Autumn Monique's Pov
Pinalipas ko lang ang isang linggo at bumalik na rin ako ng Manila. Ayaw man akong payagan ni Mama pero sadyang nagpumilit ako.
Niyakap nya ako ng mahigpit at sinabihan akong mag-ingat ako. Hindi na rin nya sinabi kina Papa at sa bunso kong kapatid ung dahilan kung bakit ako biglaan umuwi.
Basta ang palalabasin na lang ay ... na-miss ko sila, which is totoo naman.
"Anak, mag-ingat ka ha."
"GIRL, hindi mo ba nabalitaan?" lunch time at tahimik lang akong kumakain dito ng basta na lang sumulpot si Starie dito sa may gilid ko at ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para hindi ko maibato sa kanya ang pineapple juice na nasa baso ko.
Hindi ko na lang sya pinansin at pinagpatuloy ko lang ang aking pagkain ng basta na lang nya hinaranh sa pagmumukha ko ang phone nya dahilan para tingnan ko sya ng masama.
"Oy, pasensya naman, It's just that, gusto ko lang malaman mo ang latest news about kay Thower" masaya nyang saad na bored ko lang na tinanggap.
Ngayon naaalala ko na kung bakit ako umuwi sa amin, dahil si Thower ang may dahilan.
"Well, what about him?" bored kong tanong. So my plan is, uubusin ko na lang tong kinakain kong spagetti at pagkatapos ay basta ko na lang syang iiwan para hindi ko na marinig pa ang sasabihin nya tungkol sa lalaking yon.
Easy piece-y,right?
"Hindi mo ba nabalitaan na nagkabalikan na daw sila ni Ariami Alcantara or also called Yamie Alcantara ---" hindi ko na pinatapos ang sinasabi nya ng agad na akong tumayo at dinala na ang pagkain ko at nagsalita ng lame excuse.
"Ayoko na, masakit na ang tyan ko"
"At di lang yon ha, ang sabi sabi ay may ginagawa daw silang romantic series kung saan gaganap silang childhood friends na forbidden ang relationship" masaya pang saad ni Starie na parang konting kilig pa ay maghuhugis puso na ang kanyang mga mata.
Hindi ko na lang sya uli pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko papunta sa may lababo. Nakakawalan na talaga ng gana ng marinig ko ang pangalang Thower plus idagdag mo pa dito ung pangalan ng babaeng suking suki kay Thower.
Dahil kung hindi ako nagkakamali, yang Yamie Alcantara na ring yan ang dahilan kung bakit naging ganyan si Thower .. 2 years ago.
Kwento ng kwento lang si Starie habang nakasunod sakin pero nung naibaba ko na ang pinggan sa lababo ay tingnan ko sya ng diretso.
"Starie, wala ka na bang sasabihin pang iba dahil kung wala na ay itutuloy ko na ang trabaho ko dahil marami pa akong aayusing papeles sa table ko" masungit kong saad.
"Aber! Kelan ka ba natutong maging workaholic ? Parang nung nakakaraan lang ay gustong gustong mong maglunch at magkwentuhan tayo pero ngayon --"
"It is because you suddenly bring up a topic about a person na ayaw kong makita o marinig man lang. " padabog kong saad at pamartyang pumunta sa may elevator.
Nakakainis naman kasi. Gusto mong ienjoy ang sarili mo dahil alam mong nananatili parin ung sakit pero nandyan naman ung kaibigan mong mang-aasar pa.
Hapon na ako natapos sa ginagawa ko at saktong uwian ay natapos ko ito. Inayos ko na ang mga gamit ko at pagkatapos kong ilagay ang bag ko sa balikat ko ay syang pagkakita ko sa aboridong mukha ni Sir Calvin.
"Sir .." tawag ko sa kanya na syang paglingon naman nya sakin.
"O, Monique, hindi ka pa ba uuwi?" suddenly ay nag-lighten ang mukha ni Sir Calvin pero konti lang.
"Papauwi na rin kaso .. Sir, may problema ka ba? Para kasing .."
Tumungo si Sir Calvin dahilan para maguluhan at kumunot ang noo ko.
"Ahh .. Monique, can I tell you a secret"
Wala sa sariling napatango ako. Marahil na rin sa ngayon ko lang nakita si Sir Calvin na ganito.
"SHE's your-- What?" medyo malakas kong boses na tanong dahilan para pagtingnan na kami dito sa coffee shop. Hindi ko na lang sila pinansin dahil sabi nga ng kapatid ko sakin na hindi ko na uli sila makikita kaya bakit ako mamomoblema.
"Yes, It's true. I rejected the marriage na gusto nyang mangyari. Gusto nya ako at gusto ako ng pamilya nya para sa kanya at gusto ko rin ng pamilya ko si Yamie dahil kababata ko sya at kilalang kilala daw namin ang isa't isa" kinuha ni Sir Calvin ang kape nya at ininom ito. Sinundan ko lang yon ng tingin ng may bigla akong naisip na ideya.
"Wait, diba Sir ang sabi mo kababata mo si Yamie bakit hindi ka na lang pumayag sa kagustuhan nya tutal hanggang ngayon ay gusto nya paring pakasalan ka diba?"
Yeah. This is my plan. Masama bang bakuran ko na ang dapat kong bakuran. Kung papayag si Sir Calvin dito sa plano ko ay nababalik uli sakin si Thower at magiging uli at happy ending uli kami.
"Magandang plano yan kaso nga lang ay hindi ko gusto ko si Yamie at ang gusto ko ay ikaw. Alam kong alam mong matagal na kitang gusto" hinawakan nya ang magkabilang kamay ko pero agad ko rin itong binawi.
At nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Sorry Sir, alam ko rin na alam mong si Thower lang ang mahal ko at sadyang hinihintay ko lang na tuparin nya ang pinangako nya sakin at magiging masaya na ako" hindi ko na napansin na isa isa na palang nagsibagsakan ang mga luha ko.
"Monique, hindi ka ba napapagod za kahihintay? It's been 7 years. 7 years kung saan hanggang ngayon ay hindi parin nya tinutupad ang pangako nya sayo"