HinovelDownload the book in the application

Chapter 3 Return To Parua Abellon

Bumungad sa aking harapan ang isang palasyo matapos kung iapak ang aking mga paa palabas sa portal na ginawa ni Dion

Pinagmasdan ko ito mula sa aking kinatatayuan

Wala pa rin masyadong nagbago rito kahit isang taon na ang lumipas rito simula ng pumunta ako sa mundo ng mga mortal

Ang matayog at malaking itim na palasyo kung saan ay mayroong itim na malaking tarangkahan na mayroong mga bantay

Ang palasyong una kong kinainisan. Ang palasyong gustong gusto ko noong lisanin. Ang palasyo kung saan ko sila nakilala. Ang palasyo kung saan ko natagpuan ang aking prinsipe

Napatingin ako sa aking harapan kung nasaan ay mayroong nakalahad na panyo

"Mas mabuti kung makikita ka nila na matatag"

Kinuha ko ang nakalahad na panyo ni Travis at saka pinunasan ang mga luhang hindi ko namalayan na tumutulo na naman pala

Sadya na ba akong nasanay sa pag iyak at hindi ko na ito minsan napapansin?

Naglakad na kami papalapit sa tarangkahan

Kasama ko na ngayon sila Rosh maging sila Miya at Sky. Iniwan na namin si Master Yu sa mansyon sa mundo ng mga mortal. Siya kasi ang namamahala kapag wala roon sila Kyran

Ng malapit na kami ay nakita kong pinagmamasdan kami ng maigi ng mga bantay bago binuksan ang malaking tarangkahan

Nagsisiyukuan ang mga nadadaanan namin at nagtitigilan sakanilang mga ginagawa

Ngumingiti naman ako sakanila kapag tumitingin sila saakin

Ng makapasok kami sa palasyo ay agad kung inilibot ang tingin ko sa malawak na hall na bumungad saamin

Isa ito sa mga binago mula ng umalis siya

Hindi tulad ng dati ay wala na ang mga upuan at isang mesa sa may malapit sa bungaran nitong pinto

Tanging malawak na hall ang bubungad pagkapasok mo at isang mahaba at magarang staircase sa kanan at dalawang naglalakihang chandelier.

Dati lang naman din ang mga painting at larawan na nakasabit sa mga pader

Mas naging maaliwalas na rin ang palasyo kaysa noon

At mukhang hindi lamang ito ang binago nila Priam at Adreana

"Ohhh andito na pala kayo!"

Mabilis na lumapit saamin si Adreana

Napataas ang isang kilay nito ng tignan niya kami isa isa mula ulo hanggang paa

"What are you wearing?"

Mabagal at nagtatakang tanong niya

"This is what they call human's wear Adreana" - Rosh

"This is more comfortable than our heavy clothes here in Empire!" - Xeon

"Yeah! I feel lightweighted wearing this" - Travis

"Haha basta ako! Kahit anong isuot ko nag uumapaw pa rin ang aking kakisigan" - Saxon habang maangas na nakatayo

"Kasuotan na ang nahihiya saiyo Saxon" - matabang na sabat ni Zeyton

"Aba! Isang kapangahasan! Anong ibig mong sabihin? Kailanman ay isang karangalan ng bawat kasuotan na aking isinusuot ang maisuot sila ng pinakamakisig na bampira ng Dark Empire!"

"Ahh kaya naman pala biglang lumakas ung hangin"

Napatingin kami sa bagong dating na sila Leila. Kasama niya sila Kevin at pare pareho silang bagot na nakatingin kay Saxon

"Freya!!!"

Agad na may yumakap saakin

"Khali" - tawag ko sakanya habang nakangiting nakatingin sakanya

"Freya! I miss you!" - sabi nito ng mag angat ito ng tingin saakin habang nakayakap pa rin

"Namiss din kita Khali"

Masyado bang O.A? I think not.

Masyadong mabilis ang panahon dito kaysa sa mundo ng mga tao

Kumalas na sa pagkakayakap saakin si Khali bago nagsalita ulit

"Look Freya! Ang laki ko na! Malapit na kitang pakasalan!"

Napatawa ako ng mahina sa sinabi niya

Totoong anim na taon na ang nakalilipas. Pero ang tatlong taong si Khali noon ay parang limang taong bata pa kung titignan ngayon

Mabagal ang paglaki at pagtanda ng mga bampira maging ang ibang mga nilalang na narito sa mundong ito.

Iba kung nasa mundo sila ng mga mortal na kung saan ay mabilis naman silang lumaki kapag naandoon sila

"Bubwit ka pa rin! Kaya umalis ka jan!"

Napangiwi si Khali ng tinakpan ni Zane ang kanyang mukha ng kanyang palad at saka mahinang itinulak palayo saakin

"Damn you Flatty!!" - Khali

"Khali! Your mouth!" - Kevin

Sumimangot lang naman ito kay Kevin samantalang wala namang pakialam si Leila sa inaasal nito

Kagaya pa rin sila ng dati.. Kahit na nawalan sila ng isa sa pinakamahalagang parte ng kanilang buhay..

Halos hindi lang din nalalayo ang katayuan ko sakanila. Pero ang akin ay may pag asa pa. At iyon ang gagawin ko

"Cass!!"

Napangiti ako ng niyakap ako ni Zane

"Akala ko ba nagsasanay ka sa Athanasia Zane?"

Lumayo ito ng konti bago ipinag ikis ang kanyang braso sa tapat ng kanyang dibdib

"Tapos na ang pag eensayo ko Cass"

Napatango tango naman ako

"Astrid?"

Napalingon ako kung saan nakatingin si Ashton ng magsalita ito

"Bakit naandito ka?" - Ashton

"A-ahh mamaya na natin pag usapan Ash" - sagot nito at saka tumingin saakin at ngumiti

Nginitian ko din siya

Ang alam ko silang dalawa ang namamahal na ngayon sa Elonia Majestica katulong ang mga konseho roon

Inilibot ko ang aking mga mata ng hindi ko pa sila nakikita

"Nasaan pala sila Priam at Kyran? Gusto ko na sila makausap" - tanong ko kila Adreana

"Wala pa sila Freya. Mamaya andito na sila" - Kevin

Masyado ngang abala si Priam

Simula kasi ng umalis si Luan, si Priam na ang namamahala sa Parua maging sa Halla. Kapag kinailangan siya ng Halla sila Adreana ang bahala sa palasyo. Kapag kailangan naman siya ng Parua ay ang limang knights ang bahala sa Halla

Mabuti na lamang talaga at magaling mamalakad si Priam

Kung wala pa rin naman sila Priam ay pupunta muna ako doon

"Maiwan ko muna kayo"

Pagpapaalam ko

Alam kung nakatingin sila saakin hanggang sa nawala ako sa kanilang paningin

Narinig ko pa ang ilang pagbuntong hininga nila maging ang binitawang salita ni Miya

"Magpupunta na naman siya roon"

~~

Hinaplos muna ng aking kanang palad ang malaking pintuan na nasa aking harapan bago ko ito itinulak pabukas

Ng makapasok ako ay kusa iyong sumara

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa bagay na nasa pinakagitna at siyang kaisa isang laman nitong malawak na kwarto

Ang isang bagay na siyang nagpapatatag saakin

Ang isang bagay na nagbibigay ng pag-asa saakin na makikita ko pa siya

Ang isang bagay na siyang kalahati ng buhay ng kalahati ko

Ang puno ng kanyang buhay..

Ang puno ng aking prinsipe

Pero hindi na ito kagaya ng dati. Hindi na ito masyadong buhay na buhay na puno. Hindi na masyadong malago ang mga nyebe nitong mga dahon. At ang kulay ginti nitong kahoy ay unti unti na ring kumukupas. Maging ang lamig sa loob ng kwarto ay hindi na rin masyadong malamig tulad noon

Isa lang ang ibig sabihin nito. Ayoko man isipin. Pero iyon ang sinabi nila Adreana saakin. Hindi ko iyon dati pinakinggan

Pero ngayon. Ang makita ang kanyang puno na habang tumatagal ay mas lalong nag iiba na ang hitsura

Ang makita ito ay unti unting dinudurog ang aking puso

Dahil isa lamang ang gusto nitong sabihin

Ang kalagayan ng aking prinsipe... ay hindi maganda

Ayoko man isipin pero alam kung ang kalagayan ni Luan ngayon ay nanganganib. Dahil nararamdaman ko iyon

Unti unti ng nagsisilagasan ang dahon nitong nyebe

At ayokong dumating ang araw na tuluyang malagas ang huli nitong dahon

Hindi iyon mangyayari.. Makikita ko siya.. makakasama ko siya uli..

Pinunasan ko ang aking mga luha na kanina pa nagsisituluan ng maramdaman kong may ibang presensya na narito sa kwarto

"Frey"

Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko si Kevin

Naglakad ito palapit saakin at saka pinunasan ang mga luhang hindi ko magawang patuyuin

"You're just hurting yourself in coming here"

"Gu-gusto ko lamang makita kung kamusta ang kalagayan niya ngayon Kevin"

Nakita kong ikinuyom ni Kevin ang kaliwa niyang kamao habang pinangpupunas niya sa aking pisngi ang kanyang kanang kamay

"He shouldn't leave you. He shouldn't hurt you like this"

"Kevin, alam kung may dahilan siya"

Inalis niya na ang kanyang kamay sa aking pisngi ng matapos siyang mapunasan ang aking mga luha

Bahagya siyang pumikit at bumuntong hininga bago tumingin saakin

"Nasa labas na sila Priam"

~~

Dali dali akong naglakad papunta sa silid kung nasaan sila Priam habang nasa likuran ko naman si Kevin

Naglakad paunahan si Kevin ng malapit na kami sa pintuan at pinagbuksan niya ako

Agad na hinanap ng aking mga mata sila Priam

Narito sila sa malaking silid. Hindi sa silid kung saan ginagawa ang pagpupulong. Ayaw nilang doon nag uusap usap. Dahil maaalala ko lang daw lalo si Luan. Minsan ay hindi ko sila maintindihan. Bakit sila natatakot na maalala ko ang aking prinsipe? Hindi naman ata nila gustong kalimutan ko siya. Hindi naman siguro iyon ang dahilan nila

Huminto ang aking paningin sa magkakatabing sila Priam, Kyran at Yael.

Napatingin sila saakin ng maramdaman nila ang aming presensya

Naglakad ako papunta kila Priam

"Freya"

Napabuntong hininga na lamang ako ng niyakap ako ni Priam

"Priam?"

"Sit first" - sagot naman niya

Umupo ako sa bakanteng upuan katabi nila Zane

Pabilog ang upuan rito na may mesang pabilog sa gitna samantalang may mga nakahilirang upuan naman sa mga gilid. Mayroon ring fireplace sa isang sulok ng silid

Napatingin ako sa bandang gilid ng silid kung saan nakaupo ang apat na Salvatory

Narito rin sila. Malamang naandito rin si Yael.

Napalingon ulit ako sa pwesto nila Priam kung saan ay katabi niya sa kanan si Kyran at sa kaliwa ay si Yael

Ibig sabihin magkakasama nga sila

"Nasabi nila Rosh na may nahanap na kayong paraan. Ano iyon Priam?"

Gusto ko ng malaman. At kahit ano pa man iyon ay handa akong gawin iyon. Para sakanya

"Pinag isipan namin ito ng ilang beses Freya"

Bahagya siyang huminto

"Isa na lamang ang natitirang paraan na alam namin na magagawa natin para mahanap siya"

"Mahanap SILA Priam"

Napalingon ako kay Yael ng sabihin niya iyon

Kita ko ang sakit sa kanyang mga mata. Ang sakit na nararamdaman ko rin

Pareho kaming pinagdadaanan. Kaya't naririto rin siya

Dahil kasabay ng pag alis ng aking prinsipe ay siya ring biglang paglaho ni Tamara kasama sila Grill at Gideon

"Freya, hindi ba sabi mo noon ay nag-usap sila Luan at Tamara" - Priam

Tumango naman ako

"Kailangan nating malaman ang naging pag uusap nila noong gabing umalis si Luan at nawala si Tamara. Para malaman natin kung anong dahilan kung bakit sila nawala at baka malaman rin natin kung nasaan sila at kung ano pang nasa likod ng lahat ng ito"

"Pero paano natin iyon gagawin? Ang malaman natin ang naging pag uusap nila?" - Adreana

"Gagamitan ba natin ng mahika?" - Zane

Sabay namang umiling sila Astrid at Ashton

"Hindi namin kaya iyon. Limitado ang spell na kaya naming gamitin nakadepende iyon sa aming pagsasanay" - Ashton

"Anong paraan ang naisip ninyo Priam? Papaano natin iyon gagawin? Kailangan nating bumalik sa nakaraan"

Bigla akong napalingon kay Kyran ng sabihin ko iyon

"I can't Freya. Kaya ko lamang makita ang nakaraan ng isang nilalang kung sila mismo ay naroon sa pangyayaring iyon. At ngayon wala si Tamara. Siya lamang ang tanging kasama noon ni Luan" - Kyran

"Kung ganun? Wala ng paraan?!"

"Meron Freya" - Priam

"Ano?!"

Nagkatinginan pa silang dalawa ni Kyran

Ilang segundo silang magkatitigan na tila nag uusap gamit ang kanilang mga mata hanggang sa napailing iling si Kyran at saka pumikit at sumandal sa kanyang upuan

"Priam? Anong paraan?" - tanong ko

Kita ko pa sakanya ang pag aalinlangan at pag dadalawang isip

"Kailangan natin ang bampirang kayang manipulahin ang oras"

------------

#DarkSeries

~1813

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free