Biglang natigilan ang mga kasama ko rito sa loob ng silid. Isang mahabang katahimikan
Ang bampirang kayang manipulahin ang oras?
Awtomatikong dumampi ang palad ko sa aking dibdib ng bumilis ang tibok ng aking puso
Naalala ko ang mga pagkakataon noong nararamdaman kong parang tumitigil ang oras. At nakumpirma ko nga iyon noong kasama ko si Astrid sa palasyo ng Althalos
Siya kaya ang tinutukoy ni Priam??
"Ang bampirang kayang manipulahin ang oras?! Thats impossible Priam you know that!"
Si Adreana ang unang bumasag ng katahimikan
"Oo, mukhang imposible nga iyan" - Zeyton
"Bakit? Bakit niyo naman nasabing imposible iyon?" - tanong ko
Tinignan ko sila isa isa. Tanging ako lang ata at si Zane ang hindi alam kung sino ang bampirang tinutukoy nila
"Because that vampire is difficult to find Freya. And it seems that he really doesn't exist. His existence is just a hearsay" - Saxon na nakataas pa ang mga paa sa mesa
"Hu? Bakit sino ba ang bampirang may kakayahang manipulahin ang oras" - tanong ko
"He is one of the 13 princes of Acheron, Freya" - Travis
Acheron.. ang palasyong natutulog na sa loob ng mahabang decada
"And we all know that, that palace was not communicating with us nor to other kingdom for a long time in the history. Kaya napakaimposible" - Rosh
"Pero hindi ba't sabi niyo nakita niyo ang ilan sa mga prinsipe ng Acheron noong digmaan? Ibig sabihin baka tulungan nila tayo ngayon"
"Freya, hindi natin alam ang dahilan ng biglaan nilang pagpapakita noon. At iyon ang huling beses na nakita namin sila" - Xeon
"At tsaka ang bampirang iyon ang pinakamailap sa kanila. He can fucking control the time! He can roam everywhere without even other noticing him. Napakailap niya Freya" - Rosh
"Minsan na namin naramdaman ang kaniyang kapangyarihan noon. Pero hindi pa namin siya nakikita dahil palagi niyang pinatitigil ang oras kapag dumadaan siya" - Keisler
"Naramdaman ko na rin ang kapangyarihan at presensya niya noon" - sambit ko
"WHAT?!"
Ang sabay sabay na sigaw nila Priam, Kyran at Saxon ang pumuno sa malawak na silid
Gulat naman kaming napatitig sakanila
"Ehem! Nagparamdam ang bampirang iyon saiyo?" - nakakunot noon tanong ni Priam na bahagyang nakadukwang sa lamesa
"Oo"
Alam kung saakin siya nagparamdam noon. Lalo na noong gabing ipinakilala ako ni Luan sa buing Emperyo. Alam kong siya ang may kagagawan ng sugat ko noon
Matagal ko na iyong pinag-isipan
"Kailan, saan at ilang ulit na Freya?" - Kyran
Tulad ni Priam ay parang hindi rin mapalagay si Kyran na ngayon ko lang nakikita sakaniya. Sanay akong palagi siyang tahimik, seryoso at blanko ang mukha. Madalas pang nakapikit siya kapag may pulong
Pero bakit tila nagkainteres siya sa pinag uusapan namin ngayon?
"Una noong pumunta rito ang mga konseho. Papunta ako noon sa training ground kung nasaan kami magsasanay ni Kazarina. Naramdaman ko noon tila tumigil ang oras dahil sa mga dahon ng puno sa paligid ko noon"
Hindi ko na lamang sinabi ang tungkol sa bulaklak na hawak ko noon ng ngyari iyon. Baka kung ano pa ang isipin nila
"Ang sunod ay noong gabing pinakilala ako ni Luan sa buong emperyo. At ang huli ay noong nasa loob kami ng palasyo ng Althalos ni Astrid"
Nakita ko naman ang pagtango tango ni Astrid bilang pag sang-ayon
"Damn! This is not good!"
Napalingon ako kay Saxon ng sabihin niya iyon
Kagat kagat nito ang dulo ng kanyang baraha habang kunot kunot ang noo katulad nila Kyran at Priam
Ano bang ngyayari sakanilang tatlo??
"Kaya alam kong makikipag usap saatin ang bampirang kayang kontrolin ang oras. Alam kung mapapaki usapan ko siya"
"NO Freya! Ngayong nalaman kong nagpaparamdam na pala siya sayo noon ay mas lalong hindi na ako papayag!" - Kyran
"Ako din Freya" - Priam
"Hinding hindi rin ako makapapayag!" - Saxon
Nakatingin lang kami sa kanilang tatlo ng sabihin nila iyon
Anong?!
"Pero hindi ba't kayo na rin ang nakahanap ng paraan na ito?!" - tanong ko kasabay ng aking pagtayo
"The three princes have their reason Freya. But I want to see Tamara as much as you want to see Luan. That's why I pursue them a week from now and then now they sudden change their fucking minds!" - Yael
Sabay sabay na sinamaan ng tingin ng tatlo si Yael na nagtatagis bagang lang
"Bakit ba biglang nagbago ang ihip ng hangin?" - Miya na bahagyang bakataas ang isang kilay habang nakatingin kila Saxon
"Kayo tong gustong gusto ng pabalikin si Freya dahil jan sa paraan na naisip ninyo tapos ngayon?! The heck! Ano to laro laro lang?" - Xeon
"Hindi ako makapaniwala. Ikaw rin na baliw ka! Sumama sama kapa sa mundo ng mga mortal upang sunduin si Freya tapos ngayon hihindi hindi ka!" - turo ni Rosh kay Saxon
"Im just keeping what Luan's property while he's not here"
Kumunot ang aking noo sa sinagot ni Saxon
Anong ibig niyang sabihin?
"We need to see Luan, Priam. Mahina siya kapag wala si Freya sa tabi niya. At alam mong marami pa ring gustong pumatay sakanya. Nakita mo naman ang kanyang puno. He's in danger now" - Adreana
"Priam. Gagawin natin ang naisip niyong paraan. Kung ano man ang pag aalinlangan ninyo sabihin niyo sa akin kung ano ang dahilan? Bakit ba ganyan kayo makapag reak? Ano bang meron sa bampirang iyon na hindi namin alam?" - tanong ko
"Freya.." - mahinang sambit nito
Agad akong lumapit sakanyang upuan at saka siya hinawakan sa braso na biglang nagpanigas sakanya mula sa kanyang kinatatayuan
"Please Priam you know how I am desperate now to see him. To know where he is. And I know you want to see him too. And I want to end my misery. My sorrow. Please Priam"
He frustatedly sit again on his chair ang heaved a sigh
Nakatingin naman sa kung saan si Kyran at si Saxon naman ay kunot noo pa rin na parang may iniisip samantalang ang mga salvatory maging si Yael ay tahimik lang at lahat kami ay nag aabang sa magiging desisyon ni Priam
"Okay. We will find the vampire who can manipulate time"
Napayakap naman ako sakanya ng sabihin niya iyon pero agad rin naman akong kumalas
Nakita ko pa ang pag ismid ni Saxon at saka ang pag alis nito sa loob ng silid
Hindi ko muna poproblemahin ang dahilan kung bakit sila naging ganoon kanina
Ang dapat ko munang pagkaabalahan ngayon ay ang paghahanda sa aming pag-alis
~~~
Inilalagay na sa mga dadalhin naming kabayo ang aming mga gamit
Nakahanda na rin kami sa aming pag alis
Napangiti ako ng makita ang mga magiging kasama ko sa paghahanap ng paraan upang mahanap si Luan
Madami kaming maghahanap sa bampirang aming kailangan
Kasama sa paglalakbay sila Kevin, Zane, Miya, Zeyton, Priam, Xeon, Rosh, Yael, Astrid, Ashton, Kyran at Dion
Maging si Saxon ay sasama rin kahit may pa walk out walk out pa siya kahapon
Si Sky naman ay iiwan ko muna dito sa palasyo kasama sila Adreana. Kasama naman nila rito sila Travis, Leila, Khali at ang mga Salvatory
Napagplanuhan na rin namin ang aming mga gagawin
Pinakabilinan lamang ako nila Priam na kahit anong mangyari ay wag na wag akong lilihis sa napag usapang plano
"Umalis na tayo" - Priam
Inalalayan naman ako ni Kyran na makasakay sa aking kabayo
"Freya! Wahhh iiwan mo na naman ako!" - Khali
"Babalik ako Khali. Hindi kami magtatagal"
"Alam mo ba na ang sakit sakit makita ka na pilit siyang hinahanap samantalang andito naman ako! I am more handsome than him!"
Napangiti ako sa mga binitawan niyang salita
Ang bata talagang ito!
"Haha Khali why you're so cute" - sambit ko na nakapagpabusangot sa kanyang mukha
"Kayo na munang bahala rito" - Priam habang nakatingin kay Adreana
"Wag kang mag-alala. Mag-iingat kayo. Hangad namin na mahanap niyo siya agad at makita na natin sila Luan"
Sabay sabay silang yumuko saamin
"Hooo!!!"
Hinila ko na agad ang tali ng aking kabayo ng patakbuhin na ni Priam ang kanyang kabayo
"Freya! Stay at the middle" - Rosh
Tumango naman ako. Napaplibutan nila ako. Tulad ng aming napag-usapan
Gusto ko ng makita ang bampirang may kakayahang kontrolin ang oras upang malaman ko na kung nasaan ang aking prinsipe at kung ano ang dahilan ng kanyang biglaang pag-alis
Inalis ko ang kanan kong kamay sa pagkakawak nito sa lubid at napahawak ako sa aking dibdib
Bakit parang nararamdaman kong may mangyayari. May mangyayari na hindi ko matukoy kung ano
Nararamdaman ko na naman ang kakaibang pakiramdam.
Bakit parang may kakaiba sa sistema ko. Bakit tila gustong gusto na nitong makita ang bampirang aming tukoy, maliban sa tunay kong pakay sa kanya. Ano bang meron sa bampirang kayang kontrolin ang oras??
----------
#DarkPieces
~1813