"Ulol!" aniya at muling ibinalik ang tingin sa dalaga.
Tapos na ang rehearsal nila, at ngayon nga ay kasalukuyan siyang nakatitig kay Cassandra habang masaya itong nakikipag-kwentuhan sa kapatid at sa iba pang kasama sa entourage. Katabi nito ang ayon sa pagkakarinig niya ay boyfriend daw nito.
Ewan niya kung bakit masakit sa matang tingnan na hawak nito ang kamay ni Dawn mula pa kanina.
"Yung totoo, par... walang halong kampihan, mas gwapo naman ako sa mestisong bangus na 'yon, 'di ba?"
Kasalukuyang umiinom ng tubig si Greg kaya't naibuga nito ang laman ng bibig niya sa tanong ng kaibigan.
"Anak ng--" napatayo siya sapagkat nabasa ang tagiliran niya sa pagkakabuga nito. "Ang baboy naman nito, eh!" Inis na sabi niya habang pinupunasan ang sarili.
"Para ka kasing tanga, eh. Saan naman nanggaling 'yung tanong mo?" tawa pa rin ito ng tawa.
"Wala. Kalimutan mo na." aniyang nag -iwas ng tingin.
"Aminin mo nga sa'kin, ano ba talaga ang meron sa inyo ng hipag ko?" anitong kay Dawn na rin nakatingin.
"Anong meron? Eh, 'di wala. Bago pa nga lang ako nagsasalita, barado agad ako eh."
"Par, ipa-uuna ko lang, ha, magkaibigan tayo, pero mayayari ako sa asawa ko 'pag tinalo mo 'yang kapatid niya. Kaya nakiki-usap ako, off-limits 'yan."
"Rest assured, 'di ko type 'yang hipag mo. Masyadong masungit, parang dragon, laging umuusok ang ilong sa galit, wala naman akong natatandaang ginawa ko sa kanya."
"I told you, galit sa manyakis 'yan." nakangiting sabi nito.
"Fuck you, man!" medyo natigilan siya nang maalala kung nasaan sila. "Tss. Aalis na nga ako, nagkakasala ako sa kalokohan mo." aniyang tumayo na at naglakad palabas ng simbahan.
Tatawa-tawang tumayo na rin ang kaibigan at lumapit sa asawa.
"Ano'ng nangyari d'on?" narinig niya pang tanong ng asawa nito.
"Confused." sagot naman ng kaibigan niya sabay tawa.
Hindi na lamang niya pinansin iyon at nagpatuloy na sa pag-alis.