HinovelDownload the book in the application

Chapter 4

“HI. I’m Gazelle Ledesma. I’m the manager of Vijandre Regency Suites here in Subic.” Malugod na tinanggap ni Imee ang nakalahad na kamay ng manager.

“I’m Imee Acosta of The Press.”

“I’ll be the one to assist you in your stay here in our hotel. So, if you have any questions, please feel free to do so.” Tumango siya.

“Sure, thank you.”

“Sayang, si Sir Marco sana dapat ang maglilibot sa’yo rito dahil kung may isang taong karapat-dapat mong kapanayamin ay siya iyon dahil siya ang may-ari nito. Sakto rin naman at nandito siya sa Subic ngayon,” wika ni Gazelle. May panghihinayang na gumuhit sa mukha nito. “Kaya lang hindi siya puwede ngayon dahil may biglaang meeting siya kanina.”

Imee sighed in relief. Mabuti na lang at hindi si Marco ang sumama niya dahil nai-imagine niya na ang sariling ipinapakain rito ang recorder na hawak niya sa sobrang inis niya rito. Hindi talaga tama ang inasal nito sa kanya kahapon kaya nag-iinit ang bumbunan niya kapag naiisip niya ito.

Bakit mo kasi iniisip?!

“Ah, okay lang iyon. Baka busy siya.” aniya.

At para hindi niya na iyon isipin ay kinuha niya na ang kanyang recorder at binuksan iyon. Magsisimula na siyang magtrabaho para hindi na siya mag-isip ng mga bagay na hindi naman dapat.

“Ilang rooms ito?”

“Vijandre Regency Suites offers thirty eight well-appointed guestrooms and suites equipped with superior amenities. Halika, ipapakita ko sa’yo.”

Iginiya siya nito papunta sa hagdan. Habang papanhik sila ay patuloy ang pagpapaliwanag ni Gazelle kung bakit ang Vijandre Regency Suites ay ang pinakamagandang choice ng hotel sa Subic. The hotel is strategically located along the beach right at the heart of business districts. Hindi ito nalalayo mula sa mga tourist destinations at night spots. The hotel also offers watersports activities like jetski, parasailing and kayaking.

Nang makaakyat na sila sa hagdan ay saka na sila sumakay ng elevator na naroon sa ikalawang palapag papunta sa third floor kung nasaan ang mga suites. Isa-isang ipinakita ito sa kanya ni Gazelle samantalang siya ay kinukunan niya ng larawan ang silid at sinusulat niya ang ilang sinasabi ni Gazelle.

Kung para kay Imee ay pasado ang hotel na iyon sa kanyang panlasa at tiyak na sulit ang ibabayad ng sinumang guest. It was indeed home away from home.

Nang masiguro ni Imee na nakakalap na siya ng sapat na impormasyon at pictures ay muli na silang bumaba ni Gazelle. Ngayon naman ay ipapakita nito sa kanya ang restaurant sa loob ng hotel, ang Terrace Grill.

Tamang-tama ay nagugutom na rin siya. Iyon rin siguro ang dahilan kung bakit nang may bumangga sa kanya mula sa kanyang likuran habang pababa ng hagdan ay natinag ang kanyang pagtayo. Buti na lamang at agad na nahawakan siya ni Gazelle sa braso kaya hindi siya nahulog doon.

“Okay ka lang ba, Ma’am?”

“Oo.” Inis na napalingon siya sa lalaking nakabangga sa kanya dahil hindi man lang ito huminto para tulungan siya. Bakit ba kasi patakbo pa ito kung bumaba ng hagdan?! “Sino ba kasi yun?!”

“Si Sir Marco ho,” wika ni Gazelle.

Pagkarinig pa lang ni Imee ng pangalang iyon ay parang nag-full bar na ang inis meter niya. Sinundan niya ng tingin si Marco na ngayon ay masayang nakikipag-usap sa isang babaeng mababanaad ang lahing banyaga base sa kulay asul na mga mata nito at sa blonde nitong buhok.

Kaya naman pala nagmamadali itong bumaba dahil may kakatagpuin itong babae!

Inis na inis si Imee hanggang sa makarating sila ni Gazelle sa restaurant dahil doon rin nagtungo si Marco kasama ang babae. Patawa-tawa pa itong nakikipag-usap sa babae nang hindi nito alam na nabangga siya nito kanina. Paano na lang kung hindi siya nahawakan ni Gazelle, eh di sana nagpagulung-gulong siya pababa ng hagdan?! Hindi man lang ito nag-sorry!

Sa kanyang isip ay tinatarakan niya na ng steak knife ang lalamunan nito sa sobrang pagkainis rito. Bakit ba kasi nagkataong guwapo ito pero wala naman itong puso at walang pakialam sa mga tao sa paligid nito?! At bakit sa dinami-dami ng tao sa hotel na iyon ay nagkakataong siya pa ang binubuwisit ng masamang ugali nito? Nag-iinit na talaga ang ulo niya at kaunting kaunti na lang ay tatayo na siya at tatalakan niya ito.

Buti na lang at agad ring nakuha ang atensyon ni Imee nang may ilapag na pagkain sa mesa ang waiter na tinawag ni Gazelle.

“Please try our restaurant’s specialty dish, Honey butter pork tenderloin,”ani Gazelle.

“Salamat, Gazelle,” nakangiting tugon niya habang sinasamyo ang mabangong amoy ng pagkain.

Magandang distraction iyon sa kanya para hindi na siya ma-buwisit kapag nakikita niya si Marco.

“Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka, Ma’am,” anito bago umalis sa harap niya.

Agad na tinikman ni Imee ang pagkain na agad niya ring hinatulan bilang masarap. Pero kahit gaano talaga kasarap ang pagkain ay naiirita talaga siya lalo na nang mahagip ng kanyang mata si Marco na pinupunasan ang gilid ng labi ng babaeng kasalo nito sa pagkain. He seemed so sweet now that she’s looking at his sweet gesture towards the girl. Kaya nga lang ay hindi niya talaga lubos maisip na sa kabila ng kasungitang ipinapakita nito sa kanya tuwing magtatagpo ang mga landas nila ay kaya rin naman pala nitong maging mabait at magpaka-sweet sa iba.

Ganoon na ba siya kasama o kapangit na nilalang at hindi siya nito kayang pakiharapan nang maayos?! Alam ni Imee na hindi naman sila personal na magkakilala ni Marco para mag-demand siya nang ganoon pero sana ay magpakabait man lang ito bilang respeto sa kapwa tao.

Naniniwala kasi si Imee na bawat tao ay may kanya-kanyang pinagdadaanan at ang tanging magagawa na lang natin sa ating kapwa ay maging mabuti man lang. Pero gusto niya na ring kalimutan ang paniniwala niyang iyon dahil sa tuwing nakikita niya si Marco ay naiinis na talaga siya.

Naniningkit na pinagmamasdan niya ito habang patuloy ang pagsubo niya ng pagkai nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Agad siyang napalingon sa kalapit niyang mesa at doon niya nakita ang dalawang babae na agad ring nag-iwas ng tingin nang lingunin niya. Nagkunwari pa ang mga itong may pinag-uusapan.

“Grabe Sami, dapat pala sumama na ako rito noon sa’yo ano?” anang babaeng mestiza na mukhang manyika sa kanyang paningin.

Maliit ang mukha nito at mahaba ang tuwid at itim na buhok. Base sa hitsura nito, sa pananamit at sa galaw nito ay masasabi niyang mayaman ito. She looked so beautifully fragile yet elegant.

“Sabi ko na kasi sa’yo, Esme eh. ‘Yan ang napapala mo sa pagkaka-busy mo sa trabaho at sa pagiging abala mo sa pag-fan girling diyan kay Sage Alejandro,” wika naman ng tinawag na Sami.

Hindi tulad ng kausap nito, morena si Sami. Maganda ito at tuwid naman ang buhok nito. Hindi tulad ng tinawag nitong Esme, simple lamang ang pananamit ni Sami. Naka-bull cap, white T-shirt, jeans at itim na sneakers lamang ito.

“Ano kaya kung isali ko ito sa tour package ng travel agency namin?” suhestiyon ni Esme. Sumimsim ito ng pineapple juice at bahagyang sinulyapan siya.

“Magandang ideya ‘yan, Esme. Maraming tourist attractions rin naman dito sa Subic at maraming paglilibangan.”

Bahagyang lumingon ito sa kanya bago muling binalingan ang kausap nito. Alam ni Imee na alam na ng mga ito na alam niyang tinitingnan siya ng mga ito kanina. Hindi niya lang alam kung bakit. Ipinagkibit-balikat niya na lamang ito at ipinagpatuloy ang pagkain.

Siguradong ire-rekomenda ni Imee ang pagkain doon sa Terrace Grill sa mga kakilala niya dahil sa sarap ng mga pagkain doon.

Pero parang bigla na lang pumait ang lasa niyon nang makita niya na naman mula sa gilid ng kanyang mata si Marco at ang babaeng kasama nito na parang tapos na sa pagkain. Hindi niya alam kung bakit hindi niya mapigilan ang sariling lingunin ang mga ito. Napanganga na lang siya nang bigla na lamang siilin ng halik ng babaeng iyon sa mga labi si Marco nang makatayo ito mula sa kinauupuan nito.

“It’s fancy seeing you here, Marco,” wika ng babae. Malawak na nginitian ito ni Marco.

“It’s nice seeing you again, Patricia,”

Again?! Kung ganoon, hindi pala nito iyon kasintahan pero hinalikan ito ng babae?! Gusto niyang mapapalatak! Bigla na lamang nag-init ang bumbunan niya nang mapagtanto niya kung bakit ang bait bait ng kumag sa iba, iyon pala ay isa iyon sa mga babae nito. Lalo tuloy na nadagdagan ang inis niya sa binata.

"Bakit? Selos ka?” pambubuska sa kanya ng isang baghagi ng isip niya.

“Hindi, ano?!” agad na kaila niya. Hindi naman nagseselos si Imee. Basta lang naiinis siya sa dahilang hindi niya rin alam.

“O, eh ‘di selos ka nga?!”

Agad na nag-isip si Imee ng dahilan para makumbinsi niya ang sarili niyang hindi siya nagseselos. Bakit nga naman siya magseselos eh hindi niya naman ka-anu ano ang reptilyang iyon? Naiinis lang naman kasi siya dahil ayaw niya ng mga lalaking babaero…

Tama! Iyon lang ‘yun.

“I’ll make sure I’ll come back here more often. Lalo na kung guwapo ang makikita ko,” matamis na wika ng babae. Kahit medyo marunong na itong mag-Tagalog ay napapansin pa rin ang American twang nito sa pananalita.

“I’ll see you around then?” Marco smiled charmingly. Para bang ikinatuwa nito ang papuri ni Patricia.

“Sure.”

“Halika na. Ihahatid na kita sa kotse mo,” si Marco at iginiya na palabas ng restaurant si Patricia.

Nakalabas na ang mga ito ng restaurant pero nakatitig pa rin siya sa pintuan. Naiinis talaga siya lalo na at feel na feel naman ni Marco na pinuri ito ni Patricia. At dahil naiinis siya na hindi niya alam kung para saan ay ibinunton niya na lamang ang inis niya sa paglait sa lalaki.

“Guwapo ba ‘yun? Kulang na lang na magsalubong na ang kilay niya kapag nakikita niya ako. At ang itim niyang mata, nakakatakot tumingin. Tapos sa sobrang prominente ng panga niya ay mukha ng square ang mukha niya!”

Alam ni Imee na pulos kasinungalingan ang sinasabi niya dahil ang mga bagay na nilait niya kay Marco ay iyon rin ang mga bagay na pinuri niya nang makita niya ito.

Gusto niya lang talagang laitin ito para gumaan naman ang pakiramdam niya dahil mula nang makita niya ito ay pinaparamdam na ng binata sa kanya ang mga damdaming hindi pamilyar sa kanya.

Iyon pa nga ang nakakainis, hindi pa nga sila pormal na magkakilala ay nagagawa na nitong pasirkuhin ang emosyon niya, paano pa kaya kapag kilala niya na ito nang lubusan?

Hindi niya hahayaang mangyari iyon dahil kahit malayo na ito ay amuy na amoy niya na ang panganib na maaaring idulot nito sa kanya.

Naputol lang ang malalim na pag-iisip ni Imee nang mapansin niyang may naupo sa dalawang bakanteng silya sa mesang inookupa niya.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free