KABANATA 1
Alexis Garcia
Ingay ang sumalubong kay Alexis nang makapasok siya sa loob ng cafeteria ng unibersidad. Ang iba ay abala sa pagkain habang karamihan naman sa mga estudyante ay abala sa pakikipag-usap. Iginala niya ang tingin para maghanap ng bakanteng upuan. Panay ang paglinga niya ngunit bigo siyang makahanap ng uupuan. Palagi namang crowded ang cafeteria at sanay na siya na walang maupuan, pero iba kasi ang dami ng estudyante ngayon. Tila ba dumoble ang dami nito kaysa nitong mga nakaraang araw.
May mga babae na inalok siyang makisalo sa lamesa nila at lahat ng iyon ay nakangiti niyang tinanggihan. Sigurado si Alexis na hindi siya makakakain ng maayos kung tatanggapin niya ang mga alok nito.
Hindi naman maiiwaasan na makuha niya ang atensyon ng mga kababaihan lalo na't kilala si Alexis sa unibersidad dahil matalino siya sa kanilang departamento, ang Psychology department. Bukod sa talino ay may angkin din siyang kagwapuhan. He's actually a head turner. He has an angelic face which shows how friendly he is. Medyo singkit ang bilugan nitong mata na siyang palaging nagniningning sa tuwing iyong titignan. Mahaba ang pilikmata na kinaiinggitan naman ng mga kababaihan, may katangusan din ang ilong nito at medyo manipis ang mapula nitong labi. Idagdag pa na maputi siya na namana niya sa yumang ama. Sa katunatan niyan ay madali siyang mamula. Kapag nahihiya, tumatawa, galit o naiilang ay agad na namumula ang mukha niya. And someo of his classmates find it cute.
Susuko na sana siya sa paghahanap nang may tumawag sa kanya Si Paulo ang kaibigan niya. Kumaway ito sa kanya bago ulit isigaw ang pangalan niya. Sinenyasan niya naman na huwag itong maingay pero sadyang matigas ang ulo ng kaibigan. Panay pa rin ang pagkaway at pagsigaw nito.
"Alexis! Nandito ako!"
Napapatingin na kay Paulo ang ibang estudyante. May iilan na naiinis at ang iba naman ay parang walang pakialam. Lumapit na siya sa lamesa kung nasaan ang kaibigan para naman tumigil na ito at nang hindi na maka abala pa ng iba. Pabiro niya itong sinuntok sa braso bago siya tuluyang umupo.
Mabuti na lang at nakita siya nito kung hindi ay baka sa bench ng field nanaman siya kumain, ang init pa naman.
"Himala at hindi ka sa field kumain." Ani Paulo bago sumimsim sa hawak na Coke.
"Muntik na, kung hindi mo lang ako tinawag sa malamang nakabilad nanaman ako sa arawan habang kumakain ng sandwhich." Sagot ni Alexis sa kaibigan habang abala siya sa pagkuha ng baong sandwich.
"Gusto mo?" Alok niya sa kaibigan.
"Thank you na lang, tol." Pagtanggi ni Paulo. Sinensyasan siya nito na kumain na na agad din naman niyang ginawa.
Pinaghalong tunog ng mga kubyertos, yapak at boses ang loob ng cafeteria. Panay naman ang tango ni Alexis sa kaibigan nang magsimula itong magkwento ng kung anu-ano. Abala siya sa pagkain nang aksidenteng marinig ni Alexis ang pinag-uusapan ng dalawang babae na nasa kabilang lamesa lamang. Nilingon niya ang mga ito dahil sa kyuryosidad.
"Magsisimula na raw mamaya ang laro."
Kumunot ang noo niya. Laro? May laban ba ang basketball team ng unibersidad mamaya? Iyan ang unang sumagi sa isip niya.
"Hindi ba't ipinagbawal na ni Dean ang larong 'yon?"
"Oo, pero ibinalik ulit pero this time, pasikreto ng lalaruin. Huwag kang maingay ah. Shh lang tayo." Sagot naman ng babae sa medyo mahinang boses. Tila ba ayaw nitong may makarinig sa sasabihin niya.
Nagtatakang kinalabit ni Alexis si Paulo na nilalantakan na ang isa pa niyang sandwich. Kanina lang ay tinanggihan siya nito pero ngayon halos maubos na nito ang pagkain niya. Napailing na lang si Alexis.
"Anong laro?"
Kumagat muli si Paulo bago sumagot. "Ibinalik na ang larong KG."
"KG?"
Tinanguan siya ni Paulo. Tumingin muna ito sa paligid bago siya senyasan na may ibubulong. Bahagya naman siyang lumapit.
"Kissing Game. 'yong larong pinagbawal ni Dean one year ago. Binalik na raw kasi pero pasikreto lang daw na lalaruin, alam mo na baka ma-kick out na ng tuluyan ang mga pasimuno ng larong 'yan." Ani Paulo pagkatapos ay umayos na ng upo.
Kaya pala maingay ang lahat, lalo na ang mga babae. Napailing na lang si Alexis. Bakit pa nila ibinalik? Hindi ba sila matatakot na baka mahuli nanaman sila ng Dean? At kung sino man ang pasimuno ng larong 'yon, paniguradong malalagot sila sa Dean sa oras na malaman nito na ibinalik ang laro. Pinagsawalag bahala na lang ni Alexis ang nalaman at ipinagpatuloy ang pagkain. Wala naman siyang mapapala sa balitang 'yon.
Hindi rin nagtagal ay tumunog na ang bell, senyales na tapos na ang lunch break. Niligpit na nila ni Paulo ang kalat sa lamesa nila bago lumabas sa Cafeteria. Isa sila sa mga naunang lumabas kaya hindi sila nakipaggitgitan. Napagdesisyunan nila na dumaan sa kabilang pasilyo na hindi masyadong dinaranan para na rin makaiwas sa gitgitan.
Hindi maiwasang hindi pagmasdan ni Alexis ang mga puno na nakatanim sa field. Ang mga dahon at bulaklak na alagang-alaga ng gardener ng school. Makulay ito at tila ba buhay na buhay. Naaaliw si Alexis sa tuwing sumasabay sa pagsayaw ang mga bulaklak sa tuwing iihip ang malakas na hangin.
"Umaasa nanaman ang mga babae na mapasali sila sa laro." Naiiling na sabi ni Paulo. Nakapamulsa ito at may kinakain ng lollipop. "At umaasa nanaman ang mga lalaki na huwag silang mapasali sa laro." Dagdag pa nito.
Wala sa oras niyang inalis ang tingin sa bulaklak. "What do you mean?"
"Sa laro kasing Kissing game. It's either lalaki ang hahalik o lalaki rin ang hahalikan. Ayan ang larong kissing game. Gender doesn't matter. Kaya mag-ingat ka, may itsura ka pa naman." Paulo 'tsked'
"Wala akong balak na sumali." Kalmado niyang aniya kahit na bahagya siyang kinabahan.
Impossible rin naman na mapasali siya sa larong 'yon dahil hindi naman siya sasali sa ganung klase ng laro.
"Tol, whether you like it or not. Kapag napili ka nila, kasali ka na." Paulo tapped his shoulder. "Good luck."
Binundol bigla ng kaba si Alexis. Ibig sabihin pinipili ang mga magiging kalahok sa laro? Nagsimulang paglaruan ni Alexis ang daliri, it's his mannerism sa tuwing kinakabahan siya. Sa sobrang layo ng iniisip ni Alexis ay hindi niya namalayan na may kasalubong na pala siya. Sinubukan pa siyang hilahin ni Paulo para makaiwas ito ngunit huli na ang lahat, tuluyan ng bumunggo si Alexis sa taong 'yon.
Nadaing siya nang tumama ang ilong niya sa matigas nitong dibdib. Napaatras pa siya at kamuntikan pang mawalan ng balanse.
"Pasensya na. Hindi ko sinasadya na mabun " Inangat niya ang tingin. Halos malaglag ang panga niya nang makita kung sino ito. " ggo ka." dagdag niya.
It's the campus King, Etros Laviano. Hindi na nakapagsalita pa si Alexis at nanatiling nakatingala sa lalaking ubod ng kakisigan. Matalim kung makatingin ang kulay itim nitong mata. Medyo magkasalubong naman ang may kakapalan nitong kilay. Bumaba ang tingin ni Alexis sa matangos nitong ilong at sa mapula nitong labi.
"Alexis! Bakit tinititigan mo pa?!" Ani sa sarili.
Gustohin man niyang umatras ay hindi naman niya magawa dahil sa nanginginig na tuhod. Alexis flinched when Etros took another step towards him. The tall man who's standing in front of him was giving him a sharp glares. Gusto ata siya nitong burahin sa mundo. Teka! Bakit tila ba galit na galit ito? This is the very first time na makita niya itong naiinis. The campus King was known for being a cold hearthed guy. Hindi niyo ito makikitaan ng kahit na anong emosyon sa mukha pero ngayon, galit ito.
"Move out of my way." Malamig at mariin nitong aniya na ikinagulat Alexis. Ang akala niya kasi ay sisigawan siya nito.
Mariing kinagat ni Alexis ang ibabang labi nang walang anu-ano'y lagpasan siya nito. Atsaka lang siya nakahinga ng maluwag nang tuluyan na itong makalayo. Inis siyang napaupo sa sahig. Sinabunutan ang sarili at napahilamos din. Bakit nagawa pa niyang mapatulala sa mukha ng lalaki?
Dapat ay umiwas na kaagad siya sa dinaraanan nito. Umaasa si Alexis na hindi niya nagalit si Etros dahil ayaw niyang mapagdiskitahan siya ng lalaki, lalo na ng mga umiidolo rito. Don't mess with the campus King ika nga nila lalo na't maraming umaaligid dito.
"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Paulo. Inilahad nito ang kamay para tulungan siyang tumayo.
Alexis nodded his head as an answer. Ayos lang siya.
...
Sa kabilang dako.
Malalaking hakbang ang ginawa ni Etros papunta sa likurang bahagi ng unibersidad. Hindi na niya nilingon ulit ang lalaking nabunggo niya kanina, pero parang may mali. Bakit gusto niya ulit titigan ang mukha ng lalaki? Ang maamo nitong mga mata na nababahiran ng... takot at kaba. Umigting ang panga niya. He let out a heavy sigh. He won't waste a time looking at that man's face. Ipinagpatuloy niya lang ang paglalakad hanggang sa tuluyan na siyang nakarating sa lugar kung saan sila magkikita ng taong kinaiinisan niya.
"Yo! Etros the King!" Tawag nito sa kanya.
Etros remained calm, pero sa totoo lang ay gusto na niyang patumbahin ang lalaki.
"So, gagawin mo na ba ang dare?" Pang-aasar nito sa kanya.
"Give me the dare and I'll do it."
Sumandal sa pader ang lalaking kausap niya atsaka humawak sa baba nito na tila ba may iniisip. The man clapped his hands atsaka ngumiti.
Kumunot ang noo ni Etros.
"I dare you to join the kissing game."