HinovelDownload the book in the application

Chapter 3 Two

"Thanks." 

Sinarado ko ang pinto ng kotse nya at tumingin ako sa paligid kung may tao bang nakakita sakin. Hindi naman kasi puntahan ang lugar na to kaya dito ko naisip at malapit na ang samaniego University dito. Nag lakad akong palayo sa Kulay Gray Lexus Car nya at nilabas ko ang polbo ko.

Nag polbo ako sa muka at inayos ko ang itsura ko.

"Ikaw na ang panget, Justin Klein." Ngumiti ako ng tipid.

Nakita kong nauna na ang kotse ni Lincoln kaya naman ako ay agad bumilis ang lakad. Namataan ko na ang gate at nilabas ko ang Id ko sa bag ko at sinuot yun. Inayos ko ang lagpas tuhod kong Palda at nag lakad na don.

Pumasok ako at niyuko ko ng konti ang buhok, Buti nalang nakukuha nila Grayson ang Atensyon ng mga kababaihan at hindi ako masyadong nahihiya mag lakad. Pumunta agad ako sa firstsubject ko at biglang kumulo ang tyan ko.

Hindi ako kumain kagabi at bago akong pumasok di ako pumasok.

Napailing ako at umupo nalang ulit sa likod at dumukdok habang hawak hawak ko ang tyan ko.  Ilang oras pa bago mag Lunch di pa naman uso breaktime dahil ang 15 minutes mo ay hindi pa sapat. Nakakainis!

Tinaas ko ang ulo ko dahil tumahimik nanaman ang buong room at nakita ko nanaman ang tatlo na pumasok at tumatawa. Wow, lakas maka prof e. Napapatahimik ang lahat sa kanila. Huwaw! Sila na talaga.

Tumingin sila sa pwesto ko at sinamaan ko sya ng tingin at pinaparating ko din na 'wag syang uupo sa tabi ko.'

Ayoko talaga mag ka issue dahil tatabi ka palang e, lahat nagagalit na. Napapikit ako dahil nakangisi silang tatlo at alam kong dito na sila uupo at sa likod nila ay nandon ang Prof namin. Umupo ako ng maayos at nilabas ko ang Libro ko, Sabay non ng pa vibrate ng cellphone ko at patago kong kinuha yun.

"Ma'am naopen ko na po yung shop."

Tinago ko ang cellphone ko at hindi ko to nireplyan.

Nag simula na ang klase at nag tataka ako dahil hindi dumadaldal ang tatlo na nasa tabi ko. At good thing dahil hindi ako na didistract. Napahawak nanaman ako sa tyan ko dahil parang sinisikmura ako.

Not now please.

Napapikit ako at napayuko. Bahagya ko hinilot ang tyan ko dahil sa sakit. Mariin akong pumikit at huminga ng malalim. "A-are you okay?" Tumingin ako kay Lincoln.

"I told you last night don't talk to me, please." bulong ko sa kanya.

"But you look pale, Masakitba tyan mo?" he asked.

"I-i'm fine." I lied.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin sa harap. Ilang beses ako lumunok dahil sa sakit. Kinuha ko na ang bag ko at tumayo. "What is it Ms. Alvarez."

"M-may i go out, Prof?" Tinignan nya ko at napatingin sya tyan ko. 

"You look fine, Ms. Alvarez." Kinagat ko ang ilalim ng labi ko. "Baka isa lang yan sa dahilan----"

"Hindi nyo ba nakikita? She's pale. Sumasakit ang tyan nya." tumingin ako sa katabi at sinamaan ko ng tingin. "Unahin ang estudyante bago kayo, Prof. She need to go Clinic."  

Tumingin ako kay Prof at tumango. Dinala ko ang bag at aklat ko at namamawis sa sobrang sakit ng tyan ko. Hindi ako natatae, Sinisikmura talaga ako. Nang makalabas ako ng room ay agad ako napakapit sa pader at unti unti nag bl- blur ang paningin ko.

Pakiramdam ko lumalamig ang katawan ko dahil dun. 

Muntik na ko mabuwal pero may sumalo agad sakin. Tumingin ako sa lalakeng yun at nakita ko si Lincoln na mukang nag aalala.  Agad ko lumayo sa kanya dahil sa takot kong may makakita samin pero agad akong nabuwal at sinalo ulit ako.

"Ang kulit." Naiiritang sabi nya."Grayson dalin mo nga ang mga gamit nya."

Huminga ako ng malalim at unti unting pumikit. Hindi ko alam kung nakatulog ba ko o nahimatay.

"Inatake sya ng Ulcer nya, Bawal sa kanya ang nalilipasan ng gutom." 

Unti unti kong dinilat ang mata ko.

Bumungad sakin ang puting kisame at ilaw, Lumingon ako sa nag sasalita at nakita kong nandon ang tatlong mag kakaibigan. "Oh, gising na sya." 

Lumapit agad sakin si Lincoln blur ang paningin ko. Hindi ko sya masyadong maaninag kaya kinapa ko ang mata ko kung nandon ang salamin ko pero wala. "S-salamin ko." Nang hihina kong sabi.

Agad nya yung inabot sakin at naaninag ko na sya ng tuluyan at umupo ng maayos. "May ulcer ka pala?" tumango ako sa kanya.

Pinikit ko ang mata ko at kinapa ko ang leeg ko, Nanlalamig yun at huminga ako ng malalim. "May lagnat ka." 

Tango lang ulit sinagot nya sakin. "Oh, Kumain ka muna para makainom ka na ng gamot." Aya ni Landon sakin.

Tinignan ko lang yun pero di ko inabot.

Kinuha ko ang bag at libro ko. "Hindi ka kakain?" boses ng isang babae at isa syang nurse.

"Sa Cafeteria na po." ngiting sagot ko at napa tsk ang katabi ko.

"Hindi mo kayang tumayo, Tapos sa Caf pa." sabi ni Lincoln sakin pero hindi ko sya sinagot.

Hindi ako pwedeng sumagot lalo na't may makakakita samin. Hindi pwede dahil baka kumalat to sa University at gumulo ang buhay ko. Ayoko, Ayoko. Magulo na ko noon bago pa ko lumipat dito at ayokong maulit yun. Naayos ko na ang buhay ko at hinding hindi ko ulit yun hahayaan gumulo dahil pagod na ko.

"I don't need your help, Lincoln. Thank you for taking me here." sagot ko sa kanya.

Tumayo na ko at dumaan sa gilid nya.

Nag lakad na ko papunta sa pinto ng Clinic at lumabas. Sa pag labas ko ay nakita kong madaming kababaihan sa harap. Bigla akong napayuko at dumaan don. Mukang hindi naman nila ako pinag sususpetyahan. 

Nang makalagpas ako dun ay nakahinga ako ng maluwag. Ramdam ko ang pang hihina ng katawan ko. Bakit bigla akong nilagnat. Okay naman ako kaninang maga at hindi lang ako kumain. Ano ba nang yayare sa katawan ko. 

Nag lakad na ko papuntang Caf at saka ko lang naisip na nakalimutan kong humingi ng gamot. Pero nakakahiya naman kung babalik ako siguro mamaya nalang sa shop. 

Nang makarating ako sa Cafeteria ay agad ako umorder ng isang klase ulam at isang rice lang. Kumuha ako ng tubig at nag lakad papuntang dulo.

Nang makaupo ako ay may tatlong babae umupo sa harapan ko at napatingin ako sa kanila. Punong puno ng kulerete ang mga muka nila. "Ikaw ang hinatid ng tatlo sa Clinic no?"

Nanlaki ang mata ko."Based of her expression, She is." maarteng sabi ng isa. 

"Don't worry, di ka namin sasaktan. We're just asking."Nakahinga ako ng maluwag. "But, stay away from them. Amin sila, taken silang tatlo at samin tatlo sila." Tumango ako sa kanya.

"N-nag magandang loob lang sila na tulungan ako dahil nilalagnat ako." sagot sa kanilang tatlo.

"We know, you're not beautiful para patulan ka ng isa sa kanila."  i smiled weakly. 

Sinimulan ko ng kumain pero hindi parin sila umaalis sa harapan ko. Kaya naman mejo nahiya ako at ininom ko ang tubig ko. "M-may kailangan kayo?" lakas loob kong sabi.

"Nag tataka kasi ako bakit ka tinulungan ng tatlo? Nung kami nga nag panggap hindi kami tinulungan ng kahit sino sa kanila pero ikaw." 

Alam kong maputla ako dahil sa lagnat ko pero mukang may ipuputla pa ata ako. 

"H-hindi ko alam." 

Feel ko totoo sinagot ko sa kanila. 

Nag palumbaba silang tatlo sa harapan ko. "We know you." nanlaki ang mata ko. "Galing din kami sa Faith University like you, I'm sure you know Ethan." nanigas ako sa kinauupuan ko. 

"Ofcourse, Sya yung babaeng pinag pustahan or bet is a right word."

Parang may gumuhit na sakit sa dibdib ko dahil don. "Yeah, pag katapos kang pag pustahan diba sabay sabay silang umalis?" 

Naramdaman ko din na nag iinit gilid ng mata ko. I'm not ready for this. Hindi ko aakalain na may makakakilala sakin. Kinagat ko ang ilalim ng labi ko at bigla silang natawa. "Iiyak ka?" madiin na sabi ng isa sakin na nasa gitna and i think she's leader. 

Umiling ako ng mabilis.

"Mukang iiyak ka na ah?" sagot ng isa. "Mahal na mahal mo talaga si Ethan no? I'm sure naman na di ka ginalaw ni Ethan kasi sino ba hindi madidiri sayo, Bastarda." natawa silang tatlo pero agad silang tumayo.

"Don't worry, your secret safe with us." 

Sa pag alis nila ay sabay tumulo ang luha ko, Bumuhos ito ng malakas. Napahawak ako sa dibdib ko at hindi mapigilan ang pag tulo ng luha ko. Parang kahapon lang ang lahat dahil hindi nababawasan ang sakit. After 3 years, Ngayon lang ulit naungkat tong nang yayare na dinala ko ng tatlong taon. I was madly inlove to him, Akala ko mahal nya ko pero isa lang palang laro ang lahat. Pinag laruan ako ng mag kaibigan nayon kung makukuha ba nila ako. Muntik na, Muntik na muntik na.

At ang pag mamahal na yon ang sumira ng buhay ko. Naniniwala ako sa love pero alam kong hindi babagay sakin ang salitang pag mamahal na yan at walang mag mamahal sakin kahit sino. Pinamukha na sakin to dati at kahit kailan hindi ko hahayaan ang sarili kong maulit ulit yon.

Pinunasan ko ang luha ko at nag simula ulit kumain. Pero sa bawat lunok ko ay parang nahihirapan ako pero kailangan kong ubusin ang pag kain ko dahil baka sumumpong ulit ang sakit ko. Nang matapos ako ay binilisan ko ng tumayo dahil uuwi ako para mag pahinga.

Pero sa pag tayo ko at nagulat ako sa pag sulpot sa harapan ko si Lincoln at may mga babaeng nanonood samin. Yumuko ako at mabilis na dumaan sa gilid nya pero agad nyang hinawakan ang braso ko at hinarap sa kanya.

"Iiwasan mo nanaman ako?" 

Bigla akong kinabahan sa nang yayare, Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang masamang tingin sakin ng mga kapwa estudyante ko. Parang naulit lang ang lahat, Nung nang yare sakin. Ganitong ganito yun. Tumingin ako tatlong babaeng nakausap ko kanina at umiling umiling. 

"Bakit ba natatakot ka?" 

"P-pakiusap w-wag mo kong kausapin." Umiling iling sya at hinawakan ang dalawang balikat ko.

"GUSTO KITA, JUSTIN KLEIN. NGAYON KO LANG TO NARAMDAMAN." Madiin na sabi nya at nanlaki ang mata ko. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot. 

Mabilis kong inalis ang kamay nya sa balikat ko at umantras. "Maniwala ka sa kanya, Justin. Ikaw laging bukang bibig nya." ngumiti sakin si Grayson na nag papaala na si Louise. Ganitong ganito yun. 

Tahimik ang buong palagid at walang nag sasalita. "Kung natatakot kang saktan nila, Ako bahala sayo. Hinding hindi ka nila sasaktan."

Umiling ako sa kanya. 

"H-hindi kita gusto."

Alam kong mauulit nanaman ang nang yare noon.

~

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free