HinovelDownload the book in the application

KABANATA 2

KABANATA 2

Madilim at walang makita si Alexis. Ang mga kamay niya'y nakatali at ang mga mata niya naman ay nakapiring. Kanina pa siya hinahatak ng kung sino. Ni hindi niya nga alam kung saan siya dadalhin ng mga ito. Minsan pa'y napapatid siya, kung hindi nga lang may nakahawak sa kanya ay sa malamang lumagapak na siya sa sahig.

"Sino kayo?" Tanong niya ngunit walang sumagot sa kanya.

Paano nga ba siya napunta sa sitwasyon na ito? Kakalabas niya lang sa gate ng eskwelahan nila nang may umatake sa kanya mula sa likuran. He was pinned down on the warm dirty road. Tinakpan ang mga mata niya bago pa man niya makita ang mga mukha nito. Itinali rin ang kamay niya.

"Sino ba kayo?! Anong kailangan niyo sa akin?!"

Nagpupumitlag siya. Pinilit niyang maging matapang kahit na natatakot at kinakabahan na siya. Ang daming tanong na tumatakbo sa kanyang isip. Sino sila? Anong pakay nila? Sasaktan ba siya ng mga ito? Papatayin? Kinagat niya ang ibabang labi.

Sa pagkakatanda niya'y wala siyang kaaway, sa katunayan ay hinahangaan siya ng lahat lalo na ng mga kaklase at ng mga kapwa estudyante. He has a good reputation. Napabalik siya sa sarili nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Lumikha ito ng nakakatakot na ingay na siyang naging dahilan para mangilabot siya.

"Ano ba?!" Daing niya ng hatakin ulit siya. Kapag siya nakawala, lintik lang talaga ang walang ganti.

Gusto niyang yakapin ang sarili nang maramdaman ang lamig. Alam niyang nasa loob siya ng silid. He heard voices. Boses ng mga lalaki at mga babae. Nagtatanong ang iba at ang iba naman ay tila masaya pa.

"Kompleto na ang lahat. Simulan na natin ang laro."

Napangiwi siya nang magsitilian ang kababaihan. He's clueless. Anong nangyayari? Bakit tumitili sila? May dapat bang ikatuwa sa nangyayari ngayon? Dapat ay tumakas na sila! Hindi 'yong titili pa sa sobrang tuwa!

"Anong nangyayari?! Let me go! Anong laro ang pinagsasabi mo?!" Pilit niyang inaalis ang pagkakatali ng kamay niya ngunit nabigo siya.

"A game called Kissing game. Someone will kiss you and you need to guess who that person is. Isn't easy and exciting?"

Muntik nang bumagsak si Alexis sa narinig. Isa siya sa mga napiling maglaro? He was kidnapped to play a game?! That's absurd! Hindi makapaniwalang tumawa si Alexis. Nahihibang na ang mga ito.

"You know what? All of you can play this stupid and nonsense game. Paalisin niyo na ako dahil ayokong sumali sa laro niyo." Buong lakas siyang kumawala sa nakahawak sa kanya.

"I'm out of here." Naglakad siya papunta sa kung saan. Wala siyang nakikita, hinahayaan niya na lang ang paa niya na dalhin siya sa kung saan.

Again, he heard the door opened.

"Let's start the game nang makalabas na ako." Aniya ng baritong boses. Nanindig ang balahibo ni Alexis. Sa hindi malamang dahilan ay bumilis ang pagtibok ng puso ni Alexis. Pamilyar ang boses na 'yon. Pilit niyang inalala kung saan niya narinig ang boses na 'yon pero nabigo siya. Hindi siya makapag-focus dahil sa pinaghalong kaba, takot, inis, at pagkalito.

"Wala na akong oras para alalahanin ang boses na 'yon! Ang kailangan ko ay ang makaalis dito!" Ani sa sarili. Pilit na inaalis ni Alexis ang pagkakatali ng kamay niya.

"Bakit hindi nakatali ang kamay niyan?"

"I'm not going to escape or anything. Pumayag ako na makisali sa inyo— because of your stupid dare." Bakas ang irita sa boses ng lalaki na kakapasok lamang.

"So, he's here to play?" Aniya sa isip.

Patuloy lang siya sa paglalakad. Kailangan niyang makalabas. Napadaing siya sa sakit nang tumama sa kanto ng upuan ang hinliliit niya sa paa. Narinig niya ang pagtawa ng iilan. They are mocking him. Kapag siya talaga nakawala o nakalabas, lagot sila. Isusumbong niya ang mga ito sa Dean.

"Ipagpares mo ang dalawang 'yan."

Ipares siya kanino? Sa lalaking 'yon?! Nagbibiro lang sila hindi ba?

"You're pairing me with a man?!" Inis na tanong ni Alexis.

"Yup!" Someone said.

Nalaglag ang panga niya. "No way. Kayo ang maglaro!" Desperado na siya ngayon na makalabas kahit na imposible. Ipapares siya sa lalaki for pete's sake!

Napangiwi siya nang bumangga siya sa matigas na bagay— no, sa tao. Tumaas ang balahibo niya nang biglang may humawak sa baba niya. Alexis knew that the person who's holding him is a man. Amoy sigarilyo ito. Alexis felt his muscular body against him. Hindi ito nagsalita, nanatili lang itong nakahawak sa kanya. Hinayaan niya lang na hawakan siya ng lalaking 'yon dahil alam niyang bibitaw rin ito— but he's wrong. He didn't let him go.

"Bitawan mo ang baba ko. Hindi na ako natutuwa sa inyo."

Walang sumagot. Si Alexis na ang gumawa ng paraan para alisin ang kamay nito. Iniwas niya ang kanyang ulo, hindi naman siya nagsisi dahil tuluyan na siya nitong binitawan. Naglakad ulit niya ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalayo ay pinigilan nanaman siya ng lalaking 'yon.

"This isn't funny anymore!" Sigaw niya nang pihitin siya nito paharap. Tumaas ang mga balahibo niya nang ipulupot nito ang kamay sa bewang niya.

"I'm not playing with you guys! Seryoso ako!" Nagpupumitlag siya. He used all of his remaining strength to struggle.

"And i'm serious too." The cold and emotionless voice said.

With a blink of an eye, he felt something pressed against his lips. Nanlaki ang mata niya sa gulat. Napako siya sa kinatatayuan niya. Hinigit nito ang katawan niya papalapit sa katawan nito. Now their body's pressing against each other. He's kissing him! Parehas silang lalaki!

Narinig niya ang pag 'Woah' ng iba.

"Looks like the game has started!"

Mas lalo siyang nagpumitlag nang mahirapan na siyang huminga. Mabuti na lang at humiwalay na ito bago pa siya tuluyang kapusin ng hininga.

"Hahanapin kita at sa oras na malaman ko kung sino ka, akin ka na." The man said before letting him go.

Napa-upo siya sa malamig na sahig. Nakatulala, nanghihina at namumula. Wala ng ibang narinig si Alexis kundi ang malakas na pagkabog ng puso niya, hanggang sa muli siyang hatakin ng kung sino palabas sa silid na 'yon.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free