“O, ANO `yan?”
Napalingon si Rysia sa kaibigang nagtutuyo ng buhok galing sa panliligo. Abala naman siya sa paghahanda ng mga kakailangan niya sa pag-alis. Nai-check na niya kung paano pupunta ng Borawan. Madali na lang ang paghahanap kay Matthew kapag nasa isla na siya.
“Ikaw muna ang bahala dito, Becky ha? Kapag sumilip si Mama, sabihin mo na nasa out of town ako kasama ng mga classmates namin. Hindi ko kamo matanggihan.” aniyang isinuksok sa gilid ng bag ang toiletries.
“E, teka. Saan ba ang lakad ninyo ng mga classmates mo?” Itinuloy ni Becky ang pagtutuyo ng buhok gamit ang bath towel.
Siya naman ay chinecheck kung ano pa ang kailangan.
Ah! Powerbank. Bala walang kuryente sa isla. Hinanap niya ang powerbank. Full charge naman pala.
“Hindi ko kasama ang mga classmates ko. Ako lang mag-isa ang pupunta sa Borawan.”
Pansin niya na nanlaki ang mga mata ni Becky pagkarinig sa sinabi niya.
“Ano kamo? Pakiulit?”
She rolled her eyes, upward.
“You heard me. Susundan ko si Matthew do'n.”
“At gusto mo na magsinungaling ako sa Mama mo? Teka, tatawagan ko si Tita...”
Nang hagilapin ni Becky ang cellphone nito ay agad din itong kumambiyo pabalik. “Wala pala akong load. Patawag nga ako ng isa.” Sinunod nitong hunting-in ang cellphone niya.
“Don't you dare, Rebecca.”
Natigilan naman si Becky. Mukhang nahulaan nito na seryoso siya. Pagkuway, parang napika sa kanya.
“Ano ka ba namang babae ka? Pupunta ka mag-isa sa Quezon Province para sundan ang lintik na lalaking `yon? Nababaliw ka na ba? Hindi ka puwedeng magbiyahe mag-isa kasi napaka-careless mo. Baka mamaya, nadukutan ka na o ikaw na `yong nadukot, 'di mo pa namamalayan.”
Napasimangot si Rysia. Alam niyang concern lang ang kaibigan sa kanya. Kilalang-kilala siya nito at pati ang mga trip niya sa buhay. May tendency nga siya na mawalan ng pakialam sa ibang bagay basta magawa ang una niyang gusto.
Kagaya ngayon, wala siyang pakialam sa mararamdaman ng kaibigan at ng ina sa gagawin niyang paglayas mag-isa.
“I am running out of time. Mahigit isang buwan na lang at lalayas na kami sa University. Hindi ko na siya makikita, pagkatapos ng graduation. Tapos mababawasan pa ang mga araw ng halos limang araw. Dalawang araw siya sa Borawan. After that, weekend naman. Next week ko na siya makikita.” frustrated na tugon niya sa kaibigan.
Isa pa `yon. Kung kailan nag-eenjoy na siya at finu-fully consumed ang mga nalalabing araw ay saka naman biglang nagbago ang timpla ni Matthew.
Alam niya, hindi ang pastries niya ang dahilan ng pag-init ng ulo nito. May problema siguro ang binata. Kung wala, eh bakit bigla-bigla, gusto nitong lumayo at mag-out of town? Samantalang ang daming dapat unahin sa eskwelahan.
Sa sitwasyon ni Rysia, wala naman siyang masasagasaang schedule. Maluwag siya ngayon sa oras.
“O, tapos?” Nakaigkas ang kilay ni Becky. Sumalampak naman siya sa couch sa tabi mg malaking backpack.
“May next week pa ha, Rysia? Hindi ibig sabihin na limang araw siyang mawawala e magugunaw na ang mundo mo.” Nakairap na dagdag nito.
Exactly! Magugunaw talaga ang mundo ko kung sa ikalimang araw ko pa siya makikita.
Gusto niyang sabihin. Pero pinigilan niya ang sarili at baka matuktukan siya ng kaibigan dahil sa kabaliwan niya.
“Hindi lang naman `yon ang dahilan kaya ko siya susundan eh.”
“`Wag ako, ha, Rysia. `Wag ako.” Nakairap na sabi ni Becky.
Naghagilap ito ng hairbrush saka sumalampak sa couch sa tapat niya. Doon na ito nagsuklay ng buhok.
Pero totoo naman eh. Kung hindi niya naramdaman na may problema si Matthew, hindi siya magpipilit na sundan ang binata. Kakayanin niyang maghintay dito hanggang next week. Kahit pa nga sabihing, ilang araw siyang tatamlay ang pakiramdam.
Kaya lang ay hindi. Hindi niya maatim na hindi sundan si Matthew. Baka kailangan nito ng kasama o kausap. Io-offer niya ang sarili para pakinggan ang kung anumang pinoproblema nito.
“Basta. Susundan ko siya. At walang makakapigil sa `kin.”
“DARN!”
Mahinang napamura si Matthew sa sarili pagkakita sa nakasalampak ang ulo sa bagpack na si Rysia. Naghihintay na lang siya sa bangkerong kinontrata nang mapansin ang pamilyar na pigura. And he was so shocked to know it was her. Dali-dali niya itong sinugod para sitahin. Dito pa yata balak matulog. At bakit parang nag-iisa ito?
Ni hindi siya pinansin ni Rysia nang makalapit siya. At maski nang batiin niya na ito.
He knew better. Kitang-kita sa magandang mukha nito ang matinding pagod at puyat. Para tuloy may sumakal sa puso niya. Nahuhulaan na niya kung bakit nandito si Rysia.
Hindi niya makalimutan ang pagtatapat nito ng damdamin sa kanya. At dahil namaalam nga siya na pupuntang Borawan, then it was safe to assume na sinundan siya ng dalaga.
At hindi niya alam kung matutuwa na makita ito roon at makasama sa isla or maiinis dahil gusto muna nga niyang lumayo at mag-isip-isip.
He wanted to have some time alone. Hindi ganoon kadaling tanggapin ang lahat ng mga ganap kahapon. May aftershock pa siya sa family meeting at hindi niya alam kung hanggang kailan ang aftershock na iyon. Kaya nga gusto muna niyang magtago sa mundo. Gusto muna niyang aliwin at i-divert ang sarili. Ang bigat-bigat kasi ng dibdib niya, kahapon pa.
But then...
Yumukod si Matthew sa harap ni Rysia, taking supports from his knees, itinuon niya ang mga kamay sa lower thighs. Pinakinggan ni Matthew ang paraan ng paghinga ng dalaga at ayaw man niya, ay napangiti na lang. It was so weird to feel at ease while looking at her. She had succumbed into deep slumber. And he couldn't stop himself from watching her while sleeping. She was like an angel.
At katulad ng natural na epekto nito sa kanya, makita niya lang ang dalaga ay nakakalimutan na niya ang mundo at lahat ng may kinalaman roon. All he wanted to do was gazed at her for the whole time.
Napatutok na naman ang mga mata niya sa mapipintog na mga labi ni Rysia. Those were beautiful and so tempting. Urging him to taste the sweetness.
Nalalaman ba ng babaeng ito kung gaano kahirap para sa kanya ang araw-araw na mapasulyap sa mapang-akit na labing iyon pero buong tibay na magpipigil itong halikan?
Ah! That was really, really hard. Torturingly hard. At hindi na niya alam kung hanggang kailan pa niya mapipigilan ang sarili. Ni hindi niya namalayan na lumalapit ang mukha niya sa mukha nito.
God! He really wanted to kiss her and that was insane. Bukod doon ay parang napakamapagsamantala niya sa natutulog na dalaga.
Pagkaisip sa bagay na iyon ay yamot na tumayo ng tuwid si Matthew. Nakakahiya sa kanyang sarili. Ano ba itong naiisip niya?
Kinalabit ni Matthew ang balikat ni Rysia. “Huwag ka nga dito matulog. Gumising ka na diyan.” aniya sa pinakanakakairitang boses.
Nang hindi kumibo si Rysia ay inalog na niya ang balikat nito. Pero ungol lang ang napala niya sa dalaga.
Napabuntong-hininga na naman si Matthew. Mukhang tinalo na talaga ng pagod at antok ang katawan ng dalaga. At napakawalang puso naman niya para abalahin pa ang pamamahinga nito. Siguro, mamaya na lang niya ito sisitahin sa kung bakit ito naroroon at nag-iisa.
“Sir. Ready na po ang bangka n'yo.” sabi sa kanya ng lalaking pinakiusapang ikuha siya ng sariling bangka na magagamit papuntang isla. Ayaw kasi niya ng may kasabay.
Isang buntong-hininga na naman at sinulyapan ang natutulog na dalaga. Siya ang dahilan kung bakit nandito si Rysia at hindi niya ito kayang iwan doon na natutulog. Lalong hindi niya gusto maski ang isipin na mapapahamak ito.
Kaya by impulse ay nagdesisyon si Matthew. Maingat na kinarga niya, si Rysia saka binalingan ang lalaki.
“Pakibitbit sana ng mga gamit niya.” aniya dito na tumango.
“Ah, sige po, Sir. May kasama po pala kayo. Akala ko po, solo ninyo?”
Gusto niyang mairita sa matanong na lalaki. Pero hinabaan na lang niya ang pasensiya.
“Sinundan ako ng girlfriend ko. Hindi ko naman siya kayang iwan dito.” sabi niya. Para hindi na ito mag-usisa pa ng kung anu-ano. Baka isipin nito na nangingidnap siya ng babaeng natutulog.
Well, parang ganoon na din naman nga ang ginagawa niya.
Isang sulyap pa sa nahihimbing na dalagang karga niya. Hindi na naman niya napigilan ang mapangiti. She was really beautiful. Sinong makakatiis pabayaan ang ganito kagandang nilalang?
Nagpatiuna na ang lalaki na maglakad papunta sa bangka matapos siyang tanguan. Nandoon na din ang mga gamit niya at sila na lang ang kulang.
“Can you be mine, Rysia?” nangingiting tanong niya sa tulog na dalaga. “Well, I think it's a yes. Nagpa-kidnap ka na sa akin eh.”
NAALIMPUNGATAN si Rysia nang maramdaman na para siyang idinuduyan. Sa pagmulat ng mata, ganoon na lang ang pagkagulantang ng dalaga. Ang madilim na mukha ng binata ang nabungadan niya.
“Matthew!” she exclaimed absolutely appall.
Nerbiyos na nerbiyos siya dahil nakasimangot si Matthew. At paanong nangyari na karga siya nito ngayon?
What happened? What had she done? Bakit karga siya ni Matthew? 'Di ba, nasa Basiao siya kanina? Naghihintay siya ng bangka at...
Nagpipilwag si Rysia para ibaba siya ni Matthew pero hindi ito natinag.
“Malapit na din naman tayo. `Wag ka nang bumaba.” malamig na sabi nito. Katulad kahapon.
Nang makalapit sila sa may malaking bato, malapit sa iisang tila Presidential cottage--dahil ang karamihan sa cottages ay bubong at mga haligi lang, walang dingding, at isang papag ang nasa loob--ay doon na siya ibinaba ni Matthew. Kasunod nila ang dalawang lalaki na bitbit ang mga gamit nila. Pati mga cooler at tent. And seeing his things, alam niyang may balak talagang magtagal si Matthew sa isla. About two to three days? God! Anong meron at bigla nitong ginusto na takasan ang siyudad?
Dala ng kagustuhang masagot ang mga tanong niyang kahapon pa nanggugulo sa utak ni Rysia ay bumaba na siya sa malaking bato. Nilapitan niya ang binatang abala sa pagse-set ng tent.
“Matt--”
“Ganoon ka ba talaga? Malalim matulog at kung saan na lang abutin?” naninita ang maigting na boses ni Matthew. “Nadukot at naisakay ka na, hindi mo pa namamalayan? Paano kung ibang tao ang nakakita at kumuha sa `yo do'n? Napahamak ka na, 'di mo pa alam.”
Halos marinig ni Rysia ang pagtatagisan ng mga bagang ni Matthew. Kung kahapon ay galit lang ito, ngayon ay sobrang galit na ang binata. Hindi niya tuloy malaman kung paano magpapaliwanag.
“I'm sorry if I became a burden--”
“Yeah right!” Pagputol na naman nito sa mga sasabihin niya. “Bakit ka nga ba nandito? Don't tell me na tama akong isipin na sinundan mo nga ako?”
Napayuko si Rysia. Guilty as charge. At parang nahuhulaan na niya na `yon ang dahilan kung bakit mainit ang ulo nito.
“Sabi ko na nga ba.” Huminto ito sa ginagawa at napahaplos sa batok. “Rysia, hindi porke nagpaalam ako sa `yo, gusto kong sundan mo ako. Nagpaalam lang ako para hindi mo ako hanapin for the next school days.”
Kahit nakakainis na ang kaarogantehan ni Matthew, hindi niya magawaang magsungit sa binata. Tama naman kasi lahat ng sinabi nito. At minsan, ang mga tama at totoo ay talagang nakakainis tanggapin. Pero kailangan niyang tanggapin. Wala naman siyang choice `di ba? Ang lalaking ito ang minahal niya sa halos apat na taon niya sa unibersidad. At kahit ano pang gawin nito, mamahalin pa din niya iyon. Kahit pa nga... Nagsusungit na naman ito.
“Nag-alala lang naman ako sa `yo, eh. You seemed different yesterday. Naisip ko na baka may problema ka at kailangan mo ng kausap.”
There. Sinabi na niya. Wala nang point kung ilihim pa niya. Aware naman ito sa damdamin niya para rito. Hindi naman siya humihiling ng katugon sa damdamin niya. Gusto lang niyang sulitin ang mga araw at pagkakataon na makakasama ito, until it last.
Well, that was one of her dumb little things called love.
NAG-LIE-LOW ang mga pagsesermon ni Matthew kay Rysia pagkarinig sa huling sinabi ng dalaga. That was absolutely heart-melting. Because, of all people, si Rysia pa ang nakaramdam at nakapansin noon sa kanya. Si Rysia na wala namang kinalaman sa kanya.
Ang ama niya, busy sa ospital at sa pagmamalaki na may anak itong kagaya ni Linster na madaming achievements sa ganoong edad. Ang ina naman niya ay busy sa sariling sama ng loob na halos purgahin ang sarili sa iba't-ibang social events para lang kalimutan ang eskandalo na dala ng asawa.
Well, sa panahon ngayon, tanggap na ng mundo ang may mga second family and sort. Pero siya, hindi yata niya matatanggap na katulad din sila ng ibang pamilya. Hindi niya matanggap dahil, namulat at lumaki siya na ang tingin sa pamilya nila ay perpekto, maski hindi naman sila nagkakasama ng madalas. Sapat na kasi sa kanya noon ang kaalaman na loyal ang mga magulang niya sa isa't-isa. He admired them. Para lang sa bandang huli ay wasakin ng ama ang mataas na pagtingin niya rito.
“Alright.” pabuntong-hininga na sabi ni Matthew. “Pasensiya na sa pagsusungit. I was just... Just worried. If you were doing that more often, malalapit ka sa disgrasya. So, please. `Wag kang matulog sa open public places kagaya kanina.”
Umangat ang mukha ni Rysia at noon lang ulit tila lumiwanag ang animo problemadong mukha nito. Hindi niya alam kung alin ba sa mga sinabi niya ang nakapagpangiti sa dalaga. At `yon lang naman ang kailangan niya. Ang ngumiti ito. That thing can lighten up his mood, already.
Actually, hindi na niya alam kung ano ang iisipin sa dalaga. One time, she was pissing him off for making worried with her careless actions. Kung anu-anong naiisip niya. Paano kung hindi niya ito nakita? Paano kung may nambastos na dito o may nagsamantala sa pagtulog nito? But then, after a moment he will realized he should be thankful he found her. He was relieved he found her.
Hindi naman siya dapat na nag-aalala para kay Rysia. Hindi talaga dapat. But he can't helped it. Sa tuwing makikita niya ito, umaatake kaagad ang protecting side niya. It was as if Rysia's being innocent-looking was always waking up his other side. Bahagi niya na 'di niya alam na nag-e-exist pala.
And God, please help him. Dahil sa tuwing nasa paligid si Rysia, hindi lang caring side niya ang lumalabas. But even his beast-self who wanted to devour something soft and beautiful like her.
“So, payag ka na na kasama mo ako?” Enthusiastic nang tanong ni Rysia sa kanya. Agad nitong inabot ang tent na inaayos ng binata.
“Paano ba 'to? Kasya ba tayong dalawa dito?”
Sa narinig ay biglang naalarma si Matthew. Inagaw ni Matthew ang hawak ni Rysia. “Anong tayo? Wala ka bang dalang tent? May narerentahan sa Basiao, hindi ka ba nagrenta?”
Kaninang lapitan siya ng staff ng isla pagkababa, sinabi niyang kukuha siya ng villa. Pero sinabi sa kanya na cottage ang meron doon. Ah, `di bale, ang mahalaga lang naman sa kanya ay may sariling banyo. Tatlong cottage lang ang may laman dahil hindi naman peak season. Konti lang sila sa isla kaya talagang tahimik. Kaya din, nakapamili pa siya ng cottage at may magandang view. Malawak din ang space na binigay sa kanya na puwede pagtayuan ng tent. Well, he prefer the tent than the cottage. Gusto lang talaga niya ng sariling banyo.
Alanganing nagkamot si Rysia ng noo. And that was really cute he had to suppress his smile again. Ayaw niyang masyadong maging mabait na naman kay Rysia dahil sa tuwing ginagawa niya iyon, mas lumalalim ang pagiging malapit nila. And that was something he should watch over from himself.
“I forgot. Sobrang pagod na ako kasi at ang ano ko na lang talaga, makarating dito sa isla. Saka ko na lang iisipin ang tutulugan. But anyway...” Nagpalinga-linga si Rysia sa paligid. Tumigil ang mga mata nito sa isang lansak ng mga tindahan. “Maghahanap na lang ako ng marerentahan dito.”
Nilapitan ni Rysia ang backpack at kinuha ang wallet.
“Makikitingin muna ng mga gamit ko, ha?”
Ni hindi nito hinintay ang pagpayag niya at basta na lang siya iniwan. Sasabihin pa sana niyang sa cottage na ito mag-stay pero naglalakad na ito palayo. Karamihan sa mga nasa sa isla ay sa tent nag-i-stay. Paano, wala namang kuryente kaya malamang na mainit sa cottage.
At parang may tug of war sa pagitan ng kanyang puso at isip kung papag-renta-hin pa ba ng tent si Rysia o hayaan itong maki-share sa tent niya, tutal malaki at spacious naman iyon.
But he knew, even how much spacious the place is, kung makakatabi niya sa pagtulog ang dalaga, hindi siya nakakasigurado sa sarili na hindi ito mahahawakan. Sa totoo lang, siya na itong walang tiwala sa sarili pagdating kay Rysia.
The young woman wasn't safe beside him, so yes. Better she finds her own tent she was going to stay.
Pero biglang kumambiyo pabalik ang utak ni Matthew nang makitang may lumapit na lalaki kay Rysia at kinakausap naman nga ng dalaga. May kung saan na tinuturo ang lalaki at itong si Rysia naman ay tango ng tango. As if she was convinced already, they walked together.
“Damn that gullible of a woman!”
Sa pagkairita ni Matthew ay pasugod na tinakbo niya sina Rysia. Marahas na hinablot niya sa braso ang dalaga para pigilan ito.
“And where do you think you were going?” Pigil ang pagkayamot na sita niya sa dalaga.
Halata ang pagkagulat sa magandang mukha ni Rysia. Bahagya pang nanlaki ang mga mata nito.
“Magre-rent ng tent. May alam daw siyang--”
“Damn it! Damn you!” Hindi niya napigilang angil.
Paano ba namang hindi mati-trigger ang protective side niya kung ganito ka-careless si Rysia?
“Bakit na naman? Ano bang ginawa ko?”
Nang magpilit kumawala si Rysia ay mas humigpit ang kamay niya sa braso nito. Binalingan niya ang lalaki na hindi man mukhang masamang tao ay ayaw pa din niyang pagkatiwalaan. He wouldn't wanted to gamble Rysia's safety to anyone else. Lalo pa at hindi naman pick season. Kakaunti ang nasa isla. Sino lang ang makakapansin kung biglang dalhin ng lalaking ito si Rysia sa kagubatan?
No!
This woman is really giving me a terrible headache. Drat!
“You? Can you find us a rented tent. We will double the pay.”
Pagkarinig ay sunod-sunod na tumango ang lalaki at pumatikad ng takbo. Siya naman ay kinalabit ni Rysia.
“Bakit ka ba ganyan? Bakit ka ba lagi na lang galit sa `kin? Ano bang problema mo sa `kin? May ginawa ba akong mali sa `yo? May atraso ba ako sa `yo? Sinusunod ko lang naman ang gusto mo na `wag na akong maki-share sa tent mo. `Tapos ngayon, galit ka pa din?”
Asar na hinila nito ang brasong hawak niya. This time ay pinakawalan na niya si Rysia. Naihilot ni Matthew ang isang kamay sa sintido.
“You know--”
“Alam ko na. Gets ko na. Napilitan ka lang pumayag na samahan ka kasi nandito na ako.” pigil ni Rysia sa sasabihin niya. “Nag-aalala lang naman ako sa `yo. Tapos ganito pa ang mapapala ko? Hmp!”
At yamot na nagmartsa si Rysia pabalik sa lugar nila. Ilang beses naman siyang napabuntong-hininga sabay pikit ng mariin. He wanted some time alone and this was what he got into?
Oh, well. Maganda na rin sigurong diversion itong pakikipag-deal niya kay Rysia. She was being herself when she was annoyed. Malayo doon sa all-good and always-say-yes na karakter na pinapakita sa kanya for the past two weeks.
At gusto niya iyon. Rysia being herself. Mas lalo niya itong ginugusto.
Ah! Man! What are you? Nuts?
Maybe. Because he was supposed to guard himself not to put his nose to Rysia's business. Not to meddle with her. Pero ano siya ngayon?
Ah? Ano'ng magagawa niya kung by instinct ay nakikialam siya sa dalaga? Hindi niya kasi mapigilan ang sarili. She was too soft and too innocent. At heto siya na palaging gustong italaga ang sarili na protektahan ito.
Damn you, self!