HinovelDownload the book in the application

CHAPTER 8

“RYSIA!”

Hindi pinansin ni Rysia ang pagtawag ni Matthew sa kanya. Dapit-hapon na kaya hindi na masakit sa balat ang araw kaya isinagawa na niya ang kanyang balak. Ang manghuli ng jellyfish. Masyado kasi siyang naaaliw sa mga iyon. Buong buhay niya, ngayon lang siya nakakita ng totoong jellyfish. Wala naman kasing jellyfish sa Bulacan. At hindi din siya basta nakakasama sa mga get away ng mga kaklase. Wala lang. Ayaw niya lang sumama. Paano, mga maarte at ipokrita ang mga kaklase niya. Tsaka, isa pa, ayaw niyang makipagkaibigan sa mga nakaka-stress na tao. Meron din namang mga kaklase na neutral lang at mababait sa kanya. Pero sadya yatang mahirap para sa kanya ang basta makipagkaibigan.

Ewan.

Hindi niya din alam kung bakit. Basta ang alam niya, ang mga kaklase niya, grouped na agad. Wala siyang mahanap na kasing wavelength niya maliban kay Becky na well, bukod sa Bestfriend niya, talagang swak sa ugali niya.

“Rysia, ano ba `yang ginagawa mo?” tanong ni Matthew nang makalapit na.

“Sshh! `Wag kang maingay. Mag-a-ala-SpongeBob ako ngayon.”

“Ha?”

Kahit hindi niya ito tingnan, alam niyang nangungunot ang noo ng binata. Nag-pokus naman siya sa ginagawa. `Yong bote ng tubig, 1.5-liter na soft drink, pinatagpas niya ang unahan. Saka niya inalis ang takip. Para sa tuwing ilulubog niya sa tubig, tatagos pa din ang tubig.

“Ayon!” tili niya nang may ma-spot-an na jellyfish. Ang bilis-bilis naman kasing lumangoy kaya halos magtatakbo siya.

“What the heck!?” Dinig ni Rysia ang pagmumura ni Matthew pero hindi na niya ito pinansin. “Rysia, tigilan mo na `yan! Makakati ang mga jellyfish!” sigaw nito sa kanya na hindi na umalis sa kinatatayuan.

“`Yaan mo na! Cute naman sila.” pasigaw na sagot niya kay Matthew.

“Damn!”

“Yes! Nakahuli na ako! Nakahuli na ako.” tuwang-tuwang sigaw ng dalaga habang tumatakbo pabalik kay Matthew.

“Aw!” May naramdaman siyang parang mainit na baga na dumampi sa kanyang paa. At parang may tumutusok-tusok, pero inignora niya dahil masyado pa siyang tuwang-tuwa sa nahuli na jellyfish.

“Ano'ng balak mo diyan?” salubong ang kilay ni Matthew habang nakatingin sa kanya.

Nakangiting tiningala naman niya ito. Sumalampak siya sa buhanginan at inilagay ang jellyfish sa kalahati ng 1.5 Coke bottle. Iyon iyong lower part ng bote na ipinanghuli niya ng jellyfish. Nilagyan na niya ng tubig kanina bago manghuli para standby na ang lalagyan.

“Wala naman. Gusto ko lang siyang panoodin,” sabi niya na tiningnan na nga ang jellyfish na nasa bote. “Bakit kulay white `yan? Akala ko ba, pink ang jellyfish?”

“Pink? Aba, malay ko?”

Napatingin ito sa binti niya na kinakamot na pala niya ng hindi namamalayan.

Agad sumalampak si Matthew sa tabi niya.

“Ang cute niya, ano? Totoo ba na may kuryente sila--Aww!”

Nakaramdam na naman siya ng mahapdi na makati at tumutusok sa kanyang binti. At kaya pala hindi sumasagot si Matthew, may iba itong pinagkakaabalahan. Hinablot nito ang kamay niyang nagkakamot sa binti.

“Stop scratching! Lalo `yang mai-irritate. At saan mo nakuha ang sugat na `yan?”

“Ha?” Na-curious na tiningnan na din niya ang binti. Pero hindi naman sa may binti siya may sugat kundi sa may gilid ng paa. “Ewan ko. Baka kanina no'ng pagpasok-pasok natin sa may batuhan do'n sa dulo,” hindi siguradong sabi niya.

Hindi rin naman kasi niya iniinda at hindi naman sobrang malaki. Maliban ngayon na parang dinampian ng mainit na baga. Makati na din at mahapdi ang pakiramdam ng sugat.

Kakamutin niya sana ulit dahil hindi niya matiis ang kati. Pero inabot na ni Matthew iyon at ipinatong sa kandungan nito.

“Sinabi nang huwag mong kamutin. Let me check.” Tiningnan nga nito ang maliit na sugat. “`Yan, o, na-irritate na nga. Tss. Linisin natin `yan bago pa kung anong mangyari diyan.”

“Okay.” Tatayo na sana siya pero bigla na lang ang pag-angat niya sa buhanginan. Impit na napatili si Rysia.

“Baka madumihan pa kung ilakad mo. At magsuot ka ng pampaa para hindi ka nagkakasugat. Ang nipis pa naman ng balat mo.” sabi ni Matthew sa tonong naninita pero nag-aalala.

Napangiti na lang siya. Ang thoughtful nito kahit masungit ang paraan. At nakalimutan niya yatang magiging doktor na itong kasama niya. Natural na maging ganoon ito pagdating sa human body, masyadong observant.

Nang maglakad na si Matthew ay muli siyang umalma. “`Yong jellyfish ko.”

“Nah. `Yaan mo na. Madami pa sa dagat.”

“Pero pinaghirapan ko `yong hulihin, eh.”

“Fine!”

Matapos siyang maingat na maibaba sa loob ng tent ay tinakbo naman nito ang Jellyfish na nasa container. Tuwang-tuwa pa siya nang maiabot na sa kanya.

“Ang cute talaga!” Hindi mapigilan ni Rysia ang mapangiti habang pinapanood ang jellyfish.

Si Matthew naman ay nag-ransack sa loob ng tent. Ewan kung anong hinahanap. Basta busy siya sa pagtitig sa jellyfish. May naramdaman na naman siyang sting sa maliit na sugat sa paa. At 'matic na bumaba doon ang kamay ni Rysia maski hindi tumitingin. Sa jellyfish pa din kasi siya nakatitig. Pero bago pa makagawa ng harsh move ang kamay niya sa paa ay inawat na `yon ni Matthew.

“Sabi na, o? Ang kulit.” napapapalatak na reklamo ni Matthew.

Hindi na niya iyon pinansin. Bakit kasi ang cute ng jellyfish?

“Para siyang mushroom na maraming tangkay,” wala sa loob na sabi ni Rysia, sabay ngiti ulit sa container.

Abala naman si Matthew sa paglilinis ng paa niya. Napapitlig pa nga siya sa hapdi nang maramdamang binuhusan ni Matthew ng saltwater ang binti niya, saka nito pinahiran ng sunblock lotion. Medyo humupa nga ang mainit na makating mahapdi na pakiramdam.

Dudutdutin sana ni Rysia ang jellyfish sa loob ng container nang hablutin ni Matthew ang kamay niya, sabay panggugulat sa kanya.

“Yaaaa!”

At nabigla naman nga siya. Sa isip niya kasi, hindi pa lumalapat ang kamay niya sa jellyfish, pinasabugan na siya ng electric shock. Kagaya ng theme sa spongebob cartoon. Well, wala siyang alam sa jellyfish. Ngayon lang din siya aktwal na nakakita ng jellyfish. At may pagkaparanoid pa naman siya. Paano nga kung totoo ang concept ng jellyfish sa cartoons?

“Ano ba? Nanggugulat ka,” reklamo niya sa binata na natawa na.

“Gusto mong magkaganito din ang kamay mo?” tukoy ni Matthew sa paa niyang nililinisan nito.

“Alin? `Yong magkasugat? Nangangagat ba ang jellyfish?” Bigla niyang nailayo ang sarili sa container.

Tumawa na naman si Matthew. Pinagti-trip-an yata siya nito porke nahuhulaan na wala siyang alam sa mga jellyfish.

“Hindi. Mangangati ka at makakaramdam ng stings,” paliwanag naman nito.

“Ah. Pero hindi sila nangunguryente o nangangagat?” paninugurado naman niya.

Halakhak na naman ang Matthew. Walanjo!

“At saan mo naman nakuha ang concept na nangunguryente ang mga jellyfish?”

Napasimangot siya. “Sa SpongeBob na cartoons, bakit ba?”

Isa na namang malakas na tawa. Nakakaasar na talaga. Pinagtatawanan nito ang kawalang-muwang niya pagdating sa jellyfish. Eh, kasalanan ba niya na hindi siya naging interesado na mag-search patungkol doon? Mas marami siyang dapat unahing alamin.

Katulad ng mga activities ng binata.

“I bet, first time mo makakita ng jellyfish,” nakakalokong pang-aasar nito.

“Walang jellyfish sa Bulacan, eh.” She pouted.

Pinisil naman nito ang ilong niya. “Cute,” anito na ngiting-ngiti.

Ang guwapo talaga ni Matthew, napakahirap tuloy para sa kanya na hindi din ito ngitian.

“Mamaya natin pag-usapan `yang alaga mong jellyfish. For now, ayusin ko muna ang panligo mo sa loob ng cottage. So, you can wash up, nang mawala ang pangangati ng balat mo.” anito na ginulo ang kanyang buhok.

Tumango lang siya dahil kilig na kilig talaga siya sa mga gestures ni Matthew. His being undoubtedly thoughtful, very gentle and definitely careful about her was already too much. Ang totoo, pakiramdam niya, para siyang nasa panaginip. Dati kasi, sa pangarap niya lang nakikita ang lahat ng mga nagagamap na ito. Ilang taon niyang pinangarap si Matthew. At hindi niya inaasahan na magbubunga ng ganito kaganda ang mahabang paghihintay niya.

At sana din, wala na itong katapusan.

“`Wag mong hahawakan ang jellyfish, Rysia. I am warning you!” pahabol pa ni Matthew bago tuluyang makalayo.

Napangiti na lang siya.

“Yes, boss.” He was extremely sweet! Masungit na sweet. And yes, hindi niya akalain na kapag pinag-combine ang dalawang magkaibang manners ay sobrang kinikilig siya.

“ANO kayang hitsura ng inihaw na jellyfish?” tanong ni Rysia habang nag-iihaw sila ng hotdog at marshmallow sa bonfire na ginawa ni Matthew.

Nangunot ang noo ni Matthew nang bumaling sa kanya.

“Hindi nakakain ang jellyfish.”

Ngumiti naman siya ng nakakaloko saka bumalik sa mat na nakalatag sa harap ng bonfire.

“Hindi ko naman iihawin `yong jellyfish ko. Pet ko kaya `yon.” Naiiling na napangiti nalang si Matthew. “Curious lang ako kung ano ba ang hitsura kapag iniihaw.”

“Hindi ko inakala na may morbid mind ka pala.” sabi naman nito.

Sinimangutan niya nga ito. “Kasalanan ko ba `yon?”

“Hindi. That is how your mind works. Hindi naman talaga `yon napipigilan. At hindi dapat pigilan.”

“Parang damdamin lang?”

“Oo.”

“So, hindi mo na pipigilan ang damdamin mo para sa akin?”

Natawa si Matthew sa tanong niya. Seryoso naman siyang nagtatanong, bakit ito tumatawa? Kumabig ang isang braso ni Matthew sa baywang niya.

“Hindi ko na nga napigilan `di ba?”

Napangisi si Rysia. At agad itong binigyan ng halik sa pisngi. Ngumiti naman si Matthew at binigyan siya ng smack kiss sa labi.

“Isa pa.” hirit niya. “`Yong torrid.”

“Abusada.”

Nagkatawanan na lang sila.

“Matt, puwede na ba akong magtanong?”

“Ha? Sa pagkakaalam ko, kanina ka pang tanong ng tanong.”

Nagbuntong-hininga si Rysia at kinagatan ang hotdog na palagay niya, luto na.

“I mean `yong mas deep na tanong.”

“Like what?” kunot-noo nito. Hinipan at kinagatan din ang hotdog.

“Like, bakit biglang gusto mong magtago dito sa isla? May problema ka bang tinatakasan?”

Napansin niya na natigilan si Matthew. Tumitig ito sa kanya. At sa kabila ng apoy ng bonfire na nagre-reflect sa mga mata nito, nakikita niya ang pagguhit ng sari-saring hinid magagandang emosyon. Galit at sama ng loob.

“You can tell me, Matt. Willing akong makinig.” sabi niyang gustong pawiin ang sama ng loob na nakikita niya sa mga mata nito.

Isang buntong-hininga at itinapat ulit nito ang hotdog sa apoy.

“Gusto ko lang i-divert ang utak ko, pagkatapos ng lahat ng nalaman ko.” sabi nitong hindi tumitingin sa kanya.

“Ano ba `yong nalaman mo?”

Matagal itong nanahimik. Sa sobrang tagal, akala niya hindi na nito sasagutin ang tanong.

“That the perfect family I thought isn't really perfect. My father had a kept woman and a kept child.”

Kumurap-kurap si Rysia. Nabigla siya sa narinig pero hindi naman sobra. Bukas na siya sa mga sirang pamilya dahil doon naman siya nagmula. Pero si Matthew, ang alam niya, may rumor dati na may pinsan ito na may kapatid din sa labas. Kaya bakit parang bagong-bago naman iyon para dito?

Ah, she almost forgot. Matthew got an almost perfect family. Kilala ang ama nito bilang isang kapita-pitagang doktor. At napakabait na ama at asawa. Nakasanayan iyon ni Matthew at ngayong may sumabog ditong nakakagulat na balita, natural lang na sumama ang loob nito. O baka nga galit din ito sa ama. At paano na lang ang mama nito? Paano kaya ini-handle ng ginang ang nalaman? His mother was a business woman. That is what she knew.

Nasaan na kaya ang mama nito? Nagpaka-busy na lang ba `yon sa trabaho at hinayaan ang anak na mag-isang i-handle ang masakit na impact ng pasabog ng asawa? Siguro.

Kaya nga siguro pinili ni Matthew na mag-isang pumunta sa malayong isla na pang-survivor ang peg. Walang kahit ano. Kuryente, tubig, signal. Lahat ng modernization wala. Mabuti na lang at maski paano, may cottage.

At tama naman ang lugar para sa mga tulad ni Matthew na naghahanap ng katahimikan para mag-isip. Sumulpot-sulpot pa siya at nanggugulo sa pananahimik nito. Pero baka kasi, gusto din nito ng kausap. Kagaya ngayon...

“Tuwang-tuwa at sobrang pasalamat ako noon na walang maipipintas ang mundo sa Papa. He is a perfect father and husband. Hindi din siya sobrang mahigpit at wala akong hiningi o ginusto na hindi niya ibinigay. He is an outstanding and a hero for me. Kaya naman, ipinagmamalaki ko siya ng sobra-sobra. Pero ngayon, gusto kong ikahiya ang sarili ko.” ramdam at dinig ni Rysia ang bitterness sa boses ni Matthew.

Kitang-kita niya sa mapulang liwanag ng bonfire ang panlulumo at sakit na dala nito sa loob ng dibdib. Kitang-kita niya na kumikislap ang nanunubig nitong mga mata. Tila pinipigilan lang ang sarili na lumuha. It must be very hard for him to cope up.

Sumasakit tuloy ang puso niya para rito. At hindi na siya nagdalawang-isip. Binitiwan niya ang stick ng hotdog at mahigpit na niyakap si Matthew. Dinala niya sa dibdib ang ulo nito at magaang dinampian ng halik sa tuktok. She doesn't know what to say so she better make an action to show him her deepest concern.

“Ang mas masakit pa, parang proud pa siyang ipaalam sa mundo ang bunga ng kataksilan niya. It was obvious that he likes Linster a lot. That he was more proud of his bastard son. Kahit kailan ay hindi ko narinig na nagbigay ng ganoong compliment si Papa para sa akin katulad ng mga compliments niya kay Linster sa family meeting.”

“Ssshhh... Hindi naman siguro--”

“It was obvious Rys. It was obvious that he more adore that kept child of him than me. Sabagay, hindi ko naman siya masisisi. I haven't worked hard to prove myself. Pa-easy-easy lang ako e. As long as I fulfill my duty as a good son, okay na ako. I never get serious in everything around me. At ngayon ko pinagsisihan `yon.”

“Come on, Matthew. You did well, in your own way.” pang-aalo niya rito. At totoo naman iyon.

Sa pagkakaalam niya, maayos naman ang performance nito sa klase nito. Hindi kailanman nagkaroon ng failing grades at muntik makasama sa top students. He was already amazing at lalo na siguro kapag nagseryoso pa ito. He can do more kung sobrang effort ang ibibigay nito.

“But that was not enough.” giit ng binata.

Nasusunog na ang hotdog na hawak nito na pinaiikot-ikot sa tapat ng apoy pero hindi pa din inaalis.

Siya na ang kumuha noon sa kamay nito at inilapag sa kanyang tabi. Nagpakawala naman ito ng isang malalim na buntong-hininga.

“It's okay. Don't compare yourself to your brother. Everybody has their own uniqueness. Tandaan mo `yan, Matt. You are great in your own, special way.”

Umalis sa pagkakahilig sa dibdib niya si Matthew. Saka siya tinitigan.

“You are just being biased, aren't you?”

“Of course not.” Halos maalis sa leeg ang ulo niya sa pagkakailing. “I am honest. Always honest.”

Ngumiti na ito at pinisil ang tungki ng kanyang ilong.

“You are really good for me, Rys. I haven't met an optimistic person as what you are.”

“Siyempre. Maigsi ang buhay para magpalamon sa sakit at sama ng loob.” kinindatan niya ito na kinatawa naman ni Matthew.

“Well, you were right. I guess you got an almost perfect life.”

“What?” She snorted. “I am a legal child before, but not anymore. Ilegal na anak na ako nina Mama ngayon.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Matthew. Naguguluhan siguro sa mga pinagsasasabi niya.

“Pinakasalan kasi ni Papa si Mama kasi, nabuntis siya. After a year or two, maybe, they filed an annulment. And lived their separated life.”

“And you? What happened to you?”

Nagkibit-balikat siya.

“Inihabilin nila ako sa isang yaya na malayong kamag-anak when I was seven. That is...no'ng namatay na ang lola at lolo ko na nag-aalaga sa akin when I was just a tod. Sinusustentuhan naman nila ako. I mean, si Mama na lang since matagal na akong inabandona ni Papa.”

“What?!”

Nakita niya ang biglaang pagdilim ng mukha ni Matthew. Nginitian niya ito para mag-loosen up.

“Hindi ko naman sila masisisi. Hindi nila ako maihahalo sa bago nilang pamilya kasi abnormal ako.”

“Rysia!” galit na saway nito sa kanya. Pero hindi niya iyon pinansin.

“I'll tell you a secret. I had a bipolar disorder when I was a kid.” direktang sabi niya. She wanted to exposed her wholeself to him. Mahal niya si Matthew. At dahil mahal niya ito, wala siyang itatago maski sa nakaraan niya.

Nasa binata na kung pagkatapos niyang ipagtapat ang mental disorder niya noon ay matatanggap pa din siya nito. Kung hindi, she would gladly accepts that. It only means na hindi naman talaga siya nito mahal. Because she believes, love is accepting.

“Natatakot siguro sila noon na kapag inatake ako ng mania, bigla kong awayin ang mga anak nila. Siyempre, pangangalagaan nila iyon kasi mga anak nila `yon--”

“Pero anak ka din nila at hindi tama na pinabayaan ka nila sa isang yaya!” yamot na putol nito sa sinasabi ni Rysia.

Nginitian at tinampal niya ito sa braso. “It's okay. Tanggap ko naman ang pagiging dysfunctional ko noon. And I learned to bear with the fact that they get tired of living with me. Hindi naman niya ako eksaktong pinabayaan, at least my mother. Gumaling nga ako dahil suportado niya ang pagpapagamot ko.”

Sa gulat ni Rysia ay bigla siyang kinabig ni Matthew.

“You were making my heart ache seeing you like that. Making me think that everything was just fine for you. Samantalang alam ko naman na mas masakit pala ang pinagdaanan mo kaysa sa pinagdadaanan ko ngayon. Atleast, my parents never abandoned me. Or even my half-bro. I still have good things that I can be proud of my father.”

Tinapik-tapik niya ito sa likod habang mahigpit siyang niyayakap. “That is what I am talking about. You still have a good father, Matthew. `Wag ka nang magpaka-bitter. Patawarin mo na ang papa mo.”

Hindi ito nagsalita at nanatiling yakap siya ng mahigpit. Just for a while, naramdaman na naman niya ang nagwawalang pintig ng kanyang puso. She love it being enveloped inside his warm big arms.

“You are such a strong woman, Rys.” narinig niyang bulong nito sa puno ng kanyang tainga.

The warm breath bring shivers down to her spine, melting her bone. Arousing such sensual passion inside her. Ganito talaga kalakas ang epekto ni Matthew sa kanya sa tuwing nagkakaroon sila ng intimate na eksena. At hindi niya iyon kayang pigilan.

“But please don't restrict yourself in getting weak, baby. Specially when I am here. You can be weak against my arms. You can cry on my shoulder whenever you need to let go those painful feelings inside. Let it go, Rys. You can be weak now, I am here, already.”

Kahit kailan ay hindi naramdaman ni Rysia ang kagustuhang umiyak dahil sa sobrang appreciation. She appreciates his being so thoughtful and touchy. The feeling that she wanted to be protected by someone else. And it was not just someone. It was Matthew. The man she loves.

Buong buhay niya, hindi niya naramdamang umasa na may poprotekta pa sa kanya. She managed to set her feelings to be always positive and strong. Dahil wala naman siyang ibang makakapitan kundi ang sarili. Kahit sinusuportahan siya ng ina, financially, she still felt alone. Well, having Becky is out of the question. She had her own life.

Kaya ngayong naririnig niya ang mga salitang iyon kay Matthew, na-realize niyang nauuhaw pala siya sa protection at affection. And he just quenched her thirst. She was so grateful to find someone like him.

“Matt--”

Marahan siyang pinakawalan ni Matthew. And the moment their eyes met, they locked. His one hand curled up to her face. Gently rubbing her fine skin with the back of his hand.

Tracing the delicate edge of her face to the fine line of her earlobe down her beautiful long neck. He stopped down the tiny hollow on the base of her throat.

Nangatal yata ang buong himaymay niya sa ginagawa ni Matthew. She swallowed the lump in her throat and force herself to breath. But she realized she can't breathe.

“Now, I hated it that I did not allow myself to notice you.” He said huskily and needy. “Not noticing you in a deeper and yet passionate way, Rysia. I am so afraid, I might just wreck you. I am a no good before. But I will try to be great enough. So, we'll perfectly fits.”

Hindi niya alam ang sasabihin. At mas lalong hindi niya alam kung dapat na ipagpasalamat ang sumunod nitong ginawa.

He dragged the back of his finger along the swell of his breast. And she was lost. There was this melting need in between her thighs that left her wanting and needing.

God! She couldn't help it. They made it once already and she love him. And it seems he did also by telling her those beautiful words. So, what was wrong if she surrendered her self in passion and need once more?

Kaya naman nang kabigin at siilin ulit siya ni Matthew ng mapusok at nag-aalab na halik ay agad siyang nagpaubaya. Idagdag pang pinasiklab lang ng halik noon ang nagliliyab na niyang pangangailangan. Isinalya na niya ang kamalayan papuntang outerspace.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free