Marahas kong pinunasan ang mga luha ko. At nanatili akong nakatingin sa kanya at hinihintay ang magiging sagot nya.
"Kung meron man o wala ay wala ka ng pakialam dun. Wala kang pakialam sa buhay ko at kahit maging asawa pa kita ay mananatili kang walang karapatan. At kahit kailan ay hinding hindi ka magkakaroon ng karapatan." tinalikuran na nya ako at aalis na sana sya ng tuluyan ng muli syang nagsalita na syang sandaling nagpatigil ng tibok ng puso ko.
"Pero dahil sa naaawa ako sayo ay ako na ang gagastos para sa walang kwentang kasalang yan. Ako na ang mag-aayos sa lahat pero tandaan mo araw araw mong pagbabayaran ang magiging kagastusan ng kasalang yan. At para malaman mo pagkatapos pa ng limang buwan ang araw ng kasal kaya may panahon ka pang umurong" at pagkatapos ay umalis na sya.
Lalo akong umiyak at humagulgol na ako dito. Wala na talaga ako para sa kanya.
UMUWI AKO NG bahay na para akong nawalan ng isang parte ng katawan. Masyadong masakit na kalaunan ay para na akong naging manhid sa sakit.
Naaalala ko pa ung mukha ni kuya Jess, naalala kong mas matanda pala sya kay Thower ng ilang segundo kaya ibig sabihin ay mas matanda sya kay Thower.
Puno ng lungkot ang mukha ni Kuya Jess. Hindi ko na napigilan sa sarili ko na lalong mapaluha at yakapin na lang sya.
"WHAT??!!" malakas na saad ni Starie dito sa canteen habang naglu-lunch ako. Nanlalaking mata ko syang nilingon at nalaman ko rin na hindi lang pala ako ang napalingon kay Starie na patuloy parin sa kanyang pagtili habang nakatingin sa hawak nyang phone.
Mukhang may pinapanuod sya pero hindi ko lang sya pinansin at ibabalik ko na sana ang aking pagkain ng bigla nyang hilahin ang mukha ko at ipamukha sakin ung pinapanuod nya.
"OMG, Girl, napanuod mo ba na ito? " at lalo nyang ipinamukha sakin ang video na pinapanuod nya sa youtube.
Tahimik ko lang pinanuod ang video kung saan masayang hinaharana ni Thower si Yamie habang nagpl-play sya ng guitar at ikinakanta ang kantang 'Forevermore'
Pagkatapos kantahin ni Thower ang nasabing kanta ay niyakap nila ni Yamie ang isa't isa at nagpalakpakan ang mga tao.
At dahil na rin sa nakaramdam ako ng pagkirot ng parte sa bandang puso ko ay nag-iwas na ako ng tingin at binalik ko na lang ang aking atensyon sa kinakain ko.
Marahas ko na lang na kinagat ang pasta na kinakain ko. Ayokong makikita ni maririnig ang pangalan ni Thower dahil nagbabalik lang sa alaala ko ung nangyari kahapon.
Masyado lang masakit isipin. Isiping wala naman talaga akong halaga para sa kanya.
"Girl, alam mo ba na 10 times na pinanuod ko itong clip na to. Grabe, kagabi ang first episode ng palabas na yan at halos nasa kalahating milyon na ang views ng maikling clip na yan sa youtube."
Patuloy parin sa pagsasalita si Starie ng napagpasyahan ko ng tumayo at iwan na sya. Tutal naubos ko na naman ung kinakain ko dahil sa inis na nararamdaman ko.
Tahimik lang akong nagmartya papunta sa may elevator ng sinundan na ako ni Starie. Hindi parin sya tumitigil sa kanyang pagsasalita ng samaan ko na sya ng tingin pero hindi parin sya tumigil kaya sinamaan ko muli sya ng tingin at nagsalita na rin ako.
"Kung mananatili kang ganyan, pwede lang ha, kung pwede lang ay iwan mo na muna akong nag-iisa"
And since that day ay mas iginugol ko na lang ang panahon ko sa pagtatrabaho. Ang apat na buwan ay parang hanging dumaan ng mabilis na halos hindi ko namalayan.
Lagi ko na lang kasama si Sir Calvin tungkol sa trabaho at kung minsan naman ay nalalaman kong palihim na pumupunta si Yamie sa opisina nya. Pinagwalang bahala ko na lang ang lahat at tinatak sa puso't isipan kong wala akong nakita at dapat kong gawing abala ang sarili ko.
Sa loob ng apat na buwan ay napapansin kong napapalayo na rin ako kay Starie. Hindi na rin ako masyadong nakikihalobilo sa mga katrabaho ko at maging sa bahay ay hindi na rin ako masyadong lumalabas ng bahay.
Pakiramdam ko ay nabubuhay akong bangkay.
"Sir, pinatawag nyo po ako?" tanong ko pagkapasok ko sa opisina ni Sir Calvin.
Hindi ko na rin napansin na hindi ko pala nabitawan ang hawak kong dalawang long folder nung tinawag ako ni Sir kanina.
"Yes. Please, have a seat" tiningnan ko muna si Sir Calvin. Gusto kong bumalik na lang sa trabaho ko kung makikipagkwentuhan lang sya sakin.
"Sir, please kung makikipagkwentuhan ka lang sakin. Please, I pass, marami pa akong gagaw--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng seryoso na akong tingnan ni Sir Calvin at tumikhim sya ng buong awtoridad.
"This is the very reason kung bakit pinapunta kita dito. Look, Alam kong may problema ka and I can see that, It's been 4 months since naging ganyan ka. At ang sa akin lang ay bilang isang taong nagmamahal sayo ay nag-aalala ako para sayo. At dahil dito ay napag-isipan kong bigyan ka ng 1 week leave, kailangan mo munang magpahinga. Masyado ka na atang stressed out sa trabah--"
"Sir Calvin, you don't need to do this. Kaya ko naman ee. Actually, I am able to do anything. Kahit ano. Kahit ano" tumungo na ako at palihim na naikuyom ang kamao ko.
Thower is the very reason kung bakit mas pinili kong maging ganito. Naisip kong kaysa maging pabigat ako sa pamilya ko ay igugol ko na lang sa trabaho ang lahat.
I want to feel numb all over my body. I want to feel numb in my heart.
"The way you speak. The way you talk. Maraming pinagbago sayo ng pinagdadaanan mo, Monique. Kaya please kung ayaw mong tanggapin ito as your boss, tanggapin mo lang ito bilang isang kaibigan ang nagbigay sayo"