HinovelDownload the book in the application

Chapter 7

AFTER the unexpected kiss, hayun sila at parang walang nangyari. Niyaya siya nito pabalik sa loob upang makihalubilo sa mga kaibigan niya, na halos ay kilala rin naman ni Art, through Greg.

"So, Art, kumusta? Kumusta naman ang super gwapo at always available na bestfriend ni Greg?" nakangiting tanong ni Carol na malagkit na nakatingin kay Art.

"Heto, gwapo pa rin." at sinundan iyon ng signature smile nito na siyang dahilan ng pagkahumaling dito ng mga kalahi ni Eba.

"OMG. That confident, huh?" naka-angat ang kilay na sabi nito ngunit naroon ang pilyang ngiti sa labi.

She's obviously flirting with Art. Lihim na umikot ang mga mata niya. 

"Your word, not mine." kibit-balikat na sagot naman ng malanding katabi niya.

"And... still available?" 

Kibit-balikat lang ang isinagot ni Art.

"I knew it." nakangiti pa ring ani Carol.

"Carol, stop interogating. Napaghahalata ka." nakangising tukso ni Xandrea, isa din sa mga kaibigan nila.

Napitlag pa siya nang hawakan ni Art ang kamay niya sa ilalim ng mesa.

"Oh, I remember," ani naman ni Jea. "Hindi ba at nagkaroon kayo ng short affair dati ni Art, Carol?" umangat pa ang kilay nito nang banggitin ang salitang short.

"Yeah, I remember it, too..." si Xandrea ulit, na tumingin muna kay Art bago ibinalik muli ang tingin kay Carol. "Ano'ng nangyari d'on?"

Naiiling na ngumisi si Art sa mga ito. "Guys, you're being too, nosy."

"Come on, Art, napag-uusapan lang." si Maxine.

Dahil medyo nakainom na ang mga kaibigan niya ay makukulit na ang mga ito.

Carol pouted. "Well, it didn't last. Why? I saw him kissing someone in a club, two days, after we fucked." she said bitterly.

Lumipad ang nanlalaki niyang mga mata papunta sa katabi na naiiling na lang sa sinabi ng kaibigan niya.

Alam niyang may pagka-liberated ang kaibigan niya, ngunit hind niya inaasahan na pati pala ito ay may naging past kay Art.

"Tss." naiiling na bulong nito na bahagyang  umabot sa pandinig niya.

Pailalim siyang tiningnan nito sa mata na tila binabasa ang reaksyon niya. Muli ay tinangka niyang bawiin ang kamay dito ngunit hindi ito pumayag.

Tila frustrated na bumuntong-hininga pa ito.

Kung saan-saan pa napunta ang usapan ng mga ito. Paminsan-minsan ay sumasagot sila ni Art, ngunit halos manipulado ng mga kaibigan niya ang usapan. Palibhasa ay marami-rami na ang nainom ng mga ito kaya't madadaldal na.  Siya man ay bahagya nang nakakaramdam ng pagkahilo, hindi na siya sanay uminom. Hindi lang pumayag ang mga kaibigan niya na hindi siya sumabay sa mga ito.

Nang magha-hating gabi na ay isa-isa nang nagpaalam umuwi ang mga kaibigan niya.

Hanggang sa sila na lamang ni Art ang natira sa mesa. Tahimik pa rin itong umiinom lang sa tabi niya.

"Okay ka lang?" maya-maya ay tanong nito sa kanya.

Mahina siyang tumango. "Yeah. Pahinga lang ako'ng konti."

"I'll take you home."

"Nah. Kasama ko sila Mommy." umiiling na aniya.

Tahimik na tumango lamang ito. Nang bahagya nang bumuti ang pakiramdam niya ay tumayo na siya upang yayain ang mga magulang na umuwi. Hawak pa rin ni Art ang kamay niya kaya't tila hatak niya ito sa pagtayo niya.

"Art, bitiwan mo na ako."

Pabuntong-hiningang bibitiwan nito ang kamay niya. Nang pumasok siya sa loob ay kasunod niya pa rin ito.

Inabutan nila si Greg na nagmamando sa mga nagliligpit sa sala.

"Greg, nas'an na sila Mommy?" tanong niya sa bayaw.

Kaagad naman itong lumapit nang makita sila.

"Nasa guest room na sila, nagpapahinga na. Si Toni din, napagod yata."

Nang maisip ang kalagayan ng kapatid ay hindi niya maiwasan na mag-alala.

"How is she? Is she okay? Umakyat ka na agad, tingnan mo kung okay lang ang asawa mo." wala sa loob na sunod-sunod na sabi niya.

"Hey, she's okay. Kaakyat ko lang, natutulog na siya." bahagyang nakakunot ang noo nito sa pagtataka sa pag-aalala niya.

Napanatag siya sa sagot nito.

"Bilin nila Mommy na dito ka na rin matulog, pinahanda ko na 'yung isa pang guest room, for you."

"Ako, Par, saan mo pinaghanda ng matutulugan?" nakangising singit ni Art sa likuran niya. Bumalik na ang pagka-playful nito na hindi niya nakita buong gabi.

"Sa maid's quarter, Par." natatawang sagot naman ng bayaw niya.

"Tang ina mo!" at sinundan nito iyon ng malakas na halakhak.

Wala na ang kaninang Art na tila malalim ang iniisip.

"Umuwi ka na, unggoy! Maaga pa 'to para sa'yo." natatawa pa ring sabi ng bayaw niya.

"Hrmp..." tikhim niya upang makuha ang atensyon ni Greg. "Iiwan ko na lang sina Mommy, kailangan kong umuwi. May meeting ako bukas sa mga suppliers, and nasa bahay 'yong mga documents."

"Are you sure? Nakainom ka na, ihahatid na kita." 

"No, thanks--"

"I'll take her home." agaw ni Art sa sasabihin niya.

"Buti pa nga, Par. Baka mapagalitan ako nila Mommy kung pauuwiin ko 'yan ng nag-iisa, naka-inom pa."

"N-no--"

"It's okay, Cassandra. Kaya nga hindi ako masyadong uminom, I had this feeling na maghahatid ako ng lasing." nakangising putol uli ni Art.

"Hindi ako lasing." aniyang nilingon ito at inirapan.

"Nakainom, Dawn. At pareho rin 'yon. I know you, mababa ang alcohol tolerance mo. Alam kong may tama ka na."

Inis na pinukol niya rin ng irap ang bayaw. At bumalik ang matalim na tingin kay Art. Bakit ba sa pakiramdam niya ay pinagkaka-isahan siya ng dalawa?

"Mamili ka, ihahatid ka ng isa sa amin, o, gigisingin ko sila Mommy at kayo ang mag-usap?" muli niyang tinaliman ng tingin ang bayaw.

Talagang naiinis na siya rito. Siyempre, ayaw niya namang abalahin pa ang mga magulang sa pagpapahinga ng mga ito. At ayaw niya rin namang magpahatid kay Greg sapagkat kailangan din ito ng kapatid niya. Wala talaga siyang choice kundi magpahatid kay Art. Napapapadyak siya in frustration.

"Tss. Oo na, nanalo na kayo. Aalis na kami." muli ay inirapan niya ang nakangising bayaw niya, bago sinulyapan si Art. "'Lika na." at nagpa-una na siyang lumabas.

"Par, dating gawi... 'wag mong gagasgasan 'yan, ha. Yari tayo kay misis." pahabol na sigaw ni Greg.

"'Wag kang mag-alala, ako'ng bahala dito sa hipag mo!" balik sigaw naman ni Art kahit nakatalikod na.

"No monkey business, ha!" si Greg ulit.

Hanggang doon na lamang ang narinig niya sapagkat nakalabas na siya ng bahay. Iiling-iling pa ang nakangiting si Art habang papalapit sa kanya. 

Paglapit ay agad siya nitong pinagbuksan ng pinto sa passenger's seat. Nang makasakay siya ay saka ito lumigid sa driver's seat at pumasok na.

"Ayaw mo munang mag-kape? Para mahimasmasan ka." baling nito sa kanya bago buksan ang makina ng sasakyan.

"No. Sa bahay na lang." tangi niya.

"So, pwede ako makikape?" may pigil na ngiti ito sa labi.

Agad siyang bumaling dito sa naniningkit at nagdududang tingin.

"Oh, bakit? Makikikape lang..." nakangiti pa ring sabi nito na nilingon pa siya at muling ibinalik ang tingin sa daan.

Nagdududa pa rin ang tingin niya rito. Hindi naman maalis ang nakaka-inis ngunit nakaka-akit nitong ngisi.

Haist, Art, 'wag mo akong ngisihan ng ganyan, please. Samo ng isip niya.

Naiiling na iniiwas na lamang niya ang tingin dito at ibinaling sa labas ng bintana. 

Marahil ay dahil sa nainom niya kaya't hindi namalayan ni Dawn na nakatulog pala siya sa biyahe.

"Cassandra..."

Nagising na lamang siya sa mainit na hiningang dumadapo sa mukha niya. Nang magmulat siya ng mga mata ay bahagya pa siyang napa-urong nang makita niya kung gaano kalapit ang mukha ng binata sa kanya.

"A-art..." nauutal na aniyang bahagyang itinukod ang mga kamay sa dibdib nito upang makadistansya ng kaunti.

"Yes...?"

Pakiramdam niya ay nahihipnotismo siya ng mga mata nitong matiim na nakatitig sa kanya.

"Ba-bababa na 'ko..." bahagya pa siyang napapikit upang makatakas sa nanghihibong mga titig nito.

"Of course..." anas nito ngunit hindi niya pa rin matinag sa pagkakadukwang sa kanya.

Nakita niyang bumaba sa mga labi niya ang mga mata nito bago bahagyang napalunok at muling bumalik ang tingin sa mga mata niya.

"Fuck!" marahas na anas nito na tila napatid na ang pagtitimpi.

Nanlaki ang mga mata niya at hindi agad nakakilos nang bigla nitong sakupin ng marahas na halik ang mga labi niya. Ramdam niya ang pananabik sa halik nito.

"Open your mouth, darling. I want to taste you." anas nito nang sandaling ilayo ang labi sa kanya.

Ewan niya kung sa alak ba, o dahil sa katotohanang gusto niya rin at matagal ding pinanabikan ang pagkakataong iyon, ay sinunod niya ang sinabi nito. Narinig niyang bahagya itong umungol nang papasukin niya ang munting bisita na kanina pa pilit na kumakatok.

Ang kaninang marahas na halik nito ay napalitan ng banayad at tila buong pag-iingat na halik. Naramdaman niyang bumaba ang sandalan ng inuupuan niya at bago pa niya mamalayan ay nakalipat na si Art sa pwesto niya, nakakubabaw sa kanya.

"Ahhh... your lips are the sweetest, darling. Just as I imagined it to be." anitong namumungay ang mga matang nakatunghay sa kanya. "How I wish, someday, you'll give me the right to call this mine. Alone." muling anito at muli na naman sanang bababa ang ang mukha patungo sa kanya.

Nang sa wakas ay makapa niya ang matinong kaisipan. "Art, please... you have to stop, now..."

"Please..." namumungay pa rin ang mga matang samo nito at buong kasabikang bumaba ang mga mata sa bahagya pang naka-awang niyang mga labi.

"No." aniya kasabay ng sunod-sunod na pag-iling. "This is wrong, Art. All wrong. Alam mo ang sitwasyon. Please, just... let go."

Muling bumalik ang sumasamong mga mata nito sa mga mata niya at muling bumaba sa mga labi niya, bago pabuntong-hiningang tila napipilitan lamang na inilayo ang sarili sa kanya at bumalik sa kinauupuan nito.

"Wew, muntik na 'yun, ah..." napalunok siya sa naisip.

"Cassandra..."

Tumikhim muna siya bago magawang magsalita. "I-i t-think--it's better kung huwag muna tayong magkita." aniya ngunit hindi makatingin dito ng deretso.

"For whom?" kunot na kunot ang noong baling ni Art sa kanya.

"For both of us." she said, in a frustrated tone. Bakit parang hindi nito naiintindihan na may mali sa mga nangyayari? "Habang nagkikita tayo at nagkakalapit, hindi natin mapipigilan 'to. Lalo lang nating inilalapit ang mga sarili natin sa tukso."

"So, natutukso ka na sa akin?"

"Art--"

"Do you still like me, Cassandra?"

"That's not the question here--"

"Just answer it." putol nito na matiim na nakatitig sa kanya.

"It doesn't matter what I feel--"

"It does. So, answer it."

"No. I don't like you, anymore." aniya at muling nag-iwas ng tingin dito.

"Liar."

"Please, Art... walang patutunguhan 'to." nakayukong aniya.

"I don't think so." umiiling na sabi ni Art. "I can feel it, Cassandra. Hindi ako manhid. Alam kong gusto mo pa rin ako, at patutunayan ko 'yon."

"Gusto, Art. Sige, let's say gusto nga kita, pero mahal ko ang boyfriend ko!" kahit siya ay sintunado na sa pandinig ang sariling salita.

"Really?" sarkastikong sabi ni Art na nag-aangatan ang mga kilay. "I doubt it." umiiling na anito. Sarkastiko pa rin ang ngiti. "We wouldn't be here, talking about this if you really love him."

"Believe it or not, Art... I love him."

"Kwento mo sa pagong."

"Art, hindi ako nakikipag-lokohan sa'yo!" inis na baling niya rito.

"Neither do I, Cassandra. Neither do I. I've never been so serious in my life." seryosong anito sa kanya.

"Art, paikot-ikot na lang tayo." naiiling na aniya.

"Yeah, let's end this conversation. Starting tomorrow, patutunayan ko sa'yo na I'm way much better than him."

Napabuntong-hininga na lamang siya.

"ART ANO 'TO?!" bungad agad niya sa binata nang sagutin nito ang tawag niya.

"Alin?" painosenteng ani naman nito.

She rolled her eyes. "Alam mo kung ano'ng tinutukoy ko..."

"Hindi ko ba nasabi sa'yo kagabi na liligawan kita? Mind you, first time kong gagawin 'to, you should be flattered." kahit hindi niya ito nakikita ay nararamdan niya ang nanunuksong ngisi nito.

"Psh... yabang talaga."

"First time ko talagang magbigay ng bulaklak."

"Ewan ko sa'yo." again she rolled her eyes. Hindi niya alam kung naiinis pa ba siya o kinikilig na. But she surely choose the first. "Baka nakakalimutan mo, flower shop po ang pinagpadalhan mo."

Narinig niya ang tila musika sa pandinig niyang pagtawa nito. "Iba naman siyempre 'yung tinda mo sa bigay ko. Anyway, naglunch ka na ba?"

"Hindi pa, kadarating ko lang. May meeting ako, 'di ba?"

"Hmm... that's bad. Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom."

"Nawala sa isip ko."

"Halika, kain na tayo."

Bahagyang nangunot ang noo niya sa sinabi nito. "Huh?"

"Kanina pa kaya kita hinihintay."

"Where are you?"

May kutob na siya kung nasaan ito. Dali-dali siyang lumabas ng opisina at nagtungo sa mini pantry. Dahil kaunti lang naman sila sa flower shop ay maliit lang ang pantry nila. Doon kumakain ang mga empleyado nila. Siya, madalas ay sa labas na inaabot ng tanghalian, o kung nasa shop siya ay sa opisina siya kumakain.

Nanlaki ang mga mata at umawang ang mga labi niya nang makapasok siya sa pantry. Naroon nga ito at prenteng nakaupo sa bangko roon, nakatapat pa sa tainga ang cellphone nito. Nang makita siya ay ngumisi ito.

"Hi..."

Naka-long sleeve polo itong puti na nakatupi hanggang siko, ang coat nito ay nakita niyang nakasampay sa sandalan ng silya. Sa mesa ay nakahain ang napakaraming pagkain.

Naiiling-nangingiting ini-off niya ang tawag at lumapit dito.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

"You're welcome, Cassandra." sarkastiko ngunit nakangiting sabi nito.

"Come on, wala ka bang trabaho? Bakit nandito ka?"

"Nag-half-day ako. Yayayain sana kitang mag-lunch, pagdating ko rito, wala ka, so, naisip ko dito na lang mag-prepare ng lunch natin, since, sinigurado ng assistant mo na darating ka." anitong may kasama pang kindat.

"Nag-half-day ka pa, for this?" naka-angat ang kilay na aniya na iminuwestra pa ang mga nakahain.

"Yeah. So? Kaya na nila 'yon." nakangisi na naman ito.

Sa totoo lang ay ang lakas ng tibok ng puso niya. Nag-effort ito para lang makasama siyang mananghalian? Bago ang pakiramdam na iyon sa kanya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman, pero alam niyang ang saya-saya niya.

"Oh my God, Art, huwag mo akong sanayin. Ayokong masanay." samo ng isip niya.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free