NAKATUNGANGA sa balkonahe si Éclair. Masakit na ang ulo niya sa kakaisip ng ipapangalan niya sa farm. Kanina pa mula sa almusal hanggang sa panliligo ay iyon ang iniisip niya at hanggang ngayon ay wala pa din siyang maisip.
Nang sa pagbaling niya sa malawak na harapan ay mapansin niyang may humahagibis na paparating, sakay ng mataas at matikas na black stallion horse. Napatunganga nalang si Éclair nang mula sa kinauupuan niya ay maliwanag na maliwanag niyang napapanood ang eksenang inakala niyang sa mga Mexican at Brazillian movies lang niya makikita.
The man from the back of the magnificient stallion horse was arrogantly handsome. Ang maigsing buhok nito ay nililipad ng hangin sa mabilis na pagpapatakbo ng kabayo, palapit sa kinaroroonan niya.
Malayo palang ito pero nakikita na niyang nakakunot ang noo ng gwapong lalaki. At sa paglapit nito ay saka niya nabistahan ang suot ng binata. Naka-white long sleeves polo ito na pabastang nakatupi ang mga manggas hanggang siko. Bukas ang ilang mga butones at ang iba ay halatang pabara nalang na inilusot sa mga butas. Denim and boots. May mga butil-butil pa ng pawis mula sa noo nito. At kung hindi siya nawawala sa sarili habang nakatulala sa napakagwapong lalaki ay baka nilapitan niya ito at pinahid ang mga pawis na iyon.
“Biglaan nga ang usapan natin, but I think, I still deserves a courtesy of cancellation if ever you decided not to come.”
Noon tila nahimasmasan si Éclair. Sinilip niya ang wristwatch. Lagpas alas-diyes na ng umaga.
“Oh, My! I forgot!” Napabaling siya kay Vincent na salimuot ang mukha pero kontrolado ang boses at emosyon.
His rough man image had tripled his attraction. Hindi na siya magtataka kung mamaya ay may maglabasang mga babae sa farm at sambahin ito.
“Yeah. As I thought so.” Nakaigkas ang kilay na sabi ng lalaki. Parang diyos ito sa ibabaw ng kabayo at palagay niya ay walang balak tumapak sa lupa. “Gawain mo ba talagang talikuran ang mga kasunduan na na-oo-han mo na?”
Asar na napatayo si Éclair at mariing kumapit sa mga balustre ng terrace. “Excuse me? Nakalimutan ko lang. Pero hindi ibigsabihin noon na tinatalikuran ko ang mga agreements na inoohan ko. Sige, para sa ikatatahimik mo, maghintay ka diyan at ipapalabas ko ang kabayo ko. Mang Kanor!!!” Malakas na tinawag niya ang katiwala.
Mabilis naman iyong lumabas mula sa kung saan. “Bakit ineng?” Napansin nito si Vincent at bumati.
“Pakilabas ng pinakamatangkad nating kabayo, Mang Kanor. Yung kasing tangkad ng sa kanya.”
Itinuro ni Éclair ang kabayo ni Vincent. Sa pagkakatanda niya, may nakita siyang kabayo na matangkad rin at nasa kwadra. Iyon ang sasakyan niya.
“Wala tayong stallion, Éclair.”
“Pero may matangkad tayong kabayo. Nakita ko kanina sa kwadra. Halos kasingtangkad iyon nitong stallion.”
Kumunot ang noo ng katiwala. “Baka namalikmata ka, ineng.”
Napapadyak siya. Mapapahiya pa yata siya sa harap ni Vincent. Taas-noong hinarap niya ang diyos ng mga kabayo—ng mga gwapong kabayo. At sa paningin niya ay nagpipigil nalang itong mangiti.
“I’m sorry Vincent, hindi ako makakasama sayo ngayon, may sakit ang kabayo ko.” Pagdadahilan niya at hindi niya alam kung kakagatin pa nito iyon dahil sa katiwala niyang ni ayaw siyang back-up-an sa kanyang kalokohan.
“Oh sure. Bukas nalang. Alas siete. Siguro naman ay magaling na ang kabayo mo bukas.” Nakakalokong ngumisi ang lalaki at ngali-ngali niya itong hambalusin ng balustre.
Obviously ay pinagbigyan lang nito ang pagpapalusot niya.
“Hoy! Mr. Del Vega! Huwag mo nga akong bigyan ng ganyang tono na para bang tungkulin kong samahan ka? Excuse me lang, ano? Hindi mo ako alipin.”
“Pero may utang ka sa akin.” Mahinahon nitong sabi. Nagsalubong ang mga kilay niya. Sa gilid ng mga mata ng dalaga ay mapamaraang umalis si Mang Kanor. “Dalawang agreement na natin ang hindi mo tinupad. Una ang tungkol sa freebies na sinasabi mo at ngayon ay ang pamimingwit natin sa fishpond. Para makabayad ka sa mga atraso mo, sumama ka sa akin bukas.”
“Ano? Wala akong atraso sayo. Ikaw itong may atraso sa akin. Bakit ka basta pumapasok sa lupain ko, ha?” Mataray na sikmat niya rito.
“Dahil naniningil ako ng pautang.”
“Wala sabi akong utang!” Giit pa rin niya.
“Sige, bukas nalang ulit ako maniningil. Alas siete ng umaga.”
May dumaang kislap sa mga mata ni Vincent nang lingunin siya. At bago pa man siya makapagsalita ay namaniobra na nito palayo ang stallion.
That brute! Ni hindi siya binigyan ng pagkakataong ipaglitanya ang mga katwiran niya.
BIPOLAR’S FARM: NO TRESPASSING
Kamuntik nang matawa si Vincent sa nakitang signage doon sa tapat ng puno ng sampalok. Obviously, the signage was for him.
Luka-luka talaga!
Kapag naroroon siya sa rancho ay sinasadya niya ang hangganan ng lupain niya at ng karatig na farm. Maganda kasi ang view roon ng sunset at sunrise. At nakakaloko yata ang pagkakataon dahil natuklasan niyang pag-aari pala iyon ng makulit na babaeng nakita niya sa isang coffee and tea shop.
He admits, he likes the woman. Kaya walang pag-dadalawang-isip na inaya niya itong mamingwit nang marinig mismo sa bibig nito na iyon ang balak nitong gawin kahapon.
They just met, fine. But he likes her. At palagay niya ay hindi naman basehan ang panahon ng pagkakakilala para magustuhan ang isang tao. She had caught him by her tricky way of getting to know him more. And had fully get his attention nang matapos ang mga kalokohan nito ay kinalimutan din siya kaagad at ang lahat ng patungkol sa kanya.
Palagay niya, nakalimutan na agad nito ang tungkol sa kanya at sa offer nito matapos ang araw na magka-chat sila. Obviously, wala na itong pakialam sa kanya. Na-satisfy na kasi niya ang curiousity nito nang hayaan niya itong imbestigahan ang social media accounts niya.
He thinks it was a wrong move. Dapat pala, hinayaan niya itong ma-curious sa kanya para hindi ito kaagad nagsawa. Ayon kasi sa pinsan nitong nakausap niya LiberTEA—si Bonbons—madali daw ma-bored si Éclair. Ito ang tipo ng tao na kapag may bagong frustration at hindi mapunan iyon ay lalong nagiging eager. Pero kapag napakain na ang curiosity nito ay nawawalan na ito ng pakialam roon. In short, kinalimutan na nitong lahat ang mga nalaman patungkol sa kanya dahil kilala na nito kung sino si Vincent Kyron Del Vega.
Well, hindi pa. Hindi pa siya nito nakikilala ng lubusan. Masyado siyang maingat sa privacy ng totoong siya. Ang nasa social media niya ay front lang. At nais niyang papasukin si Éclair sa pribado niyang mundo kaya heto siya ngayon. Sinisikap na makilala nila ni Éclair ang isa’t-isa.
Hindi pa siya naging curious sa kahit na sinong babae sa matagal na panahon. At ngayong nararamdaman niya iyon, hindi siya papayag na hindi pagbigyan ang sarili.
“May signage na. Bakit nagte-trespass ka na naman?” Dinig niyang sambit ng bagong dating.
Pinigil ni Vincent na mapangiti. Ang una niyang impression kay Éclair ay makulit lang ito at free-spirited. Hindi niya inaasahan na may itinatago din pala itong kamalditahan.
Hinugot ni Vicent ang signage na nakatusok sa tapat ng puno ng sampalok at ini-adjust ang pinagkakatusukang lupa noon.
“Lagpas sa boundaries ang pagkakalagay mo ng signage. Lupa ko na itong pinagtusukan mo.” Pigil ang pagtawang saad niya at pinagtaasan ito ng kilay.
“Hmmp! E ano ngayon? Wag kang aapak dito sa lupa ko, ha?” Hamon nito sa kanya na umigkas rin ang kilay.
“Hindi ka lang pala mataray, madamot ka din.”
Inirapan siya ng babae. “Mabait ako, excuse me.”
Binalewala ni Vincent ang sinabi ng dalaga at hinila ang mare palapit rito. Dala niya si Thunder, ang kanyang paboritong kabayo. At isinama na din ang isang mare para kay Éclair.
“Meet, Fumi. Siya ang sasakyan mo. So, ready ka na?”
Nagliparan ang mga kilay ni Éclair. Sari-saring reaksyon hanggang sa tuluyan nitong ma-absorb ang sinasabi niya.
“Ipapagamit mo sa akin iyan?”
“Why, of course. Para wala ka nang dahilan para tumanggi sa alok ko.” He gave her a loopsided grin.
Namilog naman ang mga mata ni Éclair habang nakatingin sa mare. At hindi niya mapigilan ang adoration na mabilis niyang naramdaman habang nakatitig sa dalaga.