Autumn Monique's Pov
Hindi ko alam kung bakit nandito sa parking lot si Thower dahil ang pagkakaalam ko ay nasa shooting sya tapos heto sya ngayon hinihila ako papunta sa may dulo at sa may sulok ng parking lot kung saan wala ng nakapark na mga sasakyan at wala ring dumadaan na mga tao.
Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot ng basta na lang nyang binitawan ang kamay ko na halos ipagtulakan ako. Natatakot syang tiningnan.
"T-thower, bakit tayo nandito?" nagsimula na akong umusog sa mga likuran habang sya ay nakatiim bagang naman na dahan dahang papalapit sakin.
"Di ba ang sinabi ko sayo, wag kang pupunta sa shooting ko? Pero anong ginawa mo kanina?"
Natigilan at sa isang biglaan ay biglang nagbalik sa alaala ko ang nangyari kanina. Para nya akong asong pinalayas.
"Y-yun ba ang dahilan kung bakit tayo nandito?" hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob na magtanong.
Hindi nagbago ang ekspresyon nya at mukhang lalo pa syang nagalit sakin.
"Oo. Pinapaalala ko sayo, secret girlfriend kita at kung hindi ka susunod sa mga sinasabi ko mananatili kang secret girlfriend" at tinalikuran na nya ako.
Pakiramdam ko, nasira na ang puso ko. Sinira na nga nya, inapak-apakan pa. Ang sakit.
"Wala ka ba talagang balak na tuparin ang pangako mo sakin nung fourth year high school tayo?" tumungo na ako dahil hindi ko na kayang tingnan sya habang ako ay umiiyak na at nasasaktan.
"Wala pero kung gusto mo talagang matupad ang pangakong yon ay walang magbabago. Mananatili ka paring sikreto" at pagkatapos non ay umalis na sya.
Napaupo na lang ako sa sahig dahil sa sakit na ginawa nya. Daig ko pa ata ang binugbog sa sakit na dinulot nya. Hindi na ba nya ako mahal? Bakit sya ganung magsalita. Wala na ba talaga akong puwang sa puso nya?
NUNG GABING yon ay si Sir Calvin ang naghatid sakin pauwi. Buong byahe ay tahimik lang ako at tulala. Alam kong paminsan minsan akong sinusulyapan ni Sir Calvin pero hindi ko na lang pinapansin yon.
Akala ko maghihilom na yung sugat sa puso ko pero hindi mas lalo pang lumaki ang sugat ng puso ko.
Sa mga sumunod na araw ay lagi na lang akong nag-iisa at malimit tulala. Kinakausap naman ako ni Starie pero hindi ko sya pinapansin.
Maging si Sir Calvin ay kinakausap ako ay hindi ko rin sya pinapansin. Tanging ginagawa ko lang ang trabaho ko at pagkatapos ng oras ng trabaho ay uuwi at pagkatapos ay ganun din ang mangyayari sa mga sumunod na araw.
Parang masyado ng natuyo ang mga mata ko para umiyak pa. Dahil dalawang taon ko na itong ginagawa kaya parang wala ng tubig pang lumalabas mula dito.
"Ano raw sabi?" narinig kong tanong ng isang babae sa kaibigan nya dito sa canteen. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nandito ako sa canteen gayung hindi naman ako kumakain ng lunch.
"Ang sabi may bago daw fling si Thower? Grabe diba? Ang gwapo gwapo nya! Hindi na ako nabibigla kung may pakasalan sya o biglang may lalabas at magpapakilalang anak nya" at nagtawanan pa ang dalawa.
Nananatili akong tahimik at parang hindi ako makalunok maski laway. Diba dapat hindi na ako masasaktan? Kasi diba, sinabi na nya sakin ang totoo ang kahapon? Sekreto ako at mananatili akong sekreto.
Ganun ba ako kapanget para itago na lang ng ganun?
"Nako, kung magkakaroon talaga ako ng isang buong araw na kasama si Thower? Hindi ko na sasayagin ang lahat ng pagkakataon. " at malandi pa silang nagtawanan.
Para makatakas na sa sakit ay tumayo na ako at umalis na ng canteen. Bumalik ako ng desk ko at nag-iwan ng leave form sa table ni Sir Calvin. Siguro ay kailangan ko munang magpahinga. Siguro ay kailangan ko munang ipahinga ang isipan ko mula sa pag-iisip kay Thower.
Nang makauwi ako sa bahay ay nag-empake ako ng konting gamit para umuwi sa bahay ng mga magulang ko. May mga naiwan naman akong mga damit dun kaya hindi ko na pinoblema.
Pagkatapos kong mag-empake ay nagtext ako kay Starie na uuwi muna ako sa amin sa Binangonan, Rizal. Alam naman ni Starie kung saan ung bahay namin dahil isang beses ay naipasyal ko na sya sa may amin.
Halos mag-a-alas otso na ako ng gabi nakarating sa bahay. Sinalubong ako ng yakap at halik nila Mama at Papa. Tuwang tuwa sila at maging ang aking nakakabatang kapatid ay natutuwa rin.
Sandali kaming nagkwentuhan at pagkatapos ay sabay sabay na kaming naghapunan. Habang nakwentuhan ko sila ngayon ay hindi maalis sa aking mga labi ang mga ngiti na huli ko lang naisuot ay nung 2 years ago.
Ang dami nilang kwento sakin na pinagsisisihan kong hindi ko nakita o kaya ay hindi ako nakauwi pero kahit alam kong may pagkukulang ako ay nginiti ko na lang ang lahat. Ayoko munang mag-isip ng malulungkot ngayon dahil kasama ko ang pamilya ko at sila ang mga taong nagbibigay sakin ng lakas kasama ang Panginoong Diyos.
"Anak, gising ka pa ba?" kasalukuyan akong nag-aayos ng hihigaan ko ng kumatok si Mama sa may pintuan. Nakangiti ko syang nilingon.
"Opo, Ma, may problema ba?" tanong ko kay Mama pero umiling iling lang sya at lumapit sakin at basta na lang akong niyakap dahilan para mapaluha ako.
"Anak, miss na miss ka namin. Napansin kong mukhang ayaw mong magkwento kanina tungkol sa inyo ni Thower, may nangyari bang hindi maganda?" sandaling kumalas sa yakap si Mama sakin. Umiling iling ako at niyakap sya.
"Ma, mukhang hindi ata matutupad ang pangarap ko. Naaalala nyo pa ung pangako sakin ni Thower? Mukhang hindi na talaga sya matutupad dahil ... may iba na sya" hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaluha na ako.
Naramdaman kong hinagod ni Mama ang likod ko.
"Anak, kung mangyari man ang sinabi mo at magkatotoo ito ay maaaring hindi talaga kayo nilaan ng Diyos para sa isa't isa. Malay mo may mas deserving pala sayo kaysa sa kanya. Kaya kung hindi man matuloy ang kasal na inaasam mo ay wag kang malungkot dahil nandito lang kaming pamilya mo, hindi ka namin iiwan, nandito lang kami para sayo"