HinovelDownload the book in the application

Chapter 7

"Ito ang gagawin mo. Dapat .." sabi ng director sa mga extra sa may likuran, kaya tuluyan na kaming pumasok ni Starie sa loob ng magarang bahay.

Napakaganda naman dito sa loob. Mabuti na lang at pumayag ung may-ari ng bahay. Dahil kung titingnan mo ay halos nagkalat ang wires sa sahig dito sa bahay pero nananatili ang kagandahan ng bahay.

Nilibot lang namin ni Starie ang buong set ng may narinig akong isang pamilyar na boses at base pa lang sa pagsasalita nito ay halatang galit ito.

"What on earth are you doing here?" agad akong napalingon dun sa nasalita. Nasa harapan ko na pala sya at sandali akong natigilan.

Grabe! Ung pakiramdam na gusto ko syang makita kaso hindi pwede tapos heto sya ngayon nasa harapan ko at halos magsalubong na ang dalawa nyang kilay dahil sa galit.

"T-thower?" nauutal kong bigkas ng pangalan nya pero hindi nagbago ang emosyon nya at tila mas lalo pa syang nainis.

"Sino pa ba? Autumn, anong ginagawa mo dito? Diba ang sabi mo sakin--" hindi na natuloy ni Thower ang kanyang sinasabi ng biglang dumating si Jess na may dalang coffee at inabot kay Thower.

"Bro, heto kape mo oh" pagka-abot ni Jess ng kape kay Thower ay nabaling naman ang tingin nya samin ni Starie. Na sa tingin ko ay nagliliwaliw ang diwa ni Starie.

"Bro, parang namumukaan ko s--"

"Hindi! Hindi mo sya namumukaan dahil isa lang naman syang fan na patay na patay sakin at aalis na rin sya" at naging mabilis ang pangyayari at basta na lang akong tinulak papalabas ni Thower.

Na sa sobrang lakas ng pagkakatulak nya ay sumalubsob ako sa sahig. Napahimas tuloy ako sa pwetan ko, aray!. Nangiwi na rin ako sa sakt.

"Girl, seryoso ka bang boyfriend mo ang lalaking yon? Para kasing hindi, kasi tingnan mo kung paano ka nya tratuhin" Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Starie at tumayo na ako at sandaling pinagpag ang damit ko at nagsimula na akong maglakad pabalik ng company.

Nasayang lang ang oras ko, Sana kasi kumain na lang ako ng lunch.

NATAPOS ng lahat ng trabaho ko ay eksaktong ala singko ng hapon. Niligpit ko na ang gamit ko at lalabas na sana ako at sasakay na sana ng elevator ng nakita ko si Starie na papunta sa direksyon ko dahilan para tumigil ako.

"Girl, okay ka lang ba?"

Hindi ko na lang sya pinansin at kinuha ko na ang gamit ko at pinagpatuloy ang paglalakad papasok sa elevator. Nakakapangtamlay lang kasi ung sinabi nya. Pakiramdam ko hindi ako tao kung paano nya ako ituring kanina.

"Monique, hindi ka pa umuuwi?" napalingon ako dun sa nagsalita. Si Sir Calvin pala. Kalalabas nya lang sa opisina nya. Nakangiti sya pero hindi ko pinansin yon at blangko ko lang syang tinignan.

"Girl naman,ee" pangungulit ni Starie pero hindi ko lang sya pinansin at tumalikod na ako. Na mukhang napansin ni Sir Calvin kaya tinawag nya ang pangalan ko. Sandali akong tumigil sa aking paglalakad at hindi ko na sya nilingon pa dahil wala ako sa mood gawin yon.

"Monique, ako na ang maghahatid sayo pauwi"

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free