"I'm here, Sorry late ako."
"Okay lang ma'am. Pero aalis na po ako agad, Mejo marami pong costumer."
Ngumiti ako sa kanya. "Mas mahalaga ang pupuntahan mo. Kaya ko to." Tumango sya at mabilis na umalis.
Inayos ko ang buhok ko at pati salamin ko. Hindi na nag palit ng damit dahil may nakapili na sa counter. Ngumiti ako sa kanila. "Goodevening, Welcome to my Dreamshop. What is your order ma'am?"
"Hmmmm. Blue berry cake and isang Mocha coffee, Ikaw bes?" Hindi ko inalis ang ngiti ko at hinintay silang umorder. Srsly. Kailangan ko talaga mag hire pa ng trabahante, madalas lang kasi na mag aapply dito ay puro Working student, Mahirap na kasi baka busy sila tapos busy din ako. Kailangan ko mag hire na pwedeng waitress na dito. Para hindi na ko mahihirapan.
"This is your orden ma'am." umalis sya sa harapan ko pero di ko inaasahan ang kasunod na oorder. Hindi ko man sya namansin na nakapila na sya pero wala naman akong magagawa. Mali ang pag sungitan ang Costumer at ayoko din gumulo ang buhay ko.
Ngumiti ako ng totoo dito.. "Goodevening, Welcome to my Dreamshop. What is your order Sir?"
Kahit pawis na pawis na ko at nakakaramdam na ko ng pagod ay hindi ko to ininda. "Available ka ba?" Hindi ko inalis ang tingin ko.
"Sir, kung mag gagaguhan lang tayo. Umalis na po kayo sa Line kasi di lang naman ho kayo ang oorder. Saka na kayo pumili kung nakapili na kayo." Magalang na sabi ko dito.
"Kaya nga maraming babae dito dahil samin." Grayson winked at me.
"Yeah, tulungan ka pa namin e." Huminga ako ng malalim sa sagot ni Landon.
"Wala po akong pang sweldo sa inyo, Pero maraming salamat po kasi pumasok kayo sakin Shop pero pwede po ba umalis kayo dyan?" ngumuso si Lincoln.
Gustong gusto ko na silang irapan pero di ko magawa dahil baka magalit ang mga babaeng costumer ko. "Umo o ka muna."
"Wala akong pang swe sweldo." sagot ko sa kanila.
"It's free, don't worry. Basta bigyan mo din ako ng oras." he winked at me.
"Okay."
Mabilis silang umalis don at pumunta sa pwesto ko. Pero di ko aakalain na gagaan ang trabaho ko sa kanila sa simpleng pag tulong nila. Sila na din nag hahanda ng mga cake at coffee para sa costumer, minsan naman ihahatid nila at nagugustuhan yung ng kakabaihan at feeling ko, triple ang kita ngayon ng shop dahil mag aalas dose na kami mag sarado at sila na din ang nag linis.
"Thank you." ngiting sabi ko.
"Welcome, Justin Klein." Ngumiti ako sa kanila.
"Gusto nyo ng cake, Coffee or ano? Anything, kasi maganda kita ng shop ko." sagot ko sa kanila.
"Oras mo lang naman ang kailangan ng kaibigan namin." natatawang sabi ni Grayson.
"I'm not available." pinilit kong ngumiti.
Tinanggal ko ang salamin ko sa harapan nila at pinusod ko ang buhok ko. Pinunasan ko ang pawis ko gamit ang kamay ko hanggang sa leeg ko. Hinubad ko ang coat ko na uniform at natira sakin ang blouse ko na hanggang braso. Kitang kita ang makinis kong braso ko at tumingin ulit ako sa kanila at pansin kong nakatitig sila sakin.
"B-bakit?"
Shit! Ganyan ba ko kapanget para titigan ako ng ganyan? Hindi ko maiwasan tumalikod at mag lakad nalang papunta sa counter. Pinunasan ko ang salamin ko at agad ko to sinuot. Pumunta ako sa likod at hinubad ko ang mahaba kong palda para mag palit ng short na hanggang tuhod, nag palit din ako ng muscle shirt at kitang kita ang mapuputi kong braso.
Lumabas ako sa kanila at nakita kong nakapikit si Lincoln habang ang dalawa naman ay parang tulala. Lumapit agad ako sa kanila. "M-mag sasarado na ko." sabi ko sa kanila.
Tumayo sila ng mabilis at lumabas, sumunod naman ako at hinawakan ko ang pinto para ilock to. Humarap na ko sa kanila. "Uuwi na ko."
Paalam ko agad. "Hahatid ka daw ni Lincoln." napatingin ako kay Lincoln at umiling.
"Di na." mabilis na sagot ko.
Aalis na sana ako pero agad hinakawan ni Lincoln ang kamay ko. "Alas dose na, Hindi ko hahayaan umuwi ka mag isa."
Nanlaki ang mata ko ng hilahin nya ko papunta sa sasakyan nyang Gray at agad akong pinasok dun. Umikot sya sa kabila at pinasadahan ko ng tingin ang loob ng kotse nya. Kinuha ko ang seatbelt sa gilid at kinabit to sa kabila.
Ito ang unang beses kong sumakay sa loob ng sasakyan, Alam ko ang gagawin ko dahil hindi naman akong tanga. Sumasakay din ako ng Taxi, Pero ngayon lang talaga ako sumakay sa kotse ng isang lalake na ka schoolmates ko pa. Inayos ko ang sarili ko at tumingin sa bintana.
Awkward.
Nag simula ng umandar ang kotse nya. "Don ako sa Village ng Samaniego." tumingin sya sakin.
"Really?" I nodded.
Hindi din ako tanga dahil sila ang nang mamay ari non. Alam kong kanila yun dahil ang harapan ng bahay ko at court na kung san sila madalas mag laro ng basketball pero hindi mo ko makikitang lumalabas kung wala naman dapat gawin sa labas.
"Pero bakit di kita nakikita?"
"Hindi ako lumalabas." sagot ko agad.
"So you're rich?" umiling ako at tinignan nya ko ng isang beses at tumingin ulit sa daan. "Panong hindi? Don ka nakatira sa village cost of 10M?"
"Bigay yun ng mommy ko saka daddy ko." sagot ko.
"Sayo yon? Kasama mo din kapatid mo saka magulang mo?" Umiling ulit ako sa kanya. "Tapos scholar ka pa sa Samaniego University."
"Ako lang mag isa don." sagot ko sa kanya.
"Asan ang kapatid mo, mommy mo at daddy mo."
Pinikit ko ang mata ko at nag panggap ng walang narinig. Ayokong pag usapan ang mga taong turing sakin ay isang pag kakamali. Taong hindi ako binigyan ng pag kakataong sumaya. "Tulog na pala."
Maya maya lang ay huminto ang sasakyan pero hindi ko parin dinilat ang mata ko. Naramdaman ko nalang na hinihimas himas nya ang pisnge ko pababa sa labi ko. Kung anong kunryente akong naramdaman sa bawat hagod ng daliri nya sa muka ko.
Pinag mamasdan nya ba kung gaano ako kapanget? Alam ko naman na panget ako. "Y-you're cute." Naramdaman ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko.
Unti unti kong dinilat ang mata ko at nag tama ang tingin naming dalawa. Inayos ko ang pag kakaupo ko at tumingin sa labas. "Hindi to ang amin." Mabilis na sabi ko.
"Hindi ko alam kung nasan, balak sana kitang gisingin."
"Huh?"
So ganon pala ang pang gising nya. "Sa tapat ng court ako nakatira."
"WHAT!?!" Nagulat ako sa pag sigaw nya. "Srsly?! Don talaga?" i nodded.
Bigla naman sya natawa at umiwas ako ng tingin. Tinuon ko ang tingin ko sa bintana hanggang sa matapos syang matawa. "Alam mo ba ang kwento kwento don dahil mukang walang nakatira, but my mom told me that may isang babae daw na nakatira don na walang mommy and daddy saka daw mga kapatid, Wala din daw friends. Gusto nyang makipag kaibigan ako sa babaeng yun." Natawa namana sya at wala akong nagawa kundi yumuko.
"Pero alam mo bang takot na takot ako sa bahay na yon kasi sobrang tahimik. Kahit hindi kalakihan pakiramdam ko may laging nakatingin samin pag nag lalaro kami." Tumawa ulit sya.
"Uwi na ko." Malamig na sabi ko.
"Pero di naman aakalain na ikaw pala."
Hindi ako sumagot pero nag start na ang kotse. "So, di mo pa ko kilala?" Umiling ako sa kanya. Kahit ang totoo kilalang kilala ko sya.
"Alam mo bang ikaw palang ang babaeng nakilala ko na hindi samin nakakakilala kahit sobrang lapit lang ng lugar mo samin."Huminto ang sasakyan nya at binuksan ko to pero di ko mabuksan.
"I'm Lincoln Samaniego." napatingin ako sa kanya hanggang bumaba ang tingin ko sa kamay nya na nakataas na nag hihintay na hawakan ko.
"Justin Klein." Hindi ko tinanggap ang kamay nya kaya nya to binaba.
"So, I'll fetch you tomorrow." nanlaki ang mata ko.
"N-no. Y-you don't need that." mabilis na sagot ko.
"Ayon! Nag salita ka rin. Hirap mo pala pag salitain no?" he chuckled. "Pero totoo, I'll fetch you tomorrow." Umiling ako.
"Gusto ko pa mabuhay please. Wag mo nalang ako kausapin sa harap ng maraming tao, Kausapin mo lang ako pag kaharap mga kaibigan mo pero sa harap ng maraming tao, Wag." kumunot ang noo nya.
"Bakit? Masama ba." Mabilis akong tumango.
"Maraming babae nag kakagusto sayo at karamihan dun warfreak at mapanghusga. Ayokong magulo ang tahimik kong buhay, Masaya akong nag iisa at walang nangingielam. So please, wag na wag mong ituloy ang balak mo at baka ano pa isipin pa nila kahit wala naman katotohanan." Napailing sya pero halata parin na gusto nyang matawa.
"Wala akong pakielam, basta ako? Totoo pinapakita ko. I want to be your friend." Natulala ako sa sinabi nya.
"B-but i don't need a friend." sagot ko sa kanya at nawala ang ngiti sa labi nya. " i told you ayokong may panggulo sa buhay ko, Ayokong may nangingielam sakin, ayokong napapansin ako." nakatitig lang sya sakin.
"B-bakit ayaw mo?"
"I was mess at ayoko ulit mang yare yon. I fine with myself, Lincoln." Ngumiti ako ng pilit. "Wag mong subukan pasukin ang buhay ko, Lincoln. Hindi mo ko kilala kung sino ako."
Mabilis kong nabuksan ang pinto ng kotse nya at agad pumasok sa gate. Nakahinga ako ng maluwag sa pag pasok ko sa loob. Nilakad ko ng mabilis ang pinto, sa pag pasok ko dun ay sala agad ang bubungad sayo at may isang mahabang sofa at isang led tv sa gitna. Yun lang ang nakalagay don at wala ng iba. Pumunta na ko sa hagdan para umakyat. Nang makaayat ako ay agad akong pumasok sa kwarto ko. Pumunta agad ako sa studytable ko at binuksan ang laptop ko. Binuksan ko ang bintana at bumungad sakin ang maraming stars.
Kinabukasan ay mabilis akong naligo dahil hindi na kakanin ng oras ko. Kulang na kulang ako sa tulog. Kaya naman kahit breakfast ay hindi ako kumain, kaya naman nag mamadali agad akong lumabas habang basang basa nag buhok at nag susuklay pa. Sinuot ko na ang salamin ko at kinuha ko ang bag at aklat ko.
Sa pag labas ko ng pinto ay agad kong tinakbo ang gate at sa pag labas ko na yun ay bumungad si Lincoln na naka hilig sa sasakyan nya.
"Goodmorning."
Seryoso ko lang sya tinignan. "What are you doing?" nawala ang ngiti sa labi nya.
"Gaya ng sabi ko kagabi, Susunduin kita." Umiling ako. "Late ka na kaya no choice ka na."
"Okay, pero don mo ko ibaba mejo malayo sa University. Ayokong ma issue." bigla syang sumaludo at ngumiti.
"Okay, Bosss!"
~