HinovelDownload the book in the application

Chapter 6

"Isang timbang laway?" kunot noong tanong ko na syang ikinatawa nya.

"Kahit kailan ka talaga, Monique, hindi mo makuha ang jokes ko" at awkward na lang akong tumawa.

Kasalanan ko ba kung hindi ko masyadong naintindihan?

LUMIPAS ang oras at lunch time na. Kasalukuyan kong inaayos ang gamit ko ng basta na lang may humila sakin dahilan para lingunin ko yon at hindi na ako nabigla ng makita ko ang ngitit abot tenga ni Starie.

Mahigpit ang pagkakahawak nya sa pulso ko na parang ayaw na nya akong bitawan pa.

"Starie, ano ba!" inis kong saad na syang hindi nya pinansin.

Naiinis ako dahil kanina ay naalala ko na naman si Thower tapos ngayong lunch time kung kailan nagugutom na ako at gusto ko ng kumain ay basta na lang akong hihilahin ng isang 'to.

"Wag ka ng mag-inarte. For sure, matutuwa ka kaya sumama ka"

Siguro ay masyado lang akong nalulungkot o nagugutom dahil pumayag akong magpahila kay Starie hanggang sa lumabas na kami ng building ng company. Nginitian pa kami ni kuyang security guard.

Pinagpatuloy nya lang ang paghila sakin hanggang sa itinigil nya kami sa tapat ng isang nakasaradong gate ng magarang bahay. Maraming truck dito sa may gilid at meron ding mga staff na kanina pa naglalakad at binubuksan ang gate. Kitang kita mo rin ang mga cable sa sahig.

Marahas kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Starie at tiningnan ko sya ng masama. Pero mukhang hindi sya tinamaan dahil nanatili ang mga ngiti nyang yon.

"Tell me, bakit mo ako hinila dito?" naiinis na tanong ko habang napasapo sa noo ko.

Alam ko sa sarili kong gustong gusto ko ng makita si Thower pero hindi sa ganitong paaraan. Dahil alam kong hindi sya matutuwa pag pumunta ako sa mga ganito. Sekreto ang relasyon namin at gusto nyang manatili itong sekreto.

"Ano kasi .." hindi tinuloy ni Starie ang kanyang sinasabi ng basta na lang nya tinuro ung lalaking may hawak na camera na papasok sa magarang bahay.

Nag-cross arms na ako at siningkitan na ng tingin si Starie.

"Akala ko ba, ayaw mo kay Thower pero bakit ngayon?" tiningnan nya lang ako ng masama at umirap pa.

"For your information, Nandito ako para kahit konti ay makita ko ang ligaya sa yong mga mata hindi yung idadamay mo pa ako. Saka, sakripisyo itong ginagawa ko para yo"

Natigilan naman ako at pinilit kong hindi tumawa. Ayokong tumawa. Napaka lame ng excuse nya na maging four years old ay hindi maniniwala.

Pero dahil nga sa ayaw ko syang masaktan ay pinaniwala ko syang naniwala ako sa sinabi nya.

Umiling iling ako at nilingon na lang ang mga crew na ipinapasok na ang mga gamit sa loob ng magarang bahay.

Nang basta ko na lang naramdaman na may humila ng kamay ko papasok sa loob ng magarang bahay.

"Tara na!" hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nagpahila.

Siguro ay hindi kami napansin ng mga crew dahil wala man lang sumita samin.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free