HinovelDownload the book in the application

LiberTEA Book1: Eclair

Gazchela Aerienne
29.0K · Completed
311
Views
14
Chapters
8
Ratings

Summary

Dala ng matinding boredom ay napagpasyahan ni Éclair na pumunta sa farm nila para makapag-unwind. Pero hindi pag-a-unwin...

Romance18+MatureTrue LoveFemale leadDominant

Prologue

ALAS SINKO pasado palang ng madaling araw ay nanggagambala na si Sundae sa cellphone ni Éclair. Okay lang naman iyon. Di pa naman siya nakakatulog. Nagbabalak palang matulog. Nahihirapan siyang matulog. Paano? Wala na siyang ginawa kundi matulog sa araw.

“Nasa shop ka na ba?” bungad nito sa kanya.

“Nope. Hindi pa ako natutulog. Iba na talaga ang nagagawa ng boredom. Pati pagtulog, nakakabagot na rin.” Patamad na tugon niya. Humiga sa kama.

“Alam mo Éclair, kaunti nalang at ipagpe-pray-over ka na namin ni Bonbons.”

Sumimangot siya. “Pray over ka diyan? Anong akala mo saken? May sapi?”

“Yung totoo? Parang.”

“Hindi ka din pintasera e, ano?”

Nagbuntong-hininga ito.

“Anyways, male-late na ako sa duty ko. Nasabi ko na rin naman kay Violet na ihanda na yung white coffee ko at pipick-up-in ko nalang pagdaan ko sa shop. Magkita nalang tayo roon. Kung pupunta ka.”

Tinatamad na nakinig lang siya sa sinasabi ng pinsan. Pinag-iisipan pa niya kung lalabas siya ngayong araw. Tamad na tamad kasi talaga siya sa buhay niya.

“Yeah, sure. Ano bang gusto mong add-ons sa kape mo? Si Mickey Mouse o si Jerry? Para ma-inform si Violet.”

“Éclair—”

Bumungisngis siya. Alam na alam niya kung paano iinisin ang pinsan. “I’m bored. Pagbigyan mo na ang kaaningan ko.”

Sandali pa at nagpaalam na ito. Siya naman ay pinilit umidlip. Pero wala pang dalawang oras, gising na ulit siya.

Another boring day has come.

Start Reading
Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free