HinovelDownload the book in the application

Chapter 10 Finding The Runaway Prince

----Freya POV----

Nasa loob kami ngayon ng isang malawak na kwarto

Naandito kami lahat maliban sa unang prinsipe ng Acheron si Declan at maging si Axel

Napatingi ako kay Priam, Saxon at Kyran na seryoso lang ang mukha at tahimik na parang nag iisip habang nakaupo

Simula kanina na nag usap usap sila ay ganyan na ang mukha nila

Napalingon ako sa pintuan ng bumukas iyon

Una noong iniluwa si Declan at sa likuran niya ay si Axel

Napaiwas agad ako sa kanya ng tingin ng makitang saakin pala siya nakatingin habang papasok

"Napag-usapan niyo na ba ng maayos?" - Priam

"Oo nakapag usap na kami" - Declan

Umusog naman pakaliwa si Declan at saka naglakad paunahan si Axel

Nasa harapan namin silang dalawa

"Papayag na akong tulungan kayong bumalik sa nakaraan"

Tumingin siya saakin pero agad rin siyang tumingin kay Priam

"Sa tatlong kondisyon"

Bigla namang napatayo si Saxon

"Akala ko ba ay ayos na kanina?! Bakit ngayon biglang nagkaroon ng kondisyon?!"

"Tumahimik ka diyan Saxon" - Malamig na sambit ni Yael

Tiim baga namang umupo ulit si Saxon

"Ano bang kondisyon ang gusto mo ikawalong prinsipe?" - Priam

"Tutulungan niyo akong hanapin at pabalikin dito sa Acheron ang aking kapatid"

"Fuck! Problema ba namin na naglayas siya at ngayon ay sasamahan ka pa namin sa paghahanap sakanya?" - biglang sabat ni Grey na nasa kanan ko

"Problema ko din ba kung umalis ang hari ng kadiliman at ngayon ay tutulungan ko kayong mahanap siya?" - balik na tanong ni Axel

Nakita ko naman kung paano gumalaw ang panga ni Grey at ang pagbabago ng kulay ng mata nito

Hinawakan ko ang kanyang braso

Kailangan niyang kumalma. Kapag nagbabago ang kulay ng kanyang mata ay ibig sabihin ay ang lobo niya ang gustong kumontrol sa katawan niya

Hindi nito nagustuhan ang pagbalik ng tanong ni Axel sa kanya

His wolf is an alpha king. Thats why respect is really a very big deal

Tumingin naman siya saakin

At saka unti unting naging kulay luntian na ulit ang kanyang mga mata

Tumingin na ulit ako sa harapan

At nagulat ako ng agad na nasalubong ng aking mata ang kanyang mga matang mariing nakatingin saakin

Napatingin ito sa kamay kong nakahawak pa rin kay Grey at kita ko kung paano naging dark brown ang tsokolate niyang mga mata

Agad kong inalis ang aking kamay sa braso ni Grey at saka lumingon sa gawi nila Astrid

"At ano pa ang dalawang kondisyon?" - Kyran

"Saka ko na hihilingin ang dalawa" - Axel

"What if we didn't follow your other 2 condition?" - Kevin

"Magiging problema iyon ng Acheron at Parua Abellon" - Declan

"Bakit hindi mo pa sabihin ang dalawa mong kondisyon ng malaman namin kung kaya namin ibigay o hindi?" - tanong ko

"Nasisiguro kong kayang niyo iyong maibigay" - Axel

Napalingon ako kila Priam na tahimik lang na nag iisip

Kung papayag kami at hahanapin namin ang naglayas niyang kapatid ay baka matagalan pa kami bago makabalik sa Parua at malaman kung nasaan si Luan

Isa pa parang hindi ko na kayang makasama pa ng matagal ang bampirang may kakayahang manipulahin ang oras. Dahil hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko sa tuwing nasa paligid siya

"So are you going to take the proposition or not?" - Liam

Halos sabay naman na lumingon sa akin sila Priam at Kyran bago tumayo si Priam

"Pumapayag na kami"

"Sana wag mong pagsisihan iyan Priam" - Saxon

Naghihinala na talaga ako sa tatlong bampirang kasama namin

Parang may alam sila na hindi namin alam

"Hindi naman ata matatagalan ang paghahanap sa kapatid niyo hindi ba?" - Zeyton

"Well, nasisiguro namin na hindi. Unang una alam namin kung saan siya pwedeng hanapin" - Matthew

"Alam niyo naman pala bakit hindi nalang kayo ang magpabalik?" - Zane

"Kung ganun lang sana kadali" - Froy

"You don't know his capability" - Reed

"Kung ganun sinasabi niyo bang hindi rin magiging madali ang paghahanap at pagpapabalik sakanya rito?" - Astrid

"Hindi. Natitiyak kong magiging madali lang iyon"

At sabay sabay silang tumingin saakin na ikinataas ko ng kilay

"Bukas kayo aalis. Sasama sainyo sila Kai, Gavin, Chase, Jair at Ali" - Declan

"Hindi na kailangan. Madami na kami kaya't bakit pa sila sasama?" - Saxon

"Iba na sa panahon na ito ikatlong prinsipe ng Sirona. Simula ng umalis si Luan ay naging mas mapanganib sa paligid. Kayat mas mabuti ng maging handa sa kung ano man ang kahaharapin ninyo" - Xander

Totoo ang sinabi niya maraming lumabas na iba't ibang pangkat ng mga bampira at iba pang nilalang.. At lahat sila ay gustong pabagsakin ang Parua Abellon upang sila ang mamahal sa buong Dark Empire

"Makakapagpahinga na kayo"

Agad na tumalikod si Declan at sumunod si Axel at saka lumabas ng silid

"Tsk! This is not a good idea!"

Napalingon ako kay Saxon na parang problemadong problemado

Ano ba talagang ikinababahala nila?

~~

Naglalakad lakad ako ngayon sa balustre ng palasyo

Mula rito ay kitang kita ang bilog na buwan na nasa kalangitan

napapikit ako bigla ng umihip ang malamig na simoy ng hangin

"What are you doing here?"

Napamulat ako ng mata sa saka tumingin sa aking kanan

"Its cold here"

"Nakahiligan kong tumingin ng buwan kaya ako narito. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?"

"Mahilig rin akong tumingin sa buwan"

Hindi siya saakin nakatingin kundi sa malaking buwan na nasa labas

"Nakahiligan kong tumingin sa buwan dahil alam kong nakatingin rin siya sa buwan"

Nangunot ang aking noo sa kanyang sinabi

"Sinong tinutukoy mo?"

Lumingon siya saakin

"Ang babaeng matagal ko ng hinihintay. Ang babaeng matagal ng dapat ay nasa akin"

I see a glint of sadness on his eyes while he's saying those words

Kung ganun ibig sabihin ay may mate din siya?

Tahimik lang akong nakatingin sakanya

Kahit madami akong gustong itanong ay parang hindi ko kayang itanong sa di ko malamang dahilan

"Pumasok kana"

Tumalikod na siya saakin at saka nagumpisang maglakad

"Sandali"

Tumigip naman siya sa paghakbang

"N-nasaan siya ngayon?"

"She's on the other man now"

----Leila POV----

"Check!" - Finn

Nakaupo ako ngayon sa harapan ng isang lamesa habang nakaupo kami palibot dito

Kasama ko sila Keena, Keisler, Finn, Gretel at Khali

Naglalaro ng chess sila Finn at Kiesler. Nanunuod lang naman kami ni Gretel sakanila samantalang si Keena naman ay abala sa kanyang kuko sa kanyang mga kamay

Habang si Khali naman ay nasa dulong upuan na panay lang sa kakakainng mansanas

Sa tagal na rin naming pagsasama sama ay nakagaanan ko na rin ng loob ang buong Salvatory maging ang mga Dragomir

Maliban na lang sa prinsesa nila! Kay Adriana!

"Pwew! Haha nakalusot pa ako!"

Napangiti ako ng makitang tuwang tuwa siya habang naglalaro

"Fuck! Why are you eating my apples?!"

Napalingon kami sa bagong dating na si Xeon

"Cause im hungry" - sagot ni Khali na patuloy lang sa pagkagat

"Argh!! Who said that you can eat my apples huh?!"

Muli namang kumagat si Khali at saka itinapon ang huling mansanas na wala ng laman sa lalagyan na puno ng mga tangkay ng mansanas

"Wala ka ng magagawa. Nakain ko na ehh!"

"Ikaw na bata ka mapapatay talaga kita!!" - susugurin niya sana si Khali ng may magsalita sa kanyang likuran

"Tama na yan Xeon bata yan pabayaan mo na" - Travis

"Pabayaan?!"

"Psh mansanas lang ehh"

Napalingon naman si Xeon kay Keisler

"Haist! Thats not JUST an apple!" - galit na sabi nito

"Thats enough Xeon" - Travis

Napatingin si Travis sa gawi ko pero hindi saakin

Tumingin ako sa kung sinong tinitignan niya at nakita kong kay Gretel siya nakatingin

Nakatingin lang din si Gretel sakanya ng diretso

Matagal na kami magkakasama at pansin kong may kakaiba sakanilang dalawa

"Haist! Makaalis na nga lang" - Xeon

"At saan ka naman pupunta?" - Travis

"Sa mundo ng mga mortal"

napapadalas ata ang pagpunta ng galang bampirang ito sa mundo ng mga tao

"Alam mo namang delikado sa panahon ngayon. Kahit sa mundo ng mga mortal. Baka may makasagupa ka lang doon"

"Nagpaalam na ako kay Adreana"

Tumango tango naman si Travis

Lumingon pa si Xeon kay Khali at saka ito tinignan ng masama bago nawala sa aming paningin

Naglakad na rin paalis si Travis

"Check!"

Napalingon ako sa board ng magsalita si Finn

At nakita kong wala ng igagalaw si Keisler

"Haixt! Kailan ba ko mananalo sayo?!" - Keisler

"Psh asa ka naman na mananalo ka jan. Si Yael lang nakakatalo jan" - Keena

"San ka pupunta?" - tanong ko ng bigla siyang tumayo

"Magpapahangin" - sagot niya at saka umalis

"Siguradong pupuntahan na naman niya si Adriana" - Khali

Napatingin ako kay Khali na nakangisi sa akin

Ang batang ito talaga!

Nagsitinginan naman sipa saakin ng tumayo ako

"Saan ka pupunta Leila?" - Khali

"Magpapahangin!"

At saka ako dali daling umalis

Tinahal ko ang daan papunta sa malawak na hardin ng palasyo

At ng makarating ako doon ay hindi ako nagkamali

Naadito nga siya

Nakatingin siya kay Adriana na nakaupo sa upuang gawa sa kahoy sa harapan ng fountain dito sa gitna ng hardin

Palagi siyang narito simula ng umalis si Luan

Minsan naaawa na talaga ako sakanya

Kahit anong tatag ang ipinapakita niya alam kong sobra na siyang nahihirapan dahil sa pag alis ni Luan

Alam ko kung gaano niya kamahal ang kapatid niya

Ang mga Dragomir ay may kakaibang kapatiran

Lahat gagawin nila mahanap lang si Luan

At kapag narito si Adriana. Narito rin siya.

At kung nasaan siya ay naroon naman ako

Bakit ba napakakumplikado ng lahat ng bagay?

Naalala ko ang sinabi ni ina noon.

Ang pag-ibig ay isang napakakumlikadong bagay. Isang pakiramdam na hindi madaling kalimutan. Isang bagay na hindi madaling iwasan.

"Hurting yourself again huh?"

Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko si Finn na nakasandal sa mga rosas

Hindi ko siya pinansin at saka naglakad paalis. Pagkalampas ko sakanya ay narinig ko pa siyang magsalita

"I thought you are brave. The brave princess of the legendary Gregory"

Napahinto ako sa paglalakad at saka humarap sakanya

"If you really love him. Then tell him. Tell him that you love him, before its too late"

----Astrid POV----

Sakay kami ngayon ng aming mga kabayo

Kakaalis lamang namin sa kaharian ng Acheron

At ngayon ay tinatahak namin ang isang kagubatan

Kung titignan kami ngayon ay kala mo ay sasabak kami sa giyera. Sa dami ba naman namin

Lahat kami ay nakasuot ng cloak at natatakpan ang aming uluhan ng hood nito

Kanina rin bago umalis ay pinainom ko si Freya ng isang potion na pang paalis ng amoy ng kanyang dugo dahil maaaring makaatrak siya ng maraming nilalang. Masyado ng delikado ngayon lalo pa at wala ang kanyang mate na siya namang nilulubos lubos ng mga kalaban

Napalingon ako sa partikular na bampira. Kahit saan talaga tignan na anggulo ay napakakisig niyang tignan

Kaya ako sumama sa paglalakbay na ito dahil sa alam kong sasama rin siya

At sa buong paglalakbay namin ay sakanya lang ako nakatingin

"May naririnig ako"

Bigla kaming huminto at tumingin kay Jair na nasa likuran ko

"Naririnig?" - Freya

"Malakas ang pandinig ni Jair. He can hear even a thousand kilometers away" - Gavin

"Anong naririnig mo?" - Axel

"Mga gumagapang. Mga sanga. Mga kalaban. Malapit na sila"

Nakiramdam kami sa paligid

Inihanda namin ang aming sarili

Natanaw namin ang mga nagsisitumbang mga kahoy na aming dinaanan

"We should get out of this forest!" - Priam

Agad naming pinatakbo ang aming mga kabayo at mabilis na tumatakbo rim sila Grey at Rue na kapwa nasa anyong tao

Patuloy lang din ang pagsibagsakan ng mga kahoy

Madali kaming nakalabas ng gubat. Nasa isang malawak na lugar kami ngayon

Nakatingin kami ngayon sa gubat at hinihintay ang mga kalaban

Agad na nagsiwalaan ang aming mga kabayo ng makita na namin ang mga nilalang na humahabol saamin

Agad kaming tumalon pababa sa aming mga kabayo at agad na nagsitakbuhan ang mga ito paalis

Pinagmasdan ko ang mga nilalang na nagsisidatingan mula sa gubat na aming pinanggalingab

Mga malalaking nilalang. May sampu itong mga kamay. Na puno ng balahibo. Kulay itim at may pulang mga mata

May ginagawa silang kakaibang ingay at ita rin ang mga matatalas nitong mga pangil sa naglalaway nitong mga bibig

"Arachnidas"

----------

#DarkPieces

~1813

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free