ko na si Kuya Jan or mas kilalang Manager Earl ay sinabi ko ito kay Manager Earl tapos ang ginawa ni Manager Earl ay kinuha sakin ang number ni Ate Charen at ayun dun na nagsimula ang lahat.

Nakakatuwa naman si Ate Charen sa wakas natupad na wish nyang magkabalikan muli sila ni Manager Earl.

Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at natulog na. Masyadong maraming nangyari ang araw na 'to kaya kailangan kong magpahinga.

"Bakit ka nandito?" nanginginig kong tanong dito sa lalaking kinaiinisan ko. Galit na galit lang syang nakatingin sakin. Hindi ko alam kung bakit, may nagawa ba akong mali sa taong 'to?

"Alam kong alam mo kung bakit ako nandito?" madiin ang bawat letrang binibitawan nya. Hindi ko alam kung bakit kahit malakas ang tilian ng babae dito sa campus ay mas nangingibabaw parin ang boses nito. Pinaiikutan lang naman kami ng mga babaeng matagal ng pinapantasya ang isang Nicholas Ethan Evans.

Marami sa mga babaeng ito ang gigil na gigil na nakatingin sakin. I know, inside their minds they're killing me and maybe in they're minds I am buried six feet below the ground. Pero sa ginagawa nila, hindi nila napapansin na nagkakasala na sila. Aish! If only they knew that killing a person in your mind is equivalent to killing that person in real life.

"Paano kung sabihin kong wala talaga akong kahit anong idea kung bakit ka nandito, sasabihin mo ba ang dahilan kung bakit ka nangugulo sa school namin?" alam kong masyadong mainit ang atmosphere dito sa pagitan namin na parang may electric current na dumadaloy na kapag nagdikit ang parehas electric current na 'yon ay makakalikha ng explosion. Kaya sa pagsagot kong 'yon ay umasta akong wala akong paki at maldita.

Nakita ko syang mukhang nauubusan na ng pasensya dahil nagtiim bagang na sya. Looks like, I'm winning. One point for me.

"Look, hindi mo ako kilala kung paano ako magalit kaya please wag mong painitin ang ulo ko" nawawalang pasensya naman nyang saad.

Pasensya ka na, hindi kasi ako marunong sumunod sa mga taong masasama ang pag-uugali kagaya mo.

"Alam ko. Lemme guess, you will turn into a scary dog and bark your way para matakot ako. But sorry I don't scared that easily" pang-aasar ko pa sa kanya with matching eye roll pa. Haha. Take that. Nakakainis ka.

Nagtiim na naman sya ng bagang pero hindi kagaya kanina ay bigla na lang nya akong hinila papaalis sa bilog na ginawa ng mga fans nya papunta dun sa kung saan.

"Let me go" pagproprotesta ko. Pero imbis na bitawan ako ay mas lalo lang humigpit ang kapit nya sa pulso ko.

"Shut up" ma-awtoridad nyang utos sakin pero hindi ko sinunod dahil nasalita na naman akong pakawalan nya ako pero naging manhid na ata ang isang 'to dahil hindi man lang ako naririnig.

"Ano ba! Nasasaktan naman ako" sabi ko pero kagaya kanina ay hindi na naman nya ako pinansin . Nakakainis naman. Tapos may mga nadadaanan kami, imbis natulungan ay hindi man lang kami pinapansin . Tapos alam mo yun, ung mga reaksyon nila para silang nanunuod ng live action ng isang action drama. Nakakainis.

"Ethan, ano ba. Naiinis na at nasasaktan na ako. Bitawan mo na ako" utos ko sa kanya pero hindi nya parin ako pinapansin hanggang sa makarating na kami dito sa may parking lot.

Natahimik naman akong bigla. Teka, anong gagawin namin dito?

Nilibot ko ang paningin ko. May balak pa syang masama sakin? Re-rapin nya ba ako? Papatayin ng palihim ? God, wag naman po. Lord God, tulungan nyo po ako.

Tahimik akong nananalangin dito na sana ay hindi magkakatotoo ang masasamang iniiisip ko. Hanggang sa lumapit na kami sa isang kotse at kinuha nya ang susi mula sa bulsa nya at binuksan ang pintuan dun sa malapit sa may driver seat at pagkatapos ay basta na lang akong pinasok dun.

At pagkatapos nyang gawin 'yon ay sumakay na rin sya sa kabilang upuan. Napapikit na lang ako ng madiin ng maramdaman kong basta na lang pinaharurot ni Ethan ang sasakyan.

OH.MY.GOSH! Huwag nyong sabihin, kidnapping 'to?

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free