HinovelDownload the book in the application

Chapter 4

TATLONG araw na hindi nagpunta si Éclair sa LiberTEA. At kulang nalang ay ipagtulakan siya ng ina na lumabas ng bahay at magkuta muna sa kanilang negosyo na magpipinsan. Paano, masyado siyang masipag nitong mga nakaraang araw. Nag-general cleaning siya. Naglaba ng lahat ng marurumi. Inubos niya ang lahat ng labahin. Pati nga basahan ay nilabhan rin niya. Ang mga plantsahin, tinira na din niya. Na hindi naman niya dating ginagawa. Inagawan na niya ng trabaho ang kanyang ina. At kung maaari, pati gawain ng kapitbahay ay gagawin na rin niya.

Gusto lang naman niyang maipangpatay sa kanyang kabagutan. At kung hindi naman siya kikilos sa loob ng bahay ay baka nga matagpuan nalang niya ang sarili na lumalabas at papunta sa coffee and tea shop nilang magpipinsan.

She was restricting herself from going there. Dahil isa lang naman ang kahahantungan noon. Aasa at mag-iimagine lang siya na pupunta si Vincent roon. At ayaw niyang mabigo. Vincent was a sort of a very busy man. First time nito sa LiberTEA at baka iyon na din ang last time nitong makapunta roon. Napadaan lang naman ito noong araw na iyon.

Gusto tuloy niyang pagsisihan na inalam pa niya ang buong pangalan nito at maging ang mga what and whereabouts nito. Lalo tuloy siyang nahuhumaling sa lalaki. Idagdag pa ang ideyang isinaksak ni Simi sa utak niya.Tatlong araw na siyang nakikipaggiyera sa kanyang sarili na nahahati sa dalawang bagay. Pro and anti from the idea.

Hindi niya buksan ang messenger niya dahil sa takot na baka makita niyang isineenzone siya nito. Oo, ganoon siya ka-praning na takot sumubok dahil ayaw niyang masaktan sa huli. Kahit sabihing inihanda na niya ang sarili sa negative side, pakiwari niya, hindi pa din siya ganoon ka-immune sa magiging pagka-dismaya. Dahil oo, pagdating kay Vincent hindi niya makontrol ang sarili at ilagay ang mas malaking expectation sa negative side. When it comes to him, she always wants the positive side a lot more. At iyon ang pinakainiiwasan niya. Hindi siya pwedeng sobrang umasa. Mahirap na.

Kaya ang ginawa niya, pinakinang nalang niya ang kanilang bahay.

“Utang na loob, Bonbons. Pakibitbit muna si Éclair diyan sa LiberTEA. Pakibalik nalang siya kapag malalim na ang gabi at wala na siyang pwedeng gawin dito sa bahay kundi ang matulog.”

Sumimangot si Éclair pagkadinig sa eksaheradang tinig ng ina habang may kausap sa cellphone. Nagsusumbong na naman ito sa mga pinsan niya. Hindi na siya magtataka kung biglang sumugod roon sina Bonbons at Sundae at hilahin siya palabas ng bahay. Kung makapagsumbong naman kasi ang kanyang ina, parang isang malaking himala ang nangyayari. Samantalang sanay naman na ito na kapag gumagawa siya ng himala, isa lang ang ibigsabihin noon, nasa maximum limit na ang kabagutan niya.

“Ma, you’re just over reacting over something. Di ba dapat na matuwa ka dahil ang sipag-sipag ko ngayon?” Malakas na sambit niya sa inang tila walang balak na pakinggan siya.

“No, Bonbons. Baka mamaya, baligtarin na nito ang buong bahay para maalis maski ang kakatiting na alikabok. Please, aliwin mo muna itong pinsan mo. Sobrang bagot na naman ito sa buhay.”

“Tsss!”

Asar na tumayo si Éclair at dumeretso sa kusina. Nang akmang hahawak siya ng wok ay tumili ang kanyang ina.

“Anak! Utang na loob, lubayan mo ang kusina ko. Please!” Eksaherada ang pagmamakaawa ng kanyang ina.

Hindi kasi siya marunong sa kusina. Kaisa-isang bahagi ng bahay na hindi niya kayang asikasuhin. Malamang na iniisip nito na baka pinsalain niya ang pinakamamahal nitong kusina.

“Ma? Magluluto lang ako ng noodles. Ano ka ba?” She rolled her eyes inwardly.

Bumuntong hininga ang kanyang ina.

“Kung sobrang nababagot ka na dito sa atin, umuwi ka muna sa farm. Baka kailangan mo lang ng refreshing view. Doon, aliwin mo ang sarili mo. Malay mo, mas makapagsulat ka pa ng magagandang nobela kapag nagbakasyon ka roon. Sasabihan ko ang katiwala na dadating ka sa villa.”

Nag-igkasan ang mga kilay ni Éclair. “Ano namang pagkakaaliwan ko dun? Yung mga kambing at baka? Yung mga kabayo? Sipain pa ako ng mga yun kapag nainis saken.”

Naglakad siya papunta sa isang stool sa may counter at sumalampak saka humalumbaba.

Ngumiti naman ang kanyang ina at nilapitan siya. “Relaxing view, Éclair. Yun ang kailangan mo. At nasa farm ang kailangan mo. Sige na, tatawag ako sa farm para sabihing dadating ka.”

HUMINGA ng malalim si Éclair habang sinusuyod ng tingin ang malawak na parang. May mga nanginginaing kambing, baka at kabayo sa paligid. At kahit may mga dumi ng hayop sa ibang bahagi ng malawak na parang ay sariwa pa din ang hanging umiihip sa paligid.

Matapos niyang lunudin ang sarili sa pagsagap ng malinis na hangin ay naglakad-lakad siya. Kahapon lang siya dumating roon sa farm. Oo, napapayag din siya ng ina na magbakasyon dahil nagtulong-tulong ang mga pinsan at mga magulang niyang kumbinsihin siyang magbakasyon—kasama ang mga hayop na ngayon ay walang pakialam na nangangain ng damo.

“Mabuti pa itong mga ito. Walang problema. Kain lang ng kain.” Sabi niya sa sarili habang naglalakad-lakad sa malawak na parang.

Pansinin-hindi niya ang mga trabahador na nagpapastol ng mga hayop. Umaga, kaya busy ang mga ito sa pag-aasikaso ng mga alaga. Ganoon naman palagi ang senaryo sa farm, sa pagkakaalala niya. Ifini-feeds ang mga hayop pero mas madalas na ilagay sa parang para manginain. May mangilan-ngilan pang nangungumpay ng damo at siyang inilalagay sa kwadra ng mga baka.

May nag-iisang high-breed na kabayo na nasa dulong bahagi ng lupain niya. Sa pagkakatanda niya, ang mga kabayo sa farm ay mga burikoy. Tagalog kumbaga. Yung walang breed. Yung nakikita sa Baguio at sinasakyan ng mga guest. Kaya tuwang-tuwa na rin siya noon sa farm dahil nakakasakay siya sa kabayo na hindi matatakot kahit mahulog. Pandak naman kasi ang mga iyon.

Kaya nakakapagtaka kung bakit may stallion horse sa dulo ng lupa niya. Naligaw ba iyon or what?

Mas binilisan ni Éclair ang paglalakad. Naka-boots naman siya kaya walang keber sa hamog.

At habang papalapit sa dulo ng kanyang lupain ay noon niya napansing may naka-upo at nakasandal sa puno ng sampalok. Naka-side view ito kaya habang papalapit ay palinaw na rin ng palinaw ang anyo ng kung sinong nanghimasok sa kanyang lupain.

Nahigit ni Éclair ang hininga matapos makilala ang trespasser. Sumasasal ng mabilis ang puso niya sa hindi niya maunawaang dahilan. Nakita niya lang ang gwapong si Vincent at parang gustong manlambot ng mga tuhod niya.

“Hi!” Tabingi ang naging pagngiti niya. Hindi niya kasi alam kung paanong sasawayin ang puso niyang tila biglang nataranta pagkakita sa gwapong nilalang.

Kumunot ang noo nito. Tila ba inaalala kung sino siya. Litsi! Ganoon ba kadaling kalimutan ang hitsura niya?

Nang makita niyang tumayo si Vincent at naglakad palapit sa kanya ay lalo nang nataranta ang buong pagkatao ni Éclair. Parang nais pa niyang tumakbo nang tuluyan itong huminto sa harapan niya at bumaba ang mukha sa mismong mukha niya.

Nagkakarambola ang mga bagay sa loob ng kanyang dibdib habang sunod-sunod na napalunok si Éclair. Why, this man was so handsome and his handsomeness was so, so near to her. Gusto niyang habulin ang hininga dahil ng mga sandaling iyon, wala siyang ibang naaamoy kundi ang mabango at masarap na halimuyak na nagmumula sa katawan ni Vincent.

He smells like crisp and musk. So manly and incredibly… not good for her system. Dahil may gustong pumalahaw sa loob ng kanyang pagkatao.

Nakakabaliw ang bango nito.

“So, nandito ka pala. Pinagtataguan mo ba ako? Dahil binabawi mo na ang pangako mong freebies sa akin?”

“Ha?”

Wala siyang maunawaaan sa mga pinagsasasabi ni Vincent. Nakapokus ang atensyon niya sa napakagwapong mukha nito na ilang inches lang ang layo sa kanya. Sa mga mata nitong matiim kung tumingin. Sa mga labi nitong kung may ilang beses na umarko na tila ba ngingiting hindi. At sa mabangong hininga nitong tumatama sa mukha niya. Gusto nalang niyang mapapikit habang ninanamnam ang masarap na sandali.

Sa labis na pagkataranta ng mga nerves niya ay napahakbang siya patalikod. Ayaw niyang mawala ang napakagwapong tanawin. Pero ayaw rin naman niyang masyado itong malapit dahil nakakalimutan niyang huminga.

“Limang araw ka nang hindi tumutupad sa usapan. Sabi mo, 9AM sa NegativiTEA. Pero lagi kang wala roon. Kaya pala…” Umarko ang labi ni Vincent at hindi niya mapigilan ang sarili na mapasinghap. Nakadagdag sa karakter nito ang ginawa at tila dumoble ng ilang beses ang atraksyong meron ito. “Pinagtataguan mo pala ako.”

Kung may ilang beses na lumunok si Éclair maski wala namang lamang pagkain ang kanyang bibig. Nakatutok pa din ang mga mata ni Vincent sa kanya. And it made her feel uneasy and too conscious about herself. May nakikita ba itong kung ano sa hitsura niya at ganoon nalang ito makatitig?

“Ah? Ano kasi… busy ako. Sinabi mo nalang sana ang pangalan ko sa kahera.” Pagdadahilan niya.

“Busy?” Umigkas ang kilay nito.

“Oo ano? Anong akala mo, ikaw lang ang taong busy? Ako din, ano?” Inirapan niya si Vincent at inilayo ang mga paningin.

Why, she felt so uneasy. Gusto niyang tumakbo palayo rito pero ayaw rin naman niyang mawala ito sa mga paningin niya.

Ang gulo-gulo talaga niya.

Humakbang ulit siya patalikod pero humakbang din palapit si Vincent. Umarko na naman ang mga labi nito sa nakakalokong ngiti. At bakit ba siya humahakbang palayo rito? Ito ang trespassing sa lupain niya, ito ang dapat na matakot sa kanya!

Dahil sa naisip ay nahagip ni Éclair ang katinuan. Hihinto na sana siya sa paghakbang patalikod nang may matapakang kung ano.

Naging mabilis naman sa pag-alalay si Vincent sa dalaga. Hinapit nito ang kanyang bewang padikit sa katawan nito. At sa isang sandali ay may nagdiklap na kung anong mainit at nakakakiliting sensasyon, na mabilis na dumaloy sa buo niyang sistema. Deretso sa kanyang puso kaya ngayon ay dumoble ang pagkakagulo sa pagpintig.

What the hell!

“Scared?” Nanunuksong sambit nito.

Nainis si Éclair. Sinasadya nitong takutin siya at isa naman siyang baliw at kalahati na natatakot sa kung anong damdaming binubuhay nito kapag nasa malapit lang ang lalaki.

“Excuse me? Bakit naman ako matatakot sayo? Hindi ka naman multo. For sure, tao ka.” At sapilitan niyang dinala ang sariling hintuturo sa pisngi nito para tusok-tusukin iyon. “See? Totoong tao ka nga.”

Amusement ba ang nakikita niya sa pagkislap ng mga mata ni Vincent?

God! Ang gwapo talaga ng mama na ito!

“Kung hindi ka takot, bakit ka pala humahakbang palayo?”

Hindi malaman ni Éclair kung paano sasagutin ang tanong na iyon. “Eh kasi humahakbang ka din palapit!” Asar na nagpilit siyang kumawala sa bisig ni Vincent.

Pero dahil matigas at malakas iyon ay hindi niya magawang makawala.

“Ano ba? Bitawan mo nga ako!”

“May gagawin ka mamaya?”

Umigkas ang kilay ni Éclair sa tanong na iyon.

“Wala pa. Pero nagbabalak akong mamingwit ng isda sa—”

“Then, we’re set.” Saka palang siya pinakawalan ni Vincent. “9AM, sa fishpond dalawang kilometro mula rito.”

Nakatanga nalang si Éclair habang pinapanood na sumakay ng stallion si Vincent.

“Huwag kang magkamaling indiyanin ako.Tandaan mong may utang ka pa sa akin at ngayon na ako maniningil.”

Ilang sandali pa ang dumaan bago nahagilap ni Éclair ang sariling katinuan. Masyadong malakas ang bagyo na sumalanta sa kanyang matinong isip.

“Hoy! Ikaw ang may utang sa akin. Basta-basta ka pumapasok sa lupain ko. Alam mo bang mahal ang multa sa mga trespassing?” Halos pabulyaw na sambit ng dalaga.

Hindi niya matanggap na naisahan siya ni Vincent.

Nakangising bumaling sa kanya ang lalaki at sa pagkagulat niya, mas lalo itong naging kamangha-mangha sa mga paningin niya habang sakay ng stallion. The beast he rode complimented him.

He was devilishly handsome with that grin at kahit ayaw niyang aminin sa sarili ay talagang nakakatulala ito.

“I’ll pay you, triple with your price.” Sabi nitong isinaklob na sa ulo ang cowboy hat saka minaniobra ang stallion. “9AM, sharp.” Paalala nito at napatango nalang siya.

Naiwan na nakatanga si Éclair. Habol ng kanyang mga paningin ang papalayong si Vincent habang sakay ng stallion. He looks so glorious while riding his marvellous horse.

Para itong hero sa isang English novel na nabasa niya at na-visualize sa kanyang isip. A hunk and gorgeous ranch man.

Gusto niyang gumawa ng ganoong uri ng bida sa kanyang nobela.

Napangiti si Éclair sa sarili. Every inch of Vincent was hero material. Lahat-lahat rito ay perpekto. Maski ang simpleng pag-igkas ng gilid ng labi nito ay perpekto sa kanyang mga paningin. Ito ang uri ng lalaki na papangarapin ng kahit na sinong babae. At gusto niya ring mangarap.

Mabilis na kinondena ng dalaga ang sarili. Hindi siya dapat na kasama sa mga babaeng mangangarap ng ganoong uri ng lalaki.

Hindi dapat.

“Hindi naman talaga!” Asar na tanggi niya sa sarili. “Gusto ko lang siyang gamiting inspirasyon sa mga nobela ko. Iyon lang!” Yamot na pagkumbinsi ni Éclair sa sarili nang muling pumasok sa balintataw niya ang makapigil hiningang kagwapuhan ng lalaki.

“Makauwi na nga, bwisit!”

Pero sa ayaw man niya at sa gusto, kailangan niyang aminin sa sarili na natuwa at na-excite siyang makita si Vincent sa loob ng lupain niya.

Ano nga bang ginagawa roon ni Vincent?

Muling bumalik ang mga paningin ni Éclair sa daang nilakbay ni Vincent. Galing siguro ito sa kalapit nilang rancho. Na sa pagkakaalam niya ay matagal nang nalulugi. Si Vincent kaya ang bagong may-ari noon?

Ibigsabihin ay magkalapit-lupa na sila?

Hindi napigilan ni Éclair na makaramdam ng tuwa sa ideyang iyon. Hindi niya alam kung bakit. O ayaw niya lang tanggapin ang dahilan.

Anyway, kailangan na niyang bumalik dahil may tatlong oras nalang bago mag-alas nueve.

PAPASOK na ng villa si Éclair nang mapansin si Mang Kanor. Ang katiwala na kinuha ng kanyang ina at nagpapatakbo sa buong farm. Sa villa nakatira ang pamilya nito at yun din naman ang gusto niya. Baka kasi pamahayan ng masamang ispiritu ang villa kung walang titira roon

“Mang Kanor!” Malakas na tawag niya sa katiwala na may hila-hilang burikoy. Huminto ito sa paglalakad, lumapit naman siya sa ginoo.

“Ano iyon, ineng?”

“May sosyal ba tayong kabayo dito sa farm? Yung hi-breed. Yung pwedeng ihilera sa mga stallion?”

Nangunot ang noo ng ginoo saka bumaling sa hila-hilang burikoy.

“Wala ineng. Mga ganitong kabayo lang ang meron tayo. Dadalhin na ang iba sa bakahan sa bayan para ibenta. Baka sa huwebes o biyernes. Bakit mo naitanong?” Nagtatakang usisa nito sa kanya.

Napasimangot siya. “Sayang! Anong sasakyan ko mamaya papuntang fishpond? Di ba po dun sa pagkatawid ng tubo-han ang fish pond?”

Alanganing tumango si Mang Kanor. “Oo ineng. Pero anong gagawin mo dun? Sakop na iyon ng Rancho Del Vega.”

Rancho Del Vega!

Ang sosyal pakinggan. Napansin yata ni Mang Kanor na natahimik siya habang umiigkas ang kilay.

“Nabili na ng mayamang negosyante ang kabilang rancho ng mga Viajo hanggang doon sa kabilang lupa na may fishpond na pag-aari ng mga Montesa. Kaya Rancho Del Vega na ang pangalan. Mabait yung bagong may-ari. Si Sir Vincent.”

Ang yaman ng bruho. Binili na lahat. Pati pala fishpond ng mga Montesa. Yun pa naman ang isa sa mga kinaaaliwan niyang puntahan kapag naroroon siya sa probinsya. Kaya pala ang lakas ng loob mag-aya na mamingwit, pag-aari na pala nito iyon.

“Madalas siya diyan sa hangganan ng lupain niyo, diyan sa may sampalok. Nakikita ko siya diyan kapag bukang-liwayway o kapag dapit-hapon at nandiyan siya sa rancho niya.”

“Talaga po? Kilala niyo yung antipatikong si Vincent?”

Tila na-amused sa kanya ang ginoo at ngumiti.

“Oo ineng. Tahimik na tao nga lang iyon pero mabait naman. Teka, sa kanya mo ba nakita ‘yung hi-breed na kabayo? Marami siya nun sa rancho sa pagkakaalam ko.”

Tumango siya kay Mang Kanor pagkuway napaisip.

Rancho Del Vega…

“Mang Kanor, dapat may pangalan din ang farm natin, di ba? Dapat yung sosyal din.”

Ngumiti ang ginoo at napailing.

“Ano sa palagay niyo ang magandang pangalan ng farm natin? Yung hindi papahuli sa pangalan ng rancho sa kabila.” Baling niya rito.

Tuluyan nang humalakhak ang ginoo. Akala yata nito ay nagbibiro lang siya. Pero seryoso siyang pangalanan din ang farm niya.

“Mang Kanor naman e! Bakit kayo tumatawa diyan?” Naiinis na sita niya sa katiwala.

“Nakikipagkompetensiya ka ba kay Sir Vincent, Éclair?”

“Po? Hindi a?” tanggi niya.

Pero bakit nga ba bigla niyang naisipang bigyan ng pangalan ang farm? Dati naman siyang walang interes roon. Nanatili lang iyon sa pag-aari niya dahil sa kanyang Mama. Baka kasi malungkot iyon kapag ipinagbili niya.

But she was starting to like the thought of having a farm, na nakapangalan sa kanya. Plus the fact na kasunod lang ng farm niya ang rancho ni Vincent.

“Gusto ko lang na may pagkakakilanlan ang farm natin. Para na din kapag maunlad na, may pagkakakilanlan, di ba?”

Tumango-tango si Mang Kanor. “Sige, bahala kang bigyan ng pangalan. Pero para saken, maganda na nakasunod sa pangalan mo o ng pamilya mo.”

“Arellano Farm?” Napangiwi siya. Baka magtampo ang kaluluwa ng mga grandparents niya. “Ah! Bahala na. Mamaya ko na iisipin.”

“Oo nga. Pumasok ka na sa loob at naipaghanda ka na ng almusal ni Sita.”

At iniwan siya ni Mang Kanor roon para ideretso sa kwadra ang kabayong hila nito. Siya naman ay dumeretso sa pagpasok sa villa.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free