HinovelDownload the book in the application

Chapter 5

“NILALAIT mo ba ang Kuya ko?”

Nagulat si Imee nang mapataas siya ng tingin sa isa sa mga babaeng kakaupo pa lamang. Iyon ang babaeng nasa kabilang mesa na sa pagkakadinig niya ay Sami ang pangalan.

Agad na napakunut-noo siya. Sino bang Kuya ang tinutukoy nito? Eh ang nilalait niya lang naman ay si Marco Vijandre. Hindi kaya..

“Kuya mo si Marco?” agad na tanong niya.

Bigla siyang kinabahan. Narinig pala nito ang panglalait niya kay Marco. Kahit maganda ang mukha ni Sami, hindi niya pa rin iwasang kabahan dahil napansin niyang may kakaibang angas ito. She looked like a tough girl.

“Oo. Kilala ka ba niya?” mataray na wika nito.

“Hi-hindi,” kinakabahang wika niya.

Nakita niya pa ang pangiti-ngiting pag-iling ni Esme na kahit naroon na sa mesang inookupa niya ay bitbit pa rin ang baso ng pineapple juice na iniinom nito kanina.

“O, eh bakit nilalait mo siya? May problema ka ba sa kanya?” sita ni Sami.

“Wala.” Napahalukipkip si Sami at matamang pinagmamasdan siya. Kinakabahan na talaga si Imee kaya bago pa man siya awayin ni Sami ay agad na humingi na siya ng paumanhin. “I’m sorry para sa mga sinabi ko. Hindi ko naman alam na kapatid mo siya eh.”

Hindi ito sumagot sa kanya at pinagpatuloy lang ang pagmamasid nito sa kanya na parang sinusuri ang kabuuan niya. Palaban si Imee pero hindi niya alam kung bakit kapag may kinalaman kay Marco ay kinakabahan siya. Kaya ganoon na lamang ang relief na naramdaman niya nang biglang ngumiti si Sami sa kanya makalipas ang ilang minuto.

“Okay lang. Bakit ka ba nagso-sorry?”

Napakunut-noo siya. Kung kanina ay parang aawayin na siya nito kung makapagsita sa kanya, ngayon naman ay todo na ang ngiti nito sa kanya. Adik ba ito?!

“Nakakatawa lang dahil sa dami ng pumupuri sa Kuya ko, ikaw pa lang ang nangahas na laitin siya. It’s a first. I like you. Ano nga ang pangalan mo?” si Sami.

“Ha?”

“Anong pangalan mo? Gusto kitang maging kaibigan. Ako si Sami Vijandre, kapatid ni Marco Vijandre.”

Nakangiting inilahad nito sa kanya ang kamay nito. Bagaman ay naguguluhan siya sa biglaan na lamang na pagbabago ng mood nito ay tinanggap niya na rin ang pakikipagkamay nito.

“Ako naman si Imee Acosta.”

“I’m Esmeralda Lopez, by the way. Esme na lang ang itawag mo sa akin,” wika naman ni Esme.

Agad na nakipag-kuwentuhan ito sa kanya na animo’y agad na BFFs na silang tatlo. Kahit medyo intimidating ang hitsura ng dalawang babae kanina ay masasabi niyang mababait naman pala ang mga ito.

“So, anong meron sa inyo ng Kuya ko?” si Sami.

“Wala. Hindi niya nga ako kilala,” aniya.

“Eh bakit kung makatingin ka sa kanila ni Patricia kanina eh parang papatayin mo na si Marco. Ex ka ba niya?” si Esme. Kung ganoon, kanina pa nga siya inoobserbahan ng dalawang ito.

“Hindi ko siya ex!”

“Kung sabagay, hindi tulad mo ang tipo ni Marco.”

Pinasadahan siya ng tingin ni Esme bago siya nginitian nang matamis. Hindi naman siya na-offend sa sinabi nito dahil mukhang tama naman ito dahil parang bad mood si Marco kapag nakikita siya nito.

“Okay lang. He’s not my type either.”

“Alam mo, gusto na kita talaga!” parang tuwang-tuwang wika sa kanya ni Sami. “Hindi ko rin kasi gusto ang Kuya kong iyon dahil masyadong possessive pagdating sa akin. Laging nagsusungit. Siya na talaga ang pumalit sa kasungitan ni Papa,” pairap-irap na wika pa nito.

“Eh masungit naman talaga ang Marco na iyon. Palagay ko, in-born iyon.”

Napahalakhak pa sina Sami at Esme sa sinabi niya. Pero natigil lamang ang paghalakhak ng dalawa nang makitang papalapit na sa kinaroroonan nila si Marco. Ngayon lang nila napansin na nakapasok na pala itong muli sa restaurant.

“Ako ba ang pinag-uusapan niyo?”

Salubong na naman ang kilay nito at nakakunot ang noo. Nagsitinginan muna silang tatlo nila Sami bago eksaheradong tumawa si Sami pero hindi maikakaila ang kabang rumehistro sa mukha nito.

“O, Kuya, nandiyan ka pala,” kunwa’y wika ni Sami.

“Oo at parang narinig ko ang pangalan kong pinag-uusapan ninyo.”

Pasimpleng tumayo si Sami at tumingin sa relo na animo’y hindi narinig ang sinabi ng Kuya nito.

“Ay! May pupuntahan pa pala ako. Mauna na ako, Imee, ha? I’ll just see you around,” anito at dali-daling umalis.

Pati si Esme ay dali-dali na ring sumabay kay Sami. Napailing na lang siya nang sa isang iglap ay iniwan na siya ng dalawa at mag-isa na niyang sinasalubong ang matalim na tingin ni Marco. Ipinatong nito ang isa nitong kamay sa mesa at inilapit nito ang mukha nito sa kanya. Bigla na lamang dumagundong ang kaba sa kanya nang mapagmasdan ang mga mata nitong sa kabila ng matalim na tingin ay nagagawa pa ring parang hipnotismuhin siya.

“Pinag-uusapan niyo ba ako?”

“Hi-hindi ano,” kinakabahang wika niya habang pinipilit na iwasang salubungin ang titig nito. “Hindi mo nga ako kilala.”

“Iyon nga rin ang pinagtataka ko. Hindi kita kakilala pero bakit narinig kong pinag-uusapan niyo ako.”

Parang sasabog ang dibdib ni Imee sa kaba nang mas ilapit pa ni Marco ang mukha nito sa kanya. Kahit anong gawin niyang pag-iwas ay pilit na hinuhuli nito ang kanyang mata. At nang magawa naman nito iyon ay parang gusto naman yata siyang tunawin nito sa mga titig nito. Buti na lang at nakaupo si Imee dahil kung nagkataong nakatayo siya ay natulos na siya sa kinatatayuan niya sa panlalambot ng kanyang mga tuhod. Hindi pa siya kinabahan nang ganoon buong buhay niya… ngayon lang, sa ilalim ng mga titig ni Marco.

Napasinghap pa siya nang dumampi ang mga daliri nito sa gilid ng kanyang labi upang punasan iyon. Kung may dumi man sa gilid ng kanyang mga labi dahil sa pagkain niya kanina ay hindi niya na alam. Ang tanging nadarama niya lamang ay ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso kasabay ng masuyong pagdampi ng mga daliri nito sa gilid ng kanyang mga labi.

Imee doesn’t know what is going on with her but she just can’t ignore how gentle and how sweet that gesture was. Hindi na siya magtataka kung anumang sandali ay sumabog na lamang ang kanyang dibdib sa sobrang kaba kaya parang binunutan ng tinik sa lalamunan ang pakiramdam ni Imee nang lumayo sa kanya si Marco at matamang pinagmasdan ang kanyang mukha.

“Wait, anong pangalan mo? Naging ex ba kita?” nagtatakang tanong nito pagkamaya-maya.

“Ano? Ako si Imee Acosta at hindi mo ako naging ex!” Umismid ito.

“Sabagay, hindi kita type,” anito.

Buti na lamang at bumalik na naman ang conceited na ugali nito kaya mabilis nang naka-recover si Imee mula sa kabang nadarama. Agad na napalitan iyon ng inis. Ano bang gustong palabasin nito? Kung kanina ay hindi siya na-offend nang sabihin iyon sa kanya ni Esme, ngayon ay parang nanggagalaiti siya sa inis na marinig ito kay Marco.

Napaka-conceited ng isang ito!

“Excuse me. Ang kapal mo naman! Hindi ka naman ka-guwapuhan!”

Nakakaasar na ngumiti ito sa kanya.

“Aba, kaya pala kanina ka pa nakatingin sa akin habang kumakain ako.”

Alam nitong tumitingin siya rito kanina?! Paano?! Hindi na siya nag-abalang magtanong pa dahil kailangan niyang salbahin ang sarili niya sa pagkapahiya. Buking na kasi siya.

“Aba naman! Ikaw lang ba ang tao rito? Huwag ka ngang feeling.” Dumilim ang mukha nito at muling binalingan siya.

“Hindi ko alam kung sino ka o kung anong ginagawa mo rito pero ayokong nandito ka,” anito.

She wished she could say the same to him. Para ba kasing habang nakikita niya ito ay hindi matatahimik ang buhay niya at hindi niya alam ang dahilan kung bakit ganoon ang pakiramdam niya.

Pero kahit ganoon, hindi niya pa rin magagawang pagtabuyan ang isang tao nang ganoon lang hindi tulad ng ginagawa ni Marco sa kanya. Kung hindi niya lang talaga iniisip magka-professional ay gagawan niya ng pangit na review ang hotel nitong iyon. Pasadong pasado sa kanya ang hotel at ang mga serbisyo nito, iyong may-ari lang talaga ang may problema sa kanya.

Pero alam niyang hiwalay ang personal niyang buhay sa trabaho niya kaya hindi niya gagawin iyon. Pasasaan ba at makakaganti rin siya sa kumag na ito. At mukhang nakiayon naman sa kanya ang tadhana nang makita niyang nagmamadaling umalis si Marco sa harap niya at dumaan sa back door ng restaurant.

Ang dahilan ng parang bulang pagkawala nito ay ang isang babaeng papasok ng restaurant na iyon na animo’y manunugod. Hindi ito ang babaeng kasama ni Marco kanina at hindi niya na kailangan ng psychic powers para mahulaan ang sitwasyon.

There was something devilish in Imee’s grin because she knows that it’s payback time for Marco Vijandre!

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free