
Summary
"I didn't know how you did it but the first time you looked at me, you already promised me forever."Dahil laging naka be...
Prologue
NANGINGITING inilibot ni Brent Laurel ang paningin sa Bistro Guwapo. It was a fun Friday night in Bistro Guwapo like what they used to have when he and his friends were still bachelors. Pero ngayong halos mahigit sa isang taon na makalipas nang itinayo nilang magkakaibigan ang establisimiyentong iyon, parang nagkaroon na ng ibang deskripsyon ang salitang “fun” sa kanila kapag naroon sa Bistro Guwapo.
Before, they used to have fun by drinking, having good time with friends and ogling at beautiful girls. But now, fun in Bistro Guwapo for Brent now means remembering the strong friendship he shared with his friends and the beautiful love story each of them found because of that very same place.
Lalong napangiti siya nang makita ang asawa niyang si Arvee na lumabas na mula sa bar kung saan nagse-serve ito ng mga drinks na request ng mga suki nito noon. Hindi naman ito huminto sa pagiging bartender ng Bistro Guwapo Club kaya lang ngayon ay hindi niya na ito hinahayaang masyadong magpagod dahil kamakailan lamang ay natuklasan nila na anim na linggo na itong buntis.
Dapat nga ay hindi sila pupunta doon sa Bistro Guwapo noong gabing iyon para makapagpahinga ito pero excited itong mag-kuwento sa mga kaibigan nito kaya hinayaan niya na ito sa isang kondisyon- hindi ito iinom at hindi sila masyadong magtatagal doon.
Hinalikan niya ito sa noo nang makalapit ito sa kanya at iginiya ito patungo sa second floor ng club kung saan naroon ang kanilang mga kaibigan at ang kani-kanyang mga asawa nito.
Kahit may asawa o fiancé na ang bawat isa silang pitong magkakaibigan ay hindi pa rin nila nakakalimutang magkita-kita sa matatawag nilang pugad ng kanilang pagkakaibigan.
“O, tapos na ba ang pambabakod mo sa asawa mo?” Iyon ang agad na salubong sa kanya ni Zach na naroon sa bar counter.
“Hindi pa. Lifetime duty kong bakuran ang asawa ko dahil akin lang siya,” sagot niya na ikinangisi ni Zach. Nag-high five ito sa kanya. “Kaya kung ako sa’yo, gayahin mo ako para maging tahimik ang buong sanlibutan.”
“Ay hindi, Brent. Iyon ang duty ko sa kanya nang masiguro kong magtitino na talaga ang mokong na ‘to,” nakangiting wika ni Cesca sa kanya na kagagaling lamang sa bar counter. “O Arvee, nandito ka pala. Do you want something to drink?”
Nakangiting nilingon siya ni Arvee na parang humihingi ng permiso na ibahagi nila sa mga kaibigan nila ang magandang balita. Nang tanguan niya ito ay excited na nag-kuwento ito kay Cesca.
“Hindi na ako iinom ngayon, makakasama sa baby.”
Saglit na natigilan ang mag-asawang Zach at Cesca sa gulat bago nag-sink kay Cesca ang ibinalita nila at nagtititili ito.
“Oh my God! Congratulations! We should celebrate!” excited na wika ni Cesca at agad na nag-order ng makakain sa dumaan na waiter.
Buti na lamang at nagseserve doon ng dinner dahil kukutusan niya talaga si Cesca kapag pinainom ang kanyang asawa.
“O, nandito na pala sina Harriet at Cris!”
Napalingon silang lahat sa kararating pa lamang na mag-asawang Harriet at Steve. Kasama rin ng mga ito ang nag-iisang si Cris. Hindi na nga sila nabati ni Cris at Harriet dahil agad nang hinila ito ni Cesca patungo sa isa sa mga couch doon sa second floor at excited na ibinalita ang pagdadalang-tao ni Arvee. Pati nga si Steve ay nagtaka sa biglaang excitement ng mga kababaihan kaya ikinuwento niya na rin iyon dito.
“Congrats, Pare. Naunahan mo pa kaming sundan ang yapak ni Luke,” natatawang wika ni Steve.
Sina Luke at Anya kasi ay mayroong anim na buwang gulang na anak na si Antonio Joaquin o Anjo kung tawagin. Iyon nga rin ang dahilan kung bakit wala roon ang mag-asawa dahil walang magbabantay kay baby Anjo.
Nag-order muna siya ng inumin para sa kanilang tatlo bago binalingan ang mga ito. “Eh, nasan ang iba?”
“Sina Terrence at Yvonne, papunta na raw. Alam mo naman, busy na ang mga iyon para sa nalalapit nilang kasal. Si Liam naman, nasa baba, may kinakausap,” ani Steve.
“Si Jake at Iza, nasa probinsya... baka bumubuo na rin ng supling,” natatawang wika ni Zach.
Nakakatuwa lang isipin na kung noong nag-iinuman sila sa second floor ay napapangiwi silang lahat kapag napag-uusapan ang pag-ibig at pag-aasawa, ngayon ay lahat sila’y masaya sa piling ng mga babaeng kani-kanilang minahal. Nakakatuwang isipin na sa isang lugar pa katulad ng Bistro Guwapo natagpuan nila ang kabiyak ng kanilang mga puso.
“Grabe, ano? Nagbago na tayong lahat. Kailanma’y hindi ko inakalang sasabihin ko ito pero masaya palang mag-asawa,” natatawang wika ni Steve.
“I strongly agree. I mean, every day is just so wonderful seeing Arvee everytime I wake up. At ngayon, magkakaanak pa kami, cloud nine talaga ang feeling,” si Brent.
“Totoo nga pala ang sinabi nila noon na masarap ma-inlove ano? Just knowing that you’ll have the heart of the one you love for the rest of your lives is just… wow,” ani Zach.
“Nagbago ang buhay natin dahil sa Bistro Guwapo…” aniya. Pero natigilan rin siya sa sasabihin nang makita niya si Liam na paakyat sa hagdan kasama ang mga pinsan niyang sina Marco Vijandre at Sandra Michelle Vijandre. “…at sa tingin ko kailangan na ring mabago ng Bistro Guwapo ang buhay ng mga pasaway na taong kasama ni Liam ngayon.”
Magkapanabay na lumingon sina Zach at Steve sa direksyong tinitingnan niya.
“Brent. Kanina ka pa hinahanap ng dalawang pasaway mong mga pinsan,” ani Liam nang makarating ang mga ito sa bar counter.
Magkakilala si Liam at ang dalawa niyang pinsan. Si Marco ay business partner ni Liam sa isang real estate business at si Sandra Michelle naman ay ang interior designer ng Bistro Guwapo. Hindi lang talaga ito masyadong nagpupunta roon dahil may sarili ring trip ito sa buhay at sa ngayon ay trip nitong mag-astang lalaki. Naka- puting T-shirt, pantalon, sneakers at nakasuot rin ng bull cap si Sami.
“At bakit niyo ako hinahanap, Marco, Sandra Michelle?” Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa.
“It’s Sami, Kuya Brent. Not Sandra Michelle.” Inirapan siya nito.
“Huwag mo siyang pansinin, Kuya,” wika naman ni Marco at inirapan ito ni Sami.
Napailing na lang siya sa dalawa. Parang kasi wala nang magawa ang magkapatid na ito kundi ang mag-banghayan dahil ganoon na talaga maglambingan ang magkapatid, cariño brutal.
“Nandito sila dahil may business proposal si Marco. Sa akin ay okay lang pero sabi ko ay kailangan kong ikonsulta sainyong lahat lalong lalo na sa’yo Brent dahil pinsan mo siya. Kapag pumalpak siya, kargo mo iyon,” si Liam.
Tiningnan niya nang masama si Marco dahil parang alam niya na ang iniisip nito base sa kislap ng mga mata nito. Si Marco ay isa sa pinakamatagumpay na arkitekto at negosyante sa bansa at pagmamay-ari nito ang Vijandre Global Inc. na alam niyang may bagong proyekto ngayon.
“Vijandre Global Inc. opens the Pristine Residences in Parañaque. The master plan is to have seven high-rise towers in beautiful aesthetic tropical surroundings. The three towers are already in the final stages of interior works while the other four towers are in full swing construction,” panimula ni Marco.
“At ano namang dahilan mo kung bakit sinadya mo pa kami rito para lang sa negosyo mo?” si Brent.
“Dahil gusto kong maglagay ng beach club sa loob ng Pristine Residences. At dahil matunog ang pangalan ng Bistro Guwapo, gusto ko siyang i-franchise kung papayag kayo. Iyon rin ang gusto ng mga kaibigan kong ka-sosyo ko sa negosyong ito.”
Nagkatinginan sila nina Liam, Steve at Zach. Sa katunayan ay marami na ring natanggap na ganoong business proposal si Liam pero hindi rin sila pumapayag dahil hindi basta-basta sa kanila ang Bistro Guwapo Club. For them, Bistro Guwapo is not just about business but about friendship also.
Gusto nilang magkakaibigan na kung sakaling pumayag sila ay mapanatili pa rin ang ganoong value, hindi lang dahil sa gusto nilang kumita ang negosyo.
Malalim ang pag-iisip nilang tatlo nang dumating si Terrence at ang fiancé nitong si Yvonne. Kasama rin ng mga ito ang kaibigan ni Yvonne na si Imee na minsan na ring isinama doon ni Yvonne. Parang may sasabihin pa sana si Marco nang bigla na lang itong mapatingin kay Imee na parang ba nakalimutan na nito ang sasabihin tungkol sa negosyo.
“Hi, guys. Anong meron?” tanong ni Terrence na nagtataka sa malalim na pag-iisip nilang tatlo.
“Oh my God! Ikaw si Marco Vijandre ‘di ba? Ako nga pala si Imee Acosta mula sa The Press. Puwede ba kitang ma-interview tungkol sa pagkakapanalo mo bilang architect of the year?” wika ni Imee.
Hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa pero hindi tumalab ang pagiging magaling nitong reporter sa masungit na si Marco.
“Hindi mo ba nakikita? We’re discussing business here so if you don’t mind, can you get lost?” kunut-noong wika ni Marco.
Aalma na sana si Imee nang bigla na lang itong hilahin ni Yvonne patungo sa kinaroroonan nila Arvee para marahil ay huwag nang magkagulo. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kina Imee at Marco nang may maisip siyang magandang ideya.
“Payag ako sa proposal mo, Marco,” wika niya.
“Payag ka?” parang nagulat na wika ni Liam.
“Oo, sa isang kondisyon,” ani Brent. “Papayag ako pero kailangang kung ano ang mayroon ang Bistro Guwapo main branch ay maroon rin sa beach club mo. Kaya iminumungkahi ko na kumbinsihin mo na ang kapatid mong si Sami dahil siya rin ang magiging interior decorator ng beach club mo.”
Agad na nag-protesta si Sami na tahimik na sanang umiinom ng piña colada nito kung hindi lang nadawit sa pinag-uusapan nila.
“There’s no way, I’m working with my brother!” mariing wika ni Sami.
Napangisi na lang si Brent nang makita ang frustrated na mukha ni Marco. Alam niyang matinik ito sa negosyo kaya natutuwa siyang bigyan ito ng kaunting challenge man lang.
“Hindi ba puwedeng kumuha na lang ako ng iba?” nakukunsuming wika ni Marco.
“Hindi. At oo nga pala, ang ibig sabihin doon ay kasama ang pausong tradisyon namin.” Makahulugang napatingin sa kanya sina Liam, Steve at Zach pero nang mahinuha nito ang ipinahiwatig niya ay napangiti na lang ang mga ito.
“What?! That’s stupid!” protesta ni Marco.
Alam ni Brent na alam nito ang tradisyong tinutukoy niya dahil nabanggit iyon sa article na sinulat ni Yvonne nang ilabas sa publiko ang kasal nilang dalawa ni Arvee. Ibig sabihin, sa bagong branch ay kailangan ring mayroong roofdeck at tanging ang mga members lang ang makakapunta doon.
Ayon sa pinauso nilang tradisyon na nagsimula lang sa tuksuhan at sa kalaunan ay nagkatotoo, kung sino ang babaeng isasama nila doon ay iyon ang babaeng pinili nilang mahalin
.
Hindi na rin siya nagtataka na hindi papayag si Marco dahil numero unong playboy ito at ayaw nitong magpatali. Gusto niya rin namang sumaya katulad niya ang kanyang pinsan sa piling lamang ng isang babae at hindi sa kung sinu-sino. Tutal ay natagpuan naman na nila ang kani-kanilang tunay na pag-ibig kaya nararapat lamang na ipasa na nila iyon sa iba.
“Take it or leave it.” He smiled a devilish grin.
Nilingon ni Marco sina Liam na parang humihingi ng tulong pero bumagsak lang ang balikat nito nang magsalita na ang pasimuno ng Bistro Guwapo.
“Bistro Guwapo comes with a price and those conditions,” nakangising wika ni Liam.
“Sang-ayon ako!” nakataas-kamay na wika ni Zach.
“Ako rin,” segunda ni Steve. “Excuse me for a moment, I just have to talk to Matt,” ani Steve nang makita ang pinsan at isa sa mga kaibigan ni Marco na paakyat sa second floor. Agad napalingon si Sami nang marinig ang pangalan na iyon at parang nataranta ito nang makita si Matt.
“Okay, papayag ako sa kondisyon ni Kuya Brent pero kailangan kasali ako sa mga members at ayaw kong isali mo ang Matt na ‘yan?!” si Sami. Lalong lumalim ang gatla sa noo ni Marco nang marinig ang sinabi ng kapatid.
“What?!” gulat na wika ni Marco. Kaibigan nito si Matt at natural lamang na isasali sana ito iyon sa mga members kaya lang ay nakialam na ang kapatid nito.
“O, eh di isali mo siya, hindi mo naman makukuha ang franchise na ito?” There was a smug look on Sami’s face when she turned to Brent.
“Bakit mo ba ito ginagawa, Sami? Masaya ka naman sa pagiging interior designer mo. Ano pa ba ang gusto mo?” si Marco.
“Ang gusto ko, huwag mong isasali si Matt sa members. Mayaman rin naman ako, I can invest even three times bigger than he can,” buong kumpiyansang wika ni Sami.
“Mayaman ka?” taas kilay na wika ni Marco.
Napahalukipkip si Sami at nakipagtagisan ng tingin sa Kuya nito. Napangisi na lamang si Brent sa eksena ng dalawa. He can see what Sami is trying to put off and that sparked interest in him.
“Oo. Mayaman ako, kapatid kaya kita?!” Inikot nito ang mga mata. “At malaki naman ang kinikita ko sa trabaho ko.” Nakialam na si Brent dahil naaaliw siya sa pagtatalo ng dalawa.
“Pero babae ka,” panggagatong niya.
Nagliwanag ang mga mata ni Marco nang makakita ng irarason kay Sami para magbago ang isip nito.
“Yes. Bistro Guwapo is supposed to be consisted of male original members. Kaya nga guwapo ‘di ba?” naiiritang wika ni Marco.
Inayos ni Sami ang suot nitong bullcap bago muling binalingan ang kapatid.
“Bakit? Guwapo naman ako, ‘di ba?”
Napahalakhak na lamang si Brent sa dalawa. Hindi talaga magpapatalo si Sami. Walang duda na pinsan niya nga ito dahil nagmana ito sa kanya.
“Narinig mo na ang kapatid mo, Marco. Sa iyo na ang desisyon,” ngiti-ngiting wika niya.
Napakamot sa noo si Marco at parang tumanda ng limang taon ang hitsura nito noong mga sandaling iyon sa sobrang konsumisyon. Maya-maya ay naipukpok na lamang nito ang kamay sa bar counter dahil alam nitong wala na itong choice. Alam niyang gustong gusto nitong makuha ang Bistro Guwapo dahil malaking publicity iyon sa Pristine Residences.
“Darn! Sige na, payag na ako!” Ngiti ng pagkapanalo ang nakapaskil sa mga mukha nila nina Liam.
“Cheers!” ani Liam.
Itinaas nito ang mga basong hawak nila at sabay-sabay na tinungga ang kanilang inumin. Ngayon ay natitiyak nilang magiging makulay pa ang Bistro Guwapo dahil nakini-kinita na nila ang mga bagong mukha ng pag-ibig.
