HinovelDownload the book in the application

Chapter 8 L'vierdon 13 Princes

Pasikat pa lang ang araw pero kitang kita na sa paligid kong gaano kaganda, karangya at kayaman ang lupaing sakop ng Acheron

Mula sa kagubatan na nilabasan namin kanina hanggang dito sa kabayanan ay napapalibutan ng mga makukulay na puno at halaman ang bawat paligid

"Hindi ko alam na ganito pala kaganda sa lugar na ito" - Zane

"Maihahalintulad ito sa lupaing sakop ng Light Empire" - Miya

Pero ang nakapagtataka ay simula pa kanina ay wala man lang lumusob saamin na kawal

Hindi ba nila alam na napasok na kami? Pero imposible

"Nakakapagtaka" - sambit ni Zeyton

"Kaya nga. Kilala ang Acheron bilang natutulog na malakas na kaharian. Mahirap makalasok sa Acheron at makalabas dahil sa kakaiban harang na naaalibot sa kaharian. Pero... Mukhang wala namang harang sa daan" - Miya

"Wag pa rin tayong pakampante" - Grey at saka nauna ng maglakad

Ng tanaw na namin ang tarangkahan ng palasyo ay natanaw namin doon ang maraming kawal na nakaharang sa mismong harapan ng tarangkahan

"Akala ko pa naman mapapadali ang pagpasok natin sa mismong palasyo" - Rosh

Nakita ko agad na lumabas ang mga pulang sinulid at baging ng rosas ni Kyran

Naghanda na rin sila Miya at Zeyton gayon na din sila Astrid at Ashton

Hanggang ngayon ay nakatalukbong pa rin ang hood ng cloak ko sa aking ulo dahil iyon ang bilin ng mga prinsipeng kasama ko

Napapagitnaan nila ako. Nasa harapan ko sila Priam, Rosh, Kyran at Yael

Nangungunahan naman na maglakad sila Grey at Rue na nakaanyong lobo

Nasa magkabila ko sila Miya, Zeyton, Dion at Saxon

Sa likuran ko naman sila Astrid at Ashton maging sila Kevin at Zane

"Freya, stick with the plan"

Bahagyang lumingon saakin si Priam kaya tumango ako

Ng malapit na kami sa mga kawal akala namin ay susugod na sila pero hindi iyon ang ginawa nila

Nagsihanay ang mga ito sa magkabilang gilid ng aming dadaanan

"Pinaparaan ba nila tayo?" - Kevin

Mukhang nasagot naman agad ang tanong ni Kevin ng unti unting bumukas ang malaking tarangkahan

Nagpatuloy naman kami sa pagpapalakad ng aming kabayo

Pero alerto pa rin kami dahil baka kong patibong lamang nila ito

Pero hindi ako nakakaramdam ng takot tila ba napakakalma ko na parang kampante ako sa lugar na ito

Ng makapasok na kami ay agad na may lumapit saamin na isang bampira mula sa mga kawal na nakahanay din sa loob ng tarangkahan

He has a brown hair and black eyes

At masasabi kong hindi siya isang kawal dahil kaiba ang suot niya sa mga ito

Nagsibabaan naman na kami sa aming mga kabayo

Dumako naman ang tingin ng bampirang lalaki saakin at saka ako pinakatitigan na tila pinipilit aninagin ang aking mukha mula sa hood na nakatakip saakin

Bigla namang nag anyong tao si Grey at sumunod si Rue kaya agad akong napaiwas ng tingin

"Your eyes vampire" - Grey habang naglalakad palapit sa bampirang nakatingin saakin

"Mabuti pang pumasok na kayo" - sabi ng bampira ng inalis nito ang tingin saakin

"Bakit ba ang hilig hilig ng mga lobo na ibalandra ang hubo't hubad nilang katawan? Ako kasi kusang mga babae ang tumatanggal ng aking mga kasuotan" - sambit ni Saxon na nakapagpapangit ng ekspresyon sa mukha nila Zane

"Tumigil ka Saxon! Umiihip na naman ang masamang hangin" - Rosh

Muli kong ibinalik ang aking tingin kila Grey na ngayon ay may suot ng pang ibaba

Iginiya kami ng bampira sa may malaking pintuan ng palasyo at saka iyon awtomatikong bumukas

Dirediretso naman kaming pumasok at isang malawak na hall

May magkabilang mahabang staircase sa unahan at sa unahan nito ay may mga upuan at sa mga upuan na iyon ay may nakikita kaming mga bampira

Doon din nakatingin sila Priam

Kahit may kalayuan pa ay kitang kita ko na mula dito kung gaano kakikisig ang mga bampirang nakatingin din sa aming direksyon

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami malapit sa kanilang kinauupuan

Tumayo ang lalaking naka upo sa pinakagitna

He has a powerful aura radiating in the whole hall and overwhelming those vampires beside him

He has a jet black hair and russet eyes

"Welcome to Acheron" - sambit nito

tumayo naman ung katabi niya sa upuan na kanina pa nakatingin saakin

Well Lahat naman talaga sila ay nakatingin saakin

"Is she the blue Flame princess?" - tanong nito habang saakin nakatingin

"Can you come forward?" - dagdag nito

"No! Why she need to come in the front huh?" - Grey

"We want to introduce ourselves to her first" - Ung may black jet hair

"Freya" - tawag ni Priam

Naglakad naman ako paharap at binigyan naman agad ako ng daan nila Kyran

Nilampasan ko sila at pumunta sa kanilang harapan

Nagsitayuan na rin ang mga bampirang kasama nila

Dahan dahan ko namang inalis ang hood sa aking uluhan

At ng tuluyan ko na iyong matanggal ay agad na nagsipulahan ang mga mata ng mga bampirang nasa harapan namin

"Don't stare on her like that" - malamig na sambit ni Kyran

Itinaas naman noong may jet black hair ang kanang kamay niya at agad na nagsibalikan sa dating kulay ang kanilang mga mata

Naglakad siya papalapit saakin kasama ang dalawang bampira

Ng nasa malapit ko na sila ay tumigil sa paglalakad ang dalawang kasama niya habang siya ay nagpatuloy hanggang sa nasa harapan ko na siya

Nakatingin siya saakin ng kunin niya ang aking kamay

Bahagyang kumunot ang aking noo ng makitang kaliwang kamay ko ang kinuha niya

"I am Prince Declan Dior L'vierdon. The first born of Acheron"

Sambit niya bago bahagyang yumuko at hinalikan ang aking kaliwang kamay

Binitawan na nito ang aking kamay

"Its nice to finally meet you girl in the prophecy"

sambit niya at saka paatras na tumabi sa dalawang kasamahan niya

Nakasanayan ko ng marinig na tinatawag akong babae sa propesiya. Pero bakit pakiramdam ko iba ang tinutukoy niya

Nagsalita naman ang nasa kanan niya

"I am Prince Liam Dior L'vierdon. The 2nd prince of Acheron"

He has a bronze hair and pure hazel eyes

"Prince Xander Dior L'vierdon. The third prince"

Pakilala naman ng nasa kaliwa ni Declan

Siya iyong nagpapunta saakin sa unahan. At napakastrikto niyang tignan. Parang palaging nanunuri ang kanyang mga mata

He has the same color of hair as Liam and a hazel brown eyes

Naglakad naman na sila pabalik sa pwesto nila at lumapit naman na saakin ang tatlong bampira

Ang unang nagsalita ay ang bampirang may itim na buhok at itim na mata

"I am prince Froy Dior L'vierdon. 4th prince"

"And Prince Jair Dior L'vierdon. 5th"

Sabi naman ng bampirang may kulay orange na buhok at itim na mata

Sunod naman na nagsalita ay ang katabi niya na may cooper hair and black eyes

"Prince Matthew Dior L'vierdon. Of course the sixth"

Bumalik na rin sila sa pwesto nila kanina kasabay ng paghakbang papunta sa harapan ko ng bampirang nakatingin lang saakin ng diretso habang nakapamulsa

He has a golden yellow hair and a lime color of eyes

"7th prince. Prince Alistair Dior L'vierdon. But you can call me Ali"

Akala ko ay aalis na siya sa harapan ko ng pinakatitigan niya ako

"Ali!" - tawag ni Declan

May ibinulong naman si Ali na hindi ko na narinig bago umalis sa harapan ko

Ang sunod naman na lumapit saakin ay ang huling apat na bampira

Unang nagpakilala sakanila ang bampirang may Golden brown hair at yellow iris

"Prince Gavin Dior L'vierdon"

Sunod naman na nagpakilala ay ang katabi niya na may ombre hair and black eyes

"Prince Reed Dior. The 10th prince"

Napatingin naman ako sa katabi nito na naglakad papalapit saakin

he has a light brown hair and turquise eyes and he has a playful smile on his face

Kinuha niya ang aking kanang kamay

"If you still love your life Kai. Better not to touch her" - pagbabanta ni Ali

"Haha, yeah yeah. That bastard is so lucky tsk tsk"

Bulong nito pero hindi pa rin niya binibitawan ang aking kamay

"The 12th prince of Acheron. Prince Kairon Dior L'vierdon. But Kai is definitely fine with me"

Bahagya nitong piniga ang aking kamay bago binitawan

pinaningkitan ko siya ng mata ng hindi maalis alis ang ngisi niya sa kanyang mukha

"Always an asshole huh?" - sabi sakanya ng katabi niyang bampira bago tumingin saakin

"Chase Dior. The Last born of L'vierdon"

He has a curly chestnut hair. And a chestnut brown eyes

At sakanilang lahat siya ang pinakabata tignan at napakaamo rin ng kanyang mukha

Naglakad naman na sila papunta sa pwesto nila Declan

"Are you done with your introduction part?" - inis na saad ni Saxon

Hindi naman sumagot ang mga prinsipe ng Acheron

Teka. Bakit labing isa lang silang naandito? Akala ko ba labing tatlong prinsipe mayroon ang kaharian na ito. Nasaan ang dalawa?

"Naandito kami dahil kailangan namin ang tulong ng isa sa mga kapatid mo" - pag uumpisa ni Priam

"Yeah alam namin" - Declan

"Alam namin na pupunta kayo dito at alam din namin ang pakay niyo" - Liam

Pinagmasdan ko sila ulit. Sino sakanila ang bampirang kayang manipulahin ang oras?

"Kung ganun sino sainyo ang bampirang kayang manipulahin ang oras?" - tanong ko

"Natutulog" - Matthew

"Natutulog??!" - Zane

"Puyat un kagabi. Haha lam niyo naman madami ung pinagkakaabalahan" - Reed

"Kung ganun puntahan niyo siya sa kwarto niya. Kailangan na namin siyang makausap ng matapos na ito" - walang pakundangan na utos ng baliw na si Saxon

Kung makaasta parang nasa palasyo lamang niya siya

"Be careful of your tongue 3rd prince of Sirona, you're not in your teritory" - Xander

"And what you want is a bad idea" - Liam

"Yeah I agree" - Xander

"Bakit?" - tanong ko

"Ayaw na ayaw niyang pumapasok ang kahit na sinuman sa kwarto niya. Delikado. Napakabrutal niya" - Kai

"Oo naalala ko pa ng huli kong punta doon" - nakangiwing sambit ni Froy

"Kung ganun kami na lang ang pupunta" - Yael

"Another bad idea. Kung kami ngang mga kapatid niya wala siyang patawad. Kayo pa kaya?" - Jair

"Then what we should do now? Wait until he wokes up? And what time will he wake up?" - Astrid

"10" - nakangising sagot ni Matthew

"WHAT?! The heck! We can't wait that too long!" - Saxon

"Owh well there's another one way" - Matthew

"What is it?" - Kyran

"Si Freya na lang ang pumunta doon" - Matthew

"FUCK NO WAY!" - Sabay na sigaw ni Saxon, Kyran, Kevin at Grey

"At bakit naman si Cass pa? Diba sabi niyo delikado?" - Zane

"Natitiyak kong walang mangyayari sakanyang masama" - Declan

"Isa pa hindi iyon magagalit. Baka nga matuwa pa ung mokong na un pag nakita niya siya sa kwarto niya" - nakangising sambit ni Kai

Bigla naman kaming nakarinig ng sunod sunod na pagkulog sa labas habang seryosong nakatigin sakanya si Priam

"Pasensya na sa kapatid ko. Wala na akong magagawa sa ugali niyan" - Declan

"How do you sure that it will be okay?" - Zeyton

"Don't worry we know him. Hindi siya masasaktan. He cant do that" - Declan habang nakatingin saakin

"NO!! She will not going alone to that room!" - Saxon

"Ituro niyo ang kwarto niya kay Freya"

Napalingon ako kay Priam

"What the hell Priam?! What are you saying?! Kung ayaw nilang makipag usap ng maayos then make it in a hard way!!"

Agad na hinawakan nila Rosh at Dion si Saxon ng tangka nitong lulusubin ang mga prinsipe ng Acheron

"Nasaan ang kwarto niya?" - tanong ko

"Ali ihatid mo siya sa kwarto niya"

"Masusunod kamahalan"

Lumapit saakin si Ali

"This way"

Sumunod naman ako sakanya

Nilingon ko pa sila Priam

Nakikipagtitigan lamang sila sa isat isa samantalang nagwawala pa rin si Saxon

Sila Astrid at Ashton naman ay nakatingin kay Ali na nasa harapan ko

~~

Nasa ikalimang palapag na kami ay hindi pa rin kami nakakarating sa kwarto niya

"Hindi ko akalain na darating ang araw na to"

Napalingon ako sa kaliwa ko kung nasaan si Ali na naglalakad kasabay ko habang nakapamulsa

"Ang alin? Ang makarating kami rito sa inyong palasyo?"

"No. Hindi ko akalain na darating ang araw na ito na ikaw naman ang pupunta sakanya"

Pagkasabi niya noon ay huminto siya sa paglalakad kaya huminto rin ako

At doon ko lang nakitang nasa harapan pala kami ng isang pintuan

"He's inside. Pumasok ka na. Don't worry he's harmless haha. Though he is somehow a monster. But all monster has a master that can tame them"

"I am not afraid"

"Yeah I know"

Humarap na ako sa pintuan

At pagkahawak ko sa seradura ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko

Ano na naman ba ang ngyayari??

Dali dali kong binuksan ang pintuan at saka pumasok

Pagkapasok ko ay agad kong isinara ang pintuan

Inilibot ko naman sa maalawak na kwarto ang aking mga mata

Itim

Iyan ang makikita sa loob nitong kwarto

Itim na pader itim na mga aparador

Maliban sa mga kagamitan na gawa pa sa purong ginto

Naalala ko tuloy bigla ang kwarto ni Luan. Halos kapareho lang ito niyon

Bahagya kong iniling iling ang aking ulo sa aking mga naiisip

Habang naglalakad ay napatingin ako sa malaking bintana na natatakpan ng itim na kurtina at sa gilid niyon ay isang malaking itim na kama

Lumapit ako roon at doon ay nakakita ako ng natutulog na isang napakagwapong nilalang

Oo kahit tulog ito ay mahahalata mo na napakakisig niya

Nakabaling ang kanyang mukha sa may bintana kaya kitang kita kung gaano katangos ang kanyang ilong

Natatakpan naman ng itim na kumot ang kanyang katawan

Ibinalik ko ang paningin ko sa kanyang mukha

Pero agad akong humakbang paatras dahil lalo bumibilis ang pagtibok ng puso ko habang pinagmamasdan siya

Napadako ang tingin ko sa pader

Lumapit ako sa pader at doon ko napansin na may mga nakasabit sa pader na natatakpan ng mga itim na tela

Bigla naman akong tinamaan ng kuryosidad kaya itinaas ko ang aking kamay upang tanggalin ang tela

Ng malapit ko ng maabot iyon ay napatigil sa ere ang aking kamay ng makarinig ako ng malamig at malalim na boses

"Hold still"

That husky voice

Dahan dahan akong lumingon sa nagsalita

Nakatayo na siya sa gilid ng kanyang kama habang nakatingin saakin

Bumaba ang tingin ko sa katawan niya na walang saplot pang itaas

Dahilan para makita ko ng malinaw ang kanyang malapad na dibdib at ang anim na abs niya

Agad naman akong nag iwas ng tingin at saka ibinaba sa aking tagiliran ang aking kamay

Narinig ko ang mga yapak niya papunta sa kabilang sulok nitong kwarto

Tumingin na ako sakanya at nakita kumukuha siya ng damit sa isang malaking aparador at mabilis na isinuot iyon

Pagkatapos ay tumingin ito saakin at saka naglakad palapit

Napalunok ako sa paraan ng pagtitig niya saakin habang naglalakad papunta sa pwesto ko at mas bumilis rin ang pagtibok ng aking puso

Makikitaan ng pagiging maharlika ang bampirang naglalakad papalapit saakin dahil sa kanyang tindig at sa paraan ng kanyang paglalakad

Sa pagmamasid ko sakanya ay hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na siya

I unconsciously scan him

Kasing tangkad lang siya ni Luan at hindi rin nalalayo ang laki ng kanilang katawan

He has a black hair with a streak of blue green on the tips of his hair na medyo may kahabaan na abot lampas ng kanyang tenga na nakaayos pababa

His hair is unique at ngayon lang ako nakakita noon. At bagay na bagay iyon sa kanyang kaputian

He has a perfect shape of face and a strong jaw. He has a long eyelashes above his chocolate pair of eyes. He has a proud nose and a - bloody red lips

Nakagat ko ang aking pang ibabang labi ng tumagal ang tingin ko roon

At napaawang ng kaunti ang aking bibig ng makitang umangat ang magkabilang sulok ng kanyang labi sanhi para lumitaw ang kanyang dimples

"Done scanning me?"

Napakurap kurap ako sa sinabi niya

Magsasalita na sana ako ng inabot niya ang aking kanang kamay

"I am Prince Axel Dior L'vierdon, the 8th prince of Acheron"

At pagsabi niya noon ay bahagya siyang yumuko at saka hinalikan ang aking kamay habang hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa aking mga mata

----------

#DarkPieces

       ~1813

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free