KABANATA 6
Etros Laviano
Tila nawala ang yelong bumabalot sa puso ni Etros nang makita ang kalagayan ni Alexis. Ang walang emosyon niyang mukha ay nababahiran na ngayon ng pag-aalala. Humigpit ang pagkakayakap niya sa walang malay na si Alexis. He's worried at naguguluhan siya sa nararamdaman niya.
Nanatili ang tinfin niya sa walang malay na Alexis. Namumutla ito. Ano ang dahilan para mawalan ito ng malay? Bigla niyang naalala ang nangyari kanina sa Cafeteria. Hindi nito tinapos ang kinakain.
"Bro, yayakapin mo na lang ba siya o dadalhin mo sa clinic?" Kyle his friend said.
Binuhat niya ng maayos si Alexis pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin dito. He felt this familiar feeling. Kahapon pa lang ay may kakaiba na siyang nararamdaman nang makita at mahawakan si Alexis, lalo na nang makita niya ito kaninang umaga.
Akmang maglalakad na sana siya nang may lumapit sa kanilang lalaki, si Paulo. Tiningnan niya ito ng masama. Hindi ba nito nakikita na may buhat-buhat siyang walang malay? Na may kailangan siyang dalhin sa clinic.
"Move."
Itinaas nito ang kamay. "Kalma, tol." Tinuro nito ang buhat niya. "He's my friend. Ako na ang magdadala sa kanya sa clinic."
That voice. Ito ang boses na narinig niyang kausap ng taong hinahanap niya. Bumaba ang tingin niya kay Alexis. He heard his voice yesterday at narinig din niya ng araw na 'yon ang boses ng taong hinahanap niya.
He's his friend. Baka ito ang kausap niya kahapon! Alexis might be the guy he's been searching for these past few days! Bumilis lalo ang pagtibok ng puso niya. But he freakin heard his voice yesterday! Malayong-malayo sa boses ng lalaking hinahanap niya.
"Ako na ang bahala sa kanya." Paulo said. Akmang kukuhanin sana nito sa bisig niya si Alexis nang lumayo siya rito.
Nagtatakang tumingin sa kanya si Paulo.
"Tol, ako na ang magdadala sa kanya sa clini "
"Don't you dare touch him." putol nito sa sinasabi ni Paulo. "Now move out of the ways before I punch that face of yours." Malamig at seryoso niyang sabi bago ito lagpasan.
Damn it! Bakit nainis siya nang hawakan nito si Alexis?!
Panakanaka niyang sinusulyapan ang walang malay na si Alexis. Maingit ang bawat kilos niya. Halos Umikot na ang mga ulo ng mga estudyante nang makita siya. Nagtataka ang iba sa kanila. Ni isa sa mga estudyanteng nakakita sa kanila ay hindi nagtangkang magsalita o magtanong. They're just looking at them.
"What happened?" Tanong ni Nurse Lhyra nang makapasok sila sa loob ng clinic. Ibinaba nito ang hawak na record book at nagmamadaling lumapit sa kanila.
Bumaba ang tingin nito kay Alexis bago ibalik ang tingin sa kanya.
"Nahanap mo na ba? Ito na ba siya?" Tanong nito.
Nurse Lhyra knows everything about the game at ito lang ang nakaka alam na ibinalik ang laro bukod sa mga estudyante. Naging madalas ang pamamalagi niya sa clinic dahil napapadalas din ang pagsuntok niya sa pader sa tuwing nabibigo siyang hanapin ang nakapares. Ngayon lang siya nagkaganito at dahil 'yon sa laro.
"I don't know, hindi ako sigurado kung siya ba ang hinahanap ko."
"Pero nararamdaman ko kung ano ang naramdaman ko noon sa laro." Gusto niya sanang idagdag ngunit itinikom niya na lang ang bibig.
Bumuntong hininga ang nurse bago nito tapikin ang balikat niya. "Oh siya. Ilapag mo na siya sa higaan, kukuha lang ako ng stock ng mga gamot."
Kaagad naman siyang sumunod. Tinahak niya ang daan paounta sa higaan. Tinulungan siya ni Nurse Lhyra na hawiin ang kulay puting kurtina. Maingat at dahan-dahan niyang inilapag doon si Alexis. Kinumutan pa niya ito.
"Bantayan mo muna siya." Bilin ulit ng Nurse.
Tumango siya bilang sagot. Umupo siya sa gilid ng higaan at pinakatitigan si Alexis. Napahimalos siya sa sarili. He wants to find him as soon as possible. Gustuhin man niyang gamitin ang kapangyarihan at koneksyong meron siya pero hindi siya pwedeng lumabag sa laro. Isa sa rules ng Kissing Game ay ang hahanapin ang nakapares nila without using any connections. Sariling sikap kumbaga. Paghihirapan. Kaya eto siya ngayon at nahihirapan sa paghahanap.
Bumalik ang tingin niya kay Alexis. He finds peace by looking at Alexis' face. Hindi niya na napigilin na haplusin ang pisngi nito, then, he felt something. Bumilis lalo ang pagtibok ng puso niya, katulad nang naramdaman niya nang marinig ang boses ng nakapares sa laro. Napangiti siya.
Bigla niyang naalala ang nangyari noong makita siya nito sa restroom na may hinahalikang lalaki. Kaibigan ni Alexis ang lalaking narinig niyang nakausap ng hinahanap niya. Paano kung si Alexis nga ang nakapares niya? Paano kung ang lalaking ito ang hinahanap niya? Pero narinig niya na kasi ang boses nito.
Hindi na mabilang ni Etros kung ilang beses na siyang napabuntong hininga. He massaged the bridge of his nose. Kung sino man siguro ang makakakita sa sitwasyon niya ngayon ay paniguradong maaawa ito sa kanya o hindi kaya ay pagtatawanan siya nito. Mukha kasi siyang hiniwalayan ng kasintahan at pinasan na lahat ng problema sa mundo.
"Isinusumpa ko ang larong ito. Once I've found him, I'll make sure they'll be kicked out of this school." Ginulo niya ang buhok ngunit agad din siyang napatigil nang makita ang pag galaw ni Alexis. Noong una akala niya gising na 'to, mabuti na lang at hindi.
Bumaba ang tingin niya sa naka awang nitong bibig. Napalunok siya. Tila ba hinahatak siya ng maala rosas na kulay ng labi nito. Napalunok ulit siya.
Iginala niya ang tingin. Wala namang makakakita sa kanya. Itinukod niya ang kamay sa gilid ng ulo ni Alexis bago unti-unting inilapit ang mukha niya sa mukha nito. He'll kiss him. Ito na lang ang isa sa paraan para masagot ang mga katanungan niya: para mahanap ang nakapares. Umaasa siya na baka maramdaman niya ang naramdaman niya sa laro na sana si Alexis nga ang nakapares niya.
Dahan-dahang lumalapit ang mukha niya rito. Hanggang sa gahibla na lang ang layo ng labi nito sa labi niya. Kaunti na lang ang agwat ng labi nila sa isa't-isa nang biglang lumihis ang mukha ni Alexis. He ended up kissing the corner of Alexis' lips. Nalaglag ang balikat niya sa nangyari. HE KISSED THE CORNER OF ALEXIS' LIPS! NOT THE LIPS!
"Darn it!" Inis niyang sinabunutan ang sarili. Napapadyak din sa inis.
"Sabi ko bantayan, hindi halikan." Sabi ni Nurse Lhyra na naka pameywang na pala. "Pero sige, enjoy ka lang diyan." Humagikhik ito bago nito isara ang kurtina na nakapalibot sa higaan.
Wala sa sarili niyang hinawakan ang labi. Even though he didn't kiss Alexis in the lips, he still felt something. Hinawakan niya ang pisngi ng walang malay na si Alexis dahilan para bumilis lalo ang pagtibok ng puso niya.
"Sana ikaw nga ang hinahanap ko."