HinovelDownload the book in the application

CHAPTER 5

“SHIT! Ang haba ng buhok mong luka-luka ka.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Rysia sa narinig sa kaibigang si Becky. Kanina pa siyang gising at inabutan pa din niya ang pinakamamahal niyang vitamins na nasa tabi niya. Punong-puno ng relief ang guwapong mukha habang nakabantay sa kanya.

Pero agad din nagpaalam nang pumasok sa loob si Becky, dala ang mga gamit niya. May trangkaso daw siya, sabi ng doktor. May nangingilalim siyang lagnat na 'di niya lang pinapansin at nang mabasa ng ulan, saka tuluyang lumala. Idagdag pa na palagi din naman siyang pagod sa eskwela.

Anyway, hindi naman niya iniintindi ang pagod kapag nandiyan na si Matthew. Pakiramdam niya, hindi niya kilala ang salitang "pagod" kapag nakita niya ang binata.

“Bakit?”

“Anong bakit?” Nakataas ang kilay pero nanginginang ang mga mata na baling ni Becky sa kanya. Sumugod ito sa gilid ng hospital bed. “Mukhang nagbubunga na ang pagtiya-tiyaga mo, bes.”

Hindi niya ito maintindihan at mukhang gets iyon ni Becky. Tinampal siya nito sa braso.

“Una, hah? Hinahanap ka niya sa campus. Nang malaman na may sakit ka, aba! Kumaripas ba naman ng takbo papunta sa `yo? At ayan nga! Siya na ang nagdala sa `yo sa ospital. Magbebente-kwatro oras ka na niyang binabantayan habang nagdedeliryo at kung anu-anong pinagsasasabi. Ni hindi siya tumayo para umalis sa tabi mo. Para bang sinisigurado na siya lang ang makakarinig ng lahat ng `yon.”

Nangislap na naman ang mga mata ni Becky pagkuway malapad na ngumiti sa kanya. Naguluhan naman si Rysia.

“Ano bang mga pinagsasabi ko habang nagdedeliryo?”

Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ni Becky.

“Huwag mo nang itanong. Baka ibaon mo ang sarili mo sa lupa. Alam ko naman na sa `kin mo lang sinasabi ang mga kabaliwan mo sa guwapong lalaking `yon.”

Parang sumalang sa bucket challenge si Rysia. Pinanlamigan siya ng mga himaymay at pabiglang inabot ang braso ng kaibigan.

“H-Huwag mong sabihing...”

“Oo! Paulit-ulit mong sinasabi na mahal mo siya. Na siya lang ang nag-iisang lalaki na minahal mo mula freshie ka pa. Na nafu-frustrate ka na kasi grad-waiting na kayo at di ka pa din niya pinapansin. At alam mo ba, kung hindi ba naman isang loko-loko `yang Matthew na `yan. Pinapatulan lahat ng sinasabi mo. Sinasagot lahat ng tanong mo eh alam na nagdedeliryo ka.”

Binitawan niya si Becky at naitago ang mukha sa mga palad. Parang tinatakasan siya ng kanyang talino at ayaw nang i-process ng kanyang utak ang mga sinasabi ni Becky.

Ano pang mukha ang ihaharap niya kay Matthew. Oo nga at papansin din siya. Minsan, nakikisigaw siya ng "I love you" sa mga gig nito. At totoo naman ang tatlong salita na `yon. Galing `yon sa kaloob-looban ng kanyang puso. Pero hindi pa niya nagawa na harapan at direktang sabihin sa binata ang kanyang damdamin. Malakas lang ang loob niya kapag kasama siya ng magulong crowd.

“Mukhang masayang-masaya ang loko nang umalis, ah?” dagdag pa ni Becky. “Hoy! Anong arte `yan?” Hinablot nito ang kanyang braso.

“Ano'ng gagawin ko, Beckya?! Hindi na ako makakapasok sa school nito.” Frustrated na sambit niya.

“At bakit?”

“E' kasi nga! Alam na niya. Baka umiwas `yon sa `kin. Katapusan na ng babago pa lang naming pagkakalapit.”

“Gagah!” singhal nito sa kanya. “Nasa mukha ba ni Matthew ang iiwas? Kung ayaw niya sa nalaman niya, dapat, kagabi ka pa niya iniwan sa `kin? Kita mo at siya ang nagprisinta na magbabantay sa `yo dito sa ospital. Ngayon na lang daw ako bumalik. 'Buti linggo ngayon. Wala akong trabaho. Pero raraket pa din ako ng mga paninda ko sa mga nurse dito. Mukhang mga yayamanin ang mga empleyado dito e.” Hagikhik si Becky.

Hindi niya alam kung paanong iirapan ang kaibigan. Nag-a-attempt na siyang putulin ang kanyang kinabukasan pero negosyo pa din ang nasa isip nito.

Pero bigla niya ding pinag-isipan ang mga pinagsasabi ni Becky. Hindi daw siya iniwan ni Matthew at pinakinggan ang lahat ng mga pinagsasabi niya habang nagdedeliryo. Ano kaya ang mga pinagsasabi niya sa binata? Hindi ba niya binigyan ng kahihiyan ang sarili.

“Tumigil ka na ng pag-iinarte diyan, ha? Anong masama kung direkta mo nang naipaalam? Maigi nga `yon nang malaman mo kung may pupuntahan ba `yang nilulumot mong damdamin sa ultimate crush mo. Para kung wala, move on na. Humanap ka na ng bago.” sabi pa ni Becky na kumuha ng mansanas sa ibabaw ng side table.

Ngayon lang din niya napansin na nasa malaki at private suit siya ng hospital. Ang bongga ng mga gamit sa loob at pati bedsheet at blanket niya, pangdiinan din. Para lang siyang nasa kwarto ng isang mamahaling hotel.

“Nasaang ospital tayo?” Bigla niyang naitanong kay Becky.

“San Victorio Medical Center. Nasa isa sa pinakamamahaling room ng ospital ka, bes. And take note, shoulder na ni Matthew ang expenses mo. Narinig ko `yon na sinabi niya sa nurse na pumasok dito bago ako umalis kahapon.”

Madami pang sinasabi si Becky pero hindi na niya pinag-iintindi. Ang mas na iniisip niya ngayon ay kung bakit ginawa `yon ni Matthew. Kailan palang sila nagkakausap nito. He didn't had to go that far para sa isang kakilala lamang. They weren't even friends.

“Kaya okay lang na magtagal ka pa dito. `Wag ka munang lumabas habanh hindi ka pa sobrang magaling. Para mag-extend pa ang pagnenegosyo ko dito.”

Hayst.

Itong si Becky talaga. Basta pera at pagkakakitaan.

PARANG gustong mag-U-turn ni Rysia nang makitang papasalubong si Matthew sa kanya. Magaling ma magaling ma siya at nag-decide na pumasok na sa school. May mga hinahabol din kasi siyang requirements kaya kailangan niya talagang magpakita sa eskwelahan.

Ginusto pa nga siyang pigilan ni Becky sa pagpapa-discharge. Maganda pa daw ang takbo ng negosyo nito doon kaya `wag muna silang umalis. Pero dahil okay na naman siya. At nahihiya na din siya dahil directly, naka-charge sa tab ni Matthew ang expenses niya kaya ginusto na niyang umuwi. Hindi na din ito nakabalik sa ospital ng araw na `yon. Nakadagdag lang lalo sa tensyon niya.

Kaya ngayon, urong-sulong si Rysia kung lalapitan ba angang binata. Pero kailangan niyang magpasalamat dito. Hindi na niya kinailangang abalahin ang ina para sa expenses. At hindi din nabawasan ang kanyang allowance.

Pero ang dangal ko...

Ang kahihiyan ko...

Ah! Whatever.

Ngayong papalapit si Matthew sa kanya na ang lapad ng ngiti, nawala na ang lahat ng alalahanin niya sa mundo. Gusto na lang niyang tumakbo at yakapin ang guwapong-guwapong lalaki.

“Hi! Pumasok ka na pala. Okay ka na?” agad na bati nito sa kanya, pagkalapit na pagkalapit.

Ngumiti naman siya ng matamis. At hindi niya mapigilan ang sandamakmak na kilig habang nakatitig sa guwapong lalaki.

Sinong hindi magiging okay kung kasing guwapo at kasing sweet mo ang bubungad?

Tumango siya ng sunod-sunod habang hindi mapigilan ang malapad na ngiti. Nakakapabebe talaga ang nilalang na ito.

Demwit!

Nasu-sweet-an siya sa paraan nito ng pangangumusta sa kanya. O baka talagang ganito lang kababaw ang kaligayahan ng puso niya. Lalo at si Matthew nga ang sangkot.

“Salamat pala sa lahat.” aniya. Sabay abot ng cupcake.

Napakadami pang nasayang na ingredients bago niya na-perfect ang lasa noon. Siyempre, gusto niyang ang ibibigay niyang thank you gift kay Matthew at yari sa pagmamahal. Kahit napuyat pa siya, sulit naman.

“Ano 'to?” tanong ng binata habang inaabot ang paper bag.

“Pa-thank you ko sa `yo. Alam kong ni hindi iyan pumuwesto sa 5% ng bill ko sa ospital--”

“Nah. Don't mention it. Malaki naman kumita ang SVMC. Hindi `yon makakabawas sa kayamanan ng Lolo.” anito habang sinisilip ang laman ng paper bag.

“Pero sa tab mo naka-charge--”

“And your point is?”

Nagyuko siya ng ulo. Nawawalan na siya ng kakayahang makipag-argue. Lalo at alam niyang alam nito kung gaano niya kagusto ang binata.

“Nakakahiya sa `yo.” sabi niya. May double meaning na `yon. Nakakahiyang sinagot nito ang expenses niya at pati na din ang delirious state ng pagtatapat niya ng damdamin.

Anyway, nagdedeliryo naman siya. Ibigsabihin, puwede niyang itanggi iyon. Magkukunwari na lang siyang walang alam. Iyon na ang pinagkasundo niyang desisyon sa sarili para hindi mailang kay Matthew.

Narinig ni Rysia ang pagtawa ng binata. Tawang halos magpa-tumbling sa kanyang puso.Pagkuway inabot ang kanyang baba at iniangat iyon para magtama ang kanilang mga mata.

God! Those beautiful hazel eyes were like thunders shooting her with delicious feelings. Parang wala na siyang gustong gawin kundi ang magpabaril sa mga mata nito. Kung ganito naman kasarap sa pakiramdam, na para siyang sinisibat ng nakakakiliting sensasyon ng mga mata nito, she would gladly stay standing in front of him and enjoy his intense gaze.

Naramdaman niya ang pagpisil ng hinlalaki nito sa baba niya habang nakangiting tumutitig sa kanya.

“Cute. You really are cute, Rysia.”

AND I wanted to taste those beautiful lips of yours.

Gustong idagdag ni Matthew. What is this young woman doing to him? Dapat nga ay wala siyang pakialam dito. Lalo na sa delirious way ng pag-aanunsiyo nito ng damdamin sa kanya. Hindi naman na kasi iyon bago. Madaming babae ang halos araw-araw na iproklama ang kanilang mga sarili sa harapan niya.

But Rysia's proclamation was way different. Kasing iba ng kung paano nag-react ang internal system niya. He loves the idea of hearing her heart out. Her frustration of being with him, seeing him before the day ends.

“I so love you, Matthew. At kahit hindi na matapos ang school year, kung `yon lang ang paraan para lagi kitang makita.”

Those words na may kasama pang hikbi habang pabiling-biling ang ulo nito sa hospital bed... It touches his heart. Puso na akala niya ay walang ibang kayang gawin kundi maglaro. Ramdam niya kasi kung gaano kalungkot ang mga salitang iyon. And he hates it. He hates the idea that this sweet innocent woman was so lonely.

Kaya nga ipinangako niya sa sarili na uubusin niya ang natitirang mga araw, linggo at buwan sa University na laging nilalapitan si Rysia.

He doesn't know where the concerns are coming from. But he wanted to make her happy.

Binitiwan niya ang baba ni Rysia at inabot ang isang kamay nito. “Do'n tayo sa may Lover's Lane. Mainit dito.”

Hindi nakatakas sa mga mata ni Matthew ang pamumula ng mga pisngi ni Rysia.

God! This lady was really cute. Sa panahon na ito, wala na yatang ibang babae na nagba-blush at pilit nagtatago ng kilig. But it was really obvious in her sparkling eyes.

Unconsciously, napisil niya ng marahan ang kamay ni Rysia. And it made her gently draw air into her lungs. That was also a plus plus points for him. Natutuwa lang ba siya kay Rysia o talagang nakuha na ng babaeng ito ang kanyang buong interes?

THINGS been doing perfectly good. Iyon ang tingin ni Rysia sa mga sumunod na araw. Madalas, siya na itong pinupuntahan ni Matthew sa area nila. Bubwelo palang siya para sumilip sa medical department pero nasasalubong na niya si Matthew. Mag-aayang kumain sa labas o 'di kaya ay samahan siya sa kung saan man niya balak pumunta.

She doesn't know what really happened back then. Bigla kasi itong bumait sa kanya. At ayaw man mag-assume ni Rysia pero hindi niya mapigilan. Pagkatapos ba ng mga ganap sa ospital, may magandang naging bunga ang delirious way of self proclamation niya?

Ah. Whatever it is. Ang mahalaga, maganda ang nangyayari ngayon. Hindi na siya broken hearted ngayong Valentine's day. Ang totoo, gumawa pa siya ng chocolate pastries para sa binata.

Well, dadalhin niya sa Pilipinas ang paraan ng mga Japanese sa pagse-celebrate ng Valentine's. Siya ang magbibigay ng chocolate kay Matthew.

Me is so kilig-kilig talaga!

Ang lapad ng ngiti ni Rysia habang nakatitig sa chocolate pastry sa kanyang kandungan. Ang ganda pa ng pagkaka-wrap niya doon at nilagyan ng pulang ribbon. Kasama ng maliit na card na may nakasulat na: From Rysia. With love.

Tinext kasi niya si Matthew para sabihing nandoon siya sa Lover's Lane. Puntahan siya nito for important reason.

“Hi, Rysia.”

Napalingon si Rysia sa nagsalita. Si Duncan. Classmate niya sa ilang subjects.

“Oh, hi.” Nagpalingon-lingon siya sa paligid. Wala ba itong kasama? May program sa University kaya karamihan ay nasa open ground. Mangilan-ngilan lang sila roon sa Lover's Lane.

“Bakit nag-iisa ka dito?” nakakunot-noong tanong nito.

Okay naman itong si Duncan eh. Mabait sa kanya at madalas mag-offer ng tulong kapag nahihirapan siya sa mga activities nila. Kaya, mabait na sinagot niya ang tanong nito.

“Wala. May hinihintay ako.”

Bumaba ang mga mata nito sa nasa kandungan niya.

“Boyfriend? Kayo na no'ng medicine student?”

“Ahm...”

Paano ba niya sasagutin iyon? Hindi naman niya alam kung ano ba ang status nila ni Matthew. Oo, lumalabas sila na magkasama. Pero hindi niya mai-consider na date iyon dahil, hello? Wala namang sinasabi si Matthew sa kanya. Hindi ibigsabihin noon na may namumuong damdamin sa pagitan nila. Siya nga lang yata itong may namumuo para kay Matthew. At araw-araw ay nadadagdagan ang masarap at masayang damdamin na iyon. Halos bumugalwak na nga palabas ng kanyang puso sa sobrang dami.

At mahirap naman mag-claim ng walang katibayan na pag-aari nga niya ang binata.

“E-Ewan ko.” sa kawalan ng sasabihin ay nasabi niya.

Tumango-tango si Duncan. “Looks delicious. Puwedeng makahingi ng isa? Mukhang madami naman ang dala mo.” Tukoy nito sa chocolate pastries.

Nagdalawang-isip si Rysia kung aabutan ng pastries si Duncan. He made it all for her love, for Matthew. Gusto niya sanang ang lalaki lang ang kumain ng pinagpuyatan niyang chocolate pastries. Pero kasi... Naging napakabait naman ni Duncan sa kanya. Ano ba `yong isang pastries para ipagdamot niya rito.

“Alright. I get it.” nakangiting sabi nito. “Maiwan na kita.”

Inatake ng konsensiya si Rysia. Pakiramdam niya, parang ang damot-damot niya. Isang pastries lang. Hindi naman siguro masama kung bigyan niya din si Duncan. He had been good to her all along.

“Wait, Duncan!” Napatayo si Rysia at hinabol ang kaklase.

Iniwan muna niya sandali ang paper bag ng iba pang pastries. Nang humarap sa kanya ang lalaki ay iniabot niya ang isang pack ng chocolate pastries.

“Pa-thank you ko sa `yo because you've been good to me for the whole school year.” sabi niya.

Nakangiting inabot iyon ng lalaki.

“Thank you, Rysia.” Iniangat nito ang iniabot niya. Saka marahamg ikinaway sa harap niya.“See you, later.”

“Sige.”

Bumalik ulit siya sa dating pwesto. Kumuha ng isa pa ulit balot ng chocolate pastries at pinakatitigan. Hindi na siya makahintay na matikman iyon ni Matthew.

As if it is an answer to her prayer, lumitaw nga sa harapan niya si Matthew. Kunot-noo itong nakatitig sa hawak niya.

Agad na ngumiti ang dalaga, sinalubong ang bagong dating at masiglang inihayin sa harap nito ang hawak niya. Sa pagkagulat ni Rysia ay tinabig nito ang kamay niya. Nalaglag tuloy ang hawak niyang pastries.

Dali-daling pinulot niya iyon at pinagpagan. Inayos niya din ang ribbon.

“Pinapunta mo lang ba ako dito para diyan? I thought It was something important?” Madilim ang mukha ni Matthew.

Gustong mapahikbi ni Rysia. Hindi niya ito maintindihan. Bakit ito nagsusungit? Ano bang malimg ginawa niya?

“Ginawa ko ito, for you. It's Valentine's. I wanted to give you something para maiba naman.”

“As if we were in Japan.” Sarkastikong sabi nito. “And I don't like sweets. Just give it to some random guys out there.”

Umigkas ang isang kilay nito. “Ayaw mo ng sweets e kinain mo nga `yong cupcake na ginawa ko.”

“Nah. Just give it to somebody else.”

Somebody? Sino naman kayang somebody ang puwede niyang pagbigyan? Ginawa niya `yon para kay Matthew at iba lang ang makikinabang.

Magsisintir pa sana siya pero nilayasan na siya ni Matthew. Dali-dali naman niyang sinamsam ang mga gamit at sinundan ang binata. Ano bang problema ni Matthew? Bakit bad mood yata ito samantalang sa loob ng dalawang linggo na pagkakasama nila, hindi ito nagpakita ng rudeness sa kanya.

Just give it to somebody else.

Napapitik sa hangin si Rysia pagkaalala kay Duncan. Baka nakita ni Matthew si Duncan na may hawak ng parehong pastries na bininigay niya rito.

Napatakbo tuloy si Rysia para makaagapay kay Matthew na mabilis na naglalakad.

I'M PISSED off. I am terrible pissed off.

Pag-amin ni Matthew habang naglalakad palayo. Iniwan na niya si Rysia sa Lover's Lane. Nakakairita kasi. Kitang-kita niya na hinabol ni Rysia ang isang lalaki para alayan ng katulad na pastries na ibinibigay sa kanya.

One thing he hates from a woman is she, having multiple choice of men. Oo na. Masyadomg unfair. He had been playing all his adolescent life. Nagbibilang siya ng mga babae na nakarelasyon. Pero hindi naman siya kailanman nagsabay-sabay ng karelasyong babae. Because he had been patronising his own father that had been loyal to her mother.

Or that was what he thought.

Dahil kanina lang umaga ay sumabog sa mukha niya ang isang rebelasyon. He had a half-brother his father was keeping off from them. A kept child and a kept woman. And to top it all. Ilang araw lang ang tanda niya kay Linster-his half-brother.

Ibig sabihin, matagal na silang niloloko ng kanyang ama na si Zandro. Ang masakit pa nito, mukhang mas bilib si Zandro sa kapasidad ni Linster. Na lumaki lang naman sa squatter's area sa Tondo.

Sa family meeting nila kanina ay ipinangalandakan ng kanyang ama na papapag-aralin nito abroad si Linster. Cardiology ang gustong specialization ng half brother niya.

All the time, from the meeting, he kept his mouth shut. Because it was his Lolo Timothy wanted him to do.

Pero nang hindi na siya makatiis ay walang sabi-sabing iniwan niya ang pamilya sa conference room ng SVMC. Pagkalabas na pagkalabas ay pinagsusuntok niya ang pader sa gilid mg ospital. Masyado pa naman siyang nagpapasalamat noon na hindi siya nagkaroon ng ama na kagaya ni Tito Eduardo. Hindi niya dinanas ang sama ng loob na kinalakihan na ng pinsang si Hugh.

Then now, this?

As if his Dad was telling him: Hey! I have an illegitimate child, surprise!

Bwisit! Bwisit lang!

Nang ipangalandakan ng Daddy niya sa buong pamilya ang anak nito sa labas, para bang proud pa ito sa bunga ng kataksilan sa kanyang ina. Wala lang dito ang eskandalo na kakabit ng existence ni Linster.

And his Lolo Timothy, accepted Linster just like that. Katulad ng paano nito tinanggap si Erin--ang bastarda ni Tito Eduardo--sa pamilya.

He had nothing against Erin. They grow up to be real and close cousins. Katulad ng samahan nila nina Hugh at ng kambal na Zoe at Zephyr.

Pare-pareho sila ng tinatahak na mga mundo. Ang mundo ng panggagamot. And with Linster's achievements in medical school, walang duda na dugo nga ng mga San Victorio ang dumadaloy sa mga ugat nito. His father and his Lolo was so proud of Linster. Lalo pa at maprinsipyo ang kanyang kapatid.

Tinanggihan nito ang offer ng kanilang ama at ng kanyang Lolo. Na para bang kaya lang ito pumayag na humarap sa family meeting ay para isampal sa kanila na naabot nito ang kinaroroonan dahil sa sariling sikap at walang tulong na tinatanggap sa pamilya.

Linster revealed that he had been giving a home service for some gangsters who were injured from doing their thing. He was really excellent at hindi niya alam kung paano `yon nagagawa ng half-brother. Basta ang sabi nito, nagpa-part time ito sa mga gangsters para kumita ng mas malaki at matugunan ang pangangailangan ng ina nito na may liver cancer.

Pero hindi rin naman naisalba ng pagsisikap nito ang sariling ina.

He could see the anger from Linster's eyes. Na parang sinasabi ng mga mata na iyon na maghihiganti ito sa pamilya nila. Na ang pamilya nila ang may kagagawan sa pagkamatay ng ina nito.

But he wouldn't wanted to find something na makakasira kay Linster. Matatalino ang mga oldies. Hindi kakagatin ng mga ito kung paninira ang gagawin niya. Let the time tell his story. Ang gusto niya lang gawin ay lagpasan ang half-brother na ngayon ay tila iniidolo ng mga elders sa pamilya.

Maski ang kanyang ama na parang wala nang pakialam kung nasaktan nito ang kanyang ina sa rebelasyon ng kataksilan nito. He couldn't afford to lose to that half-brother of him just like that.

Oh yes! He was jealous of Linster's surprised existence. Hindi niya matanggap na may bagong sulpot sa pamilya at masyadong hinahangaan ng kanyang ama at Lolo.

At paano nga ba nauwi kay Linster ang isip ng binata?

“Matthew wait!”

Parang bumalik sa reyalidad si Matthew pagkarinig sa boses ng humahabol na si Rysia.

He knew now. He got pissed to find out that someone as loyal as Rysia can have a change of heart. Ilang taon nga itong siya lang ang nagugustuhan pero ngayon ay nagagawa nang tumingin sa ibang lalaki, ang kanyang ama pa kaya na mukhang nalalinan ng dugo ni Tito Eduardo.

Damn!

Yamot na pumihit siya paharap. Para lang mabunggo sa dibdib niya si Rysia. And seeing her, being with her, just by smelling her sweet scent, para bang gusto siyang takasan ng kanyang pagkayamot.

No! This can't be. He can't be lured by this fatally beautiful woman. That innocent face was so wicked.

“`Yong kanina, binigyan ko lang ng pastries ang classmate ko kasi... I have reasons naman.Please? `Wag ka nang magalit sa akin.” Iniangat nito ang paperbag sa harapan niya.

“I made these pastries all for you. Para sa `yo. `Wag ka nang magalit sa `kin. Sige na, sorry na.”

Just her voice and her beautiful warm eyes that were pleading for peace, gusto na lang matunaw ng lahat ng negatibong pakiramdam na bigay sa kanya ng mundo.

This woman. Ah! She was really something.

At habang tumatagal ay parang gusto niyang matakot sa damdamin na binubuhay nito sa kanya.

He better take her off the picture.

“Kunin mo na ito. Sige na please? Magbati na tayo. Ayoko na nagagalit ka sa akin.”

Aminin man niya o hindi, talagang naaapektuhan siya dito kay Rysia. Hindi ito nagpapa-cute at genuine ang pakikipag-peace sa kanya pero talagang nacu-cute-an siya.

How could a little woman can wiped away the bad aurae revolving around him? One time, he was pissed knowing Rysia was interested to someone else. But the next time, he was suppressing his smile because she was cute and all that.

Nah! He must be bewitched.

Pinigilan niya ang sarili na magpakita ng emosyon. He accepted her gift with a pockerface.

“Don't look for me here for the next two days.” sabi niya na deretsong nakatingin sa mga mata nito. He wanted to see every reactions she will going to show when his words came out.

“I am going to Borawan Island.”

Nanlaki ang mga mata ni Rysia. Pagkabigla at pagtataka ang nasa magandang mukha nito. At maski siya ay nagtataka na din sa sarili. Bakit kailangan niyang ipagpaalam ang biglaan at solo niyang paglarga, kay Rysia? It's not as if it was his duty to report his activities to her.

But hey! He really wanted her to know.

Nah! I'm really getting nuts.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free