HinovelDownload the book in the application

CHAPTER 4

YAMOT na nagkamot ng sariling-ulo si Chantal habang walang habas sa pagpipindot sa kanyang tablet. Merienda time niya pero hayun siya sa nurse station at nakikipag-chat sa kung sinu-sinong online sa facebook account. Patatlong araw na magmula ng magsara ang kasunduan nila ni Zuriel Andreau pero magpahanggang ngayon ay wala pa din siyang nai-i-date. Kung bakit ba naman kasi napakadaming rules ang inilakip nito sa hamon sa kanya?

Unang-una na ang bawal siyang magyaya, dapat ay ang lalaki ang magyayaya sa kanya. And she should record the conversation or anything that will serves as proof. Inalis rin nito sa listahan si Drake kaya’t walang silbi kung pauunlakan niya ang pabirong pagyayaya sa kanya ng huli. At ang pinakamabigat sa lahat ng rules na ipinatong nito sa kanya ay hindi niya maaaring ipaalam maski kanino ang tungkol sa dare na iyon.

Kung lalabag siya sa mga rules nito, katapusan na ng lahat. Isa lang naman ang magiging parusa, hinding-hindi na siya maaaring magpa-cute, magpapansin o harutin ito. Di bale nang matalo siya sa dare nila, huwag lang iyong lumabag siya sa rules. Kung matalo man siya, ang tanging parusa ay di niya tatanggapin si Drake bilang manliligaw dahil playboy daw iyon, pero maaari pa din niyang harutin si Zuriel Andreau maski hindi siya mai-date nito. Kung manalo naman siya ay mas lalong pabor dahil magiging consistent date niya ito for three months. Sa ganoon, maaari niyang ipagmalaki sa mga kaibigan na napa-oo niya si Zuriel Andreau.

Pero kung ganitong patatlong araw na at wala pa din siyang nai-idate, mukhang malabo nang manalo pa siya sa dalawang hamon na tinanggap niya. Hamon ng mga kaibigan niya at ang hamon ni Zuriel Andreau sa kanya.

“O, bakit sambakol ang mukha mo diyan, Chantal?” puna ng isang kasamahan niyang napadaan roon sa nurse station. Si Marcia.

Pumasok ito roon at kinuha ang mga folders ng mga pasyenteng naka-assign dito. Lahat ng mga psychiatric nurse roon ay may kanya-kanyang assigned patients. Kumbaga ang lahat ng mga na-aadmit sa ospital nila ay may dalawa o tatlong personal nurse. Hindi naman kasi mga basta-bastang tao ang nagpapa-admit roon. Karamihan sa mga iyon ay mga mayayamang negosyante na nabaliw sa pagkukwenta ng mga nawalang salapi, naging gahaman sa salipi, di kaya naman ay mga iniwan ng mga mahal sa buhay at inabuso ang kabaitan. Mayroong biktima ng karahasan na nauwi sa pagkabaliw. Mayroon ding mga anak-mayamang teenagers na may mga malalang down syndrome.

Sa kaso ng ama ni Zuriel Andreau, kabilang iyon sa iniwan ng mahal na asawa matapos limasin ang kayamanang pwedeng makuha rito sa legal na paraan nang hindi nito namamalayan. At dahil ang pag-ibig nga raw ay nakakabaliw, hayun at nauwi ang kawawang ginoo sa pagkasira ng utak. Mabuti na lamang at hindi ito pinabayaan ng mapagmahal na anak na si Zuriel Andreau.

At maigi nalang din na nasiraan ito ng bait, kung hindi ay hindi niya alam kung ano ang gagawin ni Prince Destiny para magkatagpo ang landas nila ng gwapong negosyanteng si Zuriel Andreau.

May-ari ng isa sa pinakamalalaking call center sa bansa ang pamilya nina Zuriel Andreau. Dahil nagkandaleche-leche nga ang patakbo ng ama nito sa negosyo noong bulag na bulag pa iyon sa pag-ibig ay kamuntik na iyong bumagsak. Maigi na lamang at bumalik sa bansa si Zuriel Andreau. Ito ang nag-take over sa lahat ng naiwan ng ama. Sa pagkakaalam pa niya, nasa Amerika ang binata at piniling doon manirahan ng magpasya ang ama nito na mag-asawa muli. Maaga kasi itong nabalo sa ina ni Zuriel Andreau.

“Oy, Chantal, kanina pa akong nagsasalita rito, ni hindi mo ako pinapansin.” Narinig niyang untag ni Marcia at tinapik ang braso niya.

Marahang ipinilig ni Chantal ang sariling ulo. Kung saan-saan na naman naglamyerda ang utak niya. Kaharap nga niya ang tablet pero wala naman doon ang concentration niya. Kunsabagay, sobrang tagal naman kasing mag-reply ng ka-chat niya.

“Marcia, may kilala ka ba na pwedeng i-date?” tanong niya.

“Ha?”

“Kailangan ko ng ka-date. Kahit sino. Kahit yung hardinero niyo, basta ba gwapo ha?”

Napabunghalit ng tawa si Marcia. Iniisip marahil nito na nagbibiro lamang siya. “Bakit? Suko ka na kay manong na pogi mo?” pang-aasar nito sa kanya.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng kahit na sino na napakatagal na niyang inaaya ng date si Zuriel Andreau pero hindi naman siya pinapansin. Maski nga ang mga iyon ay nagtataka na rin. Halos lahat na yata ng mga kababaihang nurse roon ay nai-date na ng binata, maliban lamang sa kanya. Maski nga mga nag-o-OJT lamang roon na nagpapapansin lamang rin kay Zuriel ay pinapatos ng binata, subalit siya ay hindi. At nakadaragdag iyon sa hinanakit niya sa bruhong lalaki. Para na din kasi nitong ipinamukha sa kanya na wala siya sa kalingkingan ng kahit na sinong naroroon.

“Well…”

“Mabuti naman at natauhan ka na din Chantal. Napakahabang panahon na ang sinayang mo para kay Zuriel, ganyang napakadaming lalaki rito na nagpapapansin sayo. Pero dahil wala ka ng bukambibig kundi si Zuriel kaya ayan, nabahag na ang buntot nila.”

Nagulat si Chantal sa sinabing iyon ni Marcia. Marami ba talagang nagpapapansin sa kanya?

Parang wala naman eh.

O baka kaya hindi niya lang napuna ay dahil masyadong nakatutok ang kanyang atensyon sa iisang tao.

“Bakit nga ba naghahanap ka pa ng ibang ka-date eh nandyan naman si Doc. Drake. Palagi ka niyang niyayayang lumabas, pero tinatanggihan mo naman.”

“Hindi kasi siya pwede eh.”

“Ha? Anong hindi pwede?” tila naguluhan ito sa sinabi niya. “Siya nga ang nagyayaya sayo, hindi ba?”

“Oo nga… what I mean is, ayoko sa kanya. Sa iba nalang.” Pagpapalusot niya. Kamuntik pa siyang madulas dito. Mabuti nalang at mukhang nakalusot naman siya base sa reaksyon nito.

“Ang choosy mo naman! Si Doc. Drake na iyon, tinatanggihan mo pa? I doubt kung makakakuha ka pa ng date. He’s one heck of a man, Chantal.”

“I know…”

‘Kung alam mo lang, Marcia. Bwisit naman kasing Zuriel Andreau ‘yan eh. Magba-banned nalang ng lalaki, si Drake pa!’

“Basta ayoko nga sa kanya! Ganito, ipakilala mo nalang ako sa mga lalaking pinsan mo—”

“Speaking of male cousins, dadating si Regine dito mamaya para dalhin ang invitation ng wedding ng ate niya.”

“Regine?” napangiwi siya. “Sigurado kang lalaki yung Regine?”

“Oo. Bakit?”

“Bakit pambabae ang pangalan?”

“Hay naku! Huwag mo na ngang intindihin ang pangalan niya. Basta! Mamaya, ipapakilala kita sa kanya.”

Tumango siya habang nag-iisip pa din.

“O siya, maiwan na kita at pupuntahan ko lang ang mga pasyente ko.” Saglit na sumulyap ito sa kung saan pagkuway malapad na ngumiti sa kanya. “And if you ever change your mind, inform me.”

May inginuso ito sa kung saan. Sinundan naman niya ng tingin ang itinuturo ng nanghahabang nguso nito. At hayun nga, papalapit na naman ang lalaking dahilan kung bakit nagbibilang siya ng mga eyebags nitong nagdaang mga gabi.

Hindi niya pinansin ang papalapit na si Zuriel Andreau. Muling tumutok si Chantal sa kanyang tablet. Sa pagkakataong iyon ay may reply na ang ka-chat niyang si Heath.

‘R u free 2nyt?’

Malapad na napangiti si Chantal. Sa wakas ay may maganda na ding ibinunga ang tatlong araw at tatlong gabi niyang itinutok sa internet.

‘Yes. Why?’ reply niya maski ang totoo ay nahuhulaan na niya ang sunod nitong sasabihin.

‘Let’s meet and eat somewhere.’

“Ang bilis mag-reply ha?” nasabi niya.

Hindi na siya magtataka. Basta interesante na ang topic, kay bilis mag-reply ng mga ka-chat niya.

‘You mean… a date?’

‘Yes. Okay lang ba?’

“Nagkita na ba kayo ng Heath na iyan? Magkakilala kayo? Kailan pa?”

Bigla ang ginawa ni Chantal na paglingon sa nagsalitang si Zuriel Andreau. Nakasilip na pala ito sa ginagawa niya. Base sa tono ng pananalita nito ay hindi ito masaya. At bakit nga ba ito magiging masaya kung ang ibigsabihin ng ginagawa niya ay may laban siya sa hamon nito? Hindi nga ba’t kaya naman nito nilagyan ng sandamakmak na rules ang dare nito ay para hindi siya manalo?

“Well, oo. Nagkita na din kami. Ngayon lang, dito sa pektyur.” Nakangising ipinakita niya rito ang profile picture ni Heath. I-z-in-oom pa niya iyon. Ewan nalang kung hindi pa ito maduling dahil sa sobrang lapit sa mukha nito ang tablet niya.

Naiirita namang inalis iyon ni Zuriel Andreau. “So, nag-usap din kayo sa picture?” he asked in sarcastic tone.

“Yep! Gusto mong makita ang conversation namin? Ay! Nakita mo na nga pala. Naninilip ka diyan kanina pa ah. At dahil diyan… tentenenententen…” malapad na ngumiti siya sa binata. “May date na ako. Bilangin mo ha?”

“Tss.” Nakita niyang tila naaaburidong hinimas ni Zuriel Andreau ang sariling sintido.

Ano na namang problema nito?

Obviously, hindi nito ikinakatuwa ang isang magandang balita para sa kanya. Sinimangutan nga niya ito. Hindi pa siya nakuntento. Nang hindi ito mag-react ay pinukol niya ito ng matalim na irap saka muling binalingan ang tablet.

Magti-tipa na sana siya ng sagot sa ka-chat ng mapansing wala na sa kamay niya ang kanyang gadget.

Ang magaling na bruhildo, naagaw na nito sa kanya ang tablet ng di siya naabisahan. Hindi niya tuloy nagawang iiwas iyon bago pa man nito agawin.

“Zuriel Andreau, ano ba? Wala sa rules na hahadlangan mo ang paghahakot ko ng date.”

“Nasisiraan ka na bang talaga?” yamot na sikmat nito sa kanya. “You barely knew the guy!”

“You… barely knew him. Ako, kilala ko na siya.” pagtatama ni Chantal sa sinabi ni Zuriel Andreau. “Siya si Heath, 29 years old, single and available. Isang taon lang ang tanda mo sa kanya, at isang paligo lang din ang lamang mo kung sa larangan ng pagwapuhan, pero pwede na din siyang pagtyagaan. Anyway, wala ka namang sinabi na dapat, puro kasing gwapo mo ang mga ide-date ko.”

“You’re crazy! Makikipag-date ka sa di mo lubos na kilala?”

“So?” Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Matagal na akong baliw. Three times a day mo ngang sinasabi sa akin na “mas malala pa ako sa mga pasyente ko,” na para bang maintainance medicine ko iyon sa isang malalang sakit. And duh? Like you’ve included to the rules that I’m not allowed to date a guy I barely knew? Ang sabi mo lang, I should beat 10 dates in two weeks. And I’m on my way in accomplishing my mission. Bakit ka ba nangingialam sa strategy—?”

“Chantal, right?”

Sabay silang napabaling sa bagong dating.

“Yes, do I know you?”

“I’m Marcia’s cousin. Kakatawag niya lang sa phone ko. Nandito ka nga daw at nag… nag-iisa ka daw.” Napatingin itong saglit kay Zuriel Andreau na ngayo’y hindi na maipinta ang pagmumukha.

“Regine?” pagkumpirma niya.

“Yes, ahm, pwede ka ba bukas?”

“Oh…” tanging nasabi niya.

‘Kapag inuulan ka nga naman ng swerte. Ang bilis talaga ni Marcia. Alam na alam ang gagawin.’

Ngayon ay dalawa na ang kanyang date. Siyam nalang at malalagpasan na niya ang 10 dates na dare nila ni Zuriel. Nine more dates to go and Zuriel will be hers!

“Yeah. What time? 5pm pa kasi ang out ko—”

“Excuse me, bro.”

“Wait! Ano ba, Zuriel Andreau..?”

Naputol ang pakikipag-negosasyon ni Chantal kay Regine nang pumagitna sa kanilang harapan si Zuriel Andreau upang pigilan ang kanilang pag-uusap.

“Mag-usap tayo, Yvonne.” Baling nito sa kanya at nagpatiunang naglakad palayo.

“Bakit na naman? May pahabol ka na namang ilalatag na rul—”

“Chantal Yvonne Villacorte!” saway nito sa paglilitanya niya ng hindi man lamang siya nililingon. Nakapaloob sa mga bulsa ng slacks nito ang mga kamay nito kaya’t sigurado siyang naiirita na naman ang binata.

Mabilis na nagpaalam siya kay Regine at sinundan si Zuriel Andreau. Sa malawak na lawn na naman ng mental sila humantong na dalawa.

“Ano ka ba? Baka makaalis si Regine! Second date ko pa naman siya. Baka makaurong—

“You are really trying my patience, Yvonne!” Nagulat siya sa galit na tono ni Zuriel Andreau. Hindi niya tuloy mahulaan kung naiinis lang ito na matatalo ito o talagang desidido itong hadlangan ang pagkapanalo niya sa dare nila. “Sa ginagawa mong iyan—”

“Lalong bumibilis ang pagtanda mo?” nang-iinis na putol niya sa sinasabi nito. “Tingnan mo o,” inabot niya ang noo ni Zuriel Andreau at balewalang hinaplos iyon. Ang totoo, strategy niya minsan ang kunway walang malisyang pang-iinis rito para maski papaano ay makapanatsing siya sa binata. “Lumalabas ang mga wrinkles mo. Ang dami mo ng guhit sa noo mo, sige ka—”

Pinalis nito ang kamay niya. “Don’t interrupt while I’m still—”

“At iyon din ang inaasahan ko sayo! Huwag ka ding sumingit habang nagsasalita pa ako! Ikaw diyan ang nauna. Ayaw mo akong patapusin kaya hindi din kita patatapusin!” pasigaw na hayag niya.

Tila natauhan naman si Zuriel Andreau ng sigawan na din niya ito. Natahimik kasi itong bigla. Mabuti nalang at walang mga nagkalat na pasyente kundi ay malamang na nagkagulo na dahil sa pagsisigawan nila.

“Bakit na naman ba? Ano bang ginawa ko at nagagalit ka sa akin?” naitanong niya nang mapansing natitigilan pa din si Zuriel Andreau. Napalakas nga yatang talaga ang pagsigaw niya rito kaya natameme ito. Hindi naman niya kasi ito dating sinisigawan kaya malamang ay nanibago ito sa kanya.

“What are you thinking dating those guys you just met seconds ago?”

Maigi pa yatang hindi nalang siya nagtanong. Bumalik na naman kasi sa pagkairita ang tono ni Zuriel.

“Ah hindi. Yung isa, hindi mo pa man lang nakakaharap. Online lamang. Paano kung poser yun? Paano kung—”

“So? I’m just doing my best to win you.”

“I just said don’t interrupt when I’m still talking.”

“Okay.” Balewalang tugon niya sa nayayamot na binata.

“Fuck! Let’s stop this!” tumaas ang dalawang kamay ni Zuriel Andreau na tila hindi alam kung saan ipapatong o paano papaganahin. Pagkuway dalawang mga kamay na nito ang sumasabunot sa sariling buhok.

Nagdalang-habag naman siya sa anyo ng binata. Sa palagay niya, may tendency na itong mag-breakdown sa pakikipag-usap sa kanya. Madalas na mangyari iyon, lalo na kapag ganoong hindi ito manalo sa kanilang mga argumento kapag may mga panahon na iniinis niya ito. Ang ipinagtataka din lang niya, kung bakit ba ito humahadlang sa pag-accomplish niya sa dare nila. Bakit ba ayaw nitong makipag-date siya? Dahil ba sa ayaw nitong manalo siya at tatlong buwan na pagtitiisan ang presensiya niya?

“Let’s stop this damn dare!”

“What?” biglang nataranta si Chantal.

Sinasabi na nga ba’t ayaw nitong manalo siya. At hindi maaari yun. Kung kelan umaayon na sa kanya ang pagkakataon, saka pa nito puputulin iyon?

“That’s unfair! Paano pa kita magiging date niyan? At, teka nga lang. Wala nga pala akong idineclaire na parusa mo in case ikaw itong mag-quit. Paano naman ako?”

“Fine! You won! Ang parusa ko, maging date mo maski hindi mo natapos ang task!”

‘Parusa ang maging date mo ako?’

Hindi yata naging maganda sa pandinig niya ang sinabi nito. Kasuklam-suklam bang makasama siya nito sa isang mesa at makasabay kumain? Parusa bang makasama at masolo siya nito kahit tatlong oras lamang sa isang araw?

“Nakakasakit ka na ng damdamin ha? Pwede ko namang ituloy ang task para hindi ka maparusahang makasama ako.” Masama ang loob na saad niya.

“Ganoon din naman iyon, magiging date din kita kapag natapos mo.”

“Paano kung hindi ako manalo? Eh di libre ka.” Mapait na hamon niya. “Bakit ba pinipigilan mo pa ako?”

Bigla itong natigilan. Tila naisip din nito ang point niya. Gusto niya tuloy pukpukin ang sarili. Bakit nga ba hindi nalang siya umoo? Maski pa anong sabihin nitong masasakit na salita, dapat na tinanggap nalang niya. Atleast, magiging kanya ito ng walang kahirap-hirap.

“Well… it’s just that… that… Ano…” kandautal na hayag ng binata na ikinataas naman ng kilay niya.

Kailan pa ito nautal at nawalan ng ipupukol sa kanya?

“That?”

“Hays. Ano ka ba naman?!” Bumalik sa pagkainis ang tono nito. “Ayoko lang naman na masisira ang buhay mo dahil sa walang kwentang dare na iyan. Sa ginagawa mong planong pakikipag-date kung kani-kanino, sisirain mo pa ang sarili mo!”

Siya naman ang natigilan. He has a point.

And he cares for her!

Somehow, it feels like there’s a warm hand that touches her heart. Naging masarap tuloy ang pakiramdam niya sa sinabi nitong iyon.

“Oy… concern!” she teased him.

“No. I’m not. Ayoko lang na masisi sa bandang huli.”

“Ayaw pang umamin, huli na naman kita.”

“Tss. Diyan ka na nga!” Nagpasya na itong talikuran siya at humakbang palayo sa kanya.

Napangiti naman siya ng malapad habang minamasdan itong papalayo. Nagulat pa siya ng bigla itong lumingon. Salubong pa rin ang kilay nito habang ngiting-ngiti naman siya.

“The dare is over! Panalo ka na, kaya huwag ka ng makikipag-date sa Heath na ito.” Itinaas nito ang tablet niya para ipakita sa kanya. Pagkuway isinilid sa inner pocket ng coat nito. “At pati sa Regine na iyon.” Inginuso naman nito ang main door na papasok sa loob ng mental hospital. Naunawaan niya ang tinutukoy nito maski wala sa paligid si Regine.

Hindi siya sumagot at nanatiling nakangiti. Pinagmasdan lang niya ang pagsasalubong ng mga kilay ni Zuriel Andreau. Napakagwapo naman kasi nito sa kanyang paningin maski pa mabibilang na sandali lamang kung ngitian siya ng binata. Lahat na yata ng magagandang aspeto ng isang lalaki, mapa-panlabas o panloob ay naririto na. Paano bang hindi siya mawawala sa tamang pag-iisip kung parati niyang makakaharap ang kasamba-sambang binata?

‘Haist! You never failed to mesmerized me, baby.’

“Naririnig mo ba ako Yvonne?” sigaw pa rin ni Zuriel Andreau.

Nang hindi siya magsalita ay nakita niyang naglakad ito pabalik.

“Don’t you dare go on a date with any of these guys, Yvonne. Ayoko ng tinu-two time ako ng ka-date ko.” Sabi nito matapos makalapit sa kanya.

Wala sa loob na tumango naman siya. Not leaving the sight of a handsome face near him. The delicious manly smell of him that intruding her nostril made her feels heaven!

Oh! Heaven!

Parang gusto niya itong yakapin ngayong sobrang lapit lang nito sa kanya. Gusto niyang maghapong magbabad sa init ng mga braso nito. Kung ang kapalit ng isang saglit na mayakap nito ay habambuhay siyang pagsusungitan ng binata, tatanggapin niya. Maramdaman lang niya kahit sandali na nayakap siya ni Zuriel Andreau.

Nang bumaba ang mukha nito sa kanya ay napapikit siya ng wala sa oras. Was he going to kiss her?

Oh my God!

Higit pa yata sa hinihiling niya ang ibibigay nito! Napangiti siya ng malapad sa sarili. Para kasing kinikiliti ang puso niya habang naghihintay sa mainit na labi ni Zuriel Andreau.

“Make sure the thing I said was clearly absorbed by your mind. Madalas ka pa namang mawala sa sarili.”

Sa narinig ay mabilis na napamulat si Chantal. Nang makita niyang napakalapad ng pagkakangiti ni Zuriel Andreau ay nagdalang-hiya siya rito. At base sa pagkakangiti nito, alam niyang nahulaan nito kung ano ba ang ini-expect niyang gagawin nito.

‘Dem’ it to dih pit of hell!’

‘Ilusyonada kasi!’

Kung maaari lang, gusto na niyang lumubog sa mismong kinatatayuan. Hiyang-hiya talaga siya! Maski naman ipinagsisigawan niya sa lahat ang pag-ibig niya rito, hindi naman niya gugustuhing matuklasan nitong ganoon kalalim ang pagkahumaling niya sa binata na aabot pa sa pagpapantasya. Mas madalas kasing palabasin niyang biro lamang ang pagpoproklama niya ng damdamin. Maski papaano ay may iiwan siyang confusion rito kung totoo ba iyon. Para na rin sa kapakanan ng kanyang pride gayong lagi siya nitong tinatanggihan.

“Good day, Yvonne. Kita tayo bukas.”

Naglakad na ulit ito palayo sa kanya.

“Pisti ka!” Naisigaw niya matapos mabilis na mabawi ang sariling katinuan. “Ibalik mo ang tablet ko, Mr. Schmitz!”

Pero tila balewala naman sa binata ang halos maghurumentado na niyang boses. Itinaas pa nito ang kanang kamay at patalikod na kumaway. Lalo lang siyang nayamot sa ginawa nitong iyon.

Naisahan siya ng gung-gong!

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free