“FIRE IT.” Hindi napigilang saad ni Chantal sa kaharap na binata.
Kanina pa kasi itong nakatingin sa kanya na animo may gustong sabihin subalit tila nagdadalawang isip ilabas ang nasa isip.
Nasa pinakamalapit na grill restaurant sila at sabay na nanananghalian. Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng dalawang taong magkakilala at hinaharot niya si Zuriel Andreau, ngayon pa lamang nangyaring kumain sila sa labas ng magkasabay. Sa tuwing magyayaya kasi siya rito ng date, isang malutong na NO ang natatanggap niya. At dahil sapilitan lang naman itong pagpayag ng binata ngayon kaya sila nagkaroon ng pagkakataon na lumabas, hindi maituturing na date ang ginagawa nila.
They weren’t on a real date. Hindi niya masasabing first accomplishment ng Mission: Paibigin si Zuriel Andreau ang ginagawa nila. Though, inaamin niya sa sarili na talagang masayang-masaya siya ng mga sandaling iyon. Maski papaano kasi ay makakasabay niya ito sa pagkain at magkakasama sila ng mas matagal kumpara sa karaniwan.
Narinig ni Chantal ang mahabang pagbuntong-hininga ni Zuriel Andreau. Ilang sandali pa at nagsalita na ito. “Nanliligaw ba sayo si Doc. Drake?”
Nabitin sa ere ang tangkang pagsubo ni Chantal sa sariling pagkain. Nanibago siyang bigla sa tono ng pagtatanong ni Zuriel Andreau. Dati-rati ay wala naman itong pakialam sa kanya. Bakit ngayo’y nagtatanong ito ng ganoong bagay patungkol sa kanya?
And she saw something in his eyes that she can’t recognize at the moment. Para itong naiinis na nahihirapang ilabas ang sariling tanong.
Napaisip tuloy siya. May gusto siyang mapatunayan. Ano kaya kung magtahi-tahi siya ng kwento?
“Hindi pa.” kunway balewalang saad niya.
“Hindi pa? You mean, may balak siyang manligaw?” Nagdilim ang mukha ni Zuriel Andreau. Sa puntong iyon ay nagkakalaman na ang hinala niya.
“Ano sa palagay mo? Hindi ba’t halata namang gusto niya ako? I know, humahanap lang siya ng magandang timing para umeksena.”
“Tss! At balak mo siyang sagutin?”
Ngumisi siya ng malapad saka isinubo ang nabiting pagkain. Nakamasid lang naman si Zuriel Andreau sa kanya na tila hinihintay ang sasabihin niya. Nang hindi pa din siya nagsasalita ay nagsimula na naman itong bumanat.
“He’s a playboy, Yvonne.”
“Why are you condemning him?”
“Sinasabi ko lang ang opinion ko. Kilala ko ang mga katulad niya.”
“Because he’s one of your kind?” seryoso nang saad niya.
Hindi ito nakapagsalita. Marahil ay dahil aminado naman ito sa sarili. Sa loob ng dalawang taon, pinakyaw na yata nito ang mga babaeng psychiatric nurse ng mental hospital na pinagtatrabahuhan niya. Linggo-linggo kong magpalit ito ng idine-date. Basta’t mababalitaan nalang niya isang araw na ibang babae na ang niyayaya nitong lumabas. Ang hindi niya lang maintindihan, maski ganoon na alam ng mga babae roon ang reputasyon nito sa pakikipagrelasyon, patuloy at patuloy pa ring may nagpapabiktima rito. Ganoon nga yata talagang kalakas ang charm nito kaya’t maraming nagpapakatanga sa binata. At isa na nga siya sa mga iyon. Dahil maski ganoong alam niya ang likaw ng bituka nito at maski pinagsusupladuhan na siya nito, hindi pa din siya maawat sa paghabol kay Zuriel Andreau.
“I like him just how I like you, Zuriel Andreau. At dahil antagal ko ng nanliligaw sayo pero ayaw mo naman sa akin, mas maigi pa na sa kanya nalang ako. Kapag nanligaw siya, sasagutin ko siya agad.”
“You’re crazy!”
Pigil-pigil ni Chantal ang sarili na mapangiti. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang ibinabadya ng madilim na pagmumukha ni Zuriel Andreau. Nakasilip tuloy siya ng isang napakalaking pag-asa. As a psychologist, alam niya na posibleng ang dahilan ng pagsisintir nito ay selos. Hindi niya lang maintindihan kung bakit ayaw nitong umamin.
Tama nga kaya siya? O bunga lang ng kanyang malawak na imahinasyon ang konklusyon na iyon? Hindi ba’t wala na nga itong ginawa kundi pagsungitan siya habang sa ibang babae ay napakabait nito?
“What the hell is your problem with that?”
Dala ng huling naisip ay naging masama na naman ang kanyang mood.
“A-ako? May problema?” itinuro nito ang sarili na tila hindi makapaniwala. Lalo iyong nagpainit ng dugo niya. “Nah? Why would I care? Wala akong pakialam kung sagutin mo man siya o makipagrelasyon ka man sa kahit na sinong lalaki! Anong pakialam ko sa buhay mo? Buhay mo iyan eh. Bahala kang i-handle. Wala akong pakialam!”
“Talaga? Wala kang pakialam?”
“Oo. Wala akong pakialam.”
“Wala kang pakialam?”
“Wala!”
“Then why you’re mad?”
“What?”
“Come on, Zuriel Andreau. Aminin mo nalang kasi na gusto mo na din ako.”
Hindi niya alam kung paanong nagawa pa niyang ilabas ang mga salitang iyon gayong nayayamot na nga siya. Tahasan na naman kasi nitong sinasaktan ang kanyang damdamin sa pagtanggi nito.
“Umaandar na naman ang—”
“Tell me, wala ka talagang kailangan sa akin kaninang kunin mo ako kay Drake, hindi ba?” putol niya sa sasabihin ni Zuriel Andreau.
Natigilan ito. Matagal na nanatiling nakatingin lamang ito sa kanya na tila nakikipagsukatan ng titig. Hindi siya nagpatalo. Gusto niyang alamin kung ano ba ang nasa sa loob ng binata.
Sa huli, si Zuriel Andreau din ang sumuko. Pinagtuunan nito ng pansin ang sariling pagkain.
“Aminin mo na kasi ang totoo. Bakit ba napakahirap sayo na gawin yun?”
“Fine!” yamot na bumaling si Zuriel Andreau sa kanya. “Wala talaga akong kailangan sayo kanina. Alibi ko lang ang pangungumusta ko sa kondisyon ni daddy. Gusto ko talagang ilayo ka kay Doc. Drake. Masaya ka na?”
Ngingiti na ba siya? Ah hindi. Hindi pa. Kailangan muna niyang marinig mula sa bibig nito ang napakagandang dahilan ng ginawa nitong iyon. She was sure it will sounds great to her ears.
“And why did you do that?”
Pinag-iisipan pa ni Chantal ang magiging napakaganda niyang reaksyon sa magiging pagtatapat ni Zuriel Andreau subalit hindi naman ganoon ang nangyari. Hindi ang kanyang inaasahan ang kanyang narinig.
“I was just concerned. Concerned lang ako sayo. Ikaw kasi itong tipo ng babae na basta nalang ipinangangalandakan ang sarili sa taong nagugustuhan mo. Ayoko lang na abusuhin ka ng iba. Maigi sana kung katulad ko na immune sa pangti-trip mo. Paano kung may biglang pumatol sa mga trip mong mang-flirt ng mga lalaki?”
“Trip?!”
Nabingi yata siya. Tama ba ang narinig niya? Mukhang tama nga dahil mabilis na umakyat ang dugo niya sa kanyang ulo sa labis na pagkairita.
My God!
Trip lang talaga ang tingin nito sa mga pinaggagagawa niyang pagpapansin rito? Paano ba niya ito papapaniwalain na totoo ang mga lumalabas sa bibig niya? Totoo ang damdamin at atensyon na ibinibigay niya rito!
“You know what, Zuriel Andreau? Nakakapagod ka na.” Ibinaba ni Chantal ang sariling kutsara. Nawalan na siya ng ganang kumain. “Akala ko, mahirap ka lang yayaing makipag-date, mahirap ka din pa lang makaintindi.”
“Alright, gusto mo talaga akong maka-date? I’ll be your three months date kung mananalo ka sa dare na ito.” Narinig niyang mabilis na sansala ni Zuriel Andreau sa sinasabi niya. “Beat my dates, Yvonne.”
“Hindi lang kita gusto bilang date ko! I want you to be my boyfriend! Kapag nanalo ako sa dare na iyan, the price will be you. You’ll be my boyfriend!” Desperadang saad niya.
Kung iyon nalang ang natatanging paraan para mapasakanya si Zuriel Andreau, tatanggapin niya ang hamon nito. Sabihin man ng kahit na sino na kabaliwan na talaga ang pinaggagagawa niya’y wala na siyang pakialam. Desperada na siyang mapunta sa kanya si Zuriel Andreau. Ginawa na nga niya ang lahat. Lahat ng pagpapapansin, panliligaw at kung anu-ano pa. She even showers him with gifts and sweet nothings. Na ni hindi man lang nito pinansin maski minsan. At ngayon nga’y nagtahi-tahi pa siya ng kwento dahil sa kakailusyon niya na magseselos o nagseselos ito. Subalit lahat ng mga pinaggagagawa niya’y walang naging silbi!
Kaya ngayong nakakasilip na siya ng magandang pagkakataon ay kakagatin na niya. Kailangan niyang gawin iyon, kung gusto niyang mapasakanya pa ito.
“Sorry, I can’t be your boyfriend. Consistent date lamang ang mai-o-offer ko.” Malumanay na hayag ng binata.
Hindi niya mapaniwalaan ang bagay na iyon. Bakit kapag siya, kay dali nitong tumanggi? Pero hindi sa ibang babae. Ano ba ang kulang sa kanya? Ano ba ang wala sa kanya na nasa mga babaeng pumapasa sa standards nito?
“Ayaw mo talaga sa akin?” she held her breath. “You can’t be serious, Zuriel! Ano bang ayaw mo sa akin?”
“I never was serious. Kaya nga ayaw kong makipagrelasyon sayo dahil hindi ako minsan man naging seryoso. And dealing you everyday with your crazy stuffs, I knew you’ll be such a clingy girlfriend. Lahat ng mga babaeng naka-relasyon ko, alam nila ang limitations ko. So they won’t blame me when I leave them because I am satiated in what we have. I don’t think you can stand with that.”
Natigilan siya. Maski papaano ay na-process naman ng nawiwindang niyang isip ang mga sinabi nito. Kung ganoon ay hindi naman pala maituturing na masama ang reputasyon nito sa pakikipagrelasyon. May rules itong inihahayin sa mga nagiging karelasyon nito. Kaya naman pala marami pa ding mga babae ang pumapatol rito maski ganoon ang pinaggagagawa nito.
It wasn’t because of his face and charm but even how he handles his short time relationships.
“Try me. I can accept everything. Okay lang sa akin kung hindi ka seryoso. Okay lang kahit iwan mo ako kapag ayaw mo na. What important is, meron nung tayo.” Lakas-loob na hamon niya. Ngunit ang totoo ay nanlulumo na siya sa itinatakbo ng usapan nila.
And why the hell did she let herself gets into that kind of conversation? Why did she still insist to have that kind of relationship? Kung relasyon pa nga bang maituturing iyon?
“Hindi pwede.” Anito.
“Hindi pwede? B-Bakit?” naguguluhang tanong niya.
“I have my own reasons. Hindi ko obligasyong ipaliwanag sayo.” Nag-iwas ito ng paningin. Nanahimik naman siya.
“Now, did you still want to push our dare?”
Wala sa loob na tumango si Chantal. Baliw na nga yata siyang talaga. Maski alam niyang napakahirap ng kasusuungan niya ay nagpatuloy pa din siya.
“No feelings attached?” paninigurado nito. Tumango ulit siya maski masakit para sa kanya iyon. She already loves him but what he did was lining her to his play things. And she just let him do that damn thing to her!
Fuck!
“I’ve got ten dates in two weeks. Can you beat that?”
“Ten? Ano yan, Monday to Friday? Parang office works lang ah?” minulagaan niya ito sa pagkagulat niya.
Nagkamot sa ulo si Zuriel Andreau pero hindi naman nagpaliwanag. Napangiti na siya habang tinititigan ito. Cute naman kasi nitong tingnan sa ganoong hitsura. Maski papaano ay nakalimutan niya ang ipinagsisintir ng kanyang dibdib. Isang tingin lang niya sa binata, agad na napapawi ng gwapong mukha nito ang sakit at sama ng loob niya rito. Ganoon kalala ang saltik niya sa ulo. Maski sinasaktan na siya nito sa naging pag-uusap nila, masaya pa rin siyang kasama si Zuriel Andreau. Afterall, he is her only happiness. At siya rin naman ang pumiling saktan ang sarili. Sinabi na nga nitong no feelings attached, pero hayun siya at hindi magawang kondenahin ang sarili.
Siguro nga, ni minsan, hindi naniwala si Zuriel Andreau na totoo ang pagpapahayag niya ng damdamin para sa binata. Kaya marahil madali para rito na ilagay sa rules ang no feelings attached dahil ang buong akala nito ay magkatulad silang trip lang ang pakikipagrelasyon. Na-challenge lang sa kanya ang maka-date ito. Hinding-hindi na nga yata mangyayaring papaniwalaan pa siya nito. At wala na ding pag-asa na magkatotoo ang bagay na pinakahahangad niya. Ang mahalin siya ng lalaking mahal na mahal niya.