Nina Chiara's Point of View
Matapos nya akong basta na lang ipasok sa loob ng kotse nya ay basta na lang nya itong binaharurot. Nakakainis sya! Ano na naman bang problema ng isang 'to? At nadadamay pa ako sa kanya ?
Napakaganda na ng kwentuhan namin ni Darren kanina,e tapos basta na lang syang darating. Nakakainis talaga.
"Kung may problema ka sa kaibigan mo,please lang wag mo na akong idamay pa" nakacross arms kong sabi habang nakatingin lang dito sa side.
"Wala akong problema kay Darren..."
"O,yun naman pala--"
"Dahil ikaw ang problema 'ko" natigilan ako sa sinabi nya. So, ako pa talaga ang may kasalanan ng lahat ng 'to ? Ako na ang dapat sisihin sa lahat?
Matapos din ng ilang segundo ay muli kong na-compose ang sarili ko at masamang tingin ko syang nilingon.
"Kung ako naman pala ang problema mo, edi sana in the first place hindi mo ako hinihila papunta sa may kung saan.Lumalapit lang naman ako sayo dahil gusto kong tulungan si Reecee para sagutin na sya ni Jana pero kung saakin lang, ayoko na sayo" hindi ko na naman na wala na palang preno itong bibig ko. Hindi ko na lang pinahalata 'yon at muling lumingon na lang dito sa may side.
"Why not consider yourself a loser dahil hindi ako papayag dyan sa pagtulong mo sa kaibigan mo"
Muli ko syang nilingon. Totoo ba 'tong sinasabi nya ?
"Kung ganun naman pala, bakit hindi mo na itigil pa 'tong kotse mo at bababa na ako" nakita kong nagtiim bagang muna sya habang nakatingin sa daan at pagkatapos ay tinigil na nya ang sasakyan . Pabalang akong bumaba at pagkatapos ay basta na lang nya pinaharurot ang sasakyan nya. Napasipa tuloy ako sa hangin. Nakakainis talaga ang lalaking 'yon napakayabang!
Lumipas ang mga araw at pinag-isipan ko munang mabuti ang lahat. Pinag-isipan ko kung sasabihin ko ba kay Reecee na back-out na ako sa plano kaso pag naman sinabi ko 'yon para namang hindi ako isang tunay na kaibigan na para lang sa isang maliit na pabor ng kaibigan ko ay hindi ko magawa pero hindi naman kasi madali ung pinapagawa ni Reecee sakin,e. Sa araw araw na lang kasi masyado na akong naiinis kay Ethan, lalong hindi ko na nagugustuhan ang ugali nya, masyado ng magaspang. Nakakainis na talaga sya.
Napasabunot na lang ako sa buhok ko at basta na lang binagsak ang katawan sa kamang nasa likuran ko at naglabas ng isang buntong hininga. Napatingin ako sa kisame at kinausap ko ang aking sarili.
"Chiara, kaya mo 'yan. Masasabi mo yan kay Reecee, maiintindihan ka nya basta ayusin mo lang ang pagpapaliwanag" at pagkatapos kong sabihin 'yon ay muli akong naglabas ng isang buntong hininga at nagtalukbong ng kumot.
"You're backing out?" pagkatapos ng klase ay dumiretso na kami ni Allison sa school nila Reecee . Nakita kong nagulat si Reecee sa sinabi ko, well maski si Allison ay hindi makapaniwala.
"Look,As much as I loved to help you, pero alam mo namang mahirap gawin ang bagay na 'yon kung ang isang Nicholas Ethan Evans ang makakasama mo,diba? Mahirap syang kasama. Pasensya ka na talaga" napatungo ako. Nahihiya talaga ako kay Reecee pero wala akong magagawa. Kailangan kong sabihin ang katotohanang ayoko na. Narinig kong naglabas ng isang buntong hininga si Reecee at naramdaman ko ring nilagay nya ang kamay nya sa balikat ko.
"Okay, sige. Pasensya ka na. I'm sorry I put you through all that trouble." Nag-angat ako ng tingin at slight na ngumiti at pagkatapos ay niyakap ko si Reecee.Bumawi rin naman sya ng yakap. At pagkatapos ng ilang segundo ay bumitaw na kami sa yakap.
"Is this mean na hindi na natin kaibigan si..." at pagkatapos ay tinuro ni Allison si Reecee. Napangiti naman ako sa tanong ni Allison at umiling.
"No. Kaibigan parin natin si Reecee, bestfriends tayo,diba?" nakita ko namang ngumiti si Allison at niyakap nya ako ng mahigpit.
---
Lumipas ang ilan pang mga araw at pakiramdam ko ay naging okay ang lahat. Hindi na ako masyadong nag-iisip tungkol sa anong gagawin ko para lang magdate kami ni Ethan. I know, nai-down ko si Reecee pero I think naging tama itong desisyon ko yet a little selfish of me. Nakapagfocus na rin sa pag-aaral ko. Tungkol naman sa social accounts ko, naga-update parin naman ako pero tungkol na sakin. Ayoko na rin magcaption tungkol pa kay Ethan. Gusto ko ng Ethan-free na ang buhay ko.
Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko sa may bulsa ko kaya kinuha ko 'to. Tiningnan ko muna ang caller bago ko sinagot ang tawag.
"O,Darren" masaya kong sinagot ang tawag.
"Musta na? Hindi na kita nakikita nitong mga nakakaraang araw ,a,may nangyari ba sa inyo ni Ethan?" napaisip ako. Sasabihin ko ba sa kanya? Sasabihin ko ba? Pero diba, ang pagkakaalam nya ay kami ni Ethan kaya wala namang problema kung sabihin kong hiwalay na kami ni Ethan,diba?
"Actually,hiwalay na kami ni Ethan" I acted na malungkot ako dahil hiwalay na kami ni Ethan kuno para ma-perfect ko ang acting ko. Duh! Artista kaya tong kausap ko, mahirap na baka mabuko pa ako nito.
"Ganun ba? Do you need someone na makakausap?" nasa tono nya ang pagkaconcern. Napangiti naman ako.
"Maybe?"
"I don't take maybe for an answer. Hintayin mo ako sa may parking lot ng school nyo, susunduin kita" magsasalita pa sana ako ng basta na lang nya binaba ang tawag. Teka, tama ba ang naririnig ko? Susunduin nya ako?
-----
Dumaan ng ilan pang mga minuto at nasa parking lot na rin si Darren. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit why all the sudden na napangiti ako. Siguro,dahil na rin sa malaki ang pagkakaiba nila ni Ethan?
"Darren.." bigkas ko sa pangalan nya dahil bumaba na sya ng sasakyan nya at nagsimula na syang maglakad papunta sa pwesto ko ng sa hindi inaasahan ay may biglang pag-flash ng camera saming dalawa. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko maayos na nakita ang lahat at hindi nga ako nagkakamali. Maaaring nasundan si Darren ng mga paparazzi hanggang dito.