HinovelDownload the book in the application

CHAPTER 3

GUSTONG mapasigaw ng OMG ni Rysia habang nakatingala sa guwapong nilalang na nakangiti sa kanya.

Sheet nemen! O, ulan! `Wag ka nang tumila pa. Para hindi na umalis sa tabi ko ang guwapong payong na ito.

Buhos ng ulan aking mundo'y lunuring tuluyan...

Ang lapad-lapad na ng ngiti ni Rysia. Wala na din siyang pakialam kung sinira ng ulan ang magandang outfit niya ngayon. Ang mahalaga, nasa harapan na niya ang kanyang vitamins. Si Matthew Zane San Victorio!

“Narinig mo ako kanina?”

Ang bagal lang ng utak niyang mag-process. Ngayon niya lang naisip ng maayos kung ano ang sinasabi ni Matthew

Tumawa ang lalaki. Tawang nagpapawindang palagi sa kanyang puso.

“Oo, galing ako sa admin building.” Iniabot nito ang kamay sa kanya. “Doon tayo sa covered court. Mababasa pa din tayo dito. Baka mapurnada pa ang investment ko.” biro pa nito sa kanya.

Tuluyang naging sirkero ang puso ni Rysia nang abutin ang kamay ni Matthew na nakahain sa harapan niya. Kinabig din siya ng lalaki sa baywang para mapalapit dito pero bahagya siyang dumistansya.

Bigla kasi siyang sinaniban ng hiya. Basa na siya samantalang ito, ang linis-linis at ang bango-bango. Nakakahiyang madikit siya sa kasamba-sambang anyo ng lalaki.

“Mababasa ka kasi.” sabi niya nang lingunin siya nito.

At pamatay na ngumiti na naman si Matthew-baby. “Okay lang. Pauwi na din naman ako. Tsaka, may spare shirt ako sa sasakyan ko.”

Muli na naman siyang kinabig ni Matthew sa kanyang baywang at idinikit sa katawan nito.

Ramdam na ramdam ni Rysia ang masarap at mainit na pagdaiti ng katawan ni Matthew sa kanya. Gusto rin niyang magpakalunod sa samyo ng binata. He smells awesome. Like the mixture of expensive musk and greens. Lalaking-lalaki pero amoy sosyal. May pakiramdam siya na gustong ihilig ang ulo sa balikat nito pero sobrang kalabisan na yata iyon.

Pero sige na nga. Minsan lang naman eh. Kung maghihiwalay din sila ng landas, dapat gumawa na siya ng maraming alaala na babaunin pag-uwi sa condo niya.

Malayo-layo pa ang covered court. Mahaba-habang sandali pa siyang puwedeng magpakalunod sa bango ni Matthew.

Isinubsob nga niya ang mukha sa kaliwang dibdib nito. At pinagpala yata siya ni Prince of Destiny dahil naramdaman niya ang pagkabig ni Matthew sa kanya.

“Nilalamig ka?” tanong nito.

Tumango lang si Rysia. Parang nawalan na siya ng kakayahan na magsalita. Halos ayaw na nga din niyang maglakad at gusto na lang yumakap kay Matthew. Pero sinermunan niya ang kanyang mga paa. Kailangan nitong gawin ang trabaho nito para sa ikaliligaya ng kanyang mga senses. Lalo na ng kanyang internal system.

“Magkakasakit ka sa pagpapaulan. Heavy ang warm up activity n'yo kanina tapos nagbasa ka sa ulan.” parang nagsesermon na sabi na naman ni Matthew.

He sounds like a real doctor na talaga. Pero okay lang naman na sermunan siya nito habambuhay kung ang kapalit, pagpapalain siya ng dibdib at braso nito.

Nagpapasasa pa siya sa bango at init ni Matthew nang bahagyang matalisod. Dumiin tuloy ang kamay nito sa baywang niya, pakabig lalo sa katawan nito. Napahawak naman ang isa niyang kamay sa baywang nito at ang isa ay sa dibdib.

Sa tindi ng lakas ng ulan, idagdag pa ang hangin, hindi niya maramdaman ang lamig. Iba ang nararamdaman niya. May bagyo yata sa loob ng katawan niya.

Nagsisirko ang mga cells sa buong himaymay ni Rysia. Ano `yong maliliit na boltaheng parang dumadaloy sa lahat ng panig ng kanyang katawan at namumuo sa kanyang tiyan?

“Are you okay? May bato pala, hindi ko napansin.”

”Okay lang. May bagyo ba? Bakit ang lakas ng ulan?”

Humagupit na naman ang malakas na hangin sa direksiyon niya. Kinabig ulit siya ni Matthew at inilipat ang payong pasangga sa bahagi niya.

“Ewan ko din. Hindi ako nakapanood ng balita kanina. Pero ilang araw na ngang palaging makulimlim.” sagot nitong binibilisan na ang mga hakbang.

Napabilis din siya ng hakbang habang halos yumakap na kay Matthew. Kung puwede niya lang hilingin na sana, milya-milya ang layo ng covered court mula sa kinaroroonan niya, ginawa na niya. Kahit pa maglakbay sila sa gitna ng malakas na ulan at hangin.

Pero lahat talaga ng magagandang bagay ay nagtatapos. Dahil hayun sila at pumapasok na ng covered court. Halos mapuno na din ng estudyante roon.

Kung ang karamihan sa mga babae ay naiirita dahil nabasa, siya ay kabaligtaran. Nagpapasalamat pa si Rysia sa langit dahil nagkaroon siya ng ganito kasarap na pagkakataon.

Napatitig tuloy ang dalaga sa lalaki na panay ang linis sa sarili. Pero palagay niya, hindi naman nito kailangang ayusin ang sarili. He looks awesome with his messy wet hair. No. He was devastatingly handsome. Mas nakadagdag sa appeal nito ang bahagyang nabasang buhok.

She looked up to see his handsome face. A deep set of hazel eyes. Mixtures of green and brown, and they sparkle like jewels. Straight arrogant nose and a prominent jaw. Mas lalo nitong ikinaguwapo na wala itong kapaki-pakialam kung pinagpipyestahan na ito ng mga kababaihan sa paligid nila.

Bigla ay nakaramdam si Rysia ng possessiveness. Ewan ba. Gusto niya, kanya lang si Matthew. Hindi ito puwedeng pagnasaan ng iba. Masasakal niya ang mga babaeng magnanasa sa binata.

Hindi na siya nag-isip. Bigla na lang niyang hinila ang braso ni Matthew at dumikit dito. Napalingon naman sa kanya ang binata.

“Malamig kasi.” palusot niya.

Ngumiti ulit si Matthew at bahagyang tinapik ang kanyang tuktok. Pakiramdam niya, para siyang alagang tuta ng binata. Pero nawala ang pakiramdam na iyon nang kabigin ulit siya ni Matthew palapit sa katawan nito at akbayan.

“Let's stay just like this para hindi ka lamigin.”

Hindi naman na siya pumalag. Papalag pa ba siya e `yon nga ang gusto niya? Tsaka masaya siyang makita ang magkakahalong dismaya, panghihinayang at inggit sa mga mukha ng mga babaeng kanina pa nagpipyesta kay Matthew.

Sumiksik pa si Rysia sa mainit at masarap na katawan ng binata.

Sana, huwag nang tumila ang ulan.

“MALAPIT lang pala `yong tinutuluyan mo sa tinutuluyan ko. Hatid na kita.”

Nasa loob sila ng kanyang kotse at ewan ba ni Matthew. Bigla na lang lumabas sa bibig niya ang anyaya na iyon. Kanina, habang papalabas siya ng admin office, narinig niya si Rysia na kausap ang incoming first year na siguro, inihatid nito roon, base sa paraan ng usapan. At naaliw talaga siya sa narinig na pag-uusap ng dalawang babae. Lalo na sa sagot ni Rysia. Dapat siguro, kumuha ito ng Commerce at hindi Fine Arts. Pero ano bang alam niya sa babae maliban sa nakakaaliw ito?

Hindi makalimutan ni Matthew ang araw na isinoli niya ang panyo nitong may nakasulat na detalye patungkol sa dalaga. No'ng una, akala niya, sinadya nitong iwan ang panyo na may contact details. Naghahanap siguro ng forever sa department nila. Kaya naisipan niyang ibalik.

Wala.

Ayaw niya lang sa pakiramdam na may ibang makakapulot ng mga personal details ng dalaga.

Pero bago niya isoli, minemorize muna niya ang mga nakasulat. Magaling siya sa pagmemorize kahit isang pasada palang ng basa.

And when he talked to her, nalaman agad niya na totoong 'naiwan' at hindi 'iniwan' ni Rysia ang panyo nito. How did he know? Simple lang, may alam din naman siya patungkol sa psychology. Alam agad niya sa isang tingin palang kung nagsisinungaling ang isang tao.

From that day, lagi na niyang nakikita si Rysia sa area nila doon sa University. Pati sa mga gig niya. Alam din niya na kinukuha nito sa bulletin board ang schedule niya. Nakita niya kasi ito minsan na pinipicture-an ang mga schedule sa department nila.

Pakiramdam tuloy ng binata, stalker niya ito. Hindi na niya kinompronta, tutal, harmless naman si Rysia. Baka nagagwapuhan lang sa kanya. Or fascinated sa kanya.

Hindi na nga lang niya ito pinagpapapansin. Idinisplay niya din sa lahat ang mga babaeng nakaka-fling niya. Naisip niya, baka sa paraan na `yon, ma-discourage na si Rysia.

It's not that he didn't like her. She had the body and the face to die for. But she looks too pure and innocent. At ayaw niya sa mga babaeng inosente. Nakakakonsensiya.

Gusto niya `yong babaeng go sa kung ano ang lifestyle na pinipili niya. Relationship na puro play and fun. Kaya hindi na niya pinatos si Rysia.

But no matter how much he displayed his short time relationship, no matter how he displayed his being playboy, nandoon lang palagi si Rysia. Masaya nang nakatanaw sa kanya.

And she was so cute, he couldn't fight the urge of watching over her. Sinabi na niya sa sarili na off-limits ang mga kagaya ni Rysia but what he was doing now?

Nang makita niya itong nagpapaulan, umatake ang caring side niya, na hindi niya alam na nag-e-exist pala. This lady just awaken that side of him. Samantalang siya itong uri ng tao na walang pakialam sa iba kung hindi naman `yon makakaapekto sa kanya. Basta nag-e-enjoy siya, tapos!

Pamilya sila ng may magandang reputasyon sa medisina. Pag-aari ng angkan nila ang San Victorio Medical Center at ang ama niyang si Zandro ang nakahanay na maging Director sakaling magdesisyon si Lolo Timothy na magretired. At bilang nag-iisang anak ni Zandro, lilihis pa ba siya ng landas? Kaya nga nang mag-college, Medical Technology ang kinuha niya. Na idineretso sa Medicine Proper. Ngayon, patapos na siya sa second stage pero light pa din ang daloy ng kanyang buhay. Hindi siya pressured masyado. Hindi naman kasi alam ng ama niya na kasali pa din siya sa banda na kinaaaniban niya since fresh college. Alam niyang walang magiging problema hanggang maayos ang mga grades niya.

Nagla-lie-low naman siya sa banda kapag sobrang hectic ng schedule niya.

“Okay lang ba talaga?”

Napabaling siya kay Rysia. Nagtutuyo na ito ng buhok gamit ang towel niya. Her voice was so low and sweet and...

Bumaba ang tingin niya sa cleavage nitong bahagyang nabuyangyang sa kanyang mga mata. Napalunok tuloy siya.

...and sultry.

Naka-dress ito na kulay moss green at nagcompliment iyon sa fair complexion ng dalaga. Particularly sa mala-kremang balat nito sa bandang leeg pababa sa may dibdib. Gusto niya yatang maging towel na lang na siyang dumadampi sa makinis nitong balat.

Damn it!

Inilayo ni Matthew ang mga mata sa babae. Nagsisikip ang pantalon niya dahil lang tinititigan niya ang nakakaakit na anyo nito.

Kung bakit ba naman kasi mas gumanda yata ito ng sampong ulit sa kanyang mga paningin ngayong basa-basa ang buhok at dress nito.

Her wet hair just framed her angelic and innocent face. Taglay nito ang pinakamaamo na yatang mukha. Matangos na ilong, mapupungay at nangungusap na mga mata. Mapupula at mapipintog na mga labing parang kay sarap lamukusin gamit ang sariling mga labi niya.

Ang tipo nitong babae ang pinahihirapang magtimpi ang isang makamundo at mapaglarong lalaki na tulad ni Matthew. She was fatally dangerous in his system.

“Oo naman. Kailangan mo na ding mag-shower kasi baka magkasakit ka pa.”

He started the engine. Bago pa bumiyahe sa kung saan ang utak niya.

Rysia is off-limits.

Paulit-ulit niya iyong sinasabi sa sarili. At gusto niyang kwestiyonin ang sarili kung bakit niya kailangang magkaroon ng concern sa dalaga.

Kung sa normal na daloy kasi ng buhay niya, go lang dapat. Obvious naman na type siya ni Rysia. She's a good catch though. Inosenteng hot! 'Yon ang tingin niya kay Rysia. At kapag ganoon na ang sistema, dapat mapagpatol na din siya. Wala nang konse-konsensiya.

But he can't. Not that she wasn't his type. But he had this belief living in his innermost.

May babaeng gini-girlfriend at may babae ring bine-bestfriend.

But either of the two choices, wala doon si Rysia. Hindi niya ito gustong kaibigan lang. Pero hindi niya din ito gustong ihanay sa mga naging girlfriend niya. Ewan. Ang gulo niya.

Basta isa lang ang alam niya. Hindi ito puwedeng masaktan lalo kung siya ang dahilan.

Mula sa rearview mirror, napansin ni Matthew na titig na titig si Rysia sa kanya.

God! That face! She can effortlessly charmed anyone just by displaying that innocent face. Perfectly sexy eyes! Hot.

She already had him with that beautiful face of her.

Mas lalo tuloy itong naging katakam-takam sa mga paningin niya. The beast inside him was actually growling. At gusto niyang pigilan ang paghinga. That way, baka mapigilan na din niya ang halimaw na nagwawala sa tuwing mapapasulyap sa maganda at nakakaakit na babae sa kanyang tabi.

My God! This woman was certainly arousing him just by looking at her. As if everytime he looks at her, she was teaching him what is the real meaning of lust.

WALA si Rysia sa kahit saan.

Hindi intensyong hanapin ni Matthew ang dalaga pero ewan ba at hindi niya mapigilang madismaya na hindi iyon makita. Sa ganitong oras kasi, kapag dadaan siya sa area na iyon papunta sa laboratory building, nakikita niya si Rysia na nakasalampak sa ilalim ng puno ng acacia. Nagpi-picture kung minsan. At madalas ay nag-i-sketch. Favourite spot yata iyon ng dalaga.

Pero ngayong hindi niya ito makita, nakaramdam siya ng...

Longing.

Well, yes. He longed to see her. Nakasanayan na niya kasi at hindi ganoon kadaling baguhin ang nakasanayan.

Instant na dumeretso ang mga paa niya papunta sa Art department. Hindi niya eksaktong alam kung saang classroom naroroon si Rysia kaya nahirapan din so Matthew. Binaybay na niya ang lahat ng classroom sa Art department at hindi niya nakita si Rysia.

“Fuck! Bakit ko ba siya hinahanap?” naitanong niya bigla sa sarili.

Pansin niya ang mga babaeng patingin-tingin sa kanya sabay magngingitian na parang may mga dirty little secrets. Pero hindi na lang niya pinag-iintindi. Because his muse is nowhere to be found...

Biglang natigilan si Matthew. Did he really think Rysia as his muse?

Well...

Isang eksena sa kahapon kung saan bumaba ang mga mata niya sa maganda at nakakaakit na mukha at katawan ni Rysia ang biglang pumasok sa isip ni Matthew. Para siyang sinibat nang katulad na damdaming pinipigilan niyang maramdaman kahapon habang kasama ang dalaga. And it is fucking hard to stopped himself from feeling that way. She is a goddess. A temptingly hot yet innocent goddess.

Napapangiti at napailing sa sarili si Matthew. That's him and his alter ego. Paano niya pipigilan ang damdaming nae-enjoy niyang maramdaman?

Pinili na lang ni Matthew na umalis ng area na iyon at bumalik sa naudlot na gagawin sa laboratory. Pero nahagip ng mga mata niya ang janitress na ilang beses nakitang kausap ni Rysia.

Agad na lumapit siya sa babae. And he couldn't help but smile. Sadya nga palang totoo ang kasabihan: Birds with the same feather, flocks together.

Maganda din ang janitress at sa tantiya ni Matthew ay kasing edad lang ni Rysia. Estudyante din ba ito, dito? Ah, nevermind. Mas mahalaga ang isa pang itatanong niya.

“Excuse me?”

Tumingin sa kanya ang babae na may nagtatanong na mga mata.

“Nakita mo ba si Rysia? Kaibigan ka daw niya. Naisip ko lang--”

“Nasa condo niya. Nilalagnat. Ayoko nga sanang iwan pero--”

Hindi na inintindi ni Matthew ang ibang sasabihin ng babae. Bigla na siyang inatake ng matinding pag-aalala pagkarinig sa unang sinabi nito. Walang sabi-sabing iniwan niya ang janitress at pumatikad ng takbo papunta sa car park.

Sinasabi na nga ba! Alam niyang magkakasakit si Rysia sa pagpapaulan kahapon, kung mahina ang resistensya nito. Pero umasa pa din siya na maganda ang kalusugan ng dalaga kaya hindi niya naisip na puwedeng magkatotoo ang una niyang hinala.

Pagkapasok na pagkapasok sa sasakyan ay agad na pinaharurot ni Matthew ang sasakyan papunta sa building na pinaghatidan niya kay Rysia kahapon. Nakalimutan na niya ang lahat, pati ang dapat na gagawin sa laboratory dahil sa pag-aalala sa dalaga.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free