Inilibot ko ang aking paningin sa lugar na sinasabi ni Grey
Nasa taas na parte kami kung saan ay tanaw ang tinutukoy ni Grey na lugar kung saan naramdaman ang presenya ng bampirang may kakayahang kontrolin ang oras
"Ito na ba ang lugar ng mga hobgoblin?" - Astrid
"Ano namang gagawin ng bampirang kayang manipulahin ang oras sa lugar na ito?" - Zane
"Iyon na nga ang nakapagtataka. Anong kailangan niya sa mga nilalang na nadyan sa lugar na iyan?" - Dion
Ang lugar na tanaw namin ay puro kakahuyan. Isang mahamog at nagsisutayugang kakahuyan
"Magpatuloy na tayo" - Yael
Mabagal lamang ang pagpapalakad namin sa aming mga kabayo habang umiihip ang hangin sa paligid. Puno rin ng hamog kaya't maingat kami sa aming pagkilos
Di nagtagal ay nawala rin ang mga hamog at tumabad sa amin ang mga isang magandang lugar na bagamat hindi masyadong maliwanag tulad sa labas dahil sa kawalan ng sinag ng araw ay makikita mo pa rin ang ganda nito. It is something like a magical place surrounded by woods
May mga bahay na nasa lupa at mayroon rin sa itaas ng mga puno
Maliit ang mga ito kumpara sa ordinaryong bahay sa mundo ng mga tao pero alam kung kakasya kami kapag pumasok kami roon
"Anong klaseng nilalang ba ang mga nakatira dito? Hindi pa ako nakakakita ng hobgoblin" - Zane na nakaangas sa kabayo ni Kevin
Napatigil kami ng bigla kaming pinalibutan ng mga maliliit na nilalang
Para silang mga dwende na mayroong tangkad na isang metro. Nakasuot ang mga ito ng kasuotang lahat kulay kayumanggi
"Anong ginagawa ng mga pangahas na taga labas sa aming lugar?!"
Sambit ng isang lalaki na mayroong hawak na maliit na palakol habang nakatutok iyon kay Ashton
"May hinahanap kaming bampira" - sagot ni Ashton
"Bampira? Wag niyong sabihing kasamahan niyo siya! Sabing wala ang hinahanap niya rito! Bakit pa kayo pumunta sa lugar namin?!" - sambit naman ng isa pang maliit na nilalang na may hawak ng maliit na hammer
Ibinaba ko ang hood ng suot kong cloak
"Kung ganoon ay pumunta nga siya rito? Ang bampirang may kakayahang manipulahin ang oras?" - tanong ko
Narinig ko ang pagsinghap ng mga maliliit na nilalang
"I-ikaw ba ang babae sa propesiya?" - tanong ng isa na may hawak na kahoy
"Oo ako nga. Sagutin niyo ang tanong ko. Naandito ba siya?"
"Ibaba niyo ang mga hawak niyo! Hindi sila kalaban"
Agad na nagsibabaan ng kanya kanyang hawak ang mga nilalang na nasa paligid namin
Napalingon ako sa nagsalita na kalalabas lamang mula sa isa sa mga bahay na narito pero mas malaki ang bahay na nilabasan niya
Matanda na ito kumpara sa mga kasamahan niya. Pero halos kasing tangkad lamang siya ng mga ito
Mayroon na itong mahabang balbas na kulay puti at may hawak na rin itong kahoy na sungkod
Nagsibabaan kami sa aming mga kabayo
"Ano't naparito ang mga bampira at lobo ng Dark Empire?"
"Nabalitaan namin na nagparamdam rito ang bampirang kayang manipulahin ang oras" - Rue
"Hindi siya nagparamdam rito"
Bigla akong nanlumo ng marinig iyon
"Pero iyon ang nalaman ng Alpha ng bloody pack. Wag kayong magsinungaling. Kaya kong wasakin ang lugar na ito"
biglang nagsiingayan ang mga nilalang sa sinabi ni Grey
"Hindi kami nagsisinungaling hari ng mga lobo. Hindi siya nagparamdam..."
Tatalikod na sana ako ng bigla itong magsalita ulit
"Hindi lang siya nagparamdam. Dahil nagpakita siya mismo saakin"
Awtomatikong naglakad ang aking mga paa palapit sakanya
"Kung ganoon ay narito siya?"
"Hindi ko sigurado kong narito siya ngayon. Pero natitiyak kong babalik siya"
----Kyran POV----
Iminulat ko ang aking mata ng maramdaman ko na naman ang mga titig na iyon
Nakita ko mula sa gilid ng aking mata ang pag-iwas niya ng tingin
Nakapalibot kami ngayon sa mababang bilog na lamesa na gawa sa kahoy
"Alam mo naman siguro tanda na ang mga bampira ay umiinom ng dugo! Dugo! At hindi ng mga tsaang gawa sa ugat ng kahoy! Isang maharlika ang mga kaharap mo lalo na ako! Kailangan ko ng sariwang dugo!" - Ang baliw na prinsipe ng Sirona
"Nasisiguro kong lalakas ang pakiramdam mo pag ininom mo iyan. Galing iyan sa kalikasan" - ang matandang hobgoblin
Ang mga nilalang na naririto ay mga hobgoblin
Mga nilalang na mula sa lahi ng mga dwende. Pero hindi maganda ang dulot nila. Kabaliktaran sila ng mga dwende na tumutulong sa ibang nilalang. Mahilig silang magnakaw ng kung anu ano mula sa iba't ibang nilalang. Maging sa mga mundo ng mortal ay nagpapalaganap rin sila ng kanilang masamang gawain
Alam ko iyon dahil minsan na akong nabiktima ng kanilang lahi
"Masasabi nyo po ba kung anong hitsura niya?"
Napalingon kami kay Freya
"What the heck Freya! Bakit?! Interesado kaba sa bampirang iyon?!" - Saxon
"Tinatanong ko lang para mas madali natin siyang makilala Saxon. Masyadong advance ka kung mag-isip!"
"Hindi ko pa nakita ang mukha niya dahil noong pumunta siya rito ay pinatigil niya ang oras tanging ako lamang ang nakakagalaw noon. Nakasuot siya ng cloak. Natatakpan ng hood ang mukha niya"
"Sigurado akong panget yun. Dahil kong gwapo un hindi niya itatago sa hood ang mukha niya at ibabalandra niya iyon tulad ko! Isang tunay na gwapong prinsipe"
"Mabuti pang uminom ka na ng tsaa. Baka mabawasan pa ang kahambogan mo Saxon!" - Kevin
Naaalisawa ako sa paligid. Maliban sa mga titig niya na kanina ko pa nararamdaman ay napapansin ko rin na kanina pa kami pinagtitinginan ng ibang mga nilalang na narito ni Dion
"Naniniwala akong tama ang pagkakakilanlan saiyo ng aming lahi" - matanda na nakatingin saakin
"Minsan na akong ninakawan ng lahi niyo. Ngayon anong ninakaw niyo sa bampirang kayang kontrolin ang oras?"
"Wala kaming ninakaw sakanya"
"Kung ganoon bakit siya nagparamdam o nagpakita sainyo?" - Ashton
"May hinahanap siyang isang bagay. Na sinasabi niyang ninakaw ng kasamahan namin. Pero pinakita ko na ang lugar kung saan namin tinatago ang mga nakukuha namin ay wala rin siya nakita. Pero ang sabi niya ay babalik siya. At sa oras na bumalik siyang di pa namin iyon maibigay ay wawasakin niya ang buong tahanan namin"
Isang bagay? Anong bagay naman iyon at handa siyang wasakin ang lugar ng mga nilalang na ito?
----Freya POV----
Lumabas ako sa tahanan kung saan kami pinatutuloy ni Tay Nohor, ang pinuno ng mga Hobgoblin
Inilibot ko ang aking paningin sa lugar
Maraming mga hobgoblin na naninirahan rito
Maiingay sila at mayroon ring nagkakagulo
Kita mo sakanila na masisipag sila. Maliban sa pagiging masipag sa pagnanakaw
Nahinto ang aking mga mata sa isang batang lalaking hobgoblin na nakaupo sa isang putol na kahoy
Naglakad ako papalapit sakanya
Ng nasa harapan niya na ako ay saka siya nag angat ng tingin saakin at mabilis na tinago ang hawak niya sa kanyang likuran
"Hi? Ako si Freya. Pwede bang umupo sa tabi mo?"
Kumurap kurap ito at saka tumango
Ang cute niya. Naalala ko tuloy si Grill. Siguro pag lumaki pa si Grill magkamukha na talaga sila
"Ahm anong ginagawa mo sa sulok na ito? Ayaw mo bang makipag laro sa mga kalahi mo?"
Umiling iling ito
"Bakit naman?"
"Kasi ayaw nila akong maging kaibigan"
Nakatingin ito sa mga kalahi niya na nagsisihabulan sa paligid
"Gusto mo ba tayo na lang ang maging magkaibigan?" - nakangiti kong sabi
Agad itong napalingon saakin
"Talaga? Gusto mong makipagkaibigan saakin?"
"Bakit naman hindi"
Nakita kong kumislap ang kulay kayumanggi nitong mata at sala tumayo at may inayos sa kanyang likuran
"Anong pangalan mo?"
"Ako si Elvis"
"Elvis. Ang gandang pangalan. Nasaan ang mga magulang mo?"
"Wala na sila. Patay na sila. Namatay sila sa digmaan noon ng Dark at Light Empire"
Bigla akong nalungkot. Marami talagang nawalan ng magulang noong nangyari ang digmaan. Digmaan na dahil sa aking pagkasilang
"Patawad"
Iyon na lamang ang nasabi ko sakanya at saka yumuko
Napaangat ulit ako ng aking ulo ng maramdaman na may lumapat na maliit na kamay sa aking kamay
"Ikaw ang babae sa propesiya. Ang nag iisang anak ng hari at reyna ng Elafry Vaselieo hindi ba?"
"Ako nga"
"Alam mo ba magandang dyosa ng asul na apoy na ang buong angkan namin ay minsan ng binago ng iyong mga magulang?"
Hindi ko alam iyon. Malimit lamang akong makarinig ng kwento tungkol sa kanila
"Binigyan kami ng sapat na pagkain at tirahan ng reyna at hari. Hinayaan niya rin kaming magtrabaho sa palasyo kahit maraming nilalang na ayaw saamin dahil sa likas naming katangian, ang magdulot ng kapahamakan at ang magnakaw. Sila ang unang naniwala sa aming lahi"
Kaya pala nakikita kong nakangiti saakin ang mga mamamayan dito habang pinagmamasdan nila ako
"Nawala ang lahat ng iyon dahil sa digmaan at nagpasya si Tay Nohor na dito na lang tumira sa Dark Empire"
"Pero handa naman kayong tanggapin ng Light Empire. Mapagbibigyan kayo ng mga crown natitiyak ko iyon"
"Hindi lang naman iyon ang dahilan. Gusto namin dito dahil bagay lang ito sa aming mga katangian. Natural iyon saamin at hindi namin iyon mapipigilan. Ayaw naming magdala ng kapahamakan sa Emperyong kumukop saamin"
Mga nilalang na nagdadala ng kapahamakan. Pero ayaw mapahamak ang mga nilalang na kumopkop sa kanila. Sounds ironic
"Halika. Papakita ko saiyo ang bahay ko"
Tumayo ako at saka siya sinundan
Pumasok kami sa malaking butas sa may ibaba ng kahoy
Medyo yumuyuko pa ako dahil hindi ako gaanong kasya
Napahanga ako ng makita ko ang loob noon na siyang tirahan ni Elvis
Malinis ang buong paligid. May upuan, lamesa at ibang kagamitan na gawa sa kahoy
"Sumunod ka"
Tumaas siya sa may hagdan na gawa rin sa kahoy kaya't sumunod ako
Maingat akong umaapak baka kasi biglang bumigay
Pumasok ako sa pintuang gawa sa kahoy kung saan siya pumasok
Mayroong Maliit na kama sa sulok at lamesa at upuan
May shelf din sa bandang gilid na may mga lumang libro
Kung ganun ay mahilig magbasa si Elvis
Sa may tapat ng mesa niya ay narion ang bintana
Lumapit ako roon at kita sa bintana ang labas
"Maganda ba?"
Tumingin ako sakanya na nasa harapan ko
"Oo. Maganda ang bahay mo Elvis. Ikaw ba may gawa nito?"
Tumango tango naman ito
May kinuha siya mula sa kanyang likuran
"Tanggapin mo. Isang regalo mula sa akin bilang kaibigan"
Kinuha ko ang iniabot niyang bagay
Isang orasang buhangin. Isang dangkal ang laki nito
Pinakatitigan ko ang buhangin sa lalagyan na gawa sa salamin
Para itong kumikislap kislap habang patuloy sa marahan nitong paghulog
"Iyan ang unang bagay na kinuha ko sa iba. Kakaiba ang bagay na iyan. Kahit baliktarin mo ay hindi babaliktad ang pag agos ng buhangin"
Binaliktad ko ang orasang buhangin at tama nga si Elvis dati lamang ang pag agos nito. Hindi nag bago
"Saan mo ito kinuha Elvis?"
"Ahmm. Wag mo na sanang tanungin. Sana ay tanggapin mo"
Kahit gusto kong malaman ay hindi ko na lang siya pinilit
Kinuha ko ang isang lalagyan na cylinder glass na nasa lamesa niya
Binuksan ko iyon at saka inilahad ang kamay ko na agad na may lumabas na bilog na asul na apoy
At saka iyon inilagay sa loob ng lalagyan na kinuha ko at agad na tinakpan
"Kapalit ng regalo mo saakin. Alam kong mahilig kang magbasa. Kahit gabi ay magagawa mo na iyon. Mas maliwanag ang asul na apoy ko kaysa sa apoy mula sa gasera"
"Salamat Prinsesa Freya"
Bigla niya akong dinamba ng yakap na sinuklian ko naman
~~
"Luan!"
Bigla akong napabangon mula sa pagkakahiga
Nanaginip na naman ako sakanya. Panaginip na hindi niya gawa. Panaginip na tanging isipan ko lamang ang gumagawa
May kakayahan siyang dumalaw sa panaginip pero mula noong umalis siya ay hindi niya ako dinalaw sa aking panaginip
Napalingon ako sa bilog na salaming bintana na nasa loob nitong kwarto kung saan kami natutulog nila Astrid at Zane
Hating gabi na
Dahan dahan kong inalis ang kumot na nasa aking katawan at tumayo mula sa may kaliitang kama na gawa sa kahoy at mga dahon
Lumabas ako ng kwarto at saka lumabas ng bahay
Pagkalabas ko ng bahay ay agad na sinalubong ako ng malamig na ihip ng hangin
Naglakad ako habang nakatingala kung saan ay kita ang buwan na nakasilip mula sa mga malalaking dahon ng kahoy
Nakatingin rin kaya sa buwan ngayon ang aking prinsipe? Naiisip niya rin ba ako? Napapanaginipan?
Nasaan kaya siya ngayon? Nasa maayos ba siyang kalagayan? Kailan niya kaya ako babalikan? O babalik pa nga ba siya?
Marahas kong iniling iling ang aking ulo sa huli kong naisip
Malamang babalikan niya ako! Mahal ako ni Luan! Baka may problema lamang kaya siya lumayo
Napatigil ako sa aking paglalakad ng makaramdam ako ng kakaiba
Bumilis din ang tibok ng aking puso
Dahan dahan kong inilibot ang aking paningin sa paligid
Kumunot ang noo ko ng mapagmasdan ang nakapalibot saakin
Ang mga dahon ng puno na kanina ay isinasayaw ng hangin ngayon ay parang nanigas sa kanilang mga tangkay
Napatingin ako maliit na fountain na nasa gilid di kalayuan saakin
At nagtaka ako ng makitang hindi iyon umaagos pababa. Hindi ko na rin marinig ang pagbagsak ng tubig mula doon
Kakaiba rin ang hangin
Napahakbang ako paatras ng marinig ang tunog ng isang orasan sa paligid
Iyon lamang ang pumupuno sa aking tenga
Tumigil ang oras. Nasisiguro ko iyon. Tumigil ang lahat sa paligid. Maliban sa akin
Narito siya
Nakaramdam ako ng presenya sa aking likuran pero hindi ko na nagawang lumingon dahil naramdaman ko na ang hininga ng nasa likuran ko sa aking leeg
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Rinig ko na rin ang aking paghinga
Tila nahigit ko ang aking paghinga ng magsalita ito
"I heard that you are looking for me"
Napalunok ako ng makaramdam ng kiliti sa aking leeg dahil sa pagsalita niya malapit sa aking leeg
His voice is damn sexy and husky
Heck! What am I thinking?!
"I always follow you wherever you are. Now, its your turn to chase me"
-------
#DarkPieces
~1813