Nablanko ako. I mean, oo, naging close naman kami ni Nathan. Pero yung tipong close na pangbarkada lang. Hay nako.
Hindi ko tuloy alam ang irereply ko. Seryoso ba ‘tong si Nathan?
Ellie Dela Cerna: Huy wag ka ngang magjoke.
Nathan Mallari: May sinabi ba kong joke, Ellie?
Ellie Dela Cerna: Waaaah! Nata de coco naman eh! Wag ka nga.
Nathan Mallari: Eh bakit ba ganyan ka makareact? Wala naman akong gagawin sa inyo noh. Masama bang magkagusto sayo?
Caught off guard. Pero.. Nakakailang kaya! Kabarkada ng boyfriend mo, may gusto sayo? Eh.
Ellie Dela Cerna: Sabi sayo marami namang iba dyan eh. Yung hindi taken. Ge Nate, out na ko.
Hay, offline na ko. Ayoko na. Lalo lang akong nastress kay Nathan imbis na marelax ako.
Isa pa, hindi ko alam kung paano ko sasabihin yun kay Trick. Eh magkaibigan sila, ayoko naman silang mag-away. Pero, ajskljfklfa. Labo!
Kinabukasan naman pagdating ko sa room, taking-taka mga blockmates ko sa akin bakit daw parang wala ako sa mood.
"Bebe, anong nangyare? Ba’t ganyan mukha mo?" Tanong ni Ate Joyce na parang pinaka ate namin sa klase. The best yan!
"Wala ‘te, wala lang ‘to." Sagot ko naman.
"Kung wala lang yan, ba’t wala ka sa mood? Nag-away ba kayo ni Trick?"
"Hindi naman. Ahmm, pwede sa labas muna tayo, te? May sasabihin lang ako." Sabi ko at lumabas na nga muna kami ng room ni ate. Buti nga wala masyadong tao na dumadaan kaya hindi nakakaconscious.
"Oh, ano prob?" Tanong agad ni Ate Joyce.
"Eh ate, naalala mo si Nathan?"
"Oo, yung tisoy na kaibigan ni Trick? Oh, napano siya?" Tisoy talaga agad ang naalala ni Ate Joyce noh? Pano, si Nathan lang naman kasi maputi sa kanilang magkakaibigan, lahat moreno.
Kinwento ko na nga yung convo namin kagabi ni Nathan. At etong si ate Joyce, halos gusto yata siyang patayin. Di ko naman siya masisisi, pano, close din kasi si ate kay Trick. Parang nakakabata niya kasi kaming kapatid eh.
"Bebe, sabihin mo agad yan kay Trick, okay?"
"Eh ate, baka mag-away naman sila." Nag-aalangan naman kasi ako, magkaibigan din naman kasi si Trick at Nathan eh.
"At ano, kayo naman ang mag-away ni Trick? Isipin mo, bebe, ilang years na kayong magbest friend ni Trick, eh si Nathan, ga’no na ba sila katagal magkasama?" Pangongonsensya ni ate Joyce.
Nakakainis naman kasi si Nathan. Ang ayos-ayos naming mag-usap, walang ilangan. Naging kaibigan ko rin naman siya kahit papano.
After naman ng class namin dumiretso na ko sa bahay. Wala naman kasi si Trick at may kailangan pang gawin at ako naman, gusto kong magpahinga. Pagod pa rin utak at katawan ko.
Mga ilang oras din siguro akong nakatulog bago ako gisingin ni nanay para kumain na daw. Isa pa ‘to, nakokonsensya ako kasi hindi na ko nakakatulong sa gawaing bahay kay nanay. Hindi ako tamad ha, wala lang talaga kong oras.
"Nay, baka naman masyado niyong pinapagod sarili niyo ha." Sabi ko kay nanay habang kumakain.
"Ikaw talaga nak, wag mo ngang isipin yun. Basta, mag-aral ka lang dyan. Wala naman akong libangan eh kaya okay lang ako." Sagot ni nanay.
"Hmm, nay, naalala mo yung Nathan na kaibigan ni Trick?"
"Oo naman. Tinulungan ako nung batang yun magluto eh, nung tumambay kayo dito?" Sagot ni nanay na nakangiti pa.
Nako po, mukhang okay si Nathan kay nanay.
"Eh kasi nay, sabi niya.." At kinwento ko na naman ulit yung napag-usapan namin ni Nathan sa facebook kagabi. Ewan ko, gusto ko lang sigurong irelease at marinig kung anong opinion ng mga malalapit sa akin.
"Nak, hindi ka naman dapat mainis. Eh maganda lahi mo eh, anong magagawa natin?" Pagmamayabang pa ni nanay. Hay nako nay, nakatulong ha.
"Tsaka isa pa, kung gusto ka niya, wag kang paapekto. Basta linawin mo lang sa kanya na may boyfriend ka na, at mahal mo si Trick." Sabagay, tama nga naman si nanay.
"At huli, sabihin mo ang napag-usapan niyo kay Trick. Mas okay kung dalawa kayong nag-uusap hindi yung ikaw lang ang naguguluhan dyan." Sabi ni nanay at tinuloy na niya ang pagkain.
Ang sa akin naman kasi, nag-aalangan akong sabihin kay Trick kasi nga baka mag-away sila. Pero tama si ate Joyce kanina, ayokong kami naman ni Trick ang mag-away dahil dun.
Syempre, lalong tama si nanay.
Na maganda ang lahi namin.
HAHAHA, deh joke lang.
After dinner at tumambay lang ako sa sala namin na puno ng libro ko. Syempre, mabuting mag-aaral kuno eh.
*1 message received*
From: Bebs