HinovelDownload the book in the application

KABANATA 5

KABANATA 5

Alexis Garcia

Kinabukasan. Maagang pumasok si Alexis dahil may quiz sila sa major subject. Kinakailangan niyang mag review lalo na't lutang na lutang siya kahapon. Hindi niya nagawang mag focus sa lecture kaya nagpa-xerox na lang siya ng notes para gamiting reviewer. Dahil wala pa siyang agahan, napagdesisyunan niyang sa cafeteria na lang mag review para makakin din siya. Wala namang estudyante sa Cafeteria, bukod sa mga guro na nag-aagahan din. Makakapag relax pa siya at makakapagbasa ng taimtim habang kumakain.

Dumiretso sa cashier si Alexis at umorder ng paboritong champorado at tinapay na isasawsaw niya sa champorado. Kinuha niya ang tray atsaka nagsimulang magtungo sa lamesa na nasa gilid. Inilapag niya ang tray bago ang bag. Kinuha niya muna ang mga pina xeros na notes bago simulan ang pagkain

Habang kumakain ng umagahan ay binabasa niya na rin ang mga notes. Naniniwala kasi siya na kapag kumain ka ng chocolate flavored food ay malaki ang tyansa na maalala mo lahat ng nireview. Kinuha ni Alexis ang sinapay atsaka ito sinawsaw sa Champorado. Paniguradong magtataka ang ibang tao kung nakita nito ang ginawa niya. Pero para kay Alexius, bagay na bagay ang mainit na champorado sa malambot na tinapay. Napapikit siya sa sarap. Kahit papaano ay nabawasan ang stress na nararamdaman niya.

Muli ay kumurot siya sa tinapay. Akmang isasawsaw niya na sana ito nang makarinig ng ingay. Nabitin sa ere ang kamay niya nang makita kung sino 'yon. Si Etros at ang iba nitong kaibigan. Nagtagpo ang tingin nilang dalawa. Nabitawan din niya ang tinapay, mabuti na lang at sa champorado mismo ito bumagsak. Nilakasan ni Alexis ang loob para mag-iwas ng tingin. Anong ginagawa nila sa cafeteria? Nang ganitong oras?

Kung kanina ay komportableng kumakain si Alexis, ngayon ay hindi na. Parang kakainin na siya ng lupa sa hiya. Hindi na rin siya naging magana sa pagkain. Hinihiling niya na sana ay sa malayong parte ng cafeteria umupo ang mga ito, pedo hindi naki ayon sa kanya ang tadhana. Narinig niya na lang ang pag-upo ng mga ito sa lamesa hindi kalayuan sa kanya. dalawang lamesa lang ang pagitan nila pero tila ba nasa tabi niya lang ang mga ito.

Napamura siya.

"Bakit mo ba naman kasi sinuntok 'yong salamin sa restroom? Ayan tuloy nadetention ka— at damay na rin kami."

Muling nabitin sa ere ang kamay ni Alexius. Nadetention ito? Kaya pala maagang silang pumasok. Masyado ba niya itong nagalit kaya nagawa nitong suntukin ang salamin?

Itinuon na lang ni Alexis ang atensyon sa pagbabasa at pagkain. Ilang minuto ang lumipas ngunit wala ng pumapasok sa isip niya. Ibinaba niya ang notes atsaka napahilamos sa sarili. Hindi na siya makapag focus sa pagrereview lalo na't nakatingin sa kanya si Etros. Oo, kanina pa ito nakatingin sa kanya kaya hindi na niya nagawang kumain at mag review ng maayos.

Inayos at pinakalma niya ang sarili para hindi mahalata ni Etros ang kakaiba niyang kilos. Bumuntong hininga siya atsaka nilingon si Etros. Nakatingin pa rin ito sa kanya. Para siyang natutunaw sa paraan ng pagtingin nito. Kinunutan niya ng noo ang lalaki para ipakita rito na hindi siya natutuwa sa pagtingin nito sa kanya.

Hindi na siya nagsayang ng oras at agad na ipinasok a bag ang mga gamit bago ito isukbit sa balikat. Binuhat din niya ang tray atsaka ito inabot sa tagalinis ng mga lamesa. Nagpasalamat siya rito bago lumabas. Kitang-kita ni Alexis kung paano siya titigan ni Etros at kung paano siya nito sundan ng tingin.

Nakahingi lang siya ng maluwag nang tuluyan na siyang makalabas sa cafeteria.

Tinatahak ni Alexis at ng iba niyang kaklase ang pasilyo papunta sa library ng unibersidad. Hindi kasi makakapasok ang professor nila ngunit nagbilin naman ito ng gawain na kailangan din nilang tapusin ngayong araw, kaya eto sila’t nagkukumahog. Sa kalagitnaan ng paglalakad nila ay ang siya namang pagngiwi ni Alexis nang muling naramdaman ang mga matang nakasunod sa kanya. Simula nang pumasok siya hanggang sa oras na 'to ay hindi na siya tinantanan ng tingin na iyon. Na siya ring dahilan para kabahan si Alexis.

Lakas loob niyang tiningnan ang nakatingin sa kanya. He regret looking back. Because he ended up looking straight into his eyes--- Etros’ eyes. Hindi agad nakapag-iwas ng tingin si Alexis dahil sa gulat. Napabalik lang siya sa sarili nang tapikin siya ng kaklase.

“Ang layo ng tingin mo ah.” Nagtatakang sabi ng kaklase niya. Sinundan pa nito ng tingin ang tinitingnan niya kanina. Bigla siyang nilamon ng kaba, mabuti na lang at nang tingnan ng kaklse niya ang gawi nila Etros ay wala na ito sa kinatatayuan nito at kasalukuyan ng naglalakad palayo.

Napalunok si Alexis. Muntik na, kung hindi ay baka mas lalong magtaka ang kaklase niya. Tatanungin siya nito kung bakit nakatingin siya kay Etros. Mabuti na lang talaga. Sa huling pagkakataon ay nilingon niya si Etros. Saglit niyang pinagmasdan ang papalayo nitong bulto.

Tons of questions invaded his mind.

Why does Etros kept on looking at him? Bakit nakasunod ito sa kanya? Pinag-iinitan ba siya ng lalaki dahil sa pagbunggo niya rito nitong nakaraang araw? Dahil ba sa nakita niya noon sa restroom? O dahil sa… napahawak siya sa dibdib. Mabilis ang pagtibok nito. Paano kung nalaman na ni Etros na siya ang nakapares nito sa laro?

Impossible. Nag-ingat siya! Mariing ipinikit ni Alexis ang mata. Napahilot din siya sa sentido. Umaasa na sana ay hindi tama ang naiisip niya.

“Alexis, ako na bahala sa first 5 questions, ikaw naman sa iba. Tulungan hahaha.” Natatawang aniya ng mga kaklase.

Pekeng tumawa si Alexis para maitago ang kaba na nararamdaman. “Sige ako na sa iba.”

Hindi rin nagtagal ay nakarating na sila sa library at agad na sinimulan ang kinakailangang gawin.

Iginala niya ang tingin bago tuluyang lumabas sa locker room. Kailangan niyang masigurado na hindi ulit magtatagpo ang landas nilang dalawa ni Etros. Tatlong beses ng nakita ni Alexis si Etros sa araw na ito, sa Cafeteria, sa harap ng room nila at nang utusan siya ng prof na kuhanin ang charger ng laptop nito. Hindi niya alam kung nananadya ba ang tadhana o sadyang pinagtitripan lang siya ni Etros.

Napahilot si Alexis sa sentido nang kumirot ito. Sobrang napiga ang utak niya sa quiz kanina. Parang hindi na nga 'yon quiz, exam na nga ata ang ipinasagot sa kanila. Idagdag pa si Etros. He's still shocked when he found out that the man who kissed him is the campus king— Etros. He knows him, everyone does know him. At alam din ni Alexis ang kaya nitong gawin.

Etros is not just the campus King, Anak ito ng kilalang pamilya. Ang Laviano at si Etros ang bunso sa tatlong anak ng mag-asawang Laviano. Kilala ang pamilya nila sa larangan ng business, lalo na sa Europa kung saan nakatira ang angkan ng mga Laviano at kung saan din ipinanganak si Etros at ang mga nakakatanda nitong kapatid. Mabangis ang ama nito sa pagpapatakbo ng kompanya. Sa murang edad ay nagkaroon ito ng iba't-ibang negosyo kaya ganoon na lang ang paghanga ng mga tao sa ama nila Etros. Ang ina naman nila ay dating sikat na artista at modelo. Perpekto ang pamilya ng mga Laviano. Hinahangaan at kinatatakutan.

Etros is also a well known heir of Laviano family, bukod sa dalawang nakakatandang kapatid. Kaya ganoon na lang ang pangamba na nararamdaman ni Alexis. He's a freakin' Laviano for petes's sake!

"Boo."

Napatalon siya sa gulat. Nabitawan niya rin ang hawak na libro. Sinong pontio pilato ang nang gulat sa kanya? sino pa ba, walang iba kundi ang magaling niyang kaibigan. Matalim na tingin ang ibinigay niya kay Paulo na ngayon ay abala sa pagtawa. Alexis raised his middle finger kaya mas lalong natawa si Paulo.

"Siraulo ka." Naiiling niyang sabi bago pulutin ang libro na nasa sahig. Pinagpag niya ito.

"Tol, you should've seen your face! Para kang kinuhanan ng sampung bag ng dugo sa sobrang putla mo— ouch!" Daing nito nang sikmuraan siya ni Alexis.

Pinagpatuloy ulit ni Alexis ang paglalakad habang ang kaibigan niya naman ay nakasunod lang sa kanya.

Tinatahak nila ngayon ang maingay at mataong hallway. Karamihan kasi sa mga prof ngayon ay nasa meeting at abala sa paghahanda para sa nalalapit na graduation. Isa't kalahatin buwan na lang at makakapagtapos na siya sa kursong Psychology. Mahirap din ang pinagdaanan nilang mg Psychology students para makapagtapos.

Kung kailan ba naman kasi malapit na siyang makapagtapos doon pa sumulpot ang hindi inaasahang pangyayari.

"Anong plano mo? Kalat na sa buong unibersidad ang ginagawa ni Etros. He's forcing them to speak."

Inakbayan siya nito. "Bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa kanya na ikaw ang nakapares niya sa laro."

"Hindi naman kasi ganoon kadaling sabihin." Inalis niya ang pagkaka-akbay ni Paulo.

"Parehas kaming lalaki." Dagdag niya.

"Tol, there's nothing wrong with that." Tinapik nito ang balikat.

"Paulo, you don't understand. Natatakot ako sa sasabihin ng mga tao sa paligid. He's a freakin' Laviano. Ano na lang ang sasabihin nila sa oras na malaman nila na may hinalikang lalaki ang Etros na 'yon? His parents might kill him. They might kill me." Mahina ngunit nababahiran na takot na aniya Alexis.

"Tol, Laviano's not that cruel. Alam mo naman ang balita at article, kinakailangan baguhin para mas mapalakas ang dating nito sa madla."

Bumuntong hininga siya. "Gagawin ko ang lahat para hindi niya malaman na ako ang hinalikan niya. I'm doing this not just to save myself but also to save his reputation and his families reputation."

"Ewan ko sa 'yo. Sana lang ay huwag mong pagsisihan ang desisyon mo." Kibit balikat na sabi ni Paulo.

Nakatulala lamang si Alexis habang naglalakad. Sa tuwing may nabubunggo siya ay kaagad din naman siyang humihingi ng tawad. He clenched his hands. Why does his heart felt weird? Bakit nasasaktan siya?

Hindi rin nagtagal ay humiwalay na si Paulo ng daraanan. Sa kabilang hallway kasi ang daan papunta a department nito. Mag-isa na lang niyang tinahak ang mataong pasilyo. Nasa kalagitnaan siya ng paglalakad nang marinig ang pinag-uusapan ng mga kababihan sa gilid niya. Napahinto siya.

"Have you heard the rumor?"

Napako sa kinatatayuan niya si Alexis. Rumor?

"Kaya pala nagkakaganon si Etros dahil isa siya sa mga napiling maglaro ng KG."

Muntik na niyang mabitawan ang mga hawak. Hindi siya makagalaw. His hands are trembling. Totoo nga ang sinabi ni Paulo. Kalat na sa unibersidad ang tungkol sa laro.

"Lalaki ang nakapares niya! Kaya halos lahat ng lalaki dito sa unibersidad ay pilit niyang pinagsasalita. He even kissed some of them."

"Aww! Nakakainggit!"

Hindi na narinig ni Alexis ang mga sunod na sinabi ng mga babae dahil masyado ng na okupa ng takot ang isip at puso niya. Alam na nila. Kumalat na sa unibersidad ang nangyari. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa kanila? Paano kung malaman nila na siya ang nakapares at hinalikan ni Etros? Paniguradon mandidiri ang mga ito. Masyado ng nilamon ng takot ang puso niya, dahilan para manginig ang kamay at manghina ang tuhod niya. Nagsisimula na rin siyang mahirapang huminga. Napatigil ang lahat nang marinig ang pagbagsak ng mga libro na hawak ni Alexis. Napatingin sa kanya ang lahat.

Bigla na lang nakaramdam ng hilo si Alexis. Humanap siya ng makakapitan pero wala. Kasabay ng pagpikit niya ay ang panghihina ng tuhod niya. Hinintay niya na bumagsak ang katawan niya sa malamig at matigas na sahig, but he endes up falling into someones arms.

Nahihirapan siyang huminga. Kahit na naghihina ay pinilit niyang idilat ang kanyang mga mata. Ang unang bumungad sa kanya ay si Etros. Hindi alam ni Alexis kung namamalikmata lang ba siya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang mapagtanto kung gaano sila kalapit sa isa't-isa. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya.

"You okay?" Nababahiran ng pag-aalala nitong tanong sa kanya. Hindi malamig ang boses nito, kahit papaano ay may emosyon na.

Doon napabalik sa sarili si Alexis. Kahit na nanghihina ay nagawa pa rin niyang itulak si Etros palayo sa kanya. This time, tuluyan na siyang bumagsak sa sahig. Hindi siya namamalikmata! Napangiwi siya sa sakit. Sinubukan niyang tumayo pero masyadong nanghihina ang katawan niya. Idagdag pa ang sakit ng likod niya.

Lahat ng mata at nakatuon na sa kanilang dalawa. Na tila ba mga spotlight ang mga ito. Ang kaninang kaba ay nadagdagan pa ng takot. Nandito si Etros! Kailangan niyang makalayo, ASAP! Inipon niya ulit ang lakas para tumayo. Hindi naman siya nabigo pero ilang segundo lang ang lumipas ay tuluyan na siyang nilamon ng dilim. Narinig pa niya ang sigaw ng mga kapwa niya estudyante pero mas nangibabaw ang nag-aalalang sigaw ni Etros. And again, he fell into his arms.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free