HINDI pa man naimumulat ni Dawn ang mga mata niya ay tunog na ng cellphone niya ang bumulabog sa kanya.
Pakapa-kapang inabot niya iyon sa mesita sa tabi ng kama niya at hindi pa rin iminumulat ang mga matang sinagot ang tawag.
"Good morning, darling!" bungad sa kanya ng tinig na unti-unti nang nakakabisado ng sistema niya.
Wala sa loob na napangiti siya.
"Morning, aga mo, ah."
"Sino'ng kasabay mong pumunta sa simbahan mamaya?" masuyong tanong nito.
"Hmm... I think, 'yung mga bridesmaids. Sa bridal car yata sasakay sila Mommy."
"Sunduin kita? Sabay na tayong pumunta."
"'Wag na, okay lang ako. Baka hassle pa sa'yo."
"Of course not. Basta sunduin kita, ha?" giit nito na nakapag-pangiti sa kanya.
"Kulit lang?"
Tinawanan lang siya ng binata.
"Won't argue with that. Kaya kung ako sa'yo, 'wag ka nang tumanggi, kukulitin lang kita."
"Wala na kong sinabi." nakangiti pa ring sabi na lamang niya. "Got to go, maliligo na ko, dumating na yung mga make-up artist."
"Okay, see you."
NANG matapos na siyang maligo ay dumeretso na siya ng guest room sapagkat doon nakatakdang ayusan ang mga abay. Siyempre, ang bride ay naroon sa kwarto niya at doon inaayusan.
Nagkalat din ang mga photographers, na tila walang nais na palagpasin na kahit na maliit na detalye.
Dahil may inaayusan pa ang tatlong stylist ay naisipan niya munang silipin ang kapatid sa silid nito. Kumatok muna siya ng tatlong beses bago marahang binuksan ang pinto. Pagbukas niya ay nakita niya ang kapatid na nakaharap sa salamin at mine-make-up-an, agad naman itong ngumiti pagkakita sa kanya sa repleksyon ng salamin.
"Hi," nakangiting aniya habang naglalakad papasok ng silid.
"Hi, bakit hindi ka pa naaayusan?"
"Okay lang, Sis, maaga pa naman," aniyang huminto sa tabi nito, at pahalukipkip na tumayo sa harap nito, nakasandal ang pang-upo sa tokador. "Nervous?"
"Yeah. Actually, I shouldn't have felt this way," anito na ipinaikot ang mga mata. "I mean, this is our second time, but I can't help it, ate. Kinakabahan talaga ako, and at the same time, very excited."
Napangiti siya sa sinabi ng kapatid. "Hmmm... maybe, because, ito na 'yung araw na susumpa kayo sa harapan ng Diyos at ng mga tao. I'm very happy for you, sis."
"Thank you, ate. This happiness wouldn't be possible without you." she said, teary-eyed.
"Hep... bawal umiyak, masisira make-up mo. Kakahiya kay ateng, oh..." sabi niya bagaman teary-eyed na rin siya, sabay turo sa baklang nagme-make-up sa kapatid.
"Don't worry, sister, waterproof ang nilagay kong make-up sa kanya. Siguradong marami pa siyang iluluha mamaya sa simbahan." anang bakla sabay kindat sa kanya. "Ayoko namang masakal ng groom kapag kumalat ang make-up ni bride sa kalagitnaan ng kasal, dava?" maarte pa nitong dagdag.
Nagkatawan silang magkapatid sa sinabi ng make-up artist. Lumipas pa ang mga oras ay naayusan na at handa na ang lahat. Katulad ng sinabi niya kay Art, ay sa bridal car nga sumakay ang mga magulang niya. Susulitin daw muna ng mga ito na makasama ang kanilang bunso bago tuluyang ibigay sa asawa nito.
Lihim naman silang nagkindatan magkapatid sa sinabi ng mga magulang nila. Alam naman nilang masaya ang mga ito at botong-boto kay Greg.
Ilang sandali pa ay kanya-kanya nang sakay sa van ang mga bridesmaids.
Nag-rent si Greg ng isang malaking van upang siyang sakyan ng mga abay, upang sabay-sabay na magpunta sa simbahan.
Sasakay na sana siya nang tumunog ang cellphone niya na nasa loob ng hawak niyang clutch bag na hugis kabibe.
Ipinaikot niya ang mga mata niya nang makita kung sino ang tumatawag.
"Hey, I thought, sabay tayong pupunta sa simbahan?"
NAG-ANGAT siya ng tingin at agad namang nahagip ng paningin niya ang sasakyan nito na sa tingin niya ay kadarating lang. Wala iyon d'on kanina nang lumabas siya ng gate.
Nakita niyang bumaba ito ng sasakyan at hawak pa ang cellphone na lumapit sa kanya.
Wala sa loob na pinatay niya ang tawag at halos ay pigilin niya ang paghinga habang lumalapit ito na hindi inihihiwalay ang titig sa kanya.
Nagulat pa siya nang mapagtantong nasa harapan na niya ito at bigyan siya ng isang halik sa noo. Narinig niya ang singhapan ng mga nakasakay sa van. Nakabukas pa nga pala iyon at hinihintay na pumasok siya. Namumulang nagbaba siya ng tingin.
"Hey, let's go?" untag nito sa kanya, bago siya hinawakan sa baba at itinaas ang mukha niya. "Chin up, darling. You're breathtakingly, beautiful."
"Thanks," nang makabawi ay tiningnan niya ito mula ulo pababa. "You're not bad, yourself." nakangiti nang aniya na ikinataas ng kilay ng binata.
Wala siyang choice kundi lumingon sa loob ng van at salubingin ang nanunuksong tingin ng mga tao sa loob niyon.
"Hrmp... ahm... girls, s-sa kanya na pala ako sasabay,"
"Sure, ate Dawn." nakangiting sagot ni Tin at bumaling ang tingin kay Art at kinidatan ito.
Natawa lang si Art at sumaludo rito gamit ang dalawang daliri.
"Let's go." kapagkuwan ay sabi ng binata at iniumang pa ang isang braso sa kanya.
Natatawang hinampas niya lang iyon.
"What?" natatawa ring tanong nito. "Come on..."
Naiiling na pinagbigyan niya ito at ikinawit ang kamay sa maskuladong braso nito. Damang-dama niya ang matigas na muscle doon na alam niyang alaga ng ehersisyo.
Pagbukas nito ng pinto ng sasakyan ay dagling napalis ang ngiti sa mga labi niya nang makitang may ibang tao roon. Awang ang mga labing napatingin siya kay Art.
"Ava, I told you to transfer at the backseat." tila iritadong sabi ni Art.
Napansin niyang umangat ang kilay ng babae bago nakasimangot na sumagot ng paangil. "Why do I have to, ba? I'm sure okay lang naman sa kanyang maupo sa likod," nang tumingin ito sa kanya ay matamis na itong nakangiti, pero naka-angat pa rin ang kilay. "...right?"
Ewan niya kung siya lang, pero parang may iba sa ngiti nito. Ramdam niyang hindi tunay. Parang may talim ang mga mata nito kahit nakangiti ang mga labi.
"S-sure. Or, okay lang naman kung sa service na lang ako sasakay." aniyang tatalikod na sana nang mahagip ni Art ang kamay niya.
"No." mariing sabi nito. "Pinag-usapan na nating sabay tayong pupunta d'on, so, sabay tayong pupunta d'on. And besides, naka-alis na 'yung van." seryosong sabi nitong nakatingin sa mga mata niya.
"Pe-pero--"
"Ava, transfer at the backseat!" matigas na sabi nitong sa mga mata niya pa rin deretsong nakatingin.
"But, baby--"
"I said, tranfer!"
"Psh..."
Inis na hinawi ng dalaga ang buhok patalikod at padabog na bumaba ng sasakyan upang lumipat sa likod. Ngunit bago iyon ay isang irap muna ang ibinigay nito sa kanya.
Sabi niya na nga ba at peke ang ngiti nito kanina.
"Now, get in."
Pabuntong-hiningang sumakay na lang siya. Ito na rin ang nagsara ng pintuan pagpasok niya.
"Hi, i'm Ava," nakangiti na itong muli, ngunit hindi pa rin siya komportable sa ngiti nito.
Inilahad nito ang kamay sa kanya. Nang tanggapin niya iyon ay idinagdag nito... "Art's friend, slash ex-girlfriend, slash lover." muli ay ang peke nitong ngiti, tila ba sinasabing, Ano ka ngayon?
"Shut up, Ava." ani Art at binigyan ito ng warning look sa rearview mirror.
"Dawn. Art's... ahm... f-friend," asiwang pagpapakilala niya sa sarili.
Napatingin siya kay Art nang makita niyang mula sa pagmamaneho ay saglit siya nitong nilingon. Nakita niya ang pag-angat ng gilid ng labi nito.
"Friend? As in, no slash?" naka-angat ang kilay na tanong ni Ava.
"Wala." flat niyang sagot.
"Really? Baby, kailan ka pa natutong makipag-kaibigan sa babae?" baling ito kay Art.
"Ava, I said, shut up!" Art snapped at Ava, obviously irritated.
Naalala niya ang minsang sinabi sa kanya ni Art... 'I don't make women my friends, i'll end up, fucking them'.
So, totoo iyon dito? Naglalaro ang tanong na iyon sa isip niya.
Muli ay nilingon siya nito at bumuntong-hininga.
Nagkibit-balikat na lamang si Ava. Hindi na muli itong nagsalita. Ganoon din naman si Art.
Nang makarating sa simbahan ay bababa na sana si Dawn nang pigilan siya ni Art. Binalingan nito si Ava at...
"Go. I'll talk to you, later." anitong nakalingon sa dalaga habang hawak pa rin ang braso niya.
"Baby--" protesta sana nito, ngunit napatigil sa pagsasalita nang samaan ito ng tingin ni Art. Naiinis na muli ay wala itong nagawa kundi bumaba ng sasakyan.
Nang makababa na ito ay muling ibinalik ni Art ang tingin sa kanya at bumuntong-hininga. "Look... I'm sorry, okay? Coding 'yung sasakyan niya, kaya hindi ako nakatanggi nung sinabi niyang makikisabay siya. Ava was a friend--"
"That you ended up fucking?" naka-angat ang kilay na putol niya sa sinasabi nito at pagak na tumawa.
"Well... yeah. Hindi ko naman itinatanggi 'yon, there's no point in denying. But that was in the past. Tapos na 'yon."
"Actually, wala ka namang dapat na ipaliwanag, eh. Wala tayong relasyon."
"Psh." muli ay umangat ang gilid ng labi nito. "We both know, that there is something between us, Cassandra. You are just too coward to admit it."
"Should we talk about it now?"
Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito. "Okay. Maybe, some other time. But if you really think, that you could still get away from me..." saglit itong huminto at tumingin sa kanya. "...Think again. Come on, dumating na 'yung bridal's car." hinalikan muna siya nito sa noo bago bumaba, lumigid ito sa kabila at pinagbuksan siya ng pinto.
Muli ay inialok nito sa kanya ang braso nito, sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nakipagtalo. Pipilitin lang din naman siya nito.
Ramdam niya ang mga matang masusing nakatingin sa kanila habang naglalakad papasok ng simbahan. Akmang hahatakin niya ang kamay sa pagkaka-angkla rito, ngunit hindi ito pumayag. Tiningnan lamang siya nito at hinawakan pa ang kamay niyang naka-angkla rito na tila ba makakawala siya.
Pakiramdam niya ay ipinapaalam nila sa mga taong naroon na may namamagitan na sa kanila.
And she felt awkward.
Maya-maya pa ay nag-umpisa na ang kasalan. Iniayos na sa kanya-kanyang pwesto ang lahat. Naroon na si Greg sa altar habang naghihintay sa kapatid niya, ganoon din si Art bilang bestman nito.
Isa-isa nang naglalakaran ang mga kasama sa entourage. Ilang sandali pa ay sinenyasan na siya ng wedding coordinator. Ewan niya kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Nang mapatingin siya sa harapan ng simbahan ay nagtama ang mga mata nila ni Art, na lalo lamang nagpalakas ng kabog ng dibdib niya.
Pakiramdam niya ay nahihipnotismo siya ng mga titig nito. Dinadala siya sa mundo na kung saan sila lamang dalawa, kung saan ito ang groom at siya naman ang bride... sa sarili nilang mundo.
Naputol lamang ang titig na iyon nang sikuhin ni Greg si Art. Nakangisi na ito nang muling tumingin sa kanya, na tila alam kung ano ang nasa isip niya, kani-kanina lang.
Naiiling na nagpatuloy na lamang siya sa paglakad papunta sa nakalaang pwesto para sa kanya. Bumaling siyang muli sa pinto ng simbahan upang makita naman ang kapatid habang naglalakad papunta sa altar.
Kasabay ng unti-unting pagbukas ng pinto ay pumailanlang ang wedding song ng mga ito na inawit ng mismong kaibigan ni Greg.
Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous,
I couldn't speak
In that very moment I found the one and...
My life had found it's missing piece
So, as long as I live I love you
Will heaven hold you?
You look beautiful in white.
And from now 'til my very last breath
This day i'll cherish,
You look so beautiful in white,
Tonight.
What we have is timeless...
My love is endless...
And with this ring I say to the world...
You're my every reason,
You're all that I believe in
With all my heart, i mean every word
So, as long as I live I love you
Will heaven hold you?
You look so beautiful in white.
And from now 'til my very last breath
This day i'll cherish,
You look so beautiful in white,
Tonight.
You look so beautiful in white
So beautiful in white,
Tonight.
And if a daugther's what our future's hold...
I hope she has your eyes
Finds love like you and I did
Yeah, I wish she fall in love...
We'll let her go
And i'll walk her down the aisle
She'll look so beautiful in white
You look so beautiful in white.
So, as long as I live I love you,
Will heaven hold you?
You look so beautiful in white.
And from now 'til my very last breath,
This day i'll cherish
You look so beautiful in white,
Tonight.
And if a daughter's what our future's hold...
I hope she has your eyes
Finds love like you and I did
Yeah, I wish she falls in love...
We'll let her go
And i'll walk her down the aisle
She'll looks so beautiful in white
You look so beautiful in white.
So, as long as I live I love you
Will heaven hold you?
You look so beautiful in white.
And from now 'til my very last breath,
This day i'll cherish
You look so beautiful in white,
Tonight.
You look so beautiful in white,
Tonight.
HABANG marahang naglalakad ang kapatid ay nakikita niyang nag-uunahan na sa pagpatak ang mga luha nito. Alam niyang luha iyon ng sobrang kaligayahan. Pagtingin niya sa gawi ni Greg ay nakita niyang nagpapahid din ito ng luha, ngunit kapansin-pansin ang matamis na ngiti sa mga labi.
Nang matapos ang seremonyas para sa kasal ay nakita niyang tumayo na si Art at inabot ang marriage contract na papipirmahan nila sa mga ikinasal at ninong at ninang. Lumapit ito sa kanya at inalalayan siyang tumayo. Nauna silang lumapit sa mag-asawa upang papirmahin ang mga ito.
"Congrats..." nakangiting bati ni Dawn sa mag-asawa.
"Thanks, ate. Kayo, kailan?" ani Toni.
Nangunot ang noo niya sa tanong ng kapatid.
"Kami?" sabay lingon kay Art na nasa likod niya.
"Ni kuya Angelo," pinandilatan niya ito ng mga mata na tinawanan lamang nito. Alam niyang nanunukso ang kapatid.
Nakita niya natawa rin si Greg sa biro ng asawa nito. Pero hindi si Art. Seryoso ang mukha nito.
Nang matapos ang mag-asawa ay lumipat na sila sa mga ninong at ninang. Nanatili lamang na nasa likod niya si Art at naka-antabay sa kanya.
Nang tanungin siya ng isa sa mga ninang kung saan ito pipirma ay bahagya siyang yumuko. Dahil nasa likuran niya nga nakatayo si Art ay tumama ang pang-upo niya sa mismong harapan nito.
Agad siyang tumuwid ng tayo at nanlalaki ang mga matang nilingon ito. Katulad niya ay natigilan din ito at napatingin sa kanya. Nakita niya pa ang paggalaw ng adam's apple nito tanda ng mariing paglunok.
Unti-unting nanalim ang mga mata niya rito. Nagkibit naman ito ng balikat, itinaas ang dalawang kamay, na tila sinasabing, "Nananahimik ako rito, ha.".
Ngunit naroon na ang pilyong ngiti nito na sa tingin niya ay pilit nitong pinipigilan. Naiiling na tinapos na lamang niya ang ginagawa.
Nang matapos ay sunud-sunod naman ang walang katapusang picture taking. Pakiramdam niya ay parang gusto nang sumakit ng ang mga mata niya sa napakaraming flash ng camera.
Bago sumakay ng bridal car ang mag-asawa papunta sa reception ay tinipon ang lahat ng mga kadalagahan para sa paghahagis ng bouquet ng bride. Hindi sana siya interesado, ngunit pilit siyang hinatak ng mga kaibigan na maki-join, kaya't wala na siyang nagawa kundi makisali sa mga ito.
Bahagya pa siyang nasa likod dahil hindi naman talaga siya interesado. Hindi naman kasi siya naniniwala na naka-depende sa pagsalo ng bouquet kung ikakasal na ang isang tao, o, kung sino ang susunod na ikakasal.
Nagulat pa siya nang may biglang mag-landing sa harapan niya. On instinct, ay inilahad niya ang mga kamay upang saluhin iyon.
Nagulat pa siya nang makita kung ano iyon. Pag-angat niya ng tingin ay sinalubong siya ng mga nakangiting tingin ng mga tao sa paligid niya.
"Gosh, Dawn, you're next," tili ng kaibigan niyang si Xandrea.
"Tell that boyfriend of yours to get his ass back, ASAP, before it's too late." makahulugang sabi naman ni Carol bago tumingin sa gawi ni Art.
Alam niyang nakita ng mga ito ang pagdating nila ni Art kanina. Hindi na lamang siya sumagot at ngumiti na lamang sa mga ito.
Nang maka-alis na ang mag-asawa ay hinanap niya ang mga magulang upang sumabay sa mga ito. Ngunit may nakapag-sabi sa kanyang sumabay na ang mga ito sa sasakyan ng Mama ni Greg.
"Psh. Hindi pa ako nakasabay." naiinis na bulong niya.
"Let's go?"
Nagulat pa siya nang marinig ang tinig ni Art sa likod niya.
"Sasabay na sana ako kila Mommy, nakaalis na pala sila."
"I know. I told them na sa akin ka na sasabay." balewalang sabi ni Art.
"What?! Bakit mo ginawa 'yon?"
Nagkibit ito ng balikat. Hindi alintana ang inis sa boses niya. "Sabay tayong nagpunta rito, so, sabay din tayong pupunta sa reception."
Napahagod siya sa noo. "Argh... Art, nakakahalata na sila. Masyado na tayong madikit, at ayokong mapag-usapan. May boyfriend pa rin ako, ano na lang ang sasabihin niya?"
"Psh..." naiiling na reaksyon nito. "Ano'ng mahahalata nila, eh, wala pa nga? About your boyfriend, break-up with him. That simple."
"Art--"
"Come on, this is not the right place to talk about this, in case you didn't notice, we're creating a scene." anitong inilibot ang paningin.
Napansin nga niyang may mangilan-ngilan nang nakatingin sa kanila. Pabuntong-hiningang lumapit na lamang siya rito at hinayon ang daan papunta sa sasakyan nito.
Malayo pa ay natatanaw na nila si Ava na tila inip nang naghihintay sa tapat ng sasakyan ni Art. Mas naramdaman niya kaysa nakita ang pag-iling ni Art at inihilamos sa mukha ang isang kamay.
"My gosh! What took you so long? Kanina pa ako rito..." anito at bumaling naman sa kanya. "It's you again," naka-angat ang kilay na anito. "Look, siguro naman, ngayon may iba ka nang pwedeng sabayan, noh? Have you ever heard the phrase, three is a crowd?" nag-aarkuhan ang mga kilay na sabi nito.
Agad ding tumikwas ang kilay niya sa pagka-irita sa kaharap.
Akala ba nito, siya ang nagpilit na sumabay sa mga ito? Akala yata ng babaeng 'to araw-araw pasko.
"For your information, hindi ako ang nagpilit na sumabay sa inyo. Had I know na nandito ka pa rin, sana nag-tricycle na lang ako! Bicth!" inis na tatalikod na sana siya nang hawakan ni Art ang braso niya.
"Ava, I saw your Mom, there. Sa kanya ka na sumabay." mahinahong sabi ni Art.
Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ni Art. "What? You're choosing this bitch over me?"
"You heard me." blangko pa rin ang ekapresyon ni Art.
"Whatever." ipinaikot nito ang mga mata, at binalingan siya. "Wait, a piece of advice before I leave. Kung inaakala mo na seseryosohin ka ni Art... girl, nagkakamali ka. Actually, hindi ikaw ang una... hindi ko na mabilang kung ilan na kayong nakilala ko. Huhulaan ko... hindi ka pa natitikman ni Art, noh?" agad na namula ang mukha niya sa sinabi nito. Nakita niya ang sarkastikong tawa nito. "You don't have to answer me," anitong iwinasiwas pa ang kamay. "Your face says it all."
"Ava, stop it, and just go." tiim ang bagang na sabi ni Art.
Ngunit hindi pa rin ito nagpa-awat. "Kapag natikman ka na ni Art, believe me, girl, iiwan ka na niya, at babalik na naman siya sa'kin. We're on and off, for five years. May mga in betweens, but, just like what i've said, bumabalik at bumabalik siya sa akin. That's how good I am... if you know what I mean," nakakaloko ang ngisi nito.
Hindi niya na kaya ito.
This is supposed to be a happy event. Dapat ay naroon na siya sa venue ng reception at nakikisalo sa kasiyahan. She shouldn't be here, listening to this pathetic.
And at the same time, why does it hurts?
Pilit niyang hinahatak ang brasog hawak pa rin ni Art, ngunit lalo lang humigpit ang kapit nito.
"Get out, Ava, before I wring your neck." hindi ito nagtataas ng boses, ngunit naroon ang panganib sa tono nito.
Parang walang anuman na ngumiti pa ang babae at lumapit kay Art. Huli na bago pa man ito napigil ni Art sa binabalak nito. Hinalikan nito ang binata sa labi at nakangiting nilingon siya bago lumakad palayo.
Muling inihilamos ng binata ang kamay sa mukha bago binuksan ang pinto. "In..."
Wala namang kibong pumasok siya.
Pagkasara nito ng pinto ay ilang sandali pa itong nakatayo roon, tila kinakalma ang sarili. Tila hapong hinagod nito ang batok bago lumigid sa driver's seat. Pagpasok ay agad itong bumaling sa kanya.
"I'm sorry."
"Let's go, Art." pilit niyang pinatatatag ang tinig. "Okay lang 'yon, wala naman talaga tayong relasyon. So, napa-praning lang 'yang babae mo."
"She's not mine. Well... I mean, not anymore. Matagal na kaming wala. Hindi maiiwasan na may komunikasyon pa rin kami, we have common friends. Pero hanggang doon na lang 'yon."
"Art, really, it's okay... don't worry, walang problema sa'kin. Let's go... baka nagtataka na sila ba't wala pa tayo."
"Damn it, Cassandra. Alam natin pareho na meron. Hindi ka magre-react ng ganyan kung wala."
Pinilit niya itong bigyan ng isang pagak na tawa. "Don't flatter yourself too much, Art. Sinagot ko lang siya sa kung papaanong paraan niya ako kinausap."
"Really?" he said sarcastically. "We both know that there's something between us, Cassandra. I know you're not dumb not to notice it. Just please, let's give it a chance." nagsusumamo na ang mga mata at tinig nito.
"There's nothing between us, Art. There should be nothing between us." nakayukong sabi niya.
Humarap ito sa kanya at pinakatitigan siya, pilit na inaarok ang nasa kalooban niya. Maya-maya pa ay unti-unti na itong lumalapit. Hinawakan nito ang baba niya at pilit na pinaharap dito.
"Coward." bulong ni Art bago unti-unting bumaba ang mukha patungo sa kanya.
Nang gahibla na lamang ang lapit ng mukha nito ay napatingin siya sa labi nito, iniiwas niya ang mukha rito. Kunot ang noong kinabig nitong muli ang mukha niya, at hinuli ang paningin niya. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya umiwas.
Mapait siyang ngumiti rito. "She left you a mark." mahina niyang sabi na nakatingin sa labi nito.
Ilang segundo pang ipinroseso nito sa isip ang sinabi niya bago dali-daling kumuha ng panyo at pinahid ang labi.
"Fuck!" mahinang usal nito bago pabagsak na bumalik sa upuan.