"HI, Sweetheart." bungad agad ni Greg sa asawa nang iabot ni Dawn ang cellphone sa kapatid dahil sa pakiusap niya.
"Hi, how are you? Kumain ka na?"
"Yeah. Don't worry about me, okay lang ako." sagot ni Greg. "Ikaw, anong ginagawa mo?"
"Eto, mag-beauty rest daw ako, sabi ni ate." kwento niya sa asawa. "I don't really see the point of this set-up." maktol niya pa rito. "I mean, we're already married, you know? Bakit kailangan pang magkahiwalay tayo, the night before our church wedding?"
"Sweetheart, pagbigyan mo na ang parents mo. We owe this to them. Hayaan na natin na sila naman ang masunod this time." pagpapaunawa ni Greg sa asawa. "After all, sabi mo nga, we're already married. Isang gabi lang naman, then we're back in each other's arms again, forever."
"Sweetheart, ang cheesy mo!" doon lamang bumalik ngiti sa mga labi ni Toni.
"I love you!"
"I love you, too!" abot ang ngiti niyang sagot. "Pero nami-miss na talaga kita."
"Wait there..." nagtaka pa siya sa sinabi nito.
"Bakit?"
"Basta... "
"Sweetheart, hindi ka pwedeng pumunta rito..." babala niya rito.
"I know, just wait there..."
"Okay."
ANO NAMAN kaya ang binabalak ng asawa niya?
Naroon si Toni sa bahay na dati nilang tinitirhan ng kapatid na si Dawn. Kasama rin nila ang mga magulang. Hiniling ng mga magulang niya--no... in-insist ng mga magulang niya na doon muna siya tumuloy nang gabing iyon. Kinabukasan na kasi ang kasal nila sa simbahan ng asawang si Greg. Tradisyon daw na bawal magkita at mag-usap ang mga ikakasal sa gabi bago ang kasal ng mga ito.
The hell with the tradition. Mag-asawa na kaya sila.
Ganoon pa man, ay wala pa rin silang nagawa kundi sundin ang mga magulang niya, na sinegundahan pa ng Mama ni Greg.
Kaya heto sila ngayon, Romeo ang Juliet lang ang peg, patagong nag-uusap.
Pati nga cellphone niya ay kinuha ng mga ito. Napaki-usapan lang ni Greg ang ate niya na baka pwedeng maka-puslit kahit sandali lang at makapag-usap sila. Mula kasi nang araw na ikasal sila sa huwes, ay ito ang unang pagkakataon na hindi sila magkatabing matutulog.
Napasimangot siya sa naisip.
Nami-miss niya na talaga ang asawa. Hindi na siya sanay na wala ito.
Nitong mga nakaraang araw ay medyo mabigat ang pakiramdam niya, dala ng pagbubuntis niya. Kahit walang kamalay-malay ang asawa tungkol doon ay hindi siya nahihirapan. Likas kasi itong maalaga, kaya't kahit na hindi nito nalalaman ay natutulungan siya nitong mabawasan ang pinagda-dadaanan niyang adjustment sa pagbubuntis.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang tumunog muli ang cellphone ng ate niya.
Nangunot ang noo niya nang makita kung sino ang tumatawag.
So, may number siya sa cellphone ng ate ko, ha?
Naka-angat ang kilay ng pinakialaman niyang sagutin ang tawag nito.
"Hi, Misis," bati agad nito na nagpakunot ng noo niya. Bakit alam agad nito na siya ang sasagot ng tawag? "Will you give the phone to your sister?"
"Why? May hinihintay akong text, from my husband."
"I know, Misis. Now give that phone to your sister, quitely... unless, gusto mong mahuli tayo ng parets mo." anito pa sa kanya.
"I won't. Unless, you tell me what's goin' on." naghihinala niyang sabi.
Sabi niya na nga ba at may something 'tong dalawang 'to, eh.
"Hay nako, ang kulit po talaga." tila nakukunsuming anito sa kanya. "I wonder, paano nakakatagal si Greg sa kakulitan mo."
"Hmmm... because he loves me?" nakangiting sagot niya rito. "Now, sasabihin mo ba kung bakit, o ibababa ko na 'to? Nakakaistorbo ka, baka tumatawa na 'yung asawa ko."
"Oo na. Psh. Ewan ko ba kung bakit pumayag-payag ako sa kalokohan ng asawa mo. Ginawa n'yo na nga akong delivery boy, ang kulit pa ng pagde-deliver-an ko." reklamo nito.
"Art, I'm waiting." kunwari ay naiinip niyang sabi rito.
"Oo na. May delivery po, Your Highness..."
"Anong delivery?"
"Ewan ko ba kung ano 'tong nakabalot sa plastic, 'wag ko raw bubuksan. And, a glass of milk." imporma nito.
"Really? OMG. Ang sweet talaga ng asawa ko."
"Tss. Ang corny n'yo, parang hindi naman kayo magkikita bukas."
"Whatever. 'Di ka kasi sweet."
Tinawanan lang ng binata ang simabi niya.
"No need, Misis, nadadala na ng ka-gwapuhan ko." puno ng kumpiyansang sabi nito na ikinatawa niya.
"Sus... dali na, akina na 'yung padala ng asawa ko. Wait, bababa ako."
"Hep... bigay mo sa ate mo 'yung phone n'ya at kaming dalawa ang mag-uusap."
"What? Bakit si ate pa?" kunot ang noong tanong niya. "Pwede namang ako na lang ang kumuha sa'yo, ah."
"Take it, or leave it." matigas na giit ni Art.
May something talaga dito sa dalawang 'to.
"Gusto mo lang yata makita ate ko, eh. 'Yung totoo?" panunudyo ni Toni sa binata.
"Bibigay mo ba 'yung phone sa ate mo, o isosoli ko 'tong ka-corny-han ng asawa mo?"
"Tsk. Oo na... wait lang. Mga the moves mo rin, eh, no?" aniya bagaman tumayo na siya sa kama uoang tunguhin ang silid ng kapatid.
"Sige na, bigay na."
"Tsk. Excited?"
KAHIT naiinis ay iiling-iling nagpunta si Toni sa silid ng kapatid.
Kahit na papaano ay naging close na sila ni Art. Madalas ay nasa kanila ito, kung naroon din lang ang asawa, kung minsan naman ay kung may pinagtataguan itong babae.
Nagulat pa ang ate niya nang pagbuksan siya ng pinto.
"Oh, sis... ano'ng ginagawa mo pa rito? 'Di ba sabi ko sa'yo mag-beauty rest ka?" bungad agad nito sa kanya na pinanlakihan pa siya ng mga mata.
Nang mapatingin ito sa hawak niyang telepono. "Tapos ka na?"
"Hay naku, nandiyan si Art sa labas, may pinadala raw si Greg, kaso hindi niya raw ibibigay kung hindi ikaw ang kukuha." nakalabi pang sabi niya.
Nakita niyang nangunot ang noo ng kapatid.
"Ba't 'di na lang ikaw?"
She rolled her eyes. "Iyan din ang tanong ko. Anyway, sige na, ate, baba ka na. Kunin mo na 'yung padala ni Greg." pilit niya sa kapatid, at iniabot na sa kamay nito ang cellphone. "Oh, bigay ko na raw sa'yo 'yan. May saltik talaga 'yung Art na 'yon!" aniya at humalukipkip.
Natawa na lang si Dawn sa inis sa mukha niya. "Sige na, kukunin ko na. Tapos nito matulog ka na, ha. Masama rin sa baby ang nagpupuyat."
"Yes, ate."
Naiiling na tumalikod na ito at tinungo ang hagdanan.
"ANO NAMAN kaya ang drama nung lalaking 'yon, at ako pa ang gustong kumuha ng dala niya? " sa isip niya habang tinutungo ang pintuan.
Pagbukas ni Dawn ng gate ay nakita niyang nakahalukipkip doon si Art habang nakasandal sa sasakyan nito. Nakatingin ito sa gate na tila inaantay talaga ang pagdating niya. Agad itong tumuwid ng tayo pagkakita sa kanya.
"Hi." again, with his signature smile.
"May padala raw si Greg?"
"I said, hi." he said, with his lips pouted.
Ipinaikot niya ang mga mata. "Okay, hi. Bakit ako pa talaga ang kailangang kumuha?"
"Bilin ni Greg," anitong nakangisi.
Tinaasan lamang ito ni Dawn ng kilay. Anyong hindi naniniwala.
"Ang lagay wala man lang akong mapapala sa pagpapa-alipin ko sa kumag na 'yon?" naka-angat ang kilay na sabi nito, nakangisi pa rin.
Muli ay pinaikutan niya ito ng mga mata at saka ngumiti. "At ano naman po ang mapapala mo kung ako ang kukuha?"
"Don't you really get it? I miseed you," anitong nawala na ang ngisi, matiim na lamang itong nakatitig sa kanya.
"Psh. Kaya ba two days walang paramdam?" huli na para bawiin ang sinabi niya.
Agad na namula ang mukha niya, lalo na nang makita niyang umilaw sa kasiyahan sa mga mata nito.
"So, na-miss mo rin ako?" he said, grinning, habang dahan-dahang lumalakad papalapit sa kanya, ng nakangisi at nakatingin sa mga mata niya.
"God, inaakit ba ako nito?" aniya sa isip niya. "Naaakit ka naman?" sabi naman ng kabilang bahagi ng isip niya.
Hindi siya nakatagal makipag-titigan dito, nag-iwas siya ng tingin. "'Y-yung padala ni Greg,"
"Tell me, Cassandra, na-miss mo ba ako sa loob ng dalawang araw na hindi tayo nakapag-usap, man lang?" anitong nakalapit na, ini-angat nito ng hintuturo ang baba niya upang magtagpo ang mga paningin nila at matiim siyang tinitigan sa mga mata.
Inilipat nito ang kamay sa gilid ng mukha niya. Muli sana siyang mag-iiwas ng tingin ngunit hindi nito iyon hinayaan.
Napapikit siya nang bumaba ang mukha nito patungo aa kanya.
Gahibla na lang ang layo ng mukha nila nang tumunog ang cellphone niya. Agad siyang nagmulat ng mga mata. At kamuntik na siyang matawa nang makita niya ang hitsura ng mukha nito. Nakatiim-bagang na napa-pikit ang mga mata nito habang hawak pa rin ang mukha niya, idinikit nito ang noo sa kanya.
"T-that...must be Greg,"
"Or, Angelo..." nakapikit pa rin ito.
Napalunok siya bago sumagot. "W-we wouldn't know, unless, titingnan natin."
Pabuntong-hiningang bahagyang lumayo si Art sa kanya. Inalis ang kamay sa mukha niya, ngunit lumipat naman sa baywang niya.
Holding her, with possessiveness.
Bumuntong-hininga muna siya bago kinuha ang cellphone sa bulsa niya.
Ewan niya, pero nakahinga siya ng maluwag nang makitang si Greg nga iyon. Ini-loudspeaker niya ang telepono.
"Sweetheart, wala pa ba si Art?" bungad agad nito pagbukas niya ng linya.
"It's me... Dawn."
"Hey, dumating na ba si Art? How about the package, naibigay na ba? 'Di ba, na kay Toni phone mo kanina?" sunud-sunod na tanong nito.
"Isa-isa lang kaya tanong," she said sarcastically. "First... yeah, Art is here," tumingin siya sa mga mata ng binatang kaharap na matiim lang na nakatitig sa kanya. Naramdaman niya ang pagpisil ng kamay nito sa baywang niya. She almost moan.
"What do you mean, he's there? Kadarating niya lang? Kanina pa siya umalis, ah. How about the package? The milk? Para makatulog siya agad..."
"Really, Greg? Sa tingin mo wala kaming gatas dito?" naka-angat ang kilay na sabi niya. Naroon naman ang pagka-aliw sa mga mata ni Art.
"Silly. Mas masarap 'yan, ako nagtimpla, eh. With love 'yan." at sinundan nito ng mahinang tawa.
"Sus, corny mo."
"Corny ka diyan... Ano? naibigay na ba?"
Natatawang pumalatak siya. "Oo na po, iaakyat na po..." naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Art sa baywang niya. Tila ayaw pa siya nitong paakyatin.
"Wait... bakit ikaw pa ang mag-aakyat? Nasaan ba ang asawa ko?" naroon ang pagtataka sa tinig ni Greg.
Naka-kagat labi siya habang pigil ang ngiting tumingin lay Art. Umiwas naman ito ng tingin, pigil din ang ngiti.
Nakayuko ito sa kanya habang nakikinig sa usapan nila ni Greg. Sa ganoong pwesto ay malapit na naman ang mukha nito sa kanya. Pumapaypay sa mukha niya ang mabangong hininga nito.
"Nasa taas. Sabi ng delivery boy mo, sabi mo raw..." nakangising aniya habang nakatingin kay Art na ngingisi-ngisi din. Bistado ito.
"What?" hindi na siya nagtaka sa gulat sa boses nito. "Tsk. Umakyat ka na, Dawn, manyakis 'yan."
"Gago!" tila hindi nakatiis, ay singit ni Art, bagaman nakangisi pa rin ito. "Ibabalik ko diyan 'tong mga pinadala mo."
"Ulol! Ibigay n'yo na sa asawa ko 'yung mga pinadala ko, baka mapuyat 'yan, 'di 'yan makapunta sa kasal namin bukas!"
"Oa lang, huh?" si Dawn uli. "Ano ba kasing laman ng package?" usisa niya sa kaibigan.
"T-shirt ko, with of course, my scent, with a note na isuot niya 'yon sa unan niya, for her to still feel my presence."
Hindi nila pareho napigilan ni Art na matawa sa sinabi nito.
"Fuck, man, seriously?!" tila nawiwindang na singit muli ni Art.
"Fuck you, Montez! Kapag ikaw na-inlove pagtatawanan kita mula ulo hanggang paa!"
Kahit na papaano ay sanay na siya sa dalawang ito. Kahit na noon pa ay ganoon na talaga silang mag-usap.
"Whatever, man. Whatever..." tukso pa rin ni Art dito.
"Sinasabi ko sa'yo Dawn, kapag niligawan ka niyan, 'wag na 'wag mong sasagutin 'yan! Lolokohin ka lang niyan, katulad ng siyamnapu't-siyam na naging syota niya last month." ganti naman ni Greg dito.
"Fuck you, Par... to the moon and back."
Iyon lang at si Art na mismo ang nagpatay ng tawag. Naiiling na lamang siya sa mga ito. Parang mga bata.
Nang ibulsa niyang muli ang cellphone ay tumingin siya rito.
"Pa'no? Akina na 'yung pinadala ni Greg, at nang maihatid na sa kapatid ko."
"Ngayon na ba dapat?" again, he pouted.
Natawa naman siya. Aakalain mo bang kalalaki nitong tao ay mahilig itong mag-pout? At ang gwapo pa rin nito. Sabagay, wala naman yatang kahit na anong makakabawas sa kagwapuhan nito, eh.
"Art, nagwawala na si Greg!"
"Hayaan mo lang siya," pabalewala nito.
"Art!!" pinandilatan niya ito ng mga mata.
"Urgh! Okay... wait here." anito at atubiling binitiwan siya at naglakad nang papunta sa sasakyan nito.
Nang bumalik ito ay hawak na nito ang isang may takip na baso, iyon sigurado ang gatas na sinasabi nito. Naiiling na lang siya sa kabaliwan ng bayaw. At isang paper bag na may lamang nakasupot.
Natawa na naman siya nang maalala ang laman ng paper bag. Baliw talaga!
"Kung hindi lang makikita kita rito, hindi ko susundin ang kabaliwan nung kaibigan mo, eh." naiiling na sabi ni Art nang iabot sa kanya ang paper bag.
"Na kaibigan mo rin!" natawa siya nang ngumiwi ito. "Sige na, umuwi ka na. Big day tomorrow, kailangan pa nating magpahinga. Goodnight"
Bago pa makaiwas si Dawn ay nanakawan na siya ni Art ng isang mabilis na halik sa labi. Dahil nagulat ay bahagyang napa-awang ang mga labi niya kaya't hindi napigilan ni Art na balikan ang naka-awang na mga labi niya at bahagyang simsimim. Bago pa man siya makapag-react ay nakalayo na ito.
"Now, it's a goodnight." anito sabay kindat.
Nagpipigil ang ngiting pabiro niya itong hinampas ng hawak na paper bag na tinawanan lamang nito. Inilapit nito ang bibig sa tainga niya at bumulong.
"See you tomorrow. See you at the altar, darling," bulong nito na sinadya pang idikit ang labi sa tainga niya.
Iyon lang at pasipol-sipol pang tumalikod na ito, ang dalawang kamay ay nakapasok sa magkabilang bulsa ng pantalon. Isang kindat pa ang ginawa nito bago tuluyang pinaandar ang sasakyan.
"See you at the altar, darling." paulit-ulit iyong umuukilkil sa isip niya hanggang sa makatulog siya.