Tumayo na ako mula sa aking pagkakahinga at sandaling nagpasalamat sa Diyos dahil sa panibagong pagpapala na binigay nya sakin at sa panibagong araw sa buhay ko. Pagkatapos kong manalangin ay niligpit ko ang aking pinaghigaan at pagkatapos ay bumaba na ako papaalis ng kwarto. Ang nakakapagtaka, bakit parang naiba ang kulay ng kwarto ko? At bakit may nawala at may nadagdag na mga gamit?
Kahit gulong gulo ay pinagpatuloy ko parin ang aking paglalakad papunta sa kusina kung saan may nakikita akong isang pigura ng isang lalaki na kasalukuyang nagluluto. May nagluluto? Teka, bakit may lalaki dito sa bahay namin ni Ate Charen?
Bigla na lang akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko maiwasang isipin na baka isa itong magnanakaw at dahil sa nagutom sya ay dito na nya naisipang magluto dahil maaaring wala silang pagkain sa bahay nila o sadyang wala silang pambili. Pero, bakit dito pa sa bahay namin ni Ate Charen? Hindi naman kami mayaman,a?
Sure, medyo maganda ang kita ng coffee shop pero hindi ibig sabihin nun na mayaman na kami. Huminga muna ako ng malalim at basta ko na lang kinuha ang bagay na malapit lang kinaroroonan ko. Hindi ibig sabihin na wala dito si Ate Charen ay hindi ko na kayang ipagtanggol ang sarili ko.
Kaya dahan dahan akong lumapit dun sa lalaking kasalukuyan paring nagluluto habang ako naman ay naka-amba na ang hawak kong walis sa kanya.
"Dya--" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng basta na lang itong humarap at hindi ko inaasahan ang nakita ko.
"ETHAN!! Bakit ka nandito? Lumayas ka sa bahay ko" nakarinig ako ng malakas na tawanan ng mga estudyante dahilan para unti unti kong imulat ang aking mga mata. Teka, nagpalingon lingon ako sa kaliwa't kanan. O.EM.GEE, nasa school ako ngayon at worse nakatulog pala ako at much worst nakatingin sakin ng masama ung teacher ko.
Pagkatapos ng klase ay pina-iwan ako ng teacher ko at tinanong ako bakit ako natutulog sa klase nya. Sinabi ko ang buong katotohan, hindi ako nakatulog kagabi dahil sa sinabi ni Ate Charen, halos kahit alas dos na ng umaga ay gising na gising pa ako. Kaninang umaga naman ay maaga akong bumangon, nabigla pa si Ate Charen dahil nakita nya akong maagang gumising. Pero ang sabi ko naman, 'Ate, hindi ako natulog dahil dun sa sinabi mo' , pero imbis na magsalita pa si Ate Charen ay tumawa na lang sya at pagkatapos ay nagluto na sya ng almusal para saming dalawa.
Aaminin ko, hindi ako umiinom ng kape pero kaninang umaga uminom ako ng kape dahil sa kadahilanang ayokong matulog sa klase pero wala nabigo ako dahil nakatulog din ako.
Pagkatapos kong sabihin ang lahat sa teacher ko ay pinagalitan nya ako sandali at pagkatapos naman ay pinalabas na ako ng room. Lunch time at nagtext sakin si Allison na punta na lang daw ako ng canteen para sabay na kaming kumain at para na rin mapag-usapan kung bakit ako nakatulog.
"Ayiie, kaya ba hindi ka nakatulog ay dahil sa excited kang maging.." she paused at tumingala sa kisame na parang may nga stars na nasa hangin at pilit nya itong inaabot. "Misis Nicholas Ethan Evans" sabi nya habang kimikislap pa ang kanyang mga mata na akala nya siguro ay gawa ito sa diamonds.
"Alam mo, kung hindi lang ako inaantok ngayon marahil nasapok na kita" pero imbis na tumugon sya ay tumawa na lang sya at pagkatapos ay sinimulan na nya ang pagkain ng in-order nya kaninang leche plan. Tuwang tuwa sya dahil for the first time daw in history of mankind, pinagtirhan sya ng leche plan.
Pinagtawanan ko na lang sya sa sinabi nya. Assuming.
"Anong pinagtirhan? Sabihin mo, naawa ung isang estudyante sayo kaya hindi na binili yan" at pinagtawanan ko pa sya kahit antok na antok na talaga ako. Sandali nya naman akong sinimangutan at pagkatapos ay tinanong nya muli ako.
"Balik tayo, ano naman yung sinabi mo kanina?" sabi ni Allison habang patuloy parin sa pagkain ng leche plan nya na ngayon ay nangangalahati na. Ako naman, tanging umorder na lang ako ng burger at spaghetti na naubos ko na at syempre oo-order din sana ako ng kape kaso out of stock na sila.
"Anong sinabi?" pagmamaang-maangan ko. Ayoko lang kasing maalala kung paano nila ako pinagtawanan kanina. Oo, pati si Allison pinagtawanan ako kanina.
"Ano ba yan? Aamin lang di pa magawa, tsk tsk tsk" at pagkatapos ay inubos na nya ang kinakain nyang leche plan.
"Ano bang gusto mong aminin ko?" medyo naaasar kong tanong sa kanya.
"Yung sinabi mo kanina"
Sandali akong natigilan. Teka, sasabihin ko ba? Baka kasi katulad kanina ay pagtawanan nya lang din ako at mahirap pa naman ang isang 'to. Baka sa sobrang saya nito ay napahiya na naman uli kami dahil sa kanya.
"Ano na? Sasabihin mo ba?" naglabas muna ako ng buntong hininga at pagkatapos ay seryoso ko syang tiningnan.
"Promise me one thing , Allison, that you'll not laugh" tumango naman sya at nangako sya. Muli akong naglabas ng panibagong buntong hininga at ikinuwento sa kanya ang lahat. Maging ung sinabi ni Ate Charen kagabi. And to my surprise, nakangiti lang sya habang pinapakinggan akong magkwento.
"So, that's the reason behind it? Hindi ka nakatulog kagabi dahil sa natatakot ka dun sa sinabi ni Ate Charen na ipu-push nya kayong dalawa ni Ethan? Na pagpatak mo ng 20 years old, magpapakasal kayo ni Ethan" tango lang ako ng tango habang sinasabi nya 'yon.
"Tapos ang sabi mo, payag na si Ethan na maging kayo?" she paused at umayos sya ng upo. "Then, it's a good thing. Even though it's kinda weird"
----
Papauwi na kami ni Allison ng matigilan kami sa paglalakad ng may isang sasakyang tumigil sa may harapan namin.