HinovelDownload the book in the application

Chapter 2 Two

Naging okay naman si Trick dahil nakapagpahinga na siya. At syempre pa dahil inalagaan ko siya. Yabang lang eh noh.

Kung nagtataka kayo kung bakit okay lang na dito ako magstay sa kanila, sobrang tiwala lang ng mga parents at guardian naming sa isa’t isa. Pati, ang tagal rin naman naming magkaibigan bago naging more than that diba.

*knock knock*

Bumangon naman ako agad para buksan ang pinto, baka si Tita yun eh.

"Mamaaaaa!" Sigaw agad ng batang cute na cute pagbukas ko ng pinto.

"Dito ta paya natuyog, mama." Ang ibig niyang sabihin eh, dito ka pala natulog mama. Medyo bulol pa kasi ‘tong batang ‘to.

Kapatid ‘to ni Trick ha? Baka isipin niyo anak ko eh. 3 years old pa lang siya. Nung 4th year kami, saktong nagbuntis mama ni Trick at naging kami naman ni Trick. Tuloy, para kaming second parents nito. Yung iba akala talaga nila anak naming itong si Cha-Cha eh. Tinatawanan na lang namin.

"Opo, kasi po inalagaan ko si papa."Sabi ko naman sabay buhat at tinabi ko siya kay Trick.

"Papa! Gitiiiing!" Sigaw naman ng bibong si Chacha habang niyuyugyog si Trick na naalimpungatan na sa pagtulog.

"Hmm, babyyyyyy." Sabi naman ni Trick sabay stretch ng kamay at niyakap kami pareho ni Chacha.

"Oh, bakit may dwende dito?" Pang-asar ni Trick nang nagreklamo na si Chacha dahil di na daw makahinga.

"Ikaw talaga, inaasar mo na naman kapatid mo."Sabi ko kay Trick na may kasamang hampas.

"Hmp. Di tita bati, papa!" Kunwaring pacute ni Chacha. Ang cuuuute! Kaya kiniss ko tuloy siya. Sarap panggigilan.

"Hmp. Buti nga itaw may kiss galing kay mama, ato wala!" Sabi ni Trick na nagbebaby talk. Haha, ang cute din. Pero wala siyang kiss sa akin, sorry.

Ang cute nilang tignan, parehong nakapout tapos naka-cross arms. Nakaharap sila sa isa’t isa tapos ako nasa likod lang ni Chacha.

"Bebs, ako, walang kiss? Unfaaaair!" Naglalambing na sabi ni Trick.

"Para kang bata dyan, bebs. Halika na, maghilamos na tayo para kakain na tayo sa baba. Iinom ka pa ng gamot." Sabi ko kay Trick sabay ginulo yung buhok niya.

Ang totoo, ayaw ko siyang ikiss sa harap ni Chacha. Eh saka, hindi pa ko nagtotoothbrush!

"Bleeeeh!" Sabi naman ni Chacha sabay habol sa akin papuntang CR. Eh magtotoothbrush kasi ako diba. Narinig ko naman si Trick na nag-bleeeeh din kay Chacha. Talaga yun, loko-loko pero sweet eh.

"Oh okay ka na, baby?" Tanong ng moms ni Trick pagkababa namin sa dining area. Naabutan namin sila ni pops na nagsisimula ng kumain.

"Okay na moms, galing ng nurse ko eh." Sabi naman ni Trick sabay pasimpleng umakbay sa akin.

Pero ang nakakatawa, pinaghiwalay kami ni Chacha. As in literal na tinulak si Trick.

"Yika na, mama. Eat na tayo." Sabi ni Chacha at hinila na ko patabi kay moms. Si Trick naman nakakatawa lang siyang magreklamo eh, parang batang inaagawan ng laruan.

"Ano nak? Wala kang magawa noh?" Inaasar naman ni Pops si Trick. Pag talaga dito, napagtutulungan namin siya eh. Pero pag sa amin naman, sila ni nanay ang kampi lagi.

Tawanan lang naman kami habang kumakain. Namimiss ko tuloy parents ko pero buti na nga lang andito family ni Trick eh, at least may pamilya pa rin ako diba.

Hindi naman halatang madalas din ako dito sa bahay nila Trick. Pero dito kasi ako nagstay kapag lumuluwas si Lola sa province talaga niya. Kaya ayun. Pero hindi naman kami laging tabi matulog ni Trick. Si Chacha talaga ang lagi kong kasama.

Syempre, pangit rin namang tignan na magboyfriend-girlfriend pa lang kami pero magkasama na kami lagi sa iisang kwarto diba.

Kaya ang nangyayari talaga madalas eh, si Trick ang nakikisingit sa amin sa kwarto ni Chacha. Tapos pag tulog na kaming dalawa ni Chacha, lilipat siya sa kwarto niya. Pagdating naman ng umaga, kami ang manggugulo sa kanya sa kwarto niya. Odiba, ang cute.

Nagdecide kaming maglibot-libot ni Trick kasama si Chacha dahil masyado na daw kaming stress sa pag-aaral. Sus, gusto lang akong idate nito eh.

"Babyyyy, bati na tayo. Hindi ako ikikiss ni mama hangga’t di tayo bati. Pleaaaase." Paglalambing ni Trick kay Chacha after naming kumain. Syempre, kulitan na naman.

"Ayaw to papa." Pa-deadmang sabi ni Chacha.

Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin na, Engineering student na po si Trick at ako naman ay isang Biolohista. Bigaten mga course eh, noh. Pareho kaming third year, si Trick, may two years pa. Ako naman, isa na lang. Pero hindi pa sigurado kung itutuloy ko sa medicine.

"Baby, anong gusto mong gawin ni Papa para bati na tayo?" Pangungumbinsi ni Trick. Nakakatawa lang dahil sobrang talino kaya ni Chacha. Hindi nadadaan sa mga bribe yan.

"HMMM. Aytream po! Vaniya!" Bibong sagot naman ni Chacha. Icecream daw at vanilla flavour pa, choosy pa ‘tong batang ‘to.

"Tayo nga ata talaga parents nito, bebs. Pati favourite flavour ng icecream natin, yun din ang gusto." Natatawang sabi ni Trick habang inakay naman si Chacha papunta sa icecream parlor.

"Ellieeeeee!" Nahinto naman kami sa paglalakad ng bigla na lang may tumawag sa pangalan ko. Malamang, titingin ako diba.

"Kayo pa rin?! Hindi pa rin kayo break? Grabe naman yan!" Hyper talaga ’tong si Rayne kahit kelan. At hanggang ngayon gusto pa rin kaming paghiwalayin ni Trick.

"Eh bakit? Kayo ni Elmo, break na ba kayo?" Sagot ko naman na kunwari masungit.

"Ano kaaa! Going strong kaya kami!" Sigaw ni Rayne. Lakas ng volume talaga ng boses nito eh.

"WEEEEEH?" Sabay na sabi namin ni Trick. Haha, muntik na tuloy magwala si Rayne.

"Ang sama niyo!!!!!1111" Sabi ni Rayne sabay walkout tapos may pinuntahan siyang lalaki sa tapat ng isang shop.

"Kahit kelan, ang kulit talaga ni Rayne noh?" Sabi ni Trick sabay pasimpleng umakbay habang hawak pa rin si Chacha sa isang kamay.

"Nakakamiss nga rin sila eh. Halika na nga muna at bilhan mo na ng icecream ang baby natin." Sabi ko kay Trick sabay yakap sa bewang niya. Ang lagay ba naman eh siya lang ang nakakaakbay, dapat ako rin nakakachansing. Joke, haha.

"Mama, tit mo na ti papa." Bigla na lang sabi ni Chacha habang pinapanuod namin siyang ubusin yung icecream niya. Ang ibig niya palang sabihin eh, “kiss mo na si papa”.

"O narinig mo yon, bebs? Kiss mo na daw ako." Bati na kami ni baby. Sabi ni Trick sabay nilapit sa akin yung mukha niya.

Syempre kiniss ko naman.

Sa cheek!

Natawa tuloy ako sa reaction niya, reklamo sobra eh.

Ganito lang naman kami lagi ni Trick. Kunwaring away-bati , LQ pero ang totoo, naglalambingan lang kami. Nagpapacute sa isa’t isa.

"May audience, bebs. Magtiis ka." Pang-asar ko pa kay Trick.

"Humanda ka mamaya sa akin, babawi talaga ko. Hindi ka makakauwi hangga’t wala akong – asdfghjkl." Hindi na natapos ni Trick yung sinasabi niya dahil nagsmack na ko sa kanya sa lips. Ano ka ngayon.

Todo ngiti tuloy siya habang hinihintay na lang namin matapos si Chacha na mukhang wala namang pakialam sa amin habang inuubos ang icecream niya.

"Bebs.." Bulong naman bigla ni Trick.

"Hm?" Sagot ko naman na hindi tumitingin sa kanya pano pasimple niyang hinahawakan yung kamay ko sa ilalim ng table. Parang ewan lang.

"I love you." Bulong niya sa tenga ko mismo kaya nakiliti ako. Loko ‘to, sabi ng may audience eh.

Humarap naman ako sa kanya nun at nag-mouth ng “I love you too.”

Babaw lang namin diba, ganun talaga. In love eh.

"Pano po ato? Wayang I yove you?" Pacute na sabi ni Chacha sa amin sabay pout pa. Ang cute cute talaga, kaya nagkiss kami ng sabay sa kanya sa cheek at sinabihan ng “Ayabyu” tapos biglang tawanan lang.

Sana talaga infinite na ‘to.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free