HinovelDownload the book in the application

KABANATA 3

KABANATA 3

Alexis Garcia

Tatlong araw na ang lumipas at tatlong araw na rin siyang hindi nagsasalita. Lalo na kapag nasa labas na siya ng silid aralan nila. Bakit? His voice, baka marinig ng lalaking naghahanap sa kanya ang boses niya. Alam niya at sigurado siya na tinandaan ng lalaking humalik sa kanya ang boses niya kaya minabuti niya na lang na huwag magsalita. Nasa paligid lang ang lalaking humalik sa kanya, hindi siya mapakali. Kung bakit ba naman kasi siya pa ang napili na maglaro? Kahit kailan naman ay hindi niya ginusto na mapasali doon. May nagawa ba siyang mali? Wala naman. Bakit siya pa ang napagtripan ng mga pasimuno ng laro na 'yon?

Ilang buwan na lang at tapos na ang pag-aaral niya. Ayaw niyang magkaroon ng problema pero nang dahil sa lintik na larong 'yon ay nasira ang maganda at tahimik niyang college life. Bakit ba kasi siya pa? at ipinares pa talaga siya sa lalaki.

Inis na isinubsob ni Alexis ang mukha niya sa lamesa. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang sinabi ng lalaking 'yon. Paulit-ulit niyang naririnig ang boses nito. He'll make Alexis his property? Parehas silang lalaki! Sana'y nagbibiro lamang ito, pero seryoso kasi ang pagkakasabi ng lalaki kaya imposible na isang biro lang ang sinabi nito.

"Pahamak na laro!" Inis na bulong ni Alexis.

Inangat niya ang kaniyang ulo nang may tumapik sa kanya. There he saw his bestfriend— Paulo. May nakapasak na lollipop sa bibig nito. Kumunot ang noo ng kaibigan nang makita ang itsura ni Alexis. Ang medyo maputlang balat, ang dark bags sa ilalim ng mata nito, ang nanunuyo nitong labi at ang mata nito na nababakasan ng pagod. Mukha itong hindi nakatulog ng ilang araw. Na para bang pinagsakluban ito ng langit at lupa at pasan pasan na ang problema ng lahat.

"May problema ka ba, Alexis?" Seryosong tanong ni Paulo. Umupo ito sa katabi niyang upuan bago ibulsa ang stick ng lollipop na kinakain kanina.

Ibinalik ni Alexis ang pagkakasubsob ng mukha niya sa lamesa.

"Napapansin ko lang. Naging tahimik ka nitong mga nakaraang araw. Minsan ka na lang magsalita, even if you talk, you're whispering. Ano bang problema mo?" Tinaasan siya nito ng kilay.

Umiling si Alexis.

"Alam kong may problema ka kaya kung ako sa 'yo sasabihin ko na 'yan bago pa kita maupakan." Pinandilatan siya ng mata ni Paulo at inambahan pa na babatukan.

Talagang mapilit ito. Wala tuloy siyang ibang nagawa kundi ang sabihin ang totoo sa kaibigan. At least matutulungan pa siya nito sa pagtatago. Iginala niya muna ang tingin, nang makitang hindi na ganun karami ang estudyante sa silid aralan ay atsaka niya ito sinenyasan na lumapit ng kaunti na ginawa naman ng kaibigan. Muli ay iginala niya ang tingin.

"I was forced to play the game." Bulong niya.

Saglit na lumayo si Paulo atsaka siya binulungan. "Ha? What game?"

Siya naman ang bumulong. "Ki-kissing Game." Namula ang mukha ni Alexis sa sinabi. Nahihiya siya. Ano na lang ang sasabihin ng kaibigan niya? Paniguradong aasarin siya nito.

Hindi makapaniwalang humiwalay si Paulo sa kanya. Nakanganga pa ito at gulat na gulat sa narinig. Maya maya lang ay kumurap na ito bago mapahilamos sa sarili.

"Ano naman ba kasi ang ginawa mo? Baka naman may ginawa kang masama kaya napag tripan ka ng mga 'yon at pwersahan kang sinali." Umarko ang kilay ni Paulo.

"I didn't do anything! Subsob ako sa pag-aaral, Paulo, alam mo 'yan. I don't have any plans to make a mess nor a problem lalo na't graduating tayo."

Bumaba ang kaninang nakataas na kilay ni Paulo. "Edi trip ka nga." Aniya bago mangalumbaba sa lamesa.

"Panigaradong hinahanap ka na ng humalik sa 'yo." He paused. "Is he a good kisser?" Nakangisi nitong tanong. Tumataas baba pa ang kilay.

Mas lalong namula ang mukha niya. Ano ba namang klaseng tanong 'yon. Sana pala ay hindi niya na lang sinabi sa kaibigan.

"Base sa pamumula ng mukha mo, mukhang magaling humalik."

Sinuntok niya si Paulo sa braso, dahilan para mapadaing ito sa sakit. Paulo even hissed before glaring at him. Isinubsob niya na lang ulit ang mukha sa lamesa. Problemado na nga siya tapos pagtitripan pa siya ng kaibigan. Kung alam niya lang na lolokohin siya nito, edi sana sinarili niya na lang ang nangyari sa laro. Ilang ulit siyang kinalabit ni Paulo, paulit-ulit hanggang sa harapin niya na ulit ito. May subo nanaman itong lollipop.

"Hindi ba dapat naghahanapan na kayo?" Nagtataka nitong tanong.

"Wala akong balak na hanapin o alamin kung sino siya."

Wala siyang balak na kilalanin ang lalaking humalik sa kanya ng sapilitan. Baka mabugbog niya lang ito sa oras na malaman niya kung sino 'to.

"Ang tanong, ganun din kaya siya?"

Napatigil si Alexis. Bigla siyang binundol ng kaba nang maalala ang sinabi nito bago siya hatakin palabas ng mga dumukot sa kanya. Hinahanap siya nito, hahanapin siya nito. Kailangan galingan ni Alexis ang pagtatago, sigurado naman na kung magdodoble ingat siya ay hindi siya mahahanap ng lalaking 'yon, idagdag pa na maraming estudyante sa unibersidad. Pero paano kung mahanap siya? Inis na napapadyak si Alexis. Tinginan niya ulit ng masama si Paulo.

"Manahimik ka na lang diyan!"

Paulo raised both of his hand na tila ba sumusuko na ito. "Kalma ka lang. Bakit hindi na lang tayo kumain?" Tiningnan nito ang suot ng relos. "It's 11:30, lunch break na."

"Dito lang ako." Sinenyasan niya si Paulo na umalis na. Isusubsob ulit sana ni Alexis ang ulo sa lamesa nang walang anu-ano'y bigla siyang hinatak patayo ni Paulo. Kumapit pa siya sa upuan niya para lang hindi siya matangay nito, ngunit sa huli ay nagawa pa rin siya nitong hatakin, pati na ang upuan na pinagkapitan niya. Binitawan na niya ang upuan bago pa ito sumama sa kanila pababa sa cafeteria.

Hindi mapakali si Alexis habang tinatahak nila ang daan pababa sa unang palapag. Panay ang pagsulyap niya sa likuran nila. Panay ang pagbaling ng tingin sa paligid. Sa tuwing may makakasalubong silang estudyanteng lalaki ay bigla siyang kinakabahan. Kung hindi lang maingay sa pasilyo ay sa malamang naririnig na ng mga estudyante ang malakas na pagdagundong ng puso niya. Hindi naman siguro siya mahahanap ng lalaking 'yon, hindi ba? Ang kailangan niya lang gawin ay ang huwag magsalita. That's it.

Malapit na sila sa Cafeteria nang biglang huminto si Paulo sa paglalakad. Kinapkap nito ang suot ang jacket pati na ang bulsa ng pambaba nilang uniporme. Napangiwi si Paulo nang mapagtanto na hindi niya pala dala ang wallet nito.

"Mauna ka na sa cafeteria, susunod ako. Kukuhanin ko lang 'yong wallet ko."

Tumango si Alexis. Nagmamadali namang tumakbo ang kaibigan pabalik sa classroom nito. Ang lakas ng loob na mag-ayang kumain tapos hindi naman pala dala ang wallet. Natawa si Alexis sa kalokohan ng kaibigan. Pinagpatuloy niya na lang ang paglalakad. He was busy looking at the field when he heard a loud thud. Medyo nagulat siya.

Wala nang balak si Alexis na alamin kung saan galing ang ingay na 'yon, ngunit natagpuan niya na lang ang sarili na sinundan ang ingay na iyon hanggang sa huminto siya sa boys restroom. Nag-aalinlangan siya kung papasok ba siya o aalis na lang? Mariin niyang ipinikit ang mata. Bahala na, sisilipin niya lang naman. Bumilang siya ng hanggang tatlo bago tuluyang sumilip, ngunit laking gulat niya nang makita ang dalawang lalaki na naghahalikan sa loob. Nakatulala lang siya sa dalawa. Hindi siya makagalaw. Tila binuhusan din siya ng malamig na tubig.

Halos mapatalon siya sa gulat nang ibaling sa kanya ng lalaki ang tingin. Sa oras na ito ay mas dumoble ang kaba na nararamdaman niya nang makita kung sino ito. Ang matangkad na lalaki na may maamong mukha ngunit malamig na pag-uugali. The man with a cold baritone voice. Ang lalaking tinitilian ng mga kababaihan sa unibersidad— si Etros Laviano.

"E-etros." Bulong niya. No way!

Napatalon siya sa gulat nang marahas na bitawan ni Etros ang kahalikan. Bumagsak ito sa sahig habang panay ang pag-ubo. Hindi niya magawang balingan ng tingin ang lalaking nakasalampak ngayon sa sahig ng restroom dahil hindi niya magawang alisin ang tingin kay Etros na nakatingin sa kanya. Kinilabutan siya sa lamig ng tingin na ibinibagay nito sa kanya. Pakiramdam din niya'y matutunaw siya sa pagtitig nito sa kanya.

"Who are you."

Tumigil ang mundo ni Alexis nang marinig ang boses nito. All he can hear right now is his heartbeat and the voice of the man who kissed him three days ago. Napanganga siya. Ang mga kamay at tuhod niya ang nagsimulang manginig sa takot. Sa oras na 'to ay mukha siyang tuta na sasaktan ng kanyang amo. Hindi makapaniwala niyang tiningnan si Etros.

Bakit siya pa? Sa dinami rami ng tao na pwede niyang makapares sa laro ay si Etros pa talaga.

"This is just a dream." Aniya sa sarili.

"Who the heck are you?!" Dumagundong ang boses nito.

Hindi lang siya ang natakot sa pagsigaw nito, pati na ang kahalikan kanina. Parehas na nanginginig sa takot at pinagpapawisan ng malamig. Gusto niyang sapakin ang sarili, umaasa na magigising siya sa bangungot na ito.

Palihim niyang kinurot ng mariin ang sarili, he yelped. Hindi siya nananaginip. Bumagsak ang balikat niya. Hindi nga siya nagkakamali. Ito nga ang boses ng lalaking humalik sa kanya at ang nagmamay-ari ng boses na 'yon ay walang iba kundi ang campus King, si Etros.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free