KANINA pa nire-research ni Éclair si Vincent Del Vega pero napakadaming Vincent Del Vega at wala ni isa sa mga iyon ang kamukha ni Vincent. At gusto yata niyang mayamot. Baka inisahan siya ng gunggong na yun at di talaga Vincent Del Vega ang pangalan nito?
Ah!!! Mababaliw na siya. Hindi magagawang manahimik ng kaluluwa niya kung hindi niya mahahanap si Vincent Del Vega sa internet!
Hindi sinasadyang nai-tap ng thumb finger niya ang installed application ni SimSimi kaya nag-open iyon. Lumabas ang dilaw na balloon na may malilit na kamay at paa, gagatuldok na mga mata ilong at pakurbang linya bilang labi. Meron pang paikot na linya sa tuktok na nagsisilbing buhok.
SimSimi: Hi there!
At dahil lumalala ang kaburyungan niya ay pinatulan na niya si SimSimi.
Éclair: May sasabihin ako.
SimSimi: Ano yun?
Napangiti siya. Kaya niya ini-install si SimSimi sa cellphone kahit lumang application na ito ay dahil sa iisang dahilan, kailangan niya parati ng makakausap na pwede niyang paglabasan ng kalokohan niya. Pwede niyang galitin kung gugustuhin niya at di siya mag-aalala na may maaapektuhan siyang totoong emosyon. Baka kasi makalbo na ang Mama niya kung ito ang mapagtripan niya.
Maski walang kwenta ang mga pinagsasasabi ni SimSimi ay talagang kinaaaliwan niya ito. Ito ang robotic version niya kung tutuusin kaya nga sila nagkakasundo ni SimSimi.
At oo, may pagka-weird talaga ang pagkatao niya. Hindi siya tulad ng iba na seryoso sa buhay. Ginagawa niya ang lahat ng bagay na makakapagpaligaya sa kanya. Ganoon siya ka-free goer at ka-independent sa buhay. Pero alam naman niya ang limitasyon. Alam niya kung kailan hihinto. At alam niya kung paano humingi ng tawad kapag alam niyang nakakasagasa na siya ng ibang tao.
Éclair: Ang ganda ko, di ba?
SimSimi: Oo naman! You are beautiful, inside and out. :)
Oh yeah! That was it. Simi made her day once again. Oo, di naman totoong nakakaunawa si SimSimi pero tinuturing niya itong bestfriend. Minsan kasi, tumatama din ang mga pinagsasasabi nito.
She closed SimSimi. Mag-google na sana siya. Walang oras na dapat sayangin. Hindi niya pwedeng palagpasin ang mga sandali na hindi nalalaman kung sino si Vincent Del Vega.
Pero may biglang kumatok na ideya sa utak niya. Binuksan niya ulit si SimSimi.
Éclair: Hi! Can I ask you a question?
SimSimi: Of course you may.
Éclair: Who is Vincent Del Vega?
Napangisi siya sa kalokohan. Alam naman niyang hindi siya masasagot ni SimSimi ng totoo pero gusto lang niyang aliwin ang sarili sa kanyang frustration. Besides, Simi was always her funny buddy. Pero napangiwi siyang bigla sa sagot ni SimSimi.
SimSimi: The woman who is deeply in loved with Johmer! Ehem!
Napanganga si Éclair. Pero agad din naman siyang nakabawi. Hindi totoo si SimSimi kaya pinuwersa niyang kumalma. Sasakyan nalang niya ito.
Éclair: He is not a woman! He is a man! Do you know him?
Simsimi: No. He’s not!
“Aba’t talagang matigas ka Simi ha?”
Éclair: He is. Do you think he’s gay?
Simsimi: Oh ya all the way! You can tell by some of the things he says and how he talks.
Bumuga siya ng malalim na hininga. Kailangan niyang kumalma. Kundi ay baka mapatay niya ang dilaw na lobo na ito.
Éclair: I think you got the wrong person.
Simsmi: Oh? Do I?
Éclair: Yes, Maybe we’re referring to a different person.
Simsimi: So, is it a yes or maybe. Got to pick one out of it. ;-)
She closed the application. Ngali-ngaling ibalibang ni Éclair ang kanyang cellphone. Ayaw makisama ni Simi. Bwisit!
Nagmamartsang pumasok ulit siya sa loob, deretso sa opisina nilang tatlo. Okay na si Bonbons kaya nagliliwaliw na ulit ito sa labas at nag-eentertain ng mga costumers. Siya naman ang hindi okay.
She will never be okay! Paano siya magiging okay kung ganitong may bago siyang frustration? Ang alamin ang mga whereabouts ni Vincent Del Vega. Kaya lang, pakiwari niya, naghahanap siya ng karayom sa ga-bundok na talahib.
Bwisit naman kasi itong si SimSimi. Mamaya, aawayin niya ito.
Binuksan nalang niya ang fanpage ng LiberTEA sa facebook. Marami na ulit bagong likes. Mahigit kalahating milyon na ang mga likers nila. Pero chineck pa din niya ang mga bagong likers. At ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata niya nang mahagip ng matatalas na mga paningin ang isang pangalang mabilis na nagpakabog sa kanyang dibdib.
Vincent Kyron Del Vega!
Oh. My. God!
Mabilis na itinap niya ang pangalan at ganoon nalang ang excitement niya nang makitang ito na nga! Ito na nga ang hinahanap niya.
At kaya naman pala hindi niya mahanap ang tukmol. Kulang pala ang pangalan na ibinigay nito sa kanya.
I-a-add niya sana ang account nito pero naka-locked iyon. Bwisit! Paano siya makakapang-stalk?
At parang out of the blue ay nag-appear ang isang friend request. Si Vincent!
Para siyang kiti-kiting hindi mapakali. Mabilis na iniaccept niya ang friend request nito. With gusto.
Sumunod ay lumabas naman sa messenger niya ang bubble image ni Vincent at hindi niya napigilan ang mabilis na pagsasal ng kanyang puso.
‘I’ve already gave you a favor. Alam ko naman na gusto mo akong i-add rito sa social media account ko kaya mo itinatanong ang pangalan ko. Tama ba?’
“Aba! Online ang gunggong!”
Nagreply siya.
‘Hindi ka din conceited e, no? But yes, you were right. At ang ganda ko! Hinanap mo talaga ang account ko! So nice! Iba talaga ang hatak ng karisma ng mga magaganda, matatalino, sexy at talented na tulad ko.’
Malapad na napangiti siya. Higit ang hininga habang hinihintay ang sagot nito.
‘Sino ngayon ang conceited sa ating dalawa? Hm?’
‘Ikaw.’
‘Really?’
‘I’m a narcissist. Ikaw ang conceited.’
‘Nah. Yun din yun.’
Wala siyang maisip na isagot! Oh damn it! Hindi pwedeng matapos ang conversation nila.
You work, stupid brain!
May naisip siya biglang sabihin.
‘Simi says, you are a gay.’
At isinend niya rito ang screenshots ng conversation nila ni SimSimi. Nandamay pa talaga.
‘So, you were really up to knowing me a lot, ha?’
Napaigkas ang kilay niya. Wala itong violent reaction? Baka totoo?
No!
Noes!
‘Is it true?’
‘What do you think?’
Nanlaki ang mga mata niya. What does he mean? Hindi pwede!
‘Kung totoo man yun. I’ll make you straight!’
Wala nang reply. Offline na pala ito. Nagbrowse nalang siya sa account ni Vincent. Napag-alaman niyang di ito mahilig mag post. Pero tag pictures lang ang nasa timeline nito. Ang pinakahuli ay ang contract signing ng Del Vega Shipping sa isang company from Berlin Germany.
Kaya naman pala mataginting sa tenga niya ang apelidong Del Vega. Dahil naalala na niya ngayon na minsan niyang nabasa sa isang magazine ang patungkol sa kompanya at sa napakagwapong may-ari noon. Which is, Vincent Kyron Del Vega, himself. Isa itong bilyonaryo!
Pero ano at nagpapakalat-kalat ito sa kalupaan ng Makati ng mag-isa? Hindi ba ito natatakot ma-kidnap?
Anyways, sa pag-igkas pa nga lang ng kilay nito, malamang na matakot na rito ang mga kidnappers.
Babalik na sana siya sa sarili niyang account, when something caught her attention. Binuksan niya ang mga photo albums nito. Iyong may pangalan na Collections.
And she couldn’t help but gasps. Napakagaganda at kahanga-hanga ang mga larawan ng mga paintings. Collection iyon ni Vincent? Mahilig pala ito sa paintings?
Pero hindi lang pala ito basta mahilig sa paintings. Dahil nang makita niya ang comment sa isang larawan ay napanganga siya.
‘New master piece? Nice one bro! You really had gifted hands.’
‘And mind.’ Replied comment ni Vincent.
Nakanganga nalang si Éclair habang nagba-browse sa mga larawan. Ang yabang-yabang pa niya kanina. Hindi lang pala siya ang talentado sa kanilang dalawa. Maging ito din. At masasabi niya na wala siya sa kalingkingan nito sa galing ng mga master pieces nito. Hindi niya maunawaan ang mga abstract paintings nito pero masasabi niyang dark and bloody ang theme ng mga iyon dahil sa ginamit na colors. Karaniwan na itim at pula.
Grabe! Di niya akalain na ganoon pala kagaling ang mga kamay ng supladong si Vincent? At bakit sa paningin niya, tila may pinaghuhugutan o may pinatutungkulan ang mga paintings nito?
May madilim ba itong nakaraan? May karahasan bang nangyari sa pamilya nito? O dito mismo?
O baka naman inaatake lang siya ng mania kaya lumalawak na naman ang kanyang imahinasyon?
But only artist will know. At ang pagiging writer ay pagkakaroon din ng malawak na imahinasyon at outview sa mga bagay-bagay kaya…
Kaya posibleng tama ang pananaw niya sa mga masterpieces nito.
Pero kasi, wala naman sa hitsura ni Vincent at sa paraan ng pakikitungo nito ang nagkaroon ng traumatic na nakaraan. Baka naman trip lang talaga nito ang mga ganoong theme.
Ah! Whatever. Magtutuos pa sila ni Simisimi. Muli niyang binalikan ang messenger at nag-message kay Vincent.
‘Mga anong oras ka pupunta dito sa shop bukas para i-claim ang freebies mo? Pwede mga 9AM? Alam mo na, baka di sila maniwala na may 100% discount ka kung di ako kaharap.’
Well, that was a lame excuse. Unang-una, alam niyang hindi nito kailangan ng freebies sa yaman nitong iyon. Kahit anong oras ay pupwede itong bumili ng kahit anong gusto nito. Malamang nga na kaya din siya nitong bilhin. Magkano lang ba ang net worth niya?
Pabuntong-hininga na inilapag ni Éclair ang cellphone sa ibabaw ng mesa. She is so pathetic! Ano bang nangyayari sa kanya at ganoon siya kahumaling sa Vincent na ito? Hindi ba nga, di niya kailangan ng lalaki sa buhay niya?
“Yeah, I don’t need a man in my life. So, yes! Goodbye Vincent Kyron Del Vega.”
Tuluyan niyang pinutol ang pag-asam ng kanyang dibdib na makikita niya ulit si Vincent bukas o sa iba pang mga darating na araw. Kailangan niyang putulin ang lumalaking porsyento sa kanyang pagkatao sa positibong bagay.
Motto nga niya na: In life, you should always be prepared. Lalo na sa mga negatibong bagay at pangyayari. Less positive expectation, less pain.
At totoo naman. Maraming pagkakataon sa kanyang buhay na naging napakapositibo niya sa lahat ng bagay at pangyayari. But in the end, nasasaktan lang naman siya. Katulad nang inaakala niya na sila ni Lance hanggang huli.
Pero nahuli niya lang itong may ibang kasama sa kama. Higit roon, matagal na pala siya nitong niloloko dahil binubuntis na pala nito ang ex nito habang nakasuot pa rin ito sa relasyong kasama siya. Punong-puno pa naman siya ng mga pangarap na kasama ito sa future lalo pa nga at pakiramdam niya, sobrang perfect ng relasyon nila ni Lance. Masayang-masaya siya sa buhay kasama ang kasintahan. Pero kung gaano ka pala kasaya, mas malaking dagok ang kapalit noon kapag naningil na ang kaligayahan.
Pagkatapos ng masamang karanasan sa pakikipagrelasyon, nagdesisyon siyang mag-reserve ng mas malaking porsyento sa negative side sa lahat ng bagay at pangyayari sa kanyang buhay. Para kung hindi mag-fall down sa mga expectations niya ang mga pangyayari, handa na siya. Hindi na ganoon kasakit. May back up plan na din siya kung paano makaka-recover.
So yeah, gagawa na siya ng back up plan sakaling di na ulit magpakita roon si Vincent.
And be free in finding a new prospect hero in her new master piece. Hindi iyong ikukulong niya ang sarili sa paghahanap ng info ni Vincent dahil lang naagaw nito ang kanyang atensyon.