"SIS, ready na ba kayo sa pagsundo kila Mommy mamaya?"
"Sorry, ate, pero baka hindi ako makasama. Si Greg na lang. Sama talaga ng pakiramdam ko. Ito na yata 'yung sinasabi nilang morning sickness."
Bakas sa tinig ni Toni ang pananamlay sanhi ng sama ng pakiramdam na nagdulot ng labis na pag-aalala kay Dawn.
"Are you okay? Nasaan si Greg?" nag-aalalang tanong niya rito.
Sabi niya na nga ba at hindi magandang ideya na ilihim nito sa asawa nito ng pagbubuntis nito.
"Nasa kitchen, ate... nagluluto ng soup. Para raw mainitan sikmura ko."
"You're crazy, sis. Bakit kasi ayaw mo pang aminin sa asawa mo, eh. Mamaya n'yan may mangyari pang masama sa inyo ng baby mo, walang kamalay-malay 'yang asawa mo." sermon niya rito sa malumanay na tinig.
Ayaw niya nang dagdagan pa ang stress ng kapatid.
"Please, ate... ilang araw na lang naman, eh, kasal na namin."
"Loka-loka ka talaga. Bahala ka. Just take care, okay? And, ako na lang ang susundo kila Mommy. Huwag mo nang papuntahin ang asawa mo." alam niyang mas kailangan ng kapatid niya ang asawa nito sa ganoong pagkakataon. "Ako na lang ang bahalang magpaliwanag sa kanila kung bakit wala kayo."
"Thanks, ate. I love you."
"No problem. Basta mag-iingat ka, ha. Kayong dalawa ng magiging pamangkin ko." bilin niya pa rito.
"Yep. Thanks ulit."
PAGTINGIN ni Dawn sa wristwacth niya ay alas-nueve pa lang. Alas diyes pa ang dating ng mga magulang niya. Isang linggo na lang bago ang kasal nina Greg at Toni sa simbahan, kaya't heto, at umuwi na ang mga ito.
Nang magtungo ang mag-asawa noon sa mga magulang nila upang sabihin ang biglaang pagpapakasal ng mga ito sa huwes, ay hindi naiwasang magalit ang Daddy nila at sumama ang loob ng Mommy nila.
Ngunit katulad sa kanya ay napatunayan ng bayaw niya sa mga ito kung gaano nito kamahal ang kapatid niya. Nangako si Greg na aayusin nito ang lahat ng pangangailangan para sa church wedding ng mga ito sa lalong madaling panahon. Sa bandang huli ay nagustuhan na rin ito ng mga magulang nila para sa kapatid niya. Ipinakita at pinatunayan ni Greg kung gaano nito kamahal si Toni at ganoon din naman ang kapatid niya rito.
Dahil maaga pa naman ay naisipan muna ni Dawn na pumunta sa cafeteria. Nagkape na siya bago umalis ng bahay, alam lamang niyang maiinip siya sa mahigit isang oras na paghihintay kaya't naisipan niyang magkape na lang muna ulit. Tumayo na siya upang pumunta sa cafeteria nang...
"Hi, handsome... I missed you!" naagaw ang atensyon niya sa medyo may kalakasang sabi ng babae sa likod niya.
"Hey, sexy. It's been a while. How are you? Naghihintay na sila Mama sa'yo, they're excited to see you."
Napalingon siya nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. At tama nga ang hinala niya. Ang ever playboy, na si Art Nickolo Montez, iba na naman ang kasama nitong babae. And, she must say, napakaganda ng babaeng ito, higit na maganda kasya sa mga nauna na niyang nakitang babae na naghahabol dito.
Nagulat pa siya nang may kung anong kirot siyang naramdaman sa dibdib sa narinig na palitan ng mga ito ng usapan, at sa hitsura ng mga ito. Nasa batok ni Art ang mga kamay nito habang nakayakap sa binata, habang nakapulupot naman sa baywang nito ang mga bisig ni Art!
Nakita pa niya nang halikan nito sa pisngi ang binata.
Base sa narinig niya ay excited ang mga magulang ni Art na makita ito. Well, gan'ong kilala ito ng mga magulang ng binata, she must be someone special. Hindi ito kabilang sa mga babaeng hanggang kama lang ang papel kay Art.
Napabuntong-hiningang ipinagpatuloy na lamang niya ang pagpunta sa cafeteria, habang banayad na hinahagod ang dibdib.
"No. This can't be. May boyfriend ka, Dawn. At walang mabuting maidudulot si Art sa'yo. Masasaktan ka lang." tila warning ng utak niya sa puso niya.
Naiiling na lamang na ipinagpatuloy niya ang paglalakad.
"ATE, where na kayo?" bungad nga kapatid niya nang tumawag ito.
"Nasa bahay na. Nagpapahinga na sila Mom."
"Ahh... okay."
"They're asking, bakit wala kayo." imporma niya rito.
"Ano sinabi mo?"
"Sabi ko masama pakiramdam mo. Pacheck-up ka raw, baka raw buntis ka na." napapasentido pang sabi niya.
Na tinawanan lang ng kapatid niya.
Talaga naman!
"Sino nagsabi?"
"Si Mommy." aniya. "Really, sis, I really hate lying to them. Dinadamay mo pa ako sa kalokohan mo!"
"Sorry na." malambing nitong wika. "Konti na lang naman, eh. One week na lang."
"God, ano po ba ang ginawa ko at pinagkalooban mo ako ng lukaret na kapatid na katulad nito?" naiiling na aniya.
Lalong lumakas ang tawa nito.
"I love you, too, ate."
PABAGSAK na naupo si Greg sa visitor's chair na nasa harapan ni Art.
Ni hindi siya nag-abalang mag-angat ng tingin kahit pa bumukas ang pintuan at tuloy-tuloy itong pumasok doon. Alam niyang darating ito sapagkat naitawag na sa kanya ng reception na may dumating siyang bisita.
"Par, may dinner sa bahay mamayang gabi, pwede ka ba?" sabi nito nang hindi pa rin siya mag-angat ng tingin dito.
"Anong meron?" sige pa rin siya sa pagpirma sa mga papeles na nasa harapan niya.
"Dinner nga." sagot nito habang nilalaro ang fountain pen sa mesa niya.
"I mean, okasyon." aniya sabay agaw ng fountain pen dito. "Stop that. Mahal 'tong fountain pen na 'to... sa France ko pa nabili 'to."
Umangat ang sulok ng bibig nito bilang pag-ismid sa sinabi niya.
"We called it, pre-wedding dinner. Since wala na kaming stag party at bridal shower, because we're not single anymore, pre-wedding dinner na lang. Close friends and family lang." paliwanag nito.
Animo mulagat siyang nag-angat ng tingin dito. "Damn, man, walang stag party? Walang chix? Boring!" walang ganang sambit niya sa huling salita saka muling ibinalik ang tingin sa binabasa.
"Fuck you, man!" dumukwang si Greg sa kanya at marahas na isinara ni ang folder ng binabasa niyang papeles. "I am no longer a bachelor, remember? Tatay mo nga nagkasal sa amin, 'di ba?" naka-angat ang mga kilay na sabi nito.
"Tss. Kahit na. Wala man lang 'a night to remember?'" umiling-iling pa siya at ngumiwi para lang asarin ang kaibigan.
"ULOL! Huwag mong sirain married life ko! Masaya na ako sa buhay ko! Every night was a night to remember." muli itong sumandal sa kinauupuan na malapad na malapad ang ngiti.
"Ang bakla mo, Par!" parang diring-diri niyang sabi.
Nagkibit lang ito ng balikat.
"I know. But, can you blame me? I'm just happy and in love." malapad pa rin ang ngiting baling nito sa kanya.
"Oo na. Ang corny talaga."
Ang totoo ay inaasar niya lamang ito. Masaya siya para sa kaibigan sapagkat kasama, at higit sa lahat, asawa na nito ang babaeng minamahal.
Naalala niya pa noong mga panahong nagkahiwalay ito at si Toni... para itong baliw na laging nakasunod sa dalaga kahit hindi naman siya nito nakikita. May mga pagkakataon pang kasama siya nito sa pang-iistalk ay Toni.
Saksi siya kung gaano nito kamahal ang asawa.
Hindi niya alam kung kaya niyang magmahal ng katulad ng pagmamahal na ipinamalas nito.
"I just hope, makita mo rin ang babaeng katapat mo. When that time comes, buong-buo kong ipapalunok sa iyo ang salitang CORNY!"
Isang imahe ang agad na pumasok sa isip niya sa sinabing iyon ng kaibigan ngunit naiiling na agad din niyang pinalis.
"Not this particular person, man. Not me."
"Let's see."
"HI, Hon... what are you doing? Sorry ngayon lang ako naka-singit tumawag. Sobrang dami ng workload ko, pagdating ko sa bahay, I'm dead tired to even lift my phone." bakas nga tinig tinig nito ang labis na pagkahapo.
"Yeah, it's okay." walang ganang sagot niya rito.
Sa totoo lang ay nagtatampo talaga siya sa nobyo. It's been weeks mula nang umalis ito, at iyon ang unang beses na kinontak siya nito. Call it pride, pero hindi niya rin ito pinagka-abalahang kontakin.
Naramdaman naman iyon ng kasintahan.
"Come on, Honey, sorry na. Ngayon na nga lang tayo nagka-usap, ang tamlay pa ng sagot mo."
"Not my fault."
"I know. And, I'm sorry, Honey. I promise to make it up to you." naroon ang pagsusumamo sa pagal na tinig nito.
Pero masama talaga ang loob niya. "Promises, promises..."
"Come on, honey, don't be like that. Promise, pag-uwi.ko, babawi ako."
"Got to go, aalis kami nila Mommy."
Ayaw niya nang umasa sa mga pangako nito. Hihintayin niya na lang kung kailan ito magkakaoras na siya naman ang bigyan ng panahon. Ayaw niya nang umasa at mabigo.
"Really? Nandiyan sila? Sayang hindi ko man lang sila nakita. Sana naipakilala mo na akong boyfriend mo, in person." bakas ang panghihinayang sa tinig nito.
Sa tagal na magkasintahan sila ay hindi pa nito na-meet ang mga magulang niyang sa ibang bansa nga parehong nakabase.
"Then, come home. May two weeks pa bago sila umalis ulit." hamon niya rito.
"Honey, you know, I can't."
"Yeah, I know. Stupid of me to even asked." aniyang bumuntong-hininga.
"Honey, ginagawa ko naman lahat 'to, for us, 'di ba? For our future."
"Yeah." minsan pa ay walang buhay niyang maigsing sagot.
"Cheer up, Hon, please... ayoko ng ganyan ka. You know I love you, right?"
"Yeah."
"And I missed you... so much."
KINAKAPA niya ang damdamin niya sa mga sinabi ng kasintahan. Bakit wala na siyang maramdamang kilig? Bakit hindi na niya maramdamang excited siyang kausap ito?
Bakit pakiramdam niya ay estranghero ang kausap niya?
Mula nang maging boyfriend niya ito ay lagi niyang nararamdaman na pinaka-least siya sa mga priorities nito. Madalas ay may mga dates sila na naka-cancel dahil may biglaang meetings, o bigla itong ipinatawag ng ama, which is the Chairman of the Board ng kompanya, kung saan ito ang CEO. Of course, alam niya namang trabaho iyon, at dapat talagang pinahahalagahan.
Pero paano naman siya? Hindi ba siya mahalaga?
Kung minsan ay napapa-isip siya kapag may nababasa siyang lovestory kung saan ang bidang babae ang top priority ng bidang lalaki. Na handa ang mga itong iwan kahit na ang napaka-importanteng board meeting para sa babeng minamahal. Na handa ang mga itong talikuran ang lahat para sa babaeng minamahal.
She never felt that important to him. Maybe, sa pocketbook na lang talaga nangyayari ang gan'on. Wala talagang gan'on sa totoong buhay.
"Hon, call you later, ha... kapag nand'on ka na. To congratulate na rin Toni and her husband." pukaw nito sa pagninilay niya.
"Okay. I have to go. Nandito na sila Mommy."
"Okay. Mag-iingat ka. Drive carefully, okay?"
"I will. Bye..."
"Okay. I love you."
"I love you, too."
PAGDATING nila sa bahay ng kapatid ay marami nang tao. Mga kaibigan halos ng mag-asawa. Wala namang kamag-anak dito si Greg maliban sa ina nito na nakita niyang naroon din sa pagtitipon.
Nalaman niyang humingi ito ng tawad sa kapatid niya dahil sa gulong idinulot nito sa relasyon ng dalawa noon. Agad naman itong pinatawad ng kapatid niya. After all, ina ito ng asawa niya. Ng lalaking mahal na mahal niya.
Sa parte naman ni Toni ay ang mga kaibigan nito. Natanaw niya kanina si Tin na alam niyang isa sa mga bridesmaids, kasama ang boyfriend nito, at si Kevin na ang pagkakaalam niya ay nanligaw din noon sa kapatid niya. Kasama rin nito ang girlfriend nito.
Nakita niya rin sa isang parte ng hardin ang mga kaibigan nila ni Greg noong college, hanggang ngayon. Ang iba roon ay mga kasosyo niya sa flower shop business niya.
Mamaya niya na lamang lalapitan ang mga ito. Sinamahan niya ang mga magulang papasok sa loob ng bahay at hinanap ang mag-asawa. Agad naman silang nakita ng mga ito. Nakangiting lumapit ang dalawa at nakangiting lumapit si Toni sa kanilang mga magulang.
"Mom, Dad, I'm really glad, you're here." naluluha pang sabi ng kapatid niya.
"Of course, Baby, we'll never miss this very important event in your life." nakangiting sabi ng ina nila habang yakap ang kapatid niya.
Nakita niyang nagmano si Greg sa kanilang mga magulang. Tinapik ito ng kanilang ama sa balikat at hinalikan naman sa pisngi ng kanilang ina.
Pagkatapos ng kaunting kwentuhan at kumustahan, nagyaya na si Greg patungo sa isang parte ng bahay kung saan naroon at nakahain ang isang katerbang pagkain na ipina-cater umano ng mga ito. Nang makakuha ng tiyempo ay binulungan niya ang kapatid.
"Grabe, sis, akala ko dinner lang? Party na kaya 'to..."
"Si Mama ang nagpilit n'yan." pabulong ding sagot nito. "Well, para sa biyenan ko, dinner lang 'to. Wait mo kapag nakita mo siyang nagpa-party, grabe talaga."
"Yeah, I know. Close na talaga kayo, huh?"
Nagkibit ng balikat ang kapatid niya. "Yeah. Mabait naman pala siya. Kahit papa'no nakikilala ko na siya ngayon."
"Okay. That's good. Pakisamahan mo siya, kasi parang pangalawang magulang mo na rin siya. Kumusta ka naman? Hindi ka ba masyadong napagod sa pag-prepare nito?" aniyang iminuwestra pa ang paligid.
"Of course. I know that. Hindi naman ako masyadong napagod. Katulad ng sinabi ko, si Mama halos nag-asikaso niyan."
"Ahh... okay. Just making sure. How's your pregnancy? Nahirapan ka ba? You're facing it alone. Ikaw naman kasi puro ka kalokohan."
"Ate, I'm perfectly fine. Medyo may morning sickness ako, saka cravings... inuutos ko na lang sa mga maids 'pag gan'on." anitong humagikgik pa.
Naiiling na lang siya sa kapatid. But then, she's glad. She knows that her sister is happy and contented.
Pagkatapos kumain ay kanya-kanya nang kwentuhan ang mga tao sa paligid niya. Nakita niya ang mga magulang na kausap ang Mama ni Greg. Ang kapatid naman ay kasama ng mga kaibigan nito. Habang si Greg naman ay masayang ka-kwentuhan si Art.
Yes, nandoon din si Art.
Magtataka pa ba siya, eh, alam naman niyang magkaibigan talaga ang dalawa? Nauna pa nga itong naging kaibigan ni Greg kaysa sa kanya.
Panaka-naka ay nakikita niyang sumusulyap si Greg sa kapatid niya ng may pagmamahal, kahit pa kausap nito ang kaibigan. Tila ayaw nitong mawala man lamang kahit na sandali ang kapatid niya sa paningin nito. Her sister is really lucky having her friend as her husband.
Mas lalo lang niyang naisip ang sitwasyon nila ng kasintahan.
Kung sana ay katulad ito ni Greg, kahit konti lang. Kontento na sana siya.
Pabuntong-hiningang kumuha siya ng isini-serve na red wine bago lumakad palabas ng bahay. Binaybay niya ang daan patungo sa pool. Walang tao roon dahil nasa loob ng bahay at sa garden nagkalat ang mga bisita. Gusto niya munang mag-isa at mag-isip.
Wala sa loob na sinisimsim niya ang wine habang nakatitig sa tubig ng swimming pool nang maramdaman niyang may naupo sa tabi niya.
"Hi... alone?"
"Yeah..." and again, she sipped from the wine glass.
Napansin niyag brandy naman ang dala nito.
"Bakit nag-iisa ka rito? Nand'on sila Carol, ah. They're your friends, right?" naramdaman niyang nilingon pa siya nito bago uminom uli sa basong hawak nito.
Nagkibit lang siya ng balikat.
"Galit ka pa?" maya-maya ay tanong nito.
Kumunot ang noo niya at nilingon ito.
"About what happened last time. About what I said." anitong sa tubig din ng pool nakatingin. "Well, I'm not sorry, I said that. The offer still stands..." nagkibit pa ito ng balikat. "...you know..."
"Nope. Actually, hindi naman ako nagalit. I just don't like the idea of being one of your bedmates."
"Then, I'll ditch them all. Just say so..." nagkibit pa it ng balikat. "Maybe I cannot promise anything to you, but there's one thing you can be sure of, I won't cheat."
Nagugulumihanan siyang napatitig dito. Tila walang anuman namang nakatingin pa rin ito sa tubig. At paminsan-minsan ang pagsimsim sa hawak na baso.
"Naririnig mo ba ang sarili mo?"
"Of course. That's how I like you... that's how I want you. Never did I offer to stay loyal to anyone, but you. But of course, you will have to do the same. You will have to break up with your boyfriend. Or, if you want, you can still have your boyfriend, but, I can also have my girls. Fair and square."
"You're crazy." naniningkit ang mga matang sabi niya rito.
Kung hindi siya nagalit noong una, ay parang gusto na niyang magalit ngayon. Ano'ng palagay nito sa kanya? Katulad ng mga babae nito? Who would jump into bed, after bed with anyone?
Fuck him!
Akmang tatayo na siya nang pigilan siya nito.
"Okay, I'm sorry. I didn't mean to make you feel dirty and low. But hell, I want you. And if, it's the only way so I can have you, then, so be it."
Sasagot sana siya nang tumunog ang cellphone niya. Napabuntong-hininga ito nang makita kung sino ang tumatawag. Lalayo sana siya rito upang sagutin ang tawag nang higpitan nito ang hawak sa kamay niyang hawak pa rin pala nito mula sa pagkakapigil nito sa kanya kanina.
"Just stay..." mahinang sabi nito.
Wala sa loob na sinagot niya ang tawag.
"H-hon..."
Naramdaman niyang lalong humigpit ang hawak nito sa kamay niya.
"Y-yeah, we're still here."
Napatingin siya sa katabi niya na inisang lagok ang laman ng basong hawak nito.
"Ahh.. h-hon, I'm o-outside, eh. Busy pa 'yung mag-asawa sa loob, I don't think they can talk to you right now."
Bahagyang dumausdos ng upo si Art at humilig sa sandalan ng inauupuan nito. Nakatingalang nakapikit ang mga mata. Hawak pa rin ang kamay niya.
"Y-yeah. Maybe, some other time. Okay. Go ahead. Bye."
Napalunok muna siya at napatingin sa katabi niya bago sagutin ang kasintahan.
"I love you, too."
Nang ibaba na niya ang tawag ay umayos ito ng upo, at humarap sa kanya.
"Now, I realized something... I can't share." then, he claimed her lips.