HinovelDownload the book in the application

KABANATA 4

KABANATA 4

"Are you mute, huh?" Aniya Etros na.

Huli na nang mapagtanto ni Alexis na nasa harapan niya na pala ito. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi nang marahas siya nitong hatakan, dahilan para tuluyan siyang makapasok sa loob ng restroom. Itinulak pa siya nito kaya napasandla siya sa pader. Pinigilan niya ang sarili na magpakawala ng kahit na anong ingay. Ang kaninang kahalikan ni Etros ay bigla na lamang tumakbo palabas. Muntik pa itong madapa sa pagmamadali.

Ang akala niya hahabulin ni Etros ang lalaki ngunit nanatili lang itong nakatayo sa harap niya. Napapikit bigla si Alexis nang itaas ni Etros ang kamay. Susuntukin siya nito!

Gusto niya itong pigilan, gusto niyang magmakaawa na huwag siya nitong saktan, but he can't. Hindi pwedeng marinig ni Etros ang boses niya dahil sa oras na mangyari 'yon— wala na, mahuhuli na siya. Walang ibang nagawa si Alexis kundi ang pumikit na lang at manahimik habang hinagantay ang paglapat ng kamao nito sa pisngi niya.

Ang masakit na pagsuntok nito ang inaasahan niya na mararamdaman sa kanyang pisngi ngunit nagulat na lang siya nang hawakan ni Etros ang baba niya. Mariin itong pinisil bago hatakin palapit ang mukha niya sa mukha nito. Mas lalong nasigurado ni Alexis na si Etros nga ang lalaki nang maamoy ang pinaghalong amoy ng sigarilyo at mint. Konti na lang ay maduduling na siya sa sobrang lapit nito sa kanya.

"Speak."

Umiling siya.

"I said speak!" Sigaw nito.

Halos kumawala na sa dibdib niya ang puso. Bigla niyang naalala ang nangyari sa laro. How Etros kissed him and how he snaked his arms around his waist. Namula ang mukha niya at dahil 'yon kay Etros. Hindi dapat ganito ang nararamdaman niya! Galit dapat siya dahil sa ginawa nitong paghalik sa kanya pero bakit kabaliktaran nito ang nararamdaman niya.

"L-let me go."

Huli na nang mapagtanto ni Alexis ang nangyari. Kitang-kita niya ang gulat sa mukha ni Etros. Ngunit ang gulat sa mukha nito ay napalitan ng pagkadismaya.

"It's not you." Bagsak ang balikat nito.

Naguguluhan na tingingnan ni Alexis si Etros. Atsaka niya lang napagtanto na namaos pala ang boses niya nang magsalita kanina. Kaya siguro sinabi nito na hindi siya ang hinahanap. Biglang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Alexis. Mabuti na lang at namaos ang boses niya, kung hindi ay baka nahanap na siya nito.

"Damn it!" Galit nitong sinuntok ang pader. Napasandal ito sa pader ng cubicle.

Hindi na sinayang ni Alexis ang pagkakataon at kaagad na tumakbo palayo. Mabilis ang tibok ng puso niya hindi dahil sa pagtakbo niya, kundi sa nangyari. Hindi na siya lumingon para tingnan kung nakasunod ba si Etros, basta ang kailangan niya ay ang makalayo rito. Hindi pa man siya nakakalayo nang may tumawag sa kanya. Si Paulo. Patakbo itong lumapit sa kanya.

"Alexis! Anong nangyari sa 'yo?" Tanong nito nang makalapit sa kanya. Bumaba ang tingin ni Paulo sa nanginginig niyang kamay.

"I know who he is!" Tumingin siya sa likuran niya. Mabuti na lang at hindi pa lumalabas si Etros sa banyo.

"Sino?"

"It's Etros! Si Etros ang nakapares ko sa laro, siya ang humalik sa akin." Sunod-sunod niyang sabi. Hinatak niya ang kaibigan at walang lingon lingon nilang tinahak ang daan palayo sa lugar na 'yon.

Kailangan nilang maka-alis bago pa tuluyang lumabas sa restroom si Etros.

Sa kabilang dako. Inis na napahilamos sa sarili si Etros. Bakit hindi niya ito mahanap? He did everything just to find that guy. He remembers his voice pero bakit hindi niya pa rin naririnig ang boses ng lalaking 'yon? Dumating pa sa punto na hinahalikan na niya ang iba sa mga lalaking sa tingin niya ay ang lalaking hinalikan niya sa laro, umaasa na mararamdaman niya ang naramdaman niya noon. But he failed.

Kamuntik pa niyang halikan ang lalaking nakakita sa kanila kanina— si Alexis. Ito ang bumangga sa kanya three days ago. At nang makita niya ulit ito, doon umusbong ang pag-asa sa puso niya na baka ito ang hinahanap niya. Kamuntik pa niya itong halikan, mabuti na lang at napigilan niya ang sarili. Bumagsak ang balikat niya nang marinig ang paos nitong boses. Umasa siya.

Umalis sa pagkakasandal sa pader ng cubicle si Etros. He was about to leave the restroom when he heard someone.

"Alexis! Anong nangyari sa 'yo?"

Hindi rin ito ang boses ng taong hinahanap niya. Tutuloy na sana siyang lalabas nang marinig ang boses na gustong-gusto niyang marinig. It's the voice of the guy he kissed.

"I know who he is!"

Bumilis ang pagtibok ng puso niya sa narinig. It's him! Nabalot ng saya ang puso niya. Napako siya sa kinatatayuan niya. Ang puso niya ay nagwawala na. He's here! Nagmamadali siyang lumabas ng restroom. Umaasa siya na sa paglabas niya'y makikita niya ito, ngunit wala. Ni isang anino o bulto ay wala siyang nakita.

"Where are you?!" Inis niyang sinabunutan ang sarili. Iginala niya ang tingin.

Napako siya sa kinatatayuan nang makita ang dalawang lalaki na kakaliko lamang. Etros is sure na ang isa sa mga lalaking nakita niya ay ang nakakita sa kanila kanina. Si Alexis.

Doon napatigil si Etros. Paano kung ang lalaking 'yon ang hinahanap niya? But his voice, magkaiba ang boses nila. Imposible. Inis at desperadong bumalik si Etros sa loob ng restroom. Walang anu-ano'y sinuntok nito ang salamin dahilan para magkabitak-bitak ito. Binuksan niya ang gripo para basain ang mukha niya. Hinayaan niya na umagos pababa sa mukha niya ang malamig na tubig at ang dugo sa kanyang kamao.

Tiningnan niya ang sarili sa salamin. "Mahahanap din kita at kapag nahanap kita, hindi na kita pakakawalan pa." He said.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free