HinovelDownload the book in the application

Chapter 5 Alsimere

Marahan kong pinapatakbo ang aking kabayo na siyang sinasabayan naman nila

Bigla akong napahinto ng makaramdam ako ng konting pagkahilo

"Let's take a rest"

Napaangat ako ng tingin kay Priam na nasa unahan habang nakatingin saakin

"Kailangan na nating makapunta na doon Priam"

"Limang araw na tayong naglalakbay Freya. At simula ng umalis tayo di ka pa umiinom ng dugo"

"I'm okay Priam. Magpatuloy na lang tayo para makarating na tayo agad doon"

"Buhay ka pa ba pag nakarating tayo doon?"

Napalingon ako kay Yael

"Mahaba pa ang lalakbayin natin Freya. Achreron is on the other side of this Empire" - Rosh

"Lets take a rest for awhile Princess" - Zeyton

Napahawak ako ng mahigpit sa tali ng kabayo ko ng makaramdam na naman ako ng pagkahilo

"Okay" - sagot ko

Naunang bumaba sa kabayo niya si Zeyton at inalalayan ang kabayo ko na pumunta sa gilid ng isang puno at saka ako inalalayan pababa

Nasa kagubatan kami na sakop ng Syldavia

Malawak ang bawat sakop na lupain ng mga kaharian ng Dark Empire. Maliban pa sa walong kaharian na naririto ay mayroon pang mga lupain na sakop ng maliliit na pangkat, kaya't isa itong mahabang paglalakbay na halos gusto ko ng hilain ang daan upang makarating kami agad roon

Umupo ako at saka sumandal sa isang malapad na puno

Agad namang lumapit saakin si Priam

"What are you doing Priam?!" -angil ko

Sinugatan niya ang palapulsuhan niya

"You need to drink blood"

"Ayoko. Hindi ako iinom sa iba. Kay Luan lang"

Mahina lamang ang pagkakabigkas ko sa huling mga salita pagkat hindi ko kayang sabihin ng malakas ang pangalan niya dahil sa tuwing sinasabi ko iyon ay lalo akong nalulumbay sa pagkawala niya

"Psh what's with the mate thing that anyone can be an idiot and martyr? Magpapakamatay para lang sa mga kalahati nilang wala naman nga sa tabi nila??"

Nagsilingunan kami kay Saxon na nakasandal sa puno habang naka ekis ang dalawang kamay nito sa harapan ng kanyang dibdib

"Kung makapagsalita ka kala mo sa hindi mo iyon gi-"

"Shut up Rosh! Hindi iyon ngyari! Hindi ko iyon ginawa! Hindi ako tanga tulad niyan ni Freya! Kung umalis ang gagong un eh di pabayaan niya! Kung ayaw naman pala sakanya bat niya pa hahanapin? That's foolishness!"

Pagkasabi niya niyon ay agad siyang naglakad paalis

"Bakit ba parang may pinaghuhugutan yun?" - Zane

Tumayo ako at saka pumunta sa kabayo ni Zeyton at saka kinuha ang lalagyan na may laman na dugo at saka uminom doon

Nakita ko naman na umupo na rin sa isang ugat ng puno si Priam

Pagkainom ko ay naglakad ako palapit kay Rosh at Travis

Halatang pagod silang lahat sa halos walang tigil naming paglalakbay. Tanging pag gabi lang kami nakakapagpahinga upang matulog

Pero itong si Travis? Parati naman iyang tulog tulad ngayon. Nakapikit na naman ito habang nakasandal sa puno

Umupo ako sa tabi ni Rosh

"Buti pa ang Gregory na iyan. Nakakainom ng sariwang dugo"

Sinundan ko ang tinitignan ni Rosh at nakita ko sila Zane at Kevin. Umiinom si Kevin sa may malapit sa palapulsuhan ni Zane

"Matagal na kaming magkakaibigan. Kahit noong nasa mundo pa kami ng mga mortal ay umiinom na sakanya si Kevin"

Sinabi iyon saakin noon ni Zane. Bihira lang iyon mangyari dahil sa hindi naman masyadong uhaw sa dugo ang mga Gregory

Napalingon ako bigla sa isang puno na nasa di kalayuan namin kung nasaan nakatayo si Kyran at Dion

Mariin na nakatingin sa aking direksyon si Kyran pero agad ring nag-iwas ng tingin

"He still have something on you" - Rosh

"Alam niya naman kung sino ang gusto ko. At alam kong nirerespeto niya iyon"

"Hindi madaling mawala ang nararamdaman ng mga bampira Freya. Kahit gaano katagal pa iyon. We vampire have an undying love"

Napangiti ako sa huli niyang sinabi

Totoo nga iyon. Parang mga sirena ang mga bampira. Kung magmahal walang kamatayan. Pero ang pagmamahal ko ay nakapako na sa isang napakakisig na bampira. Sa aking prinsipe

"Ganun ba talaga si Saxon?"

Pag iiba ko ng usapan

"Tss that crazy bastard?!"

"Hmm oo"

"Hindi naman siya ganon kagago dati"

"Bakit nagagalit siya palagi kapag pinag uusapan ang tungkol sa mga mate? Maging sa mga babae?"

Kahit napakaraming babae ni Saxon he never fell in love with them. He never see them as a woman. As a lady. But just a toy and a past time. He is like an asshole playboy! He even uses his power to attract vampire. And dumped them pag nagsawa na siya. Siya na ata ang kilala kong bampirang masarap patayin sa pagiging gago niya. Yeah the word suits him.

"Lahat kaming magkakapatid ay nakitaan ni Eliza na magkakaroon ng mate. Maging si Saxon"

Lumingon ako kay Rosh

Lahat sila ay nakatakdang magkaroon ng mate? Wala naman akong nakikitang babae nila. I mean wala pa akong nakikitang mate nila

Totoong kinahuhumalingan ng maraming kababaihan ang mga magkakapatid na Dragomir. Pero di pa ba nila nakikita ang mate nila?

"Hindi lahat ng bampirang may mate ay agad agad na nakikita ang mate nila. Karamihan kahit nasa harapan na nila di pa nila nararamdaman ang bond. Dahil hindi pa iyon ang tamang oras upang maramdaman nila iyon. Maliban sa mga inborn mate. Kaming mga magkakapatid na Dragomir ay may inborn mate pero hindi pa namin nakikita ang mate namin. Kayo ni Luan ay isinilang kayo na nakalaan na para sa isa't isa kaya agad na may bond kayo"

Ganoon pala iyon. Napakakumplikado. Paano kung kaharap mo na nga tas di mo pa alam dahil sa mate bond

"Isa rin doon si Saxon. Mayroon siyang mate. An inborn mate"

"Kung ganoon nasaan ang mate niya?"

Isang buntong hininga naman ang pinakawalan niya

"Yun na nga. Nalibot niya na ang buong emperyo. Maging ang Light Empire. Pero hindi niya ito nahanap. Imposibleng isa itong mortal. Dahil nasabi noon ni Eliza na malakas ang kutob niyang bampira rin ito"

"Kaya ba naging ganoon si Saxon?"

"Inisip niyang alam ng mate niya na siya ang kalahati nito kaya't nagtatago ito sakanya. Inisip niyang ayaw sakanya ng mate niya. Mula noon ganyan na siya. Problema na ni Cleon, ng buong Sirona at ng buong emperyo. Lahat ng babaeng makita niya gusto niya magkakagusto sakanya"

Hindi ako naniniwalang tinataguan siya ng mate niya. Bakit niya naman iyon gagawin? Kung dati ay hindi naman pala gago si Saxon

"Argh Fuck you!!"

Nagsitayuan kami ng bigla nalang tumilapon sa lupa si Saxon mula sa kung saan

Bigla kaming naalerto. Tinulungan naman nila Ashton na makatayo si Saxonna may mga pasa na sa braso at mukha

Nagsitipon kami sa gitna habang lumilingon lingon sa paligid

Mula sa mga malalaking puno at malalagong damuhan na nakapalibot saamin ay may mga lumabas na bampira

"Matutuwa nito si pinuno" - sambit ng isa sa kanila

"Saan kayo galing na pangkat?" - Priam

Naglakad paunahan ang nagsalitang bampira at saka ibinaba ang manggas ng kanyang damit at nakita namin sa gilid ng kanyang leeg ang isang simbolo

Simbolo ng kalahating itim na buwan

"Pangkat ni Alsimere" - Travis

Alsimere? Hindi ko alam ang pangkat ng mga bampirang kinabibilangan nila pero isa lang ang natitiyak ko

Mula sila sa isa sa mag pangkat ng rebeldeng mga bampira. Mga bampirang ayaw sa pamamalakad ng mga kaharian ng Dark Empire

"Kapag nadala namin kayo kay Pinuno siguradong matutuwa siyang makita ang mga prinsipe ng kaharian ng Dark Empire. Lalo na ang ikatlong prinsipe ng mga Irondale" - sambit nito habang nakatingin kay Saxon

"Nag aambisyon pa rin ba hanggang ngayon si Alsimere na balang araw ay mauupo siya sa trono?! hahahaha napaka ambisyoso niya talaga! Kailanman ay hindi pwedeng umupo sa trono ang bampirang wala namang dugo ng pagiging pureblood!" - Saxon

"Lapastangan! Sugurin na sila!"

Agad na nagsisuguran saamin ang mga bampira

Hinawi ko naman ang nasa unahan ko na si Miya at Zeyton at saka naglakad paunahan

Kasabay ng huling pag apak ng aking paa sa lupa ay siya na mang paglabas ng asul na liwanag sa lupa palibot saamin at papunta sa mga kalaban

"Ahhhhh!!"

Lahat ng nadadanan nito ay nagiging abo

sa loob ng limang taon dito sa Dark Empire ay nagsanay ako habang hinahanap namin siya

Nagsanay ako ng mabuti dahil pakiramdam ko kaya niya ako iniwan ay dahil sa napakahina ko na hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko

At ngayon, malakas na ako. Kaya ko ng proteksyonan ang sarili ko. Maari na rin niya akong balikan. Pero bakit ni anino niya ay hindi ko pa rin makita?

Napatingin ako sa bampirang nasa taas ng puno na siyang nag iisang nakaligtas mula sa aking asul na apoy

Siya rin ang bampirang nagsalita kanina

"Hindi pa tayo tapos mga hangal na prinsipe! Maging ikaw babae sa propesiya!"

At mabilis itong nawala sa aming paningin

"Natutuwa ako't napaghusay mo ng maiigi ang pagsasanay mo Freya" - Astrid

"Natatakot ako na baka di mo na kami kailanganin pa" - Miya

Ngumiti lang naman ako sakanila

"Fuckshit! My face! Damn that assholes! I will fucking kill Alsimere when I saw him!" - Saxon

"Sino si Alsimere?" - tanong ko

"Bampirang kinupkop ng hari at reyna ng Sirona" - Kevin habang nakatingin kay Saxon na hinahawakan ang mga pasa sa mukha

"Isang napakaambisosyong bampira! He wanted to sit on the throne! He wanted to steal my brother's crown"

Biglang nabaling ang paningin ko sa mga damuhan ng magsigalawan ang mga ito

mula roon ay lumabas ang dalawang lalaki na walang saplot pang itaas

"Owh anong ginagawa ng hari ng mga lobo sa Syldavia?" - Rosh habang nakatingin kay Grey at Rue

Hindi siya pinansin ni Grey at saka nagpatuloy sa paglalakad palapit saakin

Nakagiti ko siyang sinalubong at niyakap

"Psh. Kanina lang gusto ng magpakamatay sa uhaw para kay Luan. Then now? Nakayakap na sa ibang lalaki?!" - dinig kong sambit ni Saxon

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Grey

Natutuwa lang ako na makita ko siya uli. Matagal ko na siyang di nakikita.

Hindi ko pinagtataksilan si Luan. Tinuturing ko ng matalik na kaibigan si Grey

"What do you need Alpha king?" - Priam

"Balita ko may hinahanap kayo"

"I thought Its not your concern" - Yael

"Nitong nakaraan lang narinig ng alpha ng Bloody Pack na nagparamdam ang bampirang hinahanap niyo sa isang lugar"

"Saang lugar iyon Grey?" - agad kong tanong

"Sa lugar ng mga Hobgoblin"

------------

#DarkPieces

~1813

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free