Marahas kong pinunasan ang mga luha ko at agad na lang akong umalis ng coffee shop. Narinig ko tinatawag ni Sir Calvin ang pangalan ko pero hindi ko yon pinansin.
Hindi naman kasi ako masyadong manhid para hindi ko maramdaman ung mga salitang sinabi nya.
Hindi ako manhid para hindi masaktan.
Nakarating ako ng bahay ng umiiyak. Niyakap ko ang magkabilang tuhod ko habang patuloy parin sa pag-iyak. Hindi naman siguro masama sa sarili ko na umaasa akong matutupad ang pinangako sakin ni Thower?
Hindi naman siguro masama na maniwala ako sa happy ending at forever diba?
Hindi naman siguro masama na maniwala akong matutupad ang pangarap ko diba?
"Pangako, hinding hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat wag ka lang malayo sakin" saad ni Thower at pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit.
"Talaga, Thower?"
Bakit noon nagagawa nya pang sabihing mahal na mahal nya ako pero bakit ngayon? Bakit ngayon?
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit natagpuan ko na lang ito na pinindot ang call button sa pangalan ni Thower.
Marahil dahil na rin sa nasaktan ako at mga pinaghalo halong emosyon.
(Hello, anong kailangan mo?) natigilan ako. Tila hanggang ngayon ay hindi parin nya binubura ang number ko sa phone nya.
"Ahh. Thower, si Autumn to ..."
(Alam ko ..) puno ng galit ang tono ng pananalita nya.
(Ano bang dahilan at tumatawag ka?) bakas sa boses nya ang pagkairita.
"Ahh .. Payag na ... ako" napapikit ako ng madiin. Sana .. Sana hindi ko pagsisihan ang desisyon kong ito.
(Are you on drugs?)
Umiling iling ako kahit alam kong hindi nya nakikitang umiiling iling ako ngayon.
"No. I mean, payag na akong magpakasal sayo .." pinigilan ko ang sarili kong maluha upon hearing myself saying those words.
(What-- Wow! What happened? Anong nangyari at bigla kang pumayag na pakasalan kita?) puno ng paghahamon ang boses nya na hindi ko na lang pinansin.
"Ta-tatanggapin ko na. Tatanggapin ko na kahit gawin mo lang akong secret wife"
(Pathetic. Haha, If you want you come to my house and talk about that nonsence topic. At isa pa okay lang naman na pumunta ka dito dahil wala naman akong pakialam kung may mangyari sayong masama sa daan. Tandaan mo hindi kita kargo de konsenya)
At pagktapos nyang sabihin ang mga yon ay basta na lang nya akong binabaan. Rinig na rinig ko pa ang pagtawa nya bago nya putulin ang tawag.
Wala na talaga akong halaga para sa kanya pero heto parin ako nananatiling lumalapit sa kanya. Masyado na akong desperada para lang magkabalikan kami kaya hindi ko na napapansin ang sarili kung ko kung nagiging tanga na ako sa kanya.
After 15 minutes ay nakarating na ako sa bahay nila Thower. Wala paring nagbago dito. Parang nung kami pa. Pinigilan ko ang sarili kong maluha at nagsimula ng maglakad papunta sa may pinto at nagdoorbell.
Nakatatlong doorbell ako bago may nagbukas.
At si Jess ang nakita ko nung nabuksan ang pinto at may hawak pa syang isang malaking lalagyan ng pop corn at kitang kita kong caramel flavored ito. Nakasuot na rin ito ng panjama nyang kulay blue, na aaminin ko ay sobrang cute tingnan.
"Ahh.. " bakas sa mukha ni Jess na hindi nya alam ang kanyang sasabihin kaya ako na mismo ang nagsalita.
"Ahh, Good evening, Jess, si Thower nandyan ba?" bumakas sa kanyang mukha ang pagkabigla. Marahil ay dahil nadagdagan ang pagkabigla nyang nandito ako at saka sa hinahanap ko si Thower.
Itinuro ni Jess ang daan papuntang hadgan. Nagpasalamat na ako at may nakasalubong pa akong katulong na pinuntahan si Jess. Hindi ko na lang pinansin ung usapan nila at maingat na akong umakyat papunta sa kwarto ni Thower.
"Young Master, bakit hindi nyo po ako sinabihan na ako na ang magbukas ng pinto?" saad ng katulong na bakas sa mukha ang hiya.
"Okay lang po yun, hinihintay ko rin naman ung pinadeliver ko" sagot naman ni Thower.
"Pero, Young Master ..."
"Okay lang po. At saka sa tingin ko nakita ko na ung mukha nung babae , kaya ok lang. Haha, mukhang may ibabalita na ako kina Mommy"
"YOU'RE REALLY serious about the marriage thing?" napalingon ako dun sa nagsalita. Si Thower at nakasandal nya sa pader at nakatingin lang sya sakin. Pero aaminin ko, para lang syang nagsho-shoot ng picture para sa isang magazine sa pose nyang yan.
Tumango tango na lang ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Ayokong makita nyang nagba-blush ako habang nakatingin sa kanya sa pose na yan.
"Tell me, ano bang mapapala mo kung pakakasalan mo ako? Kasi sakin, nothing will change. Hindi naman ako mas sisikat 'coz you're just a nobody. Wala akong pakialam sayo and I don't really care kung naging ex-girlfriend kita dahil sa lumipas na mga taon ay ilang mga babae ang naipalit ko sayo"
Umalis na sya sa pwesto nya habang sinasabi yon at dumireto na sya sa veranda. Sinundan ko lang sya dun at hindi ko na napigilan ang mga luha ko kaya umupo na lang ako sa may gilid at dun na lang umiyak.
Parang kahapon lang masayang masaya kami dito sa veranda habang pinapangarap ang kinabukasan kung saan ikakasal kaming dalwa.
"Autumn, nakikita mo tong verandang 'to?" tumango na lang ako kasi yakap yakap nya ako sa likod.
"Darating ang araw na kapag kasal na tayo at kapag malaki na ang tyan mo ay dito lagi kita yayakapin at hindi ako magsasawang sabihin sayong mahal na mahal kita" at pagkatapos non ay iniharap nya ako sa kanya at hinalikan sa noo dahilan para sandali akong pumikit at ramdamin ang paglapat ng labi nya sa noo ko.
"Mahal na mahal din kita,Thower. Walang magbabago"
Marahas kong pinunansan ang mga luha ko. Ni pakiramdam ng pag-ibig ng kahapon ay hindi ko na maramdaman kay Thower ngayon. Malaki na talaga ang pinabago nya at pati ang puso nya ay tuluyan na ring nagbago para turuan syang kalimutan ang pagmamahal nya sakin.
"Tell me, si Yamie ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako makayang mahalin muli?"