HinovelDownload the book in the application

Chapter 5

Dahil maaga siyang nagsara ng flower shop ay naisip ni Dawn na mag-ikot-ikot muna sa mall.

Wala naman siyang gagawin sa bahay at wala rin naman siyang daratnan doon.

Mula nang mag-asawa ang kapatid ay solo niya na ang bahay na dati ay inoukupa nila. Hindi pumayag si Greg na ito ang makisukob ng bahay sa kanila. Ayon dito, ito ang lalaki at kaya niya namang mag-provide ng bahay para sa pamilyang balak nilang buuin.

Tama naman ito sa kabilang banda, minsan lang ay hindi rin niya maiwasang malungkot. Nasanay na kasi siya na kasama niya ang kapatid.

Nang mapadaan siya sa isang window kung saan naka-display ang iba't-ibang mga gamit pang-baby, mula sa damit, feeding bottles, mga laruan, at kung anu-ano pa. Naalala niya ang kapatid.

Natutuwa siya at sa wakas ay buo na ang pamilya nito. Ilang buwan na lamang ay makikita na nila ang magiging anak nito at ni Greg. Hindi pa man ay excited na siya sa pamangkin.

Wala sa loob na dinala siya ng mga hakbang papasok sa naturang tindahan. Aliw na aliw siya habang tinitingnan ang mga medyas na iba-iba ang mga design. Sigurado siyang ang cute nitong tingnan kapag suot na ng magiging pamangkin niya.

Nakangiti pang nag-ikot siya sa loob ng tindahan upang makita pa ang ibang mga paninda roon, pinangako niya sa sariling babalik siya rito kapag nalaman na niya ang kasarian ng pamangkin, nang sa gayon ay alam niya na kung anong mga kulay ang pipiliin niya.

"So... you're really planning of having a baby, huh?"

Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na feeding bottle nang may biglang magsalita mula sa likuran niya.

Ramdam niya ang hininga nitong tumatama sa gilid ng leeg niya.

Agad siyang napabaling dito, ngunit hindi niya inaasahang ganoon itong kalapit, bahagya pa itong nakadukwang sa kaliwang parte ng leeg niya.

Paglingon niya ay hindi sinasadyang tumama ang labi nito sa pisngi niya.

On instinct, ay agad siyang lumayo rito. Ngunit kumapit ito sa baywang niya na tila pinipigilan nito ang paglayo niya.

"Art, please..." itinukod niya ang siko niya sa parteng sikmura nito.

"Please what, huh?" anitong ibinaon pa ang mukha sa leeg niya.

"Art, pinagtitinginan na tayo ng mga tao. And I'm not into PDA, you know."

"So, meaning, we can continue this in private?" hayun na naman ang nakakaloko nitong ngiti. 

"Art, pwede ba?" aniyang tuluyan na itong itinulak palayo.

Hindi naman na siya nahirapan sapagkat bahagya naman itong lumayo.

"Ano bang ginagawa mo rito? 'Wag mong sabihing bibili ka ng damit ng baby.." sabi niyang muling bumaling sa mga gamit ng bata.

"Nah... may sinamahan lang ako." anitong nasa likod pa rin niya.

Ramdam na ramdam niya ang tingin nito sa likod niya.

"So, it's confirmed that you really want to have a baby?" ulit nito sa tanong kanina.

Nagkibit lamang siya ng balikat.

Hindi niya pa maaaring sabihin dito ang lihim ng kapatid.

Wala pa siyang naiisip na isagot dito nang may marinig siyang tumawag dito.

"Art, baby, what do you think? This one, or this one?" maarteng sabi ng babaeng may hawak na dalawang naka-hanger na infant jumper na magka-iba ang kulay at design.

Tila nagulat namang bumaling si Art dito.

"Hrmp..." tikhim nito na tumingin muna sa kanya bago bumaling muli sa babae. "I think, the one on the left." kapagkuwan ay sagot ng talipandas na binatang nakatayo pa rin sa likuran niya.

Ngumiti naman ng ubod tamis ang babae.

"Hmm... okay. Actually, I really find this cute," at nakangiti pa ring sinipat-sipat ang jumper na pinili ni Art. "I just want to get your opinion. You know... at least kapag nagka-baby na tayo may idea na ako kung ano ang gusto mo." anitong nakangiti at bahagya pang pinapungay ang mga mata.

Napatikhim si Art sa sinabi nito at muli ay sandaling bumaling sa kanya bago muling ibinalik ang tingin sa babae.

Naiiling na ipinaikot na lamang niya ang mga mata.

"Poor girl..." mahinang sabi niya habang patuloy na tumitingin sa mga display.

Alam niyang narinig ni Art ang bulong niya sapagkat narinig niya itong tumikhim at nakita niya ang repleksyon nito sa glass wall sa harap niya na bahagya itong yumuko na tila itinatago ang pagngiti.

"Ahm... baby, who is she?" tanong ng babaeng alam niyang patungkol sa kanya. Bahagyang napa-angat ang kilay niya nang mahimigan niya ang talim sa tinig nito.

Baka narinig ang sinabi niya.

Who cares? Totoo naman.

Nag-iisip ito na magkaka-anak sila ni Art, eh, kung hindi niya pa alam na isa lamang ito sa mga babaeng ikinakama ng binata.

Bago pa man makasagot si Art ay rumatsada na naman ang bibig ng babae.

"Don't tell me, she's one of those girls na naghahabol sa'yo?" anito sa matalim nang mga mata at siya naman ang binalingan. "Hey, Miss Whoever you are, I am telling you to stop flirting, and stay away from my boyfriend, 'cause I will not allow anyone to steal him away from me." mataray nitong sabi sa kanya.

"Pigilan mo 'ko, papatulan ko 'yan." bulong niya kay Art sa pagitan ng mga ngipin.

"Go. Show me kung paano mo ako ipaglaban, darling." nakangising balik-bulong nito.

"Baby, what did you say?" kunot-noong baling ng babae kay Art. "At ikaw na babae ka, flirt ka talaga! I told you to stay away!" namumula na ito sa galit at pinagtitinginan na rin sila ng mga saleslady doon.

Tiningnan niya muna ng masama si Art na ngingiti-ngiti lang.

At ang hudyo, mukhang nasisiyahan pa sa palabas na ginagawa ng babae nito, bago kalmadong hinarap ang babae.

"Miss Whoever you are..." she mimicked her words. "This man beside me is my fiancé," aniyang bumaling pa kay Art at hinawakan ito sa balikat.

Nakita niyang umangat ang isang kilay nito at kinagat ng patagilid ang pang-ibabang labi tanda ng pagpipigil ng pagtawa. "Actually, we have this agreement that he cannot touch me until we're already married. So, in return, he's allowed to take other girls to bed, as long as in the end, I'm still the one he'll gonna marry. And after our marriage, all of you are just part of his 'ugly' past."

Nakita niya ang unti-unting panlalaki ng mga mata ng babae sa sinabi niya, at napalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Art na hindi na napigilan ang pagtawa.

Hell! What a beautiful sight! Urgh!

"Baby, tell me that's not true. Tell me, that bitch is lying. Oh, please, tell me, and I promise to believe you and forget about all this shit." nabitiwan na nito ang mga hawak na hanger at akmang lalapit kay Art.

"Ooops..." aniyang itinaas ang isang kamay upang pigilan ito sa paglapit. "Because you called me a bitch and a flirt, then, you are not allowed to touch my fiancé." naka-angat ang kilay na sabi niya.

"Baby..." natigilan ito at tumingin kay Art na tila nagpapa-saklolo rito.

Nilingon niya si Art na noon ay halos mapunit na ang mukha sa pagngiti at tinaasan ng kilay. 

Nagulat pa siya nang hapitin siya nito sa baywang at bulungan.

"Fiancé, huh? Okay, darling." nagtayuan yata ang lahat ng balahibo niya sa katawan nang dumikit ang labi nito sa tainga niya. "I'm sorry, Lexie, but you angered my fiancée." kaswal na anitong nagkibit-balikat pang nakatingin sa babae.

"It's Lian, damn you!" galit nitong sigaw at dinampot ang mga dalang hanger kanina at ibinato sa kanila ni Art at saka tumalikod at lumabas ng tindahan. Agad namang isinangga ni Art ang braso nito upang hindi siya matamaan.

"So, fiancée... lets go?" ngiting-ngiti ito.

Inirapan niya naman ito. "Pwede ba, Art, tapos na ang palabas. Pwede mo na akong bitiwan." inis na sabi niya at pinalis ang kamay nito sa baywang niya at akmang lalabas na rin ng tindahan nang sundan siya nito at muling hapitin sa baywang.

"Nah-uh... not so fast, fiancée. Beacause you took my date away, you'll be replacing her." anitong lumipat ang braso sa balikat niya at tila walang anumany nagpatuloy sa paglakad. 

"What?! No way!" sabi niyang muling pinalis ang braso nito.

"Kung hindi mo sinabi kay Lena--" "Lian." at pinaikutan ito ng mga mata. Ganoon ba karami ang mga babae nito at hindi nito matandaan ang mga pangalan? "Whatever." he smirked. "As I've said, kung hindi mo sinabi na fiancé mo ako at pinaalis ang date ko, eh, di sana sa langit ang tuloy namin pagkagaling dito."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.

"Ang manyak mo talaga!" aniya at mabilis ang mga hakbang na iniwan na ito.

Ngunit sa kasamaang palad ay wala talaga itong balak na tantanan siya.

"Manyak ba tawag d'on?" habol pa rin nito. "Needs ang tawag d'on, darling. And, it just so happened, na I am always in need. Don't tell me, your boyfriend's not as needy as I am? Paano kayo makakabuo niyan?"

Naniningkit ang mga matang nilingon niya ito na tila walang anumang nagkibit lang ng balikat.

May kung anong emosyon siyang nakita sa mga mata nito na agad ding naglaho.

Baka imahinasyon niya lang.

"Wala talaga akong makukuhang matinong sagot sa iyo. Puro kamanyakan laman ng utak mo!" naiiling na nagpatuloy na lamang siyang maglakad.

Uuwi na lang siya. Nawala na siya sa mood mag-ikot.

Ngunit hindi pa man siya masyadong nakakalayo ay nahawakan na siya nito sa braso at walang anumang hinatak papuntang parking lot. Nang matapat sila sa sasakyan nito ay binuksan nito ang passenger's seat at ipinasok siya roon, bago umikot at sumakay sa driver's seat.

"Ano ka ba? May dala akong sasakyan, hindi ako sasabay sa'yo!" singhal niya rito at binalingan ang pinto ng sasakyan ngunit naka-auto lock iyon. "Buksan mo 'to, ano ba?" gigil na muling baling niya rito.

"Ihahatid na kita." flat na sabi nito.

'"Ano?! Bingi ka ba? Sabi nang dala ko ang sasakyan ko!" inis pa ring sigaw niya at padaskol na hinawi ang  buhok na tumatabing sa mukha.

"Just give me your keys, babalikan ko na lang 'yon."

"Baliw ka na talaga." inis na humalukipkip na lamang siya at dumeretso ng upo.

Muli ay mukhang talo na naman siya.

"Seatbelt..." walang anumang sabi nito at pinaandar na ang sasakyan.

"Tss." inis na inirapan niya muna ito bago ikinabit ang seatbelt.

Hindi na niya ito kinibo habang biyahe. Naiinis pa rin siya rito. Tila ba wala siyang karapatang tumanggi sa mga sinasabi nito.

"So, are we expecting another wedding after Greg and Toni?" maya-maya ay basag nito sa katahimikan sa loob ng sasakyan.

"What?" kunot-noong bumaling siya rito.

"You're planning of having a baby, right? So, I supposed, you're also planning about getting married." naka-angat ang kilay nito na saglit siyang sinulyapan bago muling bumaling sa kalsada.

"We-well... m-maybe in the future.." iyon ang pinaka-safe na sagot na naisip niya.

"Tss. Really, Cassandra?" naiiling pa ito at pagak na tumawa. "I never thought you'll engage in this kind of irresponsibleness. Maybe, I expected too much from you." tila disappointed na sabi nito. 

Nagtatagis ang mga bagang.

"Uhm... well, actually..." hindi siya maka-apuhap ng sasabihin dito.

Ano'ng sasabihin niya?

Eh, wala pa naman talaga.

"You are not planning about marriage, are you?" nagtatagis pa rin ang mga bagang na tanong nito.

Kunot-noong hinarap niya ito. "Wait lang, ha! Ano naman ngayon sa'yo kung gusto ko nang magka-anak? Everybody wants to have a child in the future. And besides, coming from you? Na tila pagkakape lang ang paggawa ng bata? Hello?! Pwede ba, Art? Ang plastic mo, ha!" inis niya nang sabi.

Ito lang ang naisip niyang paraan upang tumigil na ito sa tila pag-i-interogate sa kanya. 

Lalong nagtagis ang mga bagang nito.

Tila naririnig niya na ang pagngangalit ng mga ngipin nito. 

"I fucked, yes! If that's what you wanted to hear!" madilim ang mukhang sabi nito. "But, I always see to it that I'm protected! I maybe a casanova, but, I will never let an innocent child get involved." mariing sabi nito na humigpit ang kapit sa manibela.

Napakapit siya sa suot na seatbelt nang maramdaman niya ang pagbilis ng takbo nila.

"I think, that's none of your business. This is my life, our lives... kami ang magpapasya kung ano ang gusto naming gawin sa buhay namin." pilit niyang pinatatag ang tinig ng sabihin iyon. 

"Yeah, right..." tiim-bagang pa rin ito.

"Wi-will you slow down?"

Matalim lang siyang sinulyapan nito at hindi na sumagot. Ngunit naramdaman niya ang bahagyang pagbagal ng takbo nila.

Nang makarating sila sa bahay niya ay hindi pa rin nito binubuksan ang pinto sa tabi niya. 

"Art, bababa na ako..."

"Be my girl, Cassandra."

"What?!" nagkamali yata siya ng dinig. 

"I want you to be my girl." deretso pa rin ang tingin nito.

"Are you out of your mind?" nanlalaki ang mga matang tanong niya. "Bukod sa wala akong balak makipag-sabayan sa kabi-kabilang mga babae mo, may boyfriend po ako, in case nakakalimutan mo."

"Then, break-up with him." tila walang anumang sagot nito.

"Wow, ha! Akala mo gan'on lang kadali 'yon?! Just like what you are doing with your 'girlfriends'!" aniya at binigyang diin ang salitang girlfriends.

"They are not my girlfriends, okay?" sa pagkakataong iyon ay humarap ito sa kanya.

"Yeah..." she smirked. "So, ganyan din ang sasabihin mo if ever may mag-address sa akin, as your girlfriend? No way, Art. No way."

"You'll be mine, Cassandra, I promise you that!" anitong matiim siyang tinitigan.

"Now, give me you keys."

"Tss. Art...!"

"What?" naka-angat ang kilay na tanong nito. "'Di ba, babalikan ko pa 'yong sasakyan mo? So, I think, I will be needing your car keys. Ano ba'ng iniisip mo?" bumalik na ang pilyong ngiti nito. 

Isang irap ang ibinigay niya rito bago bumaling sa bag at hinagilap ang susi at padabog na iniabot dito.

Iyon lang at may narinig siyang click sa tabi niya.

Binuksan na nito ang lock ng pinto.

"See you later, Cassandra."

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free