HinovelDownload the book in the application

Chapter 7 The Wall to the Acheron

Hindi ko alam ang nangyayari sa aking katawan. Na kahit gustuhin kong gumalaw at tumingin sakanya ay hindi ko magawa. Para akong naestatwa sa aking kinatatayuan

Pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay biglang tumigil ang pagtunog ng kamay ng orasan na kanina ay pumapailanlang sa aking tenga. Kasabay niyon ay siya namang pag sigalawan ng mga dahon ng puno, ang tunog ng bumabagsak na tubig at maging ang pag ihip ng hangin ay bumalik na

Pero ako ay hindi pa rin magawang makagalaw dahil sa nangyari

Ang aking dibdib ay patuloy sa pagtibok ng mabilis maging ang aking paghinga ay hindi pa rin bumabalik sa normal

Nasapo ko ang aking dibdib

Bakit nararamdaman ko sa bampirang kayang manipulahin ang oras ang pakiramdam na nararamdaman ko lamang sa aking prinsipe? Sa prinsipe ng nga nyebe

"Freya!!"

Napalingon ako sa aking kanan at nakita ko sila Kyran na tumatakbo palapit sa akin

"Ayos ka lang ba?" - Grey

Tumango naman ako sakanila. Hindi ko pa kayang makapagsalita dahil sa nangyari

"Bakit andito ka sa labas Cass?" - Zane

"Ah-ahh napag isipan ko kanina ng magising ako na maglakad lakad"

"Wala bang ngyaring kakaiba sayo?" - Kevin

"W-wala naman"

"May naramdaman ka bang kakaibang presenya kanina?" - Zeyton

Sasagot na sana ako ng mapatingin ako sa naglalakad na sila Priam, Yael at Tay Nohor kasama ang dalawa pang hobgoblin

"Freya, anong ginagawa mo dito sa labas?" - Priam

"Nagpahangin lang. Kayo anong ginagawa niyo rito?"

"Nagising kami ng maramdaman ang kanyang presenya" - Tay Nohor

"At nag iwan siya ng mensahe" - Priam at saka itinaas ang kulay kayumangging papel na may sulat

"I will not destroy your place. I already found it"

Iyon ang nakasulat sa papel na hawak ni Priam

"Anong bagay naman kaya ang hinahanap ng bampirang iyon?" - Rue

"Isa lang ang nasisiguro ko. Importante iyon sakanya" - Miya

"Nagpakita ba saiyo ang bampirang iyon Freya?"

Napatingin ako kay Yael ng itanong niya ito

"Oo kanina"

Pagkasabi ko noon ay agad na lumapit saakin sila Kyran, Saxon at Priam

"Are you okay? What did he do?" - Priam na parang hindi mapakali

"Fuck! If I found any bite on you I will fucking kill that asshole vampire!" - Saxon na abala sa pagsipat sa aking leeg palapulsuhan, braso at kung saan pa

"Did he tell you something?" - Kyran na kunot ang noong nakatingin saakin

Pinagmasdan ko sila ng may pagtataka

Si Priam palaging kalmado ang mukha niya o di kaya ay seryoso

Bihirang bihira ko lamang siyang makitang parang hindi mapakali at parang nangangamba tulad ngayon

Si Saxon naman hindi ko maintindihan. Minsan walang pakialam at minsan naman masyado na siyang parang ewan kong nag reak

Si Kyran nakikita ko lamang siyang nakakunot ang noo kapag may mali

Ano bang ngyayari sa tatlong prinsipeng nasa harapan ko ngayon na kapwa nakatingin saakin na may mukhang nangangamba

Pero nangangamba para saan? Bakit?

"Bakit ba ganyan kayo makapag reak?" - Travis

"Hell! Anong gusto mong maging reaksyon namin? Maging kalmado kahit pa alam natin na nagpakita sakanya ang bampiranag iyon?!" - Saxon

"Kita naman natin na hindi nasaktan si Freya. Tsaka bakit parang taranta kayo? Parang may alam kayo tungkol sa bampirang kayang manipulahin ang oras? Meron nga ba?" - Miya

Pinagtinginan namin ang tatlong prinsipe

At si Kyran ang unang sumagot sakanila

"We need to ensure Freya's safety. She has the sweetest smell of blood that can attract any blood sucking creature. Any vampire can tease to taste her" - Kyran

"Young Lord is right. Freya's blood can smell by other vampires even in a distance. Kailangan natin maging maingat lalo na sa bampirang iyon. Hindi pa natin siya gaanong kilala" - Dion

"At isa pa. Hindi natin alam kung ano ang dahilan niya at nagpakita siya kay Freya" - Priam

Ngayon ay saakin naman na sila nakatingin

"Hindi ko siya nakita dahil nasa likuran ko siya" - sambit ko

"Nasabi mo bang kailangan natin siya? Anong sinabi niya sayo?" - Yael

"Alam niyang hinahanap natin siya" - sagot ko

"Freya anong sinabi niya sayo?" - pag-uulit ni Yael ng hindi ko sagutin ang ikalawa niyang tanong

Sasabihin ko ba?

Ayoko na lang sanang sabihin pero naghihintay sila sa isasagot ko

"Sinabi niyang... Oras naman para siya ang habulin ko"

"Fuck!"

"Shit!"

"Damn!"

Mura nila Priam, Saxon at Kyran ang namayani sa buong lugar

Kahit ako ay hindi ko maintindihan kung bakit niya iyon sinabi. At anong ibig niyang sabihin na palagi niya kong sinusundan??

"Anong ibig niyang sabihin na siya naman ang habulin mo?" - Ashton

"May iba pa ba siyang sinabi prinsesa ng asul na apoy?" - Tay Nohor

"W-wala na siyang ibang sinabi. Iyon lang"

Hindi ko na lang ata sabihin sakanila ang unang mga salitang sinabi niya. Dahil naguguluhan ako sa kanyang mga binitawang salita

"Kung nakalapit siya saiyo habang kami ay walang kaalam alam at hindi gumagalaw ng mga oras na iyon. Siguro ay kailangan nating mag ingat ng mabuti. Hindi natin alam ang nais ng bampirang kayang manipulahin ang oras" - Astrid

"Pero paano natin iyon magagawa kong sa tuwing magpaparamdam siya ay nakatigil ang oras maging tayo? At si Freya na naman lang ang kausapin niya?" - Kevin

"Hindi ko alam kong anong iniisip ng bampirang iyon. Pero tayo ang may kailangan sakanya. At hindi siya ang may kailangan saatin. Sa tingin ko ay nakikipag laro lamang siya dahil alam niyang hinahanap natin siya" - Zeyton

"Hindi rin namin naamoy ang bampirang iyon kanina" - Rue

"Hindi maganda ang pakiramdam ko sa bampirang iyon" - Grey

"Let's end it here! Wag na natin ituloy ang paghanap sakanya! May iba pang paraan para mahanap ang gagong Luan na iyon" - Saxon

"No! Wala ng mas madaling paraan Saxon"

"Freya! Ang paghabol pa lamang sa bampirang ayaw naman magpahabol ay isa ng napakahirap na paraan!"

"Kung gusto niyang habulin ko siya. Eh di hahabulin ko siya! Kahit saan man siyang lupalop magpunta! Pupuntahan ko ang kaharian ng Acheron! Haharapin ko ang bampirang kayang manipulahin ang oras!"

----Someone's POV----

Nakadungaw ako sa may lalagyan na gawa sa purong ginto na parang isang maliit na palanggana na nakapatong sa isang steel pole na hanggang baba lang ng dibdib ko

Tinitignan ko ang mga pangyayaring nakikita namin sa tubig na naroon habang may kaharap akong abnoy na bampira

"Woohh that's my girl! She's really brave. I like it" - sambit niya

*blagg!!*

"Aaawwww!!"

Halos humagalpak ako sa tawa ng biglang may lumipad na makapal na libro papunta sa likurang ulo ng bampirang nasa harapan ko

"What the? Bakit ka nambabato ka ng libro Ax?"

"Because you're eyeing a wrong lady"

Tinignan ko siya na umupo sa sofa

"Yow Ax. Nakabalik kana pala" - sambit ko

"Obviously" - bagot na sagot nito at saka sumandal sa sofa at pumikit

"Argh! Ang sakit talaga ng pagbato mo!" - Kai na hinihimas pa rin ang likurang ulo niya habang nakangiwi pa

Mukhang masakit nga yun. Ang lakas kaya ng tunog ng pagtama niyon sa ulo niya

"Pffftt! Hahaha" - hindi ko na talaga napigilan ang aking tawa

Napaka epic talaga kasi ng hitsura niya!

"Hoy Ali! Anong tinatawa tawa mo jan?! Kala mo ha! Libro mo kaya ang ibinato saakin ni Ax!"

Pagkasabi niya noon ay agad akong tumigil sa pagtawa at naglakad papunta sa binagsakan ng libro

At agad akong napanganga ng makitang libro ko nga iyon!!

Dali dali ko iyong nilapitan at kinuha

"Haixt! Problema mo Ax?!"

"You two. You are my problem. Who told you to look at her in that fucking water of yours Ali?" - tugon nito na nakatingin na saamin

"Tinitignan lang ehh!"

"Who gave you permission to do so?"

Hindi ko na nagawang sumagot maging si Kai

Ng makita namin ang kanyang mata. Delikado na iyan pagkaganyan

"Bakit ang iingay niyo?! Alam niyo bang may mga natutulog?"

"Lee!! You are a real savior!!" - Kai at saka tumakbo palapit dito at saka nagtago sa likuran ni Lee

"Hey! The heck Kai! Ano ba?!"

"Ali!"

Napalingon ako kay Ax ng tawagin niya ako

"Lessen the barrier"

"Huh? Pero"

"Just do it"

"Okay"

Tumayo na ito at saka umalis

Napailing iling na lamang ako habang nakatingin sa direksyon kung saan siya pumunta

Madalas ko talaga siyang hindi maintindihan

----Freya POV----

"Freya! Mag iingat kayo. Ingatan mo ang regalo ko sayo ha?"

Ngumiti ako at saka ginulo ang kulay kayumangging buhok ni Elvis

"Oo makakaasa ka. Hayaan mo pag nahanap na namin ang mga hinahanap namin iimbitahan ko kayo sa palasyo ng Parua. At ipakikilala kita kay Grill"

"Grill?"

"Oo. Kaibigan ko rin siya"

"Freya aalis na tayo" - Priam

Lumayo na ako kay Elvis at saka hinawakan ang kamay ni Zeyton at sumakay sa kabayo ko

Aalis na kami sa lugar na ito. Magpapatuloy na kami sa pagpunta sa kaharian ng Acheron

"Mag iingat kayo. Hanggad namin na mahanap niyo na sila. Na mahanap niyo na ang gabay at ang hari ng kadiliman" - Tay Nohor

Ngumiti kami nila Astrid sakanila bago pinatakbo ang aming mga kabayo habang nasa anyong lobo naman sila Grey at Rue

Papunta kami ngayon sa kaharian ng Valhalla. Kahit madilim pa sa paligid dahil maagahin pa lang ay nag pasya na kaming umalis

Ang alam ni Priam ay alam nila Dike ang lagusan papunta sa Acheron kaya doon kami ngayon tutungo

Mabilis kaming nakarating sa lupain na sakop ng Valhalla dahil sa kalapit lamang ito ng Syldavia

Nagpatuloy kami sa pagpapatakbo

May mangilan ngilan na bampira na nakakasalubong namin sa daan na agad na yumuyuko saamin. Wala pang masyadobg mga bampita sa daan dahil sa hindi pa sumisikat ang araw

Malayo pa lang kami sa tarangkahan ng palasyo ay agad kaming pinagbuksan ng tarangkahan ng mga kawal pagkakita saamin

Pagkapasok namin ay sinalubong kami nila Kazarina at Liro

"Mga prinsipe ng Parua" - Liro

"Freya ano't napasadya kayo?" - Kazarina

Nagsibabaan kami sa maing mga kabayo na agad na kinuha ng mga kawal at dinala sa talian ng mga kabayo

"Kailangan naming maka usap si Dike" - sagot ko

"Pumasok kayo" - Liro

Agad kaming sumunod sakanila papasok ng palasyo

Mula ng maging maayos ang lahat matapos ang labanan nila Luan at Haden at matapos ang pag alis ni Luan ay kinuha na ni Liro si Kazarina at dinala rito

Nabigla pa ako noon ng malaman na mate rin pala sila

Pumasok kami sa malaking pintuan na alam kong silid ng trono ni Dike

Pagkapasok namin ay nakita namin agad si Dike na nakaupo sa kanyang trono habang may mga tambak na papel sa kanyang harapan. Napaka aga naman ata nilang magising hindi pa masyadong sumisikat ang araw

Nariti rin si Aria na naka upo sa ibabang upuan ng trono ni Dike habang nag aayos din ng mga papel

"Mukhang abala ang unang prinsipe ng Valhalla" - Priam

Awtomatikong tumingin saamin sila Dike at Aria

"Mga prinsipe ng Parua, ang dyosa ni Luan, baliw na Saxon, prinsipe ng dilim, bampirang may weird na kulay ng buhok, Light Empire, Gregory at - dalawang lobo? Isang alpha King?" - Dike na isa isa kaming tinignan

"Naparito sila dahil may kailangan sila saiyo" - Liro

"Ano iyon?"

"Alam mo ba ang lagusan papuntang Acheron?" - tanong ko

Napataas naman ang kilay ni Aria samantalang walang reaksyon lang na nakatingin saakin si Dike

"Ang natutulog na kaharian? Sinong sadya niyo doon?" - Dike

"Ang bampirang may kakayahang manipulahin ang oras" - Yael

"Ang bampirang iyon?! Nahihibang na ba kayo? Mailap siya at hindi nagpapakita sa ibang nilalang. Mahihirapan kayo sa isang iyon" - Aria

"Kailangan naming makapunta roon" - Rosh

"Ahh alam ko na. Gagamitin niyo ang bampirang tukoy niyo para mahanap si Luan?" - Aria

"Oo" - Zane

"Ang bampirang iyon. Nasaan naman na kayang lupalop ng kalupaan" - Aria at saka bumalik sa kanyang ginagawa

"Kahit sabihin ko sainyo ay mahihirapan pa rin kayo. Minsan na ako pinadala roon ni Haden upang kuning alyansa ang labing tatlong prinsipe pero nabigo akong makapasok" - Dike

"Just tell where it is" - Kyran

"Okay okay relax 7th prince" - nakangising sambit ni Dike

"Liro! Samahan mo sila sa lagusan"

Tumango naman si Liro kay Dike at saka tumalikod para umalis na agad rin naming sinundan

Ngumiti pa ako sa kanila ni Aria bago tumalikod

"Sana ay makasok kayo. At mapapayag niyo ang mga prinsipe ng Acheron"

Iyon ang huli kong narinig bago kami tuluyang makaalis sa silid na yun

~~

"Dito na ba?" - Kevin

"Pero tanging pader na may mga baging at lumot lamang ang nasa harapan natin" - Zane

"Kaya nga mahirap makapasok hindi ba?" - Pagtataray ni Kazarina kay Zane

"Aalis na kami. May kailangan pa kaming gawin" - Liro

Lumapit ito saakin at saka ako niyakap ng mabilis

"Mahahanap mo rin siya" - sambit niya

Nginitian ko siya at nawala na silang dalawa ni Kazarina

Lumapit si Ashton at Astrid sa pader at saka inilapat ang kanilang kanang palad sa pader

"Mayroong kakaibang spell na nasa pader na ito" - Ashton

"Kaya niyo namang maalis iyan hindi ba? You know, your sceptre" - Saxon

Umiling naman sila ni Astrid

"Tulad ng sinabi ko kakaiba ang nakapalibot ditong spell. Parang gawa ng isang sorcerer. At tanging sorcerer lang din at isang malakas na warlock ang makatatanggal nito" - Asthton

"Dion try to dispel it" - Kyran

"Yes Young Lord"

Bumaba ito sa kanyang kabayo at saka pumunta sa harapan ng pader

"Is he a sorcerer?" - Astrid

"No" - Kyran

Nagsimula ng gumuhit ng bilog at mga letra sa pader si Dion gamit ang hintuturo niya

"Then what is he? Noon pa ako nalilito kong ano talaga ang kakayahan niya" - Rosh

"A vampire" - Kyran

"Are you fooling us?!" - Saxon

"Binigyan lamang siya ni Ina ng kakayahan sa mahika"

"A warlock" - Ashton

Pagkasabi niyon ni Ashton ay siya namang pag alog ng pader lumayo kami kaunti doon

Nagsigalawan ito na nahati sa gitna at saka naghiwalayan

Pumasok kami sa pagitan niyon

At pag lagpas namin doon ay doon namin nakita ang matagal ng natutulog na kaharian ng Dark Empire...

Ang kaharian ng Acheron

----------

#DarkPieces

     ~1813

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free